Chapter 26
Chapter 26: Paghigante
Ang paningin ko ay dumidilim at lumiliwanag. Parang pinupokpok naman ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Mas sumasakit ito sa mga nalaman.
Ingat na ingat ako sa pag-drive. Kahit gumigiwang giwang ang sasakyan ay binilisan ko ang pagpapaandar. It's only now I realized that my selfishness has attacked me again. Nagawa kong paalisin si Reybien at sinabihang 'wag nang magpapakita sa amin, pero heto ako ngayon, patungo sa kaniya. Kahit malayo... makarating lang at makahingi ng tulong.
Itinaboy ko siya nang hindi inisip ang kapakanan ni Reinzel kapag wala siya. Napakalaki kong tanga! Bakit hinayaan ko uling mangyari ang pagiging selfish ko!
Matapos kunin si Cardo ng ambulansya ay umalis ako agad, naiwan ko ang cellphone ko. Pero nalaman ni Miss Tupiasan ang nangyari at siya ngayon ang kaharap ng mga pulis.
Muling nanlabo ang paningin ko, hindi sa luha, kundi sa sobrang sakit ng ulo. Pinilig ko ang ulo ko para luminaw, ngunit sa pagpilig kong 'yun ay siyang pagbunggo ko sa tabing puno.
"P-please... please..." Nabuhayan ako nang mapaandar ulit ang sasakyan. I felt something drip down my cheek along with the pain in my forehead. "K-kaya ko pa..."
Saka ko na iisipin ang dahilan ni Danrick kung bakit niya ginawa 'yun sa anak ko. Hindi naman umabot sa ilang oras ang byahe, 'tulad ng sabi ng Waze. Nang makarating ako ay agad akong nilapitan ng guard at tinutukan ng baril ang sasakyan ko. Nang lumabas ako nanlalaki ang mga mata ni Roberto. May kinausap siya sa earpiece niya, ako ay mabilis na lumakad palapit.
"Mrs. Fuertez is here." Nilampasan ko lang siya.
Muling nanubig ang mata ko. Muli kong matatapakan ang lugar na matagal ko nang kinalimutan. Binuksan ko agad ang fron door. Naabutan ko si Reybien na nasa mahabang sofa, tutok na tutok sa flat screen TV na palipat-lipat lang naman ang channel. He didn’t look at me even though I knew he knew I was here.
"R-reybien..." Nanginig ang boses ko.
"What do you need?" walang ganang sambit nito. "Didn't you say you don't want to see me anymore? What are you doing here?"
I swallowed hard the lump on my lungs. Hindi ko na kailangan pang magtagal. Baka kung ano'ng gawin nila Danrick sa anak ko at kay China.
Napahikbi ako. Ramdam ko ang kagustuhan nitong lingunin ako pero pinipigilan niya lang. Gumalaw ang panga nito.
"A-ang anak natin... K-kinuha ni Danrick..."
Mabilis siyang napalingon sa gawi ko. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang hitsura ko. Agaran siyang tumayo at malalaki ang hakbang na tinungo ako.
"Rosie! Bring here the first aid kit! Faster!" sigaw nito na sakop na sakop ang buong mansyon. "Ano'ng nangyari sa'yo?!"
His eyes were bloodshot with so much anger.
"I'm sorry f-for what I did…p-please help me. Si Reinzel, ang anak natin, Reybien…kinuha siya…”
"F*ck! Don't worry. Let me handle it. Rosie!" Dinala niya ako sa sofa.
"Nariyan na ho!"
"F*ck, Jimelle! May sakit ka?!" pigil na pigil niyang sigaw sa akin. My nose was bleeding.
Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya.
"A-ang anak natin at si C-china, Reybien. P-puntahan na natin sila..."
"Hindi ka sasama. Dito ka lang."
Sunod-sunod akong umiling. "Sasama ako!"
Napahilamos siya sa mukha. "Hindi na. Dito ka na lang!"
Umiling ako at mabilis siyang tinalikuran. Nang makalabas ay nilingon ko siya. Mura siya nang mura habang humahakbang na rin palapit sa akin dala ang first aid.
Mabilis ang ginawang pagmaneho ni Reybien, habang ako ay nililinisan ang sarili. Kanina ko pa rin siya naririnig na may kausap sa earpiece.
Hindi ko alam kung tama ba na sumama pa ako. Pero wala na akong magagawa dahil gusto kong masiguro ang kalagayan ng anak ko at ni China. Napaisip ako kung ano ang posibleng dahilan ni Danrick para gawin 'yun kina China.
Mas bumilis ang patakbo ni Reybien sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung saang lugar ang tinutungo namin.
"Dito ka lang, 'wag na 'wag kang aalis." Nakatigil na kami ngayon sa magubat, sa unahan ay sa tingin ko ay isang abandonadong gusali.
"S-sasama ako."
"No," matigas niyang sabi. "Baka mas mapahamak ka. May pinapunta ako rito para ipasundo ka. Kailangan mong madala sa ospital."
"No. Kaya ko."
"Tsk, no. Wife, ako na ang bahala sa anak natin."
Napapikit ako nang lumapit ang maimbong niyang labi sa noo ko.
"Ako na ang bahala..."
Napatango na lang ako. Nasa kaniya na ang buo kong tiwala.
"Stay here and don't go somewhere. Kahit ano'ng marinig mo sa loob, hindi ka lalabas, dito ka lang. Naiintindihan mo?"
Sunod-sunod akong tumango. Hilong-hilo na ako dumagdag pa ang halik at lapit ng mukha niya sa akin.
Napapikit ako nang lumapit siya lalo, hanggang sa maramdaman ko na ang malambot niyang labi sa labi ko.
"I love you."
Pinanood ko ang likod ni Reybien na naglalakad palapit sa abandonadong gusali. Walang ibang establishment na nakatayo sa lugar, natatangi lang ang gusaling 'yun. Puro matataas na puno at makalat na daan. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Reybien na narito sila.
Napasintido ako nang kumirot ang ulo ko. Sa kaiisip ko lalong sumasakit ang ulo ko. Hindi ko mapigilang mag-alala. Hindi ako makakuha ng sagot sa tanong na kung bakit ni Danrick nagawa 'yun.
Napapitlag ako sa kinauupuan ko nang makarinig ako ng sigaw. Ang kaninang naglalakad na Reybien ay nasa veranda na ngayon. Hindi ko alam kung paano siya doon nakaakyat. Tahimik siyang nagmamasid. Kinabahan ako nang may makita akong dalawang lalaki na malalaki ang katawan, kalalabas lang nila galing sa loob.
"Diyos ko..." mahina kong nasambit. Kinakabahan ako sa kalagayan ng dalawa sa loob.
Bahagyang nakatago ang sasakyan na ito sa mapunong bahagi, pero hindi imposible na makita ito ng dalawang lalaki kung lalapit sila.
Nahigit ko ang hininga nang sinipat ng dalawang lalaki ang sinasakyan ko. Nagsimula ang dalawa na humakbang patungo dito at bumunot ng baril. Pagtingin ko kay Reybien ay may kung ano itong nilalagay sa hawak niyang baril, bago tinutok sa dalawa. Malapit na ang dalawa dito sa sasakyan nang bigla silang bumagsak sa masukal na lupa. Napasinghap ako dahil sa gulat at halong takot.
Wala akong narinig na tunog ng pagputok. Kaya naman, nang tingnan ko si Reybien ay sinenyasan lang ako nitong huminga nang malalim, sa paraan ng paggalaw ng kamay niya sa kaniyang dibdib. Hindi ko alam kung nakikita niya ba ako o sadyang alam niyang nakatingin ako sa kaniya.
Wala ako sa sariling napatango. Hindi na ako magtataka kung pa'no niya napatumba ang dalawang lalaki kahit na napakalayo niya.
Sa bawat paglipas ng minuto ay pakabog nang pakabog ang dibdib ko. Tinubuan na ako ng takot nang mawala na sa paningin ko si Reybien. Pakiramdam ko ay may biglang susugod palapit dito sa sasakyan, at hindi 'yun magagawang pigilan ni Reybien kung sakali dahil nasa loob na siya.
"Danrick!" dinig kong sigaw ni China, galing sa loob ng gusali. Naalarma ako.
Wala akong ibang narinig pagkatapos ng sigaw na 'yun. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyayari! Gusto kong makita kung ano na ang kalagayan nila!
Nagtagis ang bagang ko nang makita si Veanzee na lumabas. May kausap ito sa cellphone, maya-maya ay tumalikod na rin ito at bumalik sa loob. Gustong-gusto kong lumabas ng sasakyan at takbuhin siya't hilahin ang buhok! Pero hindi ako puwedeng magpadalos-dalos, lalo na't nasa loob pa rin ang anak ko.
Napapitlag akong muli nang may marinig akong putok ng baril na nagmumula sa loob. Kumabog ang dibdib ko dahil wala akong narinig na sigaw ni China.
Sa labis na takot ay para bang biglang uminit ang puwet ko sa upuan. Gusto ko nang lumabas. Gusto kong sumunod kay Reybien kahit hindi ko alam kung ano na bang ginagawa niya. Hindi kaya... nakita na siya? At hindi na siya nakapanlaban pa dahil pinaputukan siya?
Natigil ako sa pag-iisip nang kumalabog ang likod ng sasakyan. Mas nangimbal ako. Pagtingin ko sa rearview ay may nakita akong tatlong lalaking malalaki ang katawan. Mga nakangisi sila habang patuloy na kinakalampag ang hulihan ng sasakyan.
"Alam naming may nasa loob! Lumabas ka na diyan!" pagkatapos ay sabay-sabay silang tumawa. Sa mga hitsura nila ay mukhang mapapahamak ako oras na bumaba ako.
Gusto ko nang maiyak nang sunod-sunod nilang kinalampag ang sasakyan. Wala rin akong nakikitang Reybien na lumabas. Napayuko ako nang makarinig ako ng pagputok ng baril, mula sa likuran. Paglingon ko ay may isang lalaking balot-balot ng itim na kasuotan. Nagbunot din ng baril ang mga lalaking kumakalampag sa sasakyan. Hindi naman nila natamaan ang lalaking naka-itim nang paputukan nila, tumago ito sa puno.
Habang wala sa akin ang atensyon ng tatlong lalaki ay napagdesisyonan kong umalis, nang hindi nila malalaman. Maingat kong binuksan ang pinto na nasa tabi ko. Sinulyapan ko ang tatlo na pare-parehong nakatago sa puno, mga nakikipagpalitan ng bala sa nag-iisang lalaki.
Nakalabas na ako. Nang isasarado ko na ang pinto ng sasakyan ay napatingin sa akin ang isa. Nanlaki ang mata ko at agad na tumakbo patungo sa unahan ng sasakyan, tinutukan ako nito ng baril. Sa side mirror tumama ang bala. Nanginig ako. Nawala sa akin ang atensyon ng lalaki nang sunod-sunod silang paputukan ng naka itim na lalaki. Hindi ako magkakamali na si Lance 'yun.
Napalingon ako sa gusali. Abala pa rin sa pakikipagpalitan ng bala ang tatlong lalaki nang sulyapan ko ulit. Kinuha kong pagkakataon 'yun upang makatakbo palayo sa kanila, palapit sa gusali.
Habang palapit sa gusali ay siyang pagbilis ng kalabog ng dibdib ko. Tumatago ako sa mga puno para walang makapansin sa akin. Napasiksik ako sa puno nang may isang grupo ng mga kalalakihan ang lumabas at tinakbo ang barilang nilisan ko. May isang kulay itim na sasakyan ang dumating, bumaba mula roon si Roberto at ilang guard sa mansiyon.
Nang makalampas ang mga kalalakihan ay tumakbo ako sa sa loob ng gusali. Mabibilis ang paghinga ko dahil sa sobrang kaba at nararamdamang takot. Nakarinig ako ng daing mula sa second floor. Halatang halata na napabayaan na ng husto ang lugar dahil sa hitsura nito. Nangingitim na halos ang pader at halata ang mga crack.
"Hindi mo ba alam na dahil sa ginawa mo ay nagkapeklat ang binti ko?!" dinig kong nanggagalaiting sabi ni Veanzee.
Narinig ko ang daing ni China. "May sebo de matcho ako sa bahay, bigyan na lang kita basta pakawalan mo na lang kami ni baby Rein!"
Tiningala ko ang second floor. Ang hagdan ay may crack na rin at umiitim na sa lumot. Wala akong makitang Reybien at Danrick, kahit ibang tao ay wala akong nakikita. Maingat ang paghakbang ko palapit sa hagdan. Bahagyang lumabo ang paningin ko kaya tumigil muna ako sa paghakbang.
"Bantayan niyong mabuti ang bata. 'Wag niyong hahayaang makawala."
"Lalo na't minamanmanan ni boss ang tatay na nagmamanman din."
Mabilis akong tumago sa likod ng hagdan nang makarinig ng usapan. Apat na lalaki ang patungo banda dito. Mukhang sa likod sila galing.
Sumiksik ako sa pader nang tumigil sila mismo sa tapat ng hagdan.
"Kasama ni Madame Veanzee sina Aljessa at Cyrene kaya ang pinto ng underground ang bantayan niyo. Pupuntahan ko lang ang nangyayari sa labas," dinig kong sinabi ng isa. Sa tingin ko ay siya ang may mataas na ranggo sa kanila.
Tumango ang tatlo at bumalik sa pinanggalingan nila. Naiwan ang isa. Tumingala ito sa taas ng hagdan nang muling sumigaw si China. Nahigit ko ang hininga nang bumaba ang tingin nito sa banda ko. Pinigilan ko ang huminga. Pinagpawisan ang noo ko dahil sa tensyon.
Mukhang hindi naman ako nito nakita. Nang makaalis siya ay saka lang ako nakahinga nag maluwag.
Matapos kong marinig ang usapan nila, napagpasyahan kong puntahan ang underground na pinag-uusapan nila. Naroon ang anak ko, at si Reybien... na mukhang minamanmanan din ni Danrick. Alam kaya 'yun ni Reybien? Kailangan ko siyang makita para sabihin ang tungkol doon.
"Siguraduhin niyong nakagapos ng maigi ang babaeng 'yan!" dinig kong utos ni Veanzee.
"Yes, Madame," sabay na sabi ng boses babae.
"Mamaya tayo magtutuos na babae ka! Babalikan kita rito, at sa pagbalik kong 'yun... Siniguraduhin kong hindi ka na sisikatan ng araw."
"Bakit? Balak mo bang itago sa bulsa mo ang araw, para hindi na sumikat? May I reminded–reminding–ay remind pala. May I remind you, hindi 'yun kakasiya sa bulsa mo!"
"Argh! Slow, b*bo, t*nga!"
"At least hindi masama!" ganting sigaw ni China.
Malakas na tunog ng sampal ang narinig ko, kasunod ay ang daing ni China. Kinabahan ako.
"Kapag nakita ko si k-kuya sir, isusumbong kita! Romeo save me!"
"Romeo mo, ikakasal na sa iba!" Natahimik ang second floor matapos ang sinabing iyon ni Veanzee.
Lalabas na sana ako pero agad akong bumalik sa pinagtataguan ko nang marinig ko ang mga yapak, pababa ng hagdan.
"Bantayan niyong mabuti ang babaeng 'yan!"
"Opo, Madame."
Tumigil si Veanzee nand makababa ng hagdan. Nagtagis ang bagang ko. Gusto ko siyang hilahin upang kami ang magtuos, pero hindi ko mahanap ang lakas ko. Sinagot niya ang tumatawag sa cellphone niya.
"Hello, love? Oo, papunta na ako. Hindi ko alam kung saan napunta ang babaeng 'yun, pero pinahahanap ko na sa ibang tauhan... Yes... Bantayan mo ang Reybien na 'yan, halimaw 'yan."
Nanatili akong tahimik sa pinagtataguan ko.
"Oo, hindi ko na patatagalin ang paghinga ng paslit na 'yan. Pagbabayarin ko ang babaeng 'yun sa ginawa niya. Yes, love... I love you too, Danrick." Pagkapatay niya sa tawag ay nagtuloy ito sa paglalakad, patungo sa pinuntahan ng tatlong lalaki.
Lumabas ako. Tiningala ko muna ang second floor bago tahimik na sumunod kay Veanzee. Wala naman sigurong gagawin ang dalawang babae na 'yun kay China. Nariyan na rin naman sila Roberto, baka maya-maya ay narito na rin sila sa loob.
Tanging tunog ng takong ng sandals ni Veanzee ang maingay. Tumago ako sa kanto nang makita ang tatlong lalaki na nakabantay sa pinto, nilapitan 'yun ni Veanzee.
Sinilip ko sila.
"Magbantay kayo ng maigi. Don't let your guard down dahil nasa paligid lang ang ama ng bata," sabi ni Veanzee sa tatlo.
"Alam namin, Ma'am. May bantay rin naman po sa loob at sa underground."
"Hindi nila makukuha ng gano'n kadali ang bata. Baka mamatay na 'yun sa asthma niya bago pa siya matagpuan," segunda ng isa at nagtawanan.
"Siguraduhin niyo," bossing na bossing na sabi ni Veanzee bago pumasok sa pinto.
Nangatog ang mga binti ko sa aking narinig. Inaatake ng hika ang anak ko... Hindi puwede. Hindi puwedeng manatili lang ako rito. Kailangan ko nang makuha ang anak ko.
Nagkuyom ang kamao ko. Sabay-sabay na napatalikod ang tatlo sa gawi ko. Pagkakataon ko na 'yun para makalapit.
Palabas na sana ako sa pinagtataguan ko nang may biglang humila sa akin pabalik. Sinandal ako nito sa pader. Kung hindi ko pa nakilala ang amoy ng hininga nito ay baka nasuntok ko na.
Kunot ang noo at salubong ang mga kilay ni Reybien.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi kong 'wag kang aalis doon?"
"May nagbabarilan doon, Reybien," pabulong ko ring sinabi.
"I know. Pero mas ligtas ka sa sasakyang 'yun dahil bulletproof at tinted 'yun..."
Hindi na ako nakipagtalo dahil naalala ko ang anak ko.
Hinawakan ko ang laylayan ng t-shirt niya na napaiibabawan ng leather jacket. "S-si Reinzel, Reybien... Inaatake ng asthma niya. Baka kung ano pa ang mangyari kung mananatili tayo rito. A-ang anak natin... m-may sakit siya sa puso, mahina ang puso niya. At baka... b-baka may mangyari sa kaniya."
Nagtagis ang bagang niya ay dumilim ang mga mata. Nagtunugan ang buto ng daliri niya sa kamay. Nanlilisik ang mga mata niya nang silipin ang tatlong lalaki.
"Mamamatay ako kung hindi ko makikita agad ang anak ko. Reybien, please... sasama ako," sabi ko agad bago niya pa maisipang iwan ako ulit.
Nag-aalinlangan man ay tumango siya. "Sa'yo 'to."
Bigay niya sa akin ng baril na may silencer. Tumango na lang ako at kinuha ang baril kahit hindi na ako nito marunong humawak. Lumabas na si Reybien sa pinagtataguan namin.
Agad niyang siniko sa likod ang dalawa. Sa pagharap naman na isa ay agad itong sinuntok ni Reybien sa leeg. Mabibilis ang galaw ni Reybien, hindi ko masundan. Lumabas ako at lumapit sa kaniya.
"Are you sure you want to go with me?" paniniguro niya. Tinanguan ko siya. "But you're sick..."
"Kaya ko..."
Hinawakan niya ang kamay ko. Marahan niyang binuksan ang pinto at sumilip doon, pagkatapos ay maingat niya ring sinara. Kalmado ang galaw niya pero ramdam ko ang pagkabahala niya sa anak namin. Naroon pa rin ang pag-aalala sa mga kilos niya.
"'Wag kang sumunod kapag hindi ko sinabi, naiintindihan mo? Sisenyasan kita."
Tumango lang ako kahit hindi siya nakatingin. Kinuha niya muna sa akin ang baril bago binuksan ang pinto. Napabaling sa kaniya ang ulo ng mga taong nasa loob, marami. Mabilis silang nagbunot ng baril pero mas mabilis si Reybien. Kaya bago pa man sila makapaputok ay naunahan na sila ni Reybien. May mga tama sila sa braso dahilan kaya nabitawan ang baril.
Napuno ng daingan ang loob dahil sa lakas ng sipa at suntok ni Reybien, pinagsasabay sa baril na hawak niya. Dinig ko ang mga lagabog sa sahig at ang tunog ng kamao at sapatos ni Reybien sa dibdib at likod ng mga sumusugod sa kaniya.
Tiningnan ko ang tatlong lalaking nakabulagta sa harapan ko. Kinuha ko ang baril na hawak ng isa at pumasok na rin. Nahihilo ako sa mga galaw nila pero ginamit ko ang lakas para matulungan si Reybien.
Binaril ko ang lalaking nakahiga na nagtutok ng baril kay Reybien, habang ginugulpi ni Reybien ng suntok ang isa. Napatingin sa akin si Reybien, sunod ay sa katabi ko. Bago pa man makalapit ang lalaking tumatakbo na pala palapit sa akin, binaril na siya ni Reybien.
Nanginig ako.
Hinubad ni Reybien ang Jacket nang maubusan ng bala ang baril niya. Ginawa niyang armas ang leather jacket niya. Pinulupot niya 'yun sa leeg ng isang sumugod sa kaniya, kasabay ng pagsipa niya sa isang tumakbo palapit sa kaniya.
Halatang-halata na ang pawis ni Reybien dahil sa white t-shirt niyang nakadikit na sa matitigas niyang dibdib, pababa sa tiyan. Ang buhok nasa noo niyang buhok ay may tumutulo na pawis. Mas nalaman kong pawis 'yun nang biglang siyang lumapit sa akin at inagaw ang baril, sunod ay nagpaputok sa likuran ko.
"Pumasok ka roon," utos niya sa mababang boses. Nginuso niya ang gitna ng sahig. "Walang nakabanatay sa bungad, doon mo'ko hintayin sa likod ng hagdan," hingal niyang sinabi.
Kahit pawisan ay nangingibabaw pa rin ang bango niya.
Sunod-sunod akong tumango. Nang may nagtangkang sumugod sa akin ay agad 'yung pinaputukan ni Reybien. Tinulungan niya ako sa pag-angat ng sahig para makapasok.
"Sa likod ng hagdan lang, Jimelle. 'Wag kang pumasok basta-basta."
Tumango ako bago sumulong. Bago ako tuluyang lumubog ay kinabig niya ang baba ko at ginawaran ng halik.
"Pangpalakas..." sabi nito bago pakawalan ang labi ko.
Tumago agad ako sa likod ng hagdan nang makababa ako. Hindi maliwanag ang lugar, pero nakikita naman kung may tao o wala. Tama si Reybien, walang taong narito, siguro nga ay nasa pinakaloob. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa taas dahil hindi ko na marinig.
Ilang minuto ang lumipas nang marinig ko ang pagtaas ng sahig, sunod ay may bumaba. Hindi ako lumabas dahil naka-itim na t-shirt ito, naka-white t-shirt naman si Reybien.
"Wife..." mahinang tawag nito. Saka lang ako lumabas. Paglapit ko ay doon ko siya nakilala dahil sa amoy. "Nagpalit ako ng itim para hindi tayo agad makita," aniya.
Tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko bago maingat na humakbang patungo sa loob. Hinila niya ako sa kanto nang may marinig kaming nagtawanan. Isang grupo ng kalalakihan ang nakabantay sa kulay itim na pinto.
Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Reybien kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa likuran ko. Nang lumingon ako ay isang lalaking naka-itim na bonet ang nakikita ko. May hawak itong baril na nakatutok... sa akin.
Pamilyar ang lalaki. Siya 'yung lalaking nakita ko noon na nakatayo sa sanga ng puno, habang nakatingin sa akin. At... 'yung lalaking hinila ako sa papalayo sa mansion noon. Ang lalaking nakalaban ni Reybien sa gubat na tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing liwanag.
"Long time no see, Dani..." si Reybien sa likuran ko. Marahan ako nitong kinabig palapit sa kaniya.
Ngumisi si... Danrick.
"Ito na siguro ang huli nating pagkikita, Rey... my best friend."
Napaawang ang bibig ko sa aking narinig. Mag-best friend sila?
"Oh, crop the 'best' kasi hindi ka naman pala naging 'best' friend," halong pait na dagdag ni Danrick.
Nang tingnan ako nito ay matalim ang pinukol niyang tingin sa akin. Hindi ko maintindihan pero ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin.
Bago ko pa tingnan si Reybien ay may humila na sa amin para magkahiwalay.
"Dalhin niyo ang dalawang 'yan sa loob!" galit na utos ni Danrick sa apat na lalaking humawak sa amin ni Reybien.
Pagtingin ko kay Reybien ay wala sa akin ang tingin nito, kundi nasa kay Danrick. Wala kaming nagawa nang marahas kaming hinila ng mga lalaki papunta sa pinto na binabantayan kanina.
Hindi na ako nakagalaw nang ipasok nila kami sa kwarto. Napaluha ako nang makita ang kalagayan ni Reinzel. Nakatali ito sa bangko, may tali ang bibig, punong-puno ng luha ang mukha. Tahimik siyang umiiyak... na mas magpapahirap sa kaniyang huminga. Sa katabi nito ay si Veanzee na malawak ang ngisi sa amin.
Nagpumiglas ako nang ihiwalay ako sa dalawa. Magkatabi si Reybien at Reinzel, samantalang ako ay narito sa kabilang dulo.
Naglakad si Veanzee palapit sa akin.
"Kumusta ka naman, Jimelle?" mapanuyang saad nito.
Tiningnan ko lang siya ng masama. Mariin niyang hinawakan ang panga ko at hinila palapit sa kaniya. Napadaing ako pero hindi 'yun malakas dahil sa naka-tape kong bibig.
"'Wag ka ng magalit, binabayaran mo lang naman ako, eh. Naalala mo 'yung nangyari sa make up room?" Hindi ako sumagot. Kinalog niya ang ulo ko na ikinadaing ko. "Simula pa lang ito ng pagbabayaran mo..." Patapon niyang binitawan ang panga ko.
Pagtingin ko sa mag-ama ko ay nakita ko ang paggalaw ng bibig ni Reybien na parang may binubulong kay Reinzel. Tumaas ang dibdib ni Reinzel at marahang bumaba. Mukhang pinakakalma ni Reybien.
"Love, you should rest na. Ako na ang bahala sa kanila."
"No, love. Hindi ako papayag na hindi ako makagante agad!" pakikipagtalo nito kay Danrick.
"But–"
Natigil ang dalawa matapos ang malakas na pagsabog na nagmula sa taas. Bahagyang yumanig ang lugar at may nag-crack sa pader na sinasandalan ni Reybien at Reinzel.
Kumabog nang husto ang dibdib ko. Pinilit kong gumalaw pero nasasaktan lang ako lalo dahil sa tali.
Napamura ang dalawa at agad kaming nilapitan. May mga nagpapaputok na rin sa labas. Hinila ako patayo ni Veanzee at tinulak sa kama. Nag-igting ang panga ni Reybien at matalim na tiningnan si Veanzee, nginisihan lang naman ito ni Veanzee.
Isa pang pagsabog ang narinig. Mas yumanig ang lugar. Bago ko pa ibalik ang tingin kay Reybien ay wala na ito sa kinauupuan niya.
"A-ack! F*ck you, Rey!" nahihirapang sigaw ni Veanzee sa likuran ko.
Bago pa ako makagalaw ay nahawakan na ni Danrick ang buhok ko. Napahiyaw ako dahil sa sakit na hatid no'n.
"'Wag mo 'kong sinusubukan, Dan," matigas na banta ni Reybien, hawak-hawak pa rin ang leeg ni Veanzee.
"Ako ang 'wag mong sinusubukan," matigas ding sabi ni Danrick. Malakas akong napadaing nang itulak ako ni Danrick. Sumakit ang braso ko sa pagkakadagan.
Agad akong dinaluhan ni Reybien at itinayo. Naging malaya ang kamay ko matapos nitong alisin ang nakatali. Tinakbo ko agad si Reinzel.
"I'll kill you, Rey..."
"I'll kill you first." Hindi ko nasundan ang galaw ni Reybien.
Agad ko nang niyakap si Reinzel na naghahabol na ng hininga. Pawisan ito katulad ng ama. Tinakbo ko ang pinto para makalabas pero bigla 'yung bumukas. May pumasok at mabilis kaming sinipa. Napahiga kami.
Parang isang galit na lion ang boses ni Reybien nang murahin ang sumipa sa amin. Sinugod siya agad ng tatlong nakaitim na pumasok. Naiiyak akong tumayo at pilit binuhat si Reinzel na kaunti na lang ay para nang lantang gulay dahil sa paghahabol ng hininga.
"H-hold on, anak..."
"Y-yes, M-ma..."
Tumakbo ako palabas habang si Reybien ay patuloy na sinasalubong ang mga sumusugod sa kaniya. May mga kilala akong naka-unipormeng guard ni Reybien sa daan, mga nakikipaglaban.
Napapasandal na ako sa pader para lang maiwasang bumagsak sa sahig, sa labis na panghihina ng mga nanginginig na binti. Nakaangat ang sahig sa taas kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.
"Kumapit ka kay Mommy..." Humigpit ang kapit ni Reinzel sa leeg ko.
Inakyat ko ang hagdan. Isasampa ko na ang kaliwa kong paa nang may kamay na pumigil doon. Napahiyaw ako. Nang tingnan ko ang humawak ay nagtayuan ang balahibo ko. Nakakatakot ang aura ni Danrick. Sinipa ko siya. Nang makawala ay agad akong sumampa. Ibaba ko na sana ang sahig ngunit napigilan 'yun ni Danrick.
Sa pag-atras ko ay natumba kami ni Reinzel. Bumukas naman ang pinto sa likuran ko.
"Ma'am!" si China. "Babay Rein ko!" Kinuha nito sa akin si Reinzel.
"China..." May dugo na umaagos sa noo nito, halatang nakipaglaban din.
Tinulungan ako nitong makatayo pero napaatras rin nang itulak ni Danrick.
"Danrick!" Kwenelyuhan ako nito upang makatayo.
"Napakalaki ng nagawa mong kasalanan sa'kin, Jimelle..." nagtatagis na bagang nitong sinabi.
"H-hindi ko alam ang pinagsasabi mo..."
"Bitiwan mo si Ma'am!" Pabato akong binitawan ni Danrick. Lalapitan na sana ako ni China ngunit agad din itong tinulak ni Danrick.
Si Reinzel ay humihingal na nakayakap kay China.
"D-danrick... p-parang awa mo na..." pagmamakaawa ko rito. Pero isang ngisi lang ang sinukli nito.
Marahan siyang humakbang palapit sa akin, ako naman ay napaatras. May baril itong binunot mula sa bulsa niya na mas ikinaputla ko.
Pamilyar ang nangyayari...
Hindi na maintindihan ni China kung ano ang gagawin niya dahil nataranta din ito nang itutok sa akin ni Danrick ang baril.
Napalunok ako at kinapa ang pader na unti-unti ko nang nasasandalan. Kung patuloy na uusbong ang galit niya sa akin, hindi magtatagal…magiging ‘sing lamig din ng pader ang katawan ko.
"Una pa lang, balak na kitang paslangin," nakatagis bagang na sinabi nito. "Pumasok pa ako sa pagiging artista para mapalapit sa'yo, para makuha ang loob mo, para mapadali ang pagpatay ko sa'yo..."
"Dan..." hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya.
"Ilang taon akong nag-effort, Jimelle. At sa ilang taong 'yun, hindi ko napapansin na ako na pala ang nahuhulog sa'yo..."
Napalunok ako nang makita ang daliri niyang nasa trigger.
"Hanggang sa dumating si Reinzel. Nagi-guilty na ako, Jimelle. Gusto ko nang tumigil dahil napamahal na rin ako kay Reinzel. Kaya kahit ayaw ko... pinilit kong lumayo na lang sa inyo. Pero hindi nangyari 'yun," naging mabagsik ang tingin nito sa akin at mas tumiim ang mga bagang. "Hindi nangyari 'yun... dahil sa ginawa mo sa magiging anak ko! Sa magiging anak sana namin ni Veanzee!"
Napamaang ako sa kaniyang sinabi. Lumalabas na ang ugat nito sa mukha sa labis na galit.
"Si Veanzee na mahal na mahal ko! Siya ang babaeng mahal ko na inagaw sa'kin ng asawa mo!" Napaiyak ako dahil sa pagsikip ng dibdib. Galit na galit siya, at naiintindihan ko ‘yon.
"Danrick, please 'wag..." Itinaas ko pa ang kamay ko sa harapan namin para patigilin siya. “I’m sorry…I didn't intend to do it. H-hindi ko alam…” pati ako ay napaiyak.
Pero mas hinigpitan lang nito ang hawak sa baril niya at umiling-iling.
"Ikaw lang ang nakikita kong kabayaran sa pagkawala ng anak ko, Jimelle."
Naglandasan ang panibagong luha ko at napapikit na lang. Pagdilat ko ay tutok na tutok na sa tiyan ko ang baril.
"D-danrick… 'wa–" Hindi natuloy ang pagsigaw ko sa mabilis kong pagbagsak, kasabay ng tunog ng baril na hawak ni Danrick, at ang paglagabog ng sahig ng underground.
Wala akong sakit na naramdaman pero alam kong patungo sa akin ang bala. Iyak ni Reinzel at paglagabog ng dalawang katawan ang nagpadilat sa akin.
"M-ma'am..."
Gulat akong napatingala. "China!" sigaw ko nang bumagsak sa akin ang katawan niya. "China!"
"You son of the f*cking devil!" sigaw ni Reybien at sinuntok ng malakas si Danrick. Pareho silang gumugulong ngayon sa sahig.
"M-ma'am..."
"C-china... China..." nag-alpasan ang luha ko nang makita ang duguan nitong dibdib.
Habol ang paghinga niya. Ang mga mata ay pumupungay.
"Reybien, si C-china!" sigaw ko. Pero nang lingunin ko ito ay abala ito sa pakikipagpalitan ng suntok at sipa kay Danrick.
Tinapik tapik ko ang pisngi ni China at pinipilit na itayo, pero hindi ko makaya ang bigat nito. May sumabog na naman mula sa labas.
"M-ma'am... S-si baby Rein."
"China, kumapit ka..."
"M-ma'am... ang p-puso ko..." Nag-alpasan ang mga luha nito. "A-ang p-puso ko, Ma'am... W-wala nang nagmamay-ari ng p-puso ko..."
"Hindi, C-china...dadalhin ka namin sa ospital!" Pati ang mga luha ko ay ayaw paawat.
Lumagabog muli sina Reybien sa sahig. Pagtingin ko ay pinaiibabawan na ni Reybien si Danrick, hawak-hawak ang magkabila nitong kamay na pilit ikinukulong sa pusas.
"F*ck you!" galit na sinigaw ni Danrick.
Binigyan siya ng isang malakas na suntok ni Reybien dahilan nang pagkawala nito ng malay.
Nanlabo ang paningin ko. Isang mabilis na yapak mula sa likod ko ang aking narinig.
"Chiazriel Nathalie!" malakas na sigaw ni Romeo.
"M-ma'am... m-mahal na mahal ko kayo..." huling sabi ni China bago nalaglag ang kamay na nakahawak sa pisngi ko.
Tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero wala na akong narinig na salita mula sa kaniya.
"China!" Napahagulhol ako.
"T*ng ina!" Agad lumuhod si Romeo sa tabi ni China, naka-pang kasal ito. Kinuha niya sa akin si China at siya ang tumapik-tapik. "T*ng ina, Ma'am, gumising ka! Na'ndito na 'ko!" Nakita ko ang pagbagsak ng luha na nagmula sa mata nito habang patuloy na inaalog-alog si China. “P*tang ina! G-gumising ka, China!”
Pero wala na rin siyang narinig na sagot mula kay China. Naalala ko ang mag-ama ko kaya napabaling ako sa kanila.
"Sh*t, anak..." Lumuhod si Reybien para buhatin si Reinzel.
Binuhat agad ni Romeo si China at mabilis ang takbo palabas. Pagtingin ko sa anak ko ay wala na itong malay sa yakap ng ama. Kumalabog ang dibdib ko. Tumayo ako kahit nanginginig ang tuhod. Mabilis na tinakbo ni Reybien si Reinzel palabas.
May ilang naka-unipormeng gwardiya ng mansion ang lumapit kay Danrick. Hindi ako nakasunod sa mabilis na pagtakbo ni Reybien dahil sa panghihina. Nag-blured ang paningin ko habang nakatingin sa likod ni Romeo at Reybien na tumatakbo palayo.
Sinubukan kong lumakad. Nakalabas ako ng gusali nang tuluyang manghina ang katawan ko. Ang pader ng gusali ang ginawa kong alalay para mapanatili akong nakatayo.
"R-rein..." Pinasok siya ni Reybien sa sadakyang si Roberto ang nasa driver's seat, at si Rosie ang sumunod na pumasok.
Narinig ko ang umiiyak na si Veanzee, dala dala ng mga naka-unipormeng lalaki, at si Danrick. Pero hindi ko na sila napagtuonan pa ng pansin dahil sa paninikip ng dibdib ko.
Napayuko ako at pinilig ang ulo para luminaw ang paningin. Sa pag-angat ko ng tingin ay doon umikot ang paligid ko. Nawalan ako ng lakas kaya hindi ko na nalabanan ang panlalambot ng binti ko.
Bago ako bumagsak sa lupa, isang matigas na braso ang sumalo sa akin.
"I got you, wife..."
"Rey..." Binuhat ako nito at agad ding tinakbo. "A-ang anak natin..."
"Shh. Rest..."
Napasubsob ako sa leeg niya. Para na akong nasa paraiso nang maamoy ko ang amoy na hinahanap hanap ko noon. Bumigat ang talukap ng mga mata ko.
"Si C-china..."
Hindi ako nakatanggap ng sagot mula sa kaniya. At sa panibagong pagpatak ng aking mga luha... tuluyan akong kinain ng kadiliman.
Hindi ko maintindihan... bakit kailangang palaging may magsasakripisyo bago natatapos ang laban.
Bakit kailangang palaging may magbuwis ng buhay...
_____________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro