Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3: Reybien

Para akong nakatingin sa blangkong papel sa pagsusubok na may maalala sa daang dinadaanan. Ngunit wala, wala akong mahagilap.

Puro malalagong puno ang dinaraanan namin. Ilang sandali pa ay may natatanaw akong bangin. Biglang kumabog ang dibdib ko kaya napahawak ako. Isipin lang kung gaano 'yon kataas ay para akong masusuka. Nakahihilo ang taas.

"Ma'am," tawag sa akin ng driver, tiningnan ko ito. "Pasensya na po, ma'am, hanggang dito na lang po ako."

Napansin ko ang pagkabalisa ng mata ng taxi driver.

"Manong, ayos lang ho ba kayo?" nag-aalala kong tanong.

"Dito na po mismo ang lokasyon na tinutukoy ng nasa papel niyo."

"Gano'n ba?"

"Opo," tipid na sagot ni Kuya. Halata ang bibig niya na tila may nais sabihin, ngunit pinipigilan niya.

"Sige, Manong. Salamat." Nginitian ko ang driver bago binuksan ang pinto sa tabi.

"Kung may malaking problema man kayo na sa tingin niyo ay hindi ninyo maso-solusyonan, magtiwala lang po kayo sa Diyos. Hindi pagpapatiwakal ang palaging solusyon," mahabang wika pa ni Manong driver nang makalabas ako.

Kunot lang ang noo ko habang tinatanaw ang papalayong taxi.

Ano bang akala ni Manong? Tatalon ako sa bangin? Hindi niya ba alam na may mansion sa lugar na ito, at doon maari ang pakay ko? Haist.

Napabuntong-hininga ako bago nagsimulang maglakad papasok sa gubat.

Para akong nasa isang palabas. 'Yong sa namali ng daang tinahak. Pakiramdam ko ay may bigla na lang na lalabas at papalakulin ako.

"Malayo pa ba?" pagod kong usal. Umupo muna ako sa tabi ng kalsada upang magpahinga.

Malilim ang daan gawa ng mga nagtataasang puno. Sa haba ng daang nasa unahan ko ay wala pa rin akong mansion na natatanaw.

Sa muling paglalakad ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Nilingon ko ang aking likuran.

Yes!

Ngunit ang magarang sasakyan ay mabilis ang patakbo. Tinakbo ko ang gitna ng kalsada ay humarang, mariing pumikit.

Oh, Diyos ko.

Napatakip ako ng tainga sa lakas ng tunog ng pag-preno.

Isang galit na lalaki ang lumabas mula sa sasakyan. "A trespasser. What the f*ck are you doing here?"

A trespasser? Seryoso ba siya? Pag-aari niya ba ang gubat na ito?

Naiinis man sa kasungitan ng lalaki ay ngumiti ako. May dumaang kakaibang emosyon sa mata ng lalaki. Nagtiim ang bagang niya.

"I'm sorry but this is the only way I know to my Husband's mansion. P'wede bang makisakay?" Matamis ang ngiting ibinigay ko sa lalaki.

Hindi malabanan ang titig niya kaya ginala ko ang tingin sa katawan niya. A man with a perfect body. Damn… who is he?

Why my heart breathing this loud?

Nakatiim ang labi niya. Ang makapal na kilay ay salubong habang nakatitig sa akin. I wonder what is on his mind.

"Pwede ba?"

"You're not," bulong niya sa sarili. "F*ck, go home. I don't let stranger riding my car."

Gosh… his voice. Malamig at malalim.

"Tumabi ka kung ayaw mong sagasaan."

Umiling ako. "Pasakayin mo 'ko, please?"

Gusto kong sabihin na siya ang tinutukoy kong asawa, ngunit parang may mali. So I have to be careful.

He is Reybien Jude Fuertez, my husband. And he is not just an ordinary person, because he's also one of the leaders of the Heartless Evil,  HE Organization. The organization that kills.

Tinakbo ko ang nakabukas na pinto, pero bago ako makapasok ay nahatak ng lalaki ang braso ko. Muntik na akong masubsob sa kalsada.

Heartless.

"If I were you, I'd rather go back than die here," he said seriously.

Bumalik siya sa sasakyan at binuhay 'yon. Sa bilis ng pagpaandar niya ay napaatras ako. Nawalan ako ng balanse na ikinasubsob ko sa semento.

The wound I got started bleeding

Kahit na kumikirot ang natamong sugat ay pinagpatuloy ko ang paglalakad. Nandito na ako kaya hindi na ako aatras. Medyo sanay na rin naman ako na magasgasan.

Napaangat ako ng tingin nang may narinig na naman akong sasakyan. This time, mula na sa unahan ko. Iba ang sasakyan na ito kaysa sa sasakyan ni Reybien. Hindi mabilis magpatakbo.

Napabuntong-hininga ako. Palabas naman ang sasakyan kaya hindi rin ako makakasakay. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang tumigil ito sa harap ko.

"Sakay na ho kayo," ani ng driver.

Napalingon ako sa likuran ko at muling ibinalik sa lalaki ang tingin.

"A-ako po ba, Kuya?"

"Opo."

"Sa mansion ang tungo ko, Kuya, hindi palabas ng gubat," sabi ko.

Mahina itong nagsalita habang nakahawak sa earpiece. "Sa mansion ko ho kayo ihahatid."

Napasinghap ako. "Talaga, Kuya?" Agad akong pumasok.

Hindi tumitigil sa pagdugo ang mga sugat ko. Kung walang nagpasakay sa'kin baka mamatay na ako roon dahil naubusan na ng dugo.

Saka ko lang naramdaman ang pagod at pananakit ng katawan. Hindi ko alam pero ang pakiramdam ko ay nasa lugar na ako ng mapagpapahingahan ko. I'm home.

Dumilim ang paningin ko at sobrang kumirot ang ulo.

"Ma'am, ayos lang ba kayo?"

Hindi ko na nasagot ang lalaki dahil tuluyan akong nawalan ng malay.

Nagising ako sa maaliwalas na silid. Ang mga sugat ko ay nagamot na. Bumaba ako sa kama. Walang binatbat ang kwarto ko sa kwartong ito. Mas malawak ito, may couch set, flat screen TV at closet.

Lumapit ako sa pinto at binuksan 'yon gamit ang kaliwa kong kamay. Tahimik ang corridor. May natanaw akong hagdan sa dulo kaya iyon ang pinuntahan ko. Tahimik ang mga nakasaradong kwarto na nalampasan ko.

"Ate," tawag ko sa naabutang katulong sa sala.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at agad na lumapit. "Gising na pala kayo."

"Saan dito ang dinning room? Nagugutom na po kasi ako, eh."

Tumango siya. "Sumunod ho kayo."

May iilang katulong pa ang abala sa trabaho nila na tumango sa akin.

Iginala ko ang tingin sa pinasukan naming dinning area. Alas syete na ng gabi.

"Nasa'n si Reybien, Ate?" tanong ko sa katulong na naghahanda ng pagkain ko.

"I'm here."

Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng malamig na boses. Papasok siya ng dinning.

"If you're hungry, serve yourself."

Iba ang tono ng mga salita niya ngayon. Mas madilim siya ngayon kaysa kanina.

"Ayos lang po, sir. May sugat po ang kamay ni ma'am at mukhang nahihirapan po siya."

"You're fired," walang pag-aalinlangang sabi ng lalaki.

Pati ako ay nanlaki ang mata sa pagkabigla. Napayuko ang katulong sa tabi ko at mahinang humihikbi, kaya napatayo na ako.

Likod ng lalaki ngayon ang nakaharap sa akin dahil nakaharap siya sa refrigerator.

"Sandali, baka p'wede pa nating pag-usapan 'to. Wala siyang ginawang mali. Ako na ang kikilos, 'wag mo na siyang sesantehin."

"At bakit kita susundin?"

"Dahil asawa mo 'ko," matigas na sabi ko.

"And so? That's a cheap reason. At kahit ano pang rason, ako pa rin ang masusunod. This is my house so I have all the rights." 

"Pero kahit na. Hindi naman tama 'yon!" Tumaas na ang boses ko.

Naiinis ako sa mga sinabi niya. Gano'n ba talaga ang turing niya sa akin noon pa?

May kinuha siyang isang bote ng alak saka ako hinarap.

"Wala kang kahit na katiting na karapatan sa bahay na 'to. Kaya kung hindi mo sasang-ayunan ang mga gusto ko, umalis ka na lang."

Hindi ako agad nakapagsalita. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Halo ang galit at sakit.

"Go get your things and leave this house. Kapag nakita pa kita rito bukas, lahat ng napupundar ng pamilya mo, mawawalang parang bula," anito, sa katabi kong katulong nakatingin.

Umikot ako upang lapitan siya at pigilan sa gustong mangyari, ngunit natigil ako sa paghakbang nang may bote ng alak ang tumalbo sa paanan ko. Nanigas ako sa kinatatayuan habang nakatingin sa nagkalat na basag na bote.

"You're living in hell again, Jimelle. Welcome back," he said, before leaving the dinning.

Pumasok ang ilang katulong. Ang iba ay nilapitan ang nasesante.

"Rosie, hayaan mo, kapag may nakita akong nangangailangan ng katulong, sasabihin ko sa'yo agad para maipagpatuloy mo ang pagpapagamot sa Kuya mo."

Napatingin ako sa kanilang. Ang ibang katulong ay sinimulanng linisan ang basag na bote ng alak.

"N-narinig niyo naman ang sinabi niya, 'di ba?" Bahagya lang silang tumango. "Rosie, I'm sorry, h-hindi ko alam na gano'n si Reybien."

Bumuntong-hininga ako.

"Po?" parang naguguluhang ani nila.

Tumango ako at malungkot na ngumiti. "Oo. Ngayong araw ko pa lang siya nakikita."

"T-talaga ho? Hindi kayo nagbibiro?" parang hindi naniniwalang ani nila.

Nakakunot-noo akong umiling.

"Eh, pa'no po 'yong picture na nakita namin sa kwarto ni sir? Picture ninyo po 'yong dalawa noong kina–"

"Rosie, pinapahatid ka na sa akin ni sir," ani ng lalaking pumasok sa dinning.

Hindi ko na natanong si Rosie sa sinasabi niya dahil nagsimula na naman itong umiyak.

"S-sandali, kakauspin ko si Reybien," sabi ko at agad na umalis.

It was my fault kaya ako na ang gagawa ng paraan. Hindi ako makapapayag na maalis siya sa trabaho nang gano'n-gano'n na lang.

May isang katulong akong nakita sa pag-akyat ko sa second floor. Tinanong ko ito kung nasaan ba ang kwarto ni Reybien, agad naman niya 'yong tinuro.

"Sige, salamat." Nginitian ko ang katulong.

Tumango naman siya.

Naglakad ako palapit sa kwarto ni Reybien. Nang tumapat na ako sa nakasarado nitong pinto ay hindi agad ako kumatok. Ilang beses akong nagpakawala ng buntong-hininga bago kumatok.

"Reybien, p'wede ba tayong mag-usap?" malakas na sabi ko saka muling kumatok.

Pero wala pa ring nagsasalita.

Ilang beses pa akong kumatok. Hinang hina na rin ang kaliwa kong kamay pero hindi ako sumuko.

"Reybien, please?"

"Ma'am!" tawag sa akin ng katulong na napagtanungan ko kanina.

"Ah… Hi."

"Ako po si China." Bgumiti siya ng malawak. "Ah, oo nga pala, ma'am. Bakit ho kayo kumakatok diyan?"

Napabuntong-hininga ako. "Hindi binubuksan ni Reybien. Gusto ko lang sana siyang makausap."

"Gano'n po ba?" Tumango ako at napasandal sa pader. "Ma'am, hindi naman po talaga riyan lalabas si sir kasi wala siya riyan."

Kunot-noo ko siyang nabalingan. "Ano? Hindi ba't itong kwarto na ito ang tinuro mo sa akin?"

"Oo nga po. Diyan ang kwarto ni sir, pero nasa study room niya po siya ngayon."

"Bakit hindi mo sinabi?" Nahilot ko ang sintido ko.

"Eh, hindi ninyo naman po kasi tinanong, eh." Ngumuso ito. Haist.

"Naroon siya ngayon sa study room niya?" Tumango siya. "Dalhin mo ako roon."

Nagpaalam na rin siyang aalis nang madala ako. Kinatok ko ang nakasaradong pinto ng silid.

"Come in," si Reybien.

Agad kong binuksan ang pinto at pumasok. Hindi siya nag-angat ng tingin sa akin. May kung ano siyang ginagawa sa nasa ibabaw ng table niya. Nakatalikod siya sa akin.

"Makikiusap ulit ako. 'Wag mong paalisin si Rosie." 

"And?" Kalmado na ang boses niya ngayon 'di 'tulad kanina.

Nanatili pa rin siyang nakatalikod at abala sa ginagawa.

"'Yon lang. Narinig ko kasing may kapatid siyang pinagagamot, kaya…" Napahinga ako ng malalim.

Pinunasan ko ang namoong pawis sa noo ko. Mas nate-tense sa pagiging kalmado niya ngayon.

Hindi siya nagsalita. Sinilip ko nang bahagya ang ginagawa niya, parang may ina-assemble siya. Hindi ko 'yon tuluyang nakita dahil bahagya siyang tumabi para maharangan 'yon.

"That's all?"

"Oo."

"The leave."

"Talaga? Hindi mo na siya sesantehin?"

"Hmm. Now leave."

Bahagya niya akong nilingon, salubong ang kilay. Kaya naman bago ko pa siya magalit ay lumabas na ako.

Bumaba ako agad at nilapitan si Rosie na bahid ang labis na lungko. Sinabi ko sa kaniya na hindi na siya aalis dahil kinausap ko na si Reybien, at napapayag ito.

"Marami pong salamat, ma'am!" Tumalon-talon pa si Rosie sa tuwa. "Akala ko hindi na magbabago ang isip ni sir."

Mabilis din akong nakatulog sa gabing 'yon dahil muli akong dinalaw ng pagod. Pagkagising ko naman ay madaling araw pa lang. Bumangon na ako agad para magluto.

Kahit na gano'n ang trato sa akin ni Reybien, hindi ko pa rin natiis na hindi siya idamay sa niluluto ko. Bilang pasasalamat na rin. Noon pa man ay marunong na akong magluto dahil tinuturuan ako ni Lola.

Kumusta na kaya si Lola roon? Hindi kami maayos nang umalis ako. Nakaramdam ako ng lungkot. Dapat ay hindi ko ginawa 'yon kay Lola.

"Totong na ang hotdog."

"Ay hotdog mo totong!" gulat kong nasabi.

Nasapo ko agad ang bibig nang makita si Reybien.

"I said your hotdog is burning," inis na nitong sinabi kaya agad kong hinarap ang pinipritong hotdog.

"Shit," mahina kong nasabi nang makitang nangingitim na ang hotdog. "Sayang..."

"Bawal rito ang nagsasayang, kaya kainin mo 'yan," ani Reybien pagkatapos ay tumungo sa ref.

Bad mood na naman siya ngayon. Bakit kagabi lang ay ang bait niya sa study room!

Lumipas na ang mahabang minuto bago pa lang ako natatapos sa pagluluto at pag-alis ng maitim sa hotdog. Itong natutong na lang ang kakainin ko, itong maayos ang kay Reybien. 'Buti na lang 'di natotong ang bacon.

Naabutan ko siya sa dinning table, nagka-kape. Hinanda ko agad ang mga niluto.

"I don't eat breakfast," aniya nang naglagay ako ng plato sa harapan niya.

"Ha? Pero–"

"I don't eat breakfast," mas maririin niyang sinabi, masama na namang nakatingin sa akin.

Wala na akong nagawa nang tumayo siya.

"Sinabi ko sa pamilya mo na narito ka. Gusto ka nilang makita kaya pagkatapos mo, magbihis ka na." Tumayo siya.

Bago pa man siya tuluyang makaalis ay hinabol ko ang t-shirt niyang puti. Tiningnan niya agad ako nang masama at tinabig ang kamay kong nakahawak sa t-shirt niya.

"What do you want?" asik niya.

"G-gusto ko lang sana na..."  Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kaniya.

"Sana ano?" naiirita na nitong wika.

"K-kung mababait ba sila. K-kung may litrato ba sila sa'yo, p'wede bang patingin?"

"Are you f*cking kidding me?"

Sunod-sunod akong umiling. "Hindi. H-hindi ko lang talaga sila maalala..."

Nagsalubong ang kilay niya at tinitingan ako nang mabuti. Napalunok ako pero hindi ko binibitawan ang tingin sa kaniya.

"You don't remember them? Seriously?"

Tanging pagtango ang sagot ko.

"Ready yourself, then. Mamaya mo malalaman," aniya at tinalikuran na ako.

Mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko.

Sobrang nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Bakit ba kasi nangyari 'yon sa akin. Ano ang dahilan bakit iyon nangyari?  Anong aksidente ang nangyari sa'kin para makalimutan ko sila?

Sana hindi magtagal ay malaman ko na.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro