Chapter 25
Chapter 25: Kinuha
Agad nagyakapan si Rosie at China, umiikot ikot habang maliliit na tumatalontalon. Nakangiti ko namang tinanguan si Roberto, sinuklian niya naman ang ngiti kong 'yun. Iniwas ko ang tingin sa nakapamulsang Reybien na palapit dito sa amin. Kay China at Rosie ko na lang tinuon ang tingin ko.
Masaya ako. Sobrang saya ko dahil sa aking nakikita. I'm thankful because nothing happened to Rosie and Roberto. They are also in look good today.
"Namiss kita, ate Rosie!"
"Ikaw din, Chi-Chi!"
"Ang laki mo na lalo..." si Rosie habang pinapasadahan ng tingin si China, mula ulo hanggang paa.
"Oo! Ikaw din, ate Rosie!"
When their attention came to me, I smiled at them sparingly. Hindi sila umimik. Nginitian lang din nila ako at bahagyang nilingon si Reybien, na ngayon ay walang emosyong nakatingin sa akin.
Napababa ang tingin ko. Hindi ko kayang salubongin ang titig niya.
"I want to see m-my son..." ani nito sa mababang boses. Napaangat ako ng tingin at tinangu-tanguan siya.
Paglingon ko sa kinauupuan ni Reinzel kanina ay wala na ito. Ang pagsara na lang ng kwarto namin ang naabutan ko. Napabuntong hininga ako at inaya na silang pumasok.
"Rein..." marahang tawag ko. Kinatok ko ang nakasaradong pinto pero walang Reinzel na sumasagot. "Ahm... Reinzel-"
"Ako na..." Pinigilan niya ang kamay kong kakatok pa sana sa pinto.
Naalarma ako sa kuryenteng hatid ng maimbong niyang palad. I sighed and stepped back, to give him space.
The three were left in the living room but the attention was on us. Pinihit ni Reybien ang siradura ng pinto, bumukas 'yun. Maingat niya 'yung tinulak para bumukas. Walang Reinzel na tumambad sa amin. Kahit sa banyo na kurtina lang ang tabing ay wala.
"Reinzel–"
"Shh..." pagpapatahimik ni Reybien sa akin.
Nagtataka ko siyang tiningnan nang paluhod siyang umupo sa kinatatayuan niya.
"I don't bite...come out." Nakatingin siya sa ilalim ng kama.
Ilalim ng kama?
Nakaawang lang ang labi ko habang nakatunganga kay Reybien at sa tinitingnan niya. Maya-maya lang ay nakita ko na roon ang ulo ni Reinzel, lumalabas mula sa ilalim ng kama. Nagsimulang uminit ang gilid ng mga mata ko nang makita ko ang namamasa nitong pisngi, at ang pagbuka ng mga braso ni Reybien.
Tumayo lang si Reinzel at tumalikod sa gawi namin.
"Ikaw ang P-papa ko?"
"Y-yes, baby.nI'm your P-papa," pumiyok ding sagot ni Reybien habang nananatiling nakabuka ang mga braso, naghihintay ng yakap ng anak.
Napatakip ako sa bibig dahil sa pagpipigil ng hikbi. Hindi ko inakalang ganito kasaya at kasakit ang mararamdaman ko. At sigurado ako na mas lamang ang saya at sakit na nararamdaman nilang mag-ama, kaysa sa nararamdaman ko.
"I-is this for real, Mama?"
"O-oo, Reinzel. I'm sorry..."
Unti-unti siyang pumihit paharap. Basag-basa na ang pisngi niya dahil sa luha. Ang tainga at mata ay namumula dahil sa kaiiyak.
"D-do you...do you still love my Mom, D-dad?"
"Reinzel–"
"Yes. I'm still in love with your Mom. Now, please...come here..."
Parang nalaglag ang puso ko dahil sa narinig na 'yun. Pilit kong hindi inintindi ang sinabi ni Reybien pero tila isang sperm cell 'yun na nagpipilit na pumasok sa utak ko.
Humarap si Reinzel at mabilis na tumakbo palapit kay Reybien. Saka ko lang naramdaman ang sobrang ginhawa. Narinig ko ang singhutan nila China sa sala.
"Magkamukhang magkamukha nga, Chi-chi…"
Mahigpit ang pagkakayakap ni Reinzel sa leeg ni Reybien, nakasiksik ang mukha sa leeg.
"I-I love you too, D-dad..."
"I love you more..."
Tinuyo ko ang mukha ko kahit patuloy pa rin sa pagbagsakan ang mga luha dahil sa nakikita. Tumayo na rin si Reybien, karakarga pa rin si Reinzel. Tumalikod na ako sa kanila at naglakad patungo sa kusina para magluto. May bago kaming kapit bahay at narito sila ngayon sa bahay ko.
Gusto kong matapos agad sa ginagawa pero hindi ko mapabilis ang galaw ko. Nagkakasiyahan na sila China sa sala. Naririnig ko na rin ang masayang boses ni Reinzel na may kung anong kinukuwento sa kanila. Nilapitan na rin ako ni Rosie para tulungan, pero pinabalik ko rin siya sa sala.
Gusto ko munang mapag-isa para makapag-isip. Kung ano ba ang gagawin ko sa mga susunod na mangyayari. Kung ano na ang mangyayari sa amin bukas at sa mga susunod pang mga araw. At 'yung sinabi niya na in love pa rin siya sa akin? Hindi 'yan totoo.
"Totoo 'yun..." Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses mula sa likuran ko.
Nabitawan ko ang hawak kong sandok para maharap si Reybien. Nakapamulsa itong nakasandal ang balikat sa door frame habang naka-cross ang binti nito.
"A-ano..." Hindi ako makahanap ng salita.
Umalis siya sa pagkakasandal sa door frame at naglakad palapit sa akin. Napadasig naman ako para hindi kami magtama.
"Tss." Kinuha niya ang nabitawan kong sandok at siya na ang nagpatuloy sa paghalo ng niluto kong adobo.
Inamoy niya ang usok. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Parang nawalan ako ng confidence na ipakain sa kanila ang adobo. Baka hindi niya magustuhan ang lasa. Nahigit ko ang hininga ko nang kumuha siya ng kaunti at hinihipan 'yun, nang hindi inaalis ang tingin sa akin! Hindi ko pa naman nalalasahan kung may kulang o sobra sa adobo!
Napalunok ako nang pumikit pa ito habang tinitikman ang sabaw. My forehead sweated as his forehead wrinkled. It's like I'm in a competition at this time. Ho!
"H-how was it?" I asked nervously.
"Why didn't you tell him?" sagot niya imbes na sagutin ang tinanong ko.
Pinatay niya ang apoy at kumuha ng mangkok.
"Why didn't you tell him about my existence?" muling tanong niya nang hindi ako agad nakapagsalita.
Nag-iwas ako ng tingin. "Dahil, h-hindi niya naman tinatanong..."
"D*mn, very good reason."
Sunod na kinuha niya ay kutsara. Kumilos na rin ako para ilagay sa bandihado ang niluto.
"Reinzel," tawag niya sa anak. Napatingin ako sa kaniya nang bahagya. Tinaasan niya lang ako ng isang kilay bago nilingon ang pinanggagalingan ng mga yapak ni Reinzel.
"Yes, Dad?"
"Mommy cooked adobo. Taste it." He handed the spoon to Reinzel.
I was just looking at the two of them. Hindi ko na pala kailangan pumunta sa kung saan para makakita ng magandang view. Dahil dito pa lang ay may maganda ng view.
"Sobrang sarap, right?" nakangiting tinanong ni Reybien kay Reinzel, matapos tikman ng anak ang pinatitikim niya.
Sunod-sunod na tumango si Reinzel. "Yes, Dad. Masarap talaga si Mama magluto. The best siya sa lahat."
"Reinzel," suway ko, tinubuan ako ng hiya sa sinabi niya.
"Why? Totoo naman..." paggatong ni Reybien, nilingon pa ako. Pasimple ko na lang siyang inismiran at binalingan na uli ang ginagawa.
Pinagsaluhan namin ang mga niluto ko nang matapos. Tinulungan ako ni Reybien kahit sinasabihan ko na siya na kaya ko naman. Hindi siya nagpatinag kaya hinayaan ko na lang.
"I miss your cookies," pasimple niya pa 'yong binulong sa akin bago dalahin sa lamesa ang mga niluto.
China went with Rosie when they returned to the relocated house. Napag-alaman ko rin na hindi naman talaga sila ang mananatili sa bahay, kun 'di si Reybien lang. Sumama lang sila para tumulong sa pag-aayos ng gamit at para na rin makita kami. Ako ay naiwan dito sa kusina para mag-ayos. Ang mag-ama naman ay nasa sala, may kung anong ginagawa.
While drying my wet hands on a clean towel, my cellphone rang. Nilapitan ko 'yun sa ibabaw ng divider. Nasulyapan ko pa sila Reybien sa sala. Nakatingin pala sa akin si Reybien, siguro ay narinig din ang pagtunog ng cellphone ko.
Sinagot ko ang tumatawag. Si Danrick. Bumalik ako sa kusina para makaiwas sa nanunuring tingin ni Reybien.
"Hello, Danrick?"
"Jimelle, nakita ko si Reybien na nariyan."
"Oo. Actually, hindi lang naman siya, kasama rin 'yung katiwalang dalawa," banayad kong sabi.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "C-can we...meet? I promise, hindi about sa pagpapalayo ko sa'yo kay Reybien ang pag-uusapan natin..."
"Sure, sure," pagpayag ko. "Kailan ba?"
"Puwedeng ngayong araw na?" tila nabuhayan niyang sabi.
Tiningnan ko ang oras, maaga pa naman. Wala rin akong ibang gagawin. At mukhang mas mabuti nga na iwan ko muna ang mag-ama para mas magkalapit ang loob nila.
"Sige, just text me the location, pupunta ako."
"Great!"
Pagkaputol ng tawag ay ilang sandali lang nang dumating ang mensahe ni Danrick, na ang laman ay ang restaurant na pagkikitaan namin.
"Who's that?"
"Danrick," matipid kong sagot. Nilampasan ko siya, patungo sa kwarto.
"And where are you going?" Pumasok din siya sa kwarto.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga damit sa cabinet ko. "Uuwi rin ako... Nandito naman si China para tingnan si Reinzel."
"I'm here. I'm asking where you're going. Makikipagkita ka sa kaniya?" mababa ang boses nito pero ramdam ang diin sa bawat salita.
"Oo."
"Jimelle, I told you so many times na layuan-"
"Pasensya na, Reybien, dahil hindi ko magagawa 'yan."
Nagsalubong ang kilay nito. "Is that so?"
"Yes, dahil, importante rin siya sa buhay ni Reinzel, sa buhay namin."
"Nandito na'ko, hindi niyo na siya kailangan."
Inilingan ko siya. "Nagkakamali ka."
Pagkakuha ko ng maayos na isusuot ay pumasok ako sa banyo para ihanger 'yun. Ihahanda ko na para hindi na ako kumalkal pa mamaya, baka matagalan lang ako.
Hindi ko na narinig na umangal si Reybien. Pagkalabas ko ng banyo ay wala na siya. Nasa sala na siya nang lumabas ako ng kwarto. Tahimik lang itong nakatingin sa anak namin. Magkasiklop ang mga kamay sa pagitan ng binti niya, parang bata.
"Dad, why are you silent?" nadinig kong tanong ni Reinzel.
Imbes na sagutin 'yun ay lumipat lang ang tingin ni Reybien sa akin. Kaya naman, napatingin din sa akin si Reinzel. Bahagyang nagsalubong ang makakapal na kilay nito, tila naguguluhan sa ibig sabihin ng Dad niya.
"Did Mama hurt you?" pabulong na tanong ni Reinzel sa ama.
Naglakad ako palapit sa kanila para kunin ang basong pinag-inuman ni Reinzel ng Milo.
"Look. I'm not stopping your Mom from meeting your Dada, pero sana naman 'wag ngayon. I'm here, ngayon na nga lang tayo nabuo... Bakit hindi na lang sa ibang araw...kapag wala ako," mababang saad nito sa anak, parang batang nagsusumbong.
Napataas ang isa kong kilay. Parang humihingi siya ng tulong sa anak. Pero kahit anong gawin nilang mag-ama, hindi nila ako mapipigilan. Danrick and I really needed to meet because I also had things I wanted to say to him.
"I will talk to Dada–"
"No need, Reinzel. Magkikita kami."
Nilingon nito ang ama matapos kong sabihin 'yun.
"Bawi na lang tayo next time, Dad," pabulong na sinabi ni Reinzel sa ama.
Nagkatitigan silang dalawa. Bahid sa istura ni Reybien na wala na talaga siyang pag-asang pigilan pa ako.
"Okay, fine. Ihahatid na lang kita at susunduin."
"Hindi na kailangan," sabi ko at iniwan na sila.
Madilim-dilim na ang labas nang napagpasyahan kong magbihis na. Sila naman ay nanatiling nakatutok sa pinanonood. Maliban kay Reybien na nahagip kong tumayo sa kinauupuan niya't sumunod sa akin.
"Hindi mo na ako mapipigilan, Reybien," pagbuntong hininga kong sinabi agad.
"Hindi kita pinipigilan. Ihahatid lang."
"Hindi na." Pumasok na ako sa banyo. Maayos naman ang kurtina kaya naghubad na ako.
Paglabas ko ay nakaupo siya sa tabi ng kama. Mukhang malalim ang iniisip dahil kahit dumaan ako sa harapan nito para kunin ang flat sandals ko ay hindi siya nagmalay.
"Aalis na ako." Saka lang siya napatingin sa akin. Tumayo siya. Nakapang-doraemon na ternuhan na rin ito, ‘tulad ni Reinzel. Iniwas ko ang tingin sa nakabukol sa harap niya.
Pinasadahan niya ako ng tingin. Sleeveless na blouse lang naman, at cream fitted pants ang ayos ko. Hinayaan ko lang din na nakalugay ang buhok ko.
Humakbang siya palapit sa akin. Nagkunwari na lang ako na inaayos ang blouse at sling bag ko. Nang naramdaman ko na ang hininga niya sa ulo ko ay pinigilan ko ang huminga. Lumapat ang malambot at maimbong niyang labi sa noo ko. Nanlalaki ang mga mata ko nang mapaangat sa kaniya ng tingin. Ginawa niya ring pagkakataon ang gulat ko para mahalikan niya pa pati pisngi ko!
"Okay..." saad niya sa mababang boses bago ako tinalikuran at nauna nang lumabas.
Pa'no nangyari 'yun?!
Si Roberto ang naghatid sa akin. Maayos naman akong nakarating sa restaurant na sinabi ni Danrick. Natanaw ko rin siya agad. Nang natanaw na niya ako ay tumayo siya para lapitan na ako.
"Mabuti nakapunta ka."
"Para kang baliw," natatawang ani ko. "Bakit hindi?"
"Akala ko galit ka pa rin dahil sa sinabi ko."
Naupo ako sa bangkong hinila niya para sa akin. Naupo na rin siya sa upuan niya, halos kasabay lang ng pagdating ng waiter.
Habang hinihintay ang pagkain ay nagkatitigan lang kami, at sabay na tumawa dahil sa awkwardness. Pagkarating ng pagkain ay kumain na kami. May napapakiramdaman akong kakaiba, hindi ko mawari kung ano.
"I'm leaving..." Natigil ako sa pagpupunas ng labi matapos niyang sabihin iyon.
"Okay, let's go."
"No, hindi rito. What I meant is... I'm leaving, aalis ako sa lugar na ito."
"'Yan ba ang gusto mong sabihin kaya mo'ko inaya na lumabas?"
Marahan siyang tumango. "Bukas na bukas, aalis na ako."
"Gusto mong ako na lang ang magsabi kay Reinzel o ikaw na lang–”
"No. Ikaw na lang ang magsabi," mabilis nitong pigil.
"Ayaw mong makita si Reinzel bago ka umalis?"
Nag-aalangan man ay napatango siya. Nahilamos niya rin ang kaniyang mukha. Nagtataka ko lang siyang tinitingnan. Bumuntong hininga siya ng malalim.
"I want to but… Kailangan ko na talaga umalis bukas na bukas. Kaya ikaw na lang ang magsabi." Iwas na iwas sa akin ang tingin niya.
Tumango na lang ako. "Sige. Magdadahilan na lang ako."
Hanggang sa ihatid niya ako sa bahay ay tahimik lang siya. Seryoso ang mukha niya, hindi nababahiran ng kahit ano. Pakiramdam ko tuloy ay hindi si Danrick ang bina-bye-an ko.
Umalis na rin sila Rosie at Roberto kinaumagahan, pabalik sa mansion. Minsan kapag namamalengke si China at naiiwan kaming tatlo nina Reybien at Reinzel ay ang mag-ama lang ang may pinagkakaabalahan. May minsan namang nararamdaman ko na gusto ni Reybien makipag-usap sa akin.
Isang araw na lang ang natitirang araw ng leave ko. Sa ilang araw kong nakikita at nakakasama si Reybien sa iisang bubong ay naiiling ako. Sa mga damit na isinusuot ko, at ang mga galaw at ayos ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng mga gano'n.
Tuluyan na ngang nakaalis si Danrick. Noong sinabi ko kay Reinzel ang tungkol doon ay nalungkot ito, pero kalaunan ay nawala na sa isip niya. Lalo na't walang araw na hindi sila magkasama ng ama niya.
"Ihahatid na kita?"
"Hindi na.”
"Are you coming home late?"
"May bibilihin lang ako saglit. Hindi ako magtatagal," sabi ko kay Reybien habang sinusuot ang flat sandals.
Ubos na ang mga ginagamit kong pang-ayos sa mukha kapag pumapasok sa trabaho. Kaya ngayong araw ay mamimili ako para hindi ako hagard bukas.
Sa mga nagdaan ding araw. Hindi ko maintindihan kung bakit tila nagiging maamo na si Reybien. Hindi niya ako pinipilit kapag ayaw ko. Sumasang ayon na lang din siya minsan kapag nararamdaman niyang hindi na niya ako mapipigilan. Mag-hapon siyang narito sa bahay, at umuuwi naman sa bahay niya sa kabila sa tuwing gabi. Minsan nasa kaniya si Reinzel, minsan naman ay nasa akin.
"Sinave ko na ang number ko sa cellphone mo."
Napatingin ako sa kaniya. "Pinakialaman mo ang cellphone ko?"
"Sinave ko lang number ko."
Pinanliitan ko siya ng mata. Tumaas lang naman ang isa niyang kilay sa akin.
"Sige. Aalis na'ko..."
Naglakad na ako palampas sa kaniya. Na-dissapoint ako nang wala akong halik na natanggap sa kaniya, hanggang sa makaalis na ako. At bakit naman ako madi-dissapoint? Hindi porket ginawa niya 'yun noong una ay gagawin niya ulit!
Matapos kong mabili ang lahat ng kailangan ko ay umalis na rin ako agad. Hindi ko alam ba't mas gusto kong makauwi na agad kaysa ang tumagal pa rito. Binilhan ko rin ng siopao si Reinzel, binilhan ko na rin si Reybien. Gano'n din si China kahit hindi ko alam kung saan ba siya pumunta, basta ang paalam niya sa akin kanina ay may pupuntahan lang siya, uuwi rin nang maaga.
Husband:
Pauwi ka na ba?
Natanggap kong text mula kay...Husband? Siguro si Reybien ang naglagay ng pangalan. Palabas na ako ngayon sa mall na binilhan ko.
Husband:
Where are you na?
Husband:
Are you almost done shopping? Do you have anyone with you? Is someone there talking to you?
His texts I do not reply to. Simula pa 'yan kanina pagkarating rating ko pa lang.
Husband:
Hey. Answer me, where na you? It's already 9:43, you are not home yet.
Saka ko lang siya ni-reply-an nang makasakay na ako sa taxi.
Husband:
Reinzel was already asleep and China was not home yet. Did you see her there?
Me:
Ang ingay mo, matulog ka na rin! Hindi ko nakita pero pauwi na rin 'yun si China.
Ten minutes lang ang lumipas bago ko 'yun nireply sa kaniya. Hindi na ako nakatanggap pa ng text kaya baka nakatulog na siya.
Pagod akong nakarating sa bahay. Siguro sa bilis ng pagkilos ko ay mabilis akong napagod. Walang nasa sofa. Kabibitang ko pa lang ng mga pinamili ko sa sofa nang muling bumukas ang pintong pinasukan ko. Umiiyak na China ang pumasok mula doon.
Nakita niya ako pero dumiretso siya sa kwarto niya. Sa pag-aalala ay sinundan ko siya nang hindi gumagawa ng ingay. Naabutan ko itong nakaupo sa lapag, patuloy pa ring umiiyak.
"China..." Nag-angat siya ng tingin sa akin. Lumapit ako at lumuhod sa harap niya. "Ano ang nangyari?" nag-aalalang tanong ko.
Sunod-sunod na bumuhos ang luha niya. Pigil ang mga hikbi.
"China, sabihin mo, ano'ng nangyari sa'yo?
"S-si…Romeo. S-sila na, Ma'am."
"Ano?"
"S-si Romeo at si Jap, Ma'am… M-magpapakasal na ho silang d-dalawa, Ma'am..." Kumawala ang malakas na hikbi sa bibig nito na agad niyang tinakpan para pigilan.
"China..."
"M-ma'am, please ho... 'W-wag niyong sasabihin kay sir ang t-tungkol dito, 'w-wag niyong s-sasabihin kay sir…" paulit-ulit niyang sabi habang umiiyak.
"Ang alin?" Sabay kaming napatingin sa pinto. Kunot ang noo ni Reybien habang nakatingin sa amin.
Sunod-sunod na kumawala ang hikbi ni China. Inalalayan ko siyang tumayo at pinaupo sa tabi ng kama.
"Tahan na." Gamit ang kumot ay pinunasan ni China ang mukha niya. Napabuntong hininga ako. "Maiwan na kita ha. Hindi ka pagagalitan ng kuya sir mo."
Binigyan ko pa ng sulyap si Reybien. Sunod-sunod lang na tumango si China.
Binigyan ko ulit ng kakaibang tingin si Reybien bago sila iniwan doon. Naiintindihan ko ang sitwasyon ni China. Hindi ko siya mapapakalma, hindi katulad ni Reybien na siyang tumayong pamilya niya.
Kinausap ko si Reinzel kinaumagahan na 'wag kulitin ang tita Chi niya dahil sa nangyari. Dating gawi kami. Ako papasok ng trabaho, sila China naman ay ang maghahatid at magbabantay kay Reinzel sa room. Si Reybien ang minsan na nagsusundo sa akin.
Pang-apat na araw ko nang pagbabalik sa trabaho. Wala namang pinagbago.
"Susunduin kita," si Reybien nang tumigil na kami sa tapat.
"Hindi na."
Napabuntong-hininga lang siya. Tinanggal ko ang pagkakakabit ng seatbelt ko. Para akong nasusunog sa init ng titig ni Reybien sa akin. Pagkaangat ko ng tingin sa kaniya ay sinalubong niya agad ng halik ang pisngi ko.
"Good luck. Ingat ka sa pag-uwi." Papasok pa nga lang.
Tumango na lang ako bago bumaba. Nang hindi ko na siya matanaw ay pumasok na ako. Pagdating ng lunch ay hindi natigil si Miko at Jen na pag-usapan ako. Hindi ko naman sila mapagtuonan na maigi dahil hindi ko mapigilang isipin ang mga nangyari sa lumipas na mga araw, na kasama si Reybien. Parang normal ang lahat, pero alam naming hindi. Hindi pa.
"Nagkakalaman ka na, girl. Baka naman ano... may second baby na."
Sabay pa silang nag-apirang dalawa. Doon nagising ang diwa sa kanila.
"Tss. Wala, 'no," sabi ko at humigop sa milk shake ko.
Nagtinginan ang dalawa at sabay na sinabing, "Hindi kami naniniwala."
Inismiran ko na lang sila. Nang matapos ang lunch break ay bumalik na kami sa trabaho. Seryoso na ulit. Sa isang oras na lumilipas, may mensahe akong natatanggap mula kay Reybien.
Husband:
Have you eaten? I cooked for our lunch. Reinzel loved it and China missed it.
Husband:
I also bought ice cream for our desserts.
Texts niya. Kating kati ako na reply-an iyon isa-isa pero pinigilan ko. Baka iba pa ang isipin niya at bigyang malisya ang pag-reply ko sa kaniya nang sunod-sunod. Kaya naman, nirereplyan ko lang siya kapag nagtatanong.
Husband:
Tapos na ba ang trabaho mo? We're watching movies.
Me:
Pauwi na.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko naisipang mag-retouch bago umuwi. Hindi ko naman ginagawa ito lalo na kapag pagod ako. Hinahayaan ko lang na hagard ako kasi pauwi na rin naman. Pero ngayon? Nakuha ko pang mag-retouch.
Pagkatago ko ng cellphone sa bag ko ay hinarap ko si Miko at Jen.
"Mauna na kayo ha. Make up room lang ako."
"Gano'n ba? Sige, baka rin sunduin ka ng asawa mo."
"Malaking sampal 'yon para sa aming mga ganitong edad na single pa rin!" segunda ni Jen.
"Tss. Sige na."
Pagkapasok ko sa make up room ay pinunasan ko agad ng wet tissue ang hagard kong mukha. May nakasalubong pa akong isang empleyado kanina, kagagaling lang din dito.
Nag-a-apply ako ng lipgloss nang pabarag na bumukas ang pinto. Sa gulat ay agad kong nilingon ang may gawa no'n.
Nangingitim ang ilalim ng mga matang matalim na nakatingin sa akin. Ang dating buhok nito na sekreto kong hinahangaan ay gulo-gulo ngayon. Nawala rin ang pagka-elegante nito. Parang gusto kong matawa na parang isang demonyo sa aking nakikita.
Ang miserableng itsura ni Veanzee ngayon.
Binalik ko sa pagkakatakip ang lip gloss ko.
"D*monyo ka, Jimelle,” nanggagalaiti niyang saad.
Doon bumangon ang galit ko. Ako pa ang tinawag niyang d*monyo? Ako pa talaga?
"Ako o ikaw?" kalmadong saad ko, kahit gustong-gusto ko na siyang lapitan at pagsasampalin.
Nagngitngitan ang mga ngipin nito, parang isang asong ulol na gusto akong kagatin.
"Ikaw!" malakas na sigaw niya. "Ikaw! Nang dahil sa'yo, muli akong inetsapwera ni Reybien!"
"Huh, kasalanan ko?"
"Oo! Bakit ka pa kasi bumalik?! Bakit ka pa nabuhay?! At bakit hindi na lang namatay ang batang dinadala mo!"
Dahil sa mga sinigaw niyang 'yun tuluyan akong nagsabog. Inilang hakbang ko ang kinatatayuan niya at matapang na nilapitan.
"Akala mo ba na sa ginawa mong 'yun, walang nasawi? Meron, Veanzee, meron," matitigas kong sinabi.
Ngumisi siya. "Pero hindi naging dahilan 'yun para tuluyan kang kinalimutan ni Reybien."
"Bakit, kasalanan ko ba na mas nahulog siya sa akin, kaysa sa'yo? Na mas minahal niya ako...kaysa sa'yo? Tanggapin mo na lang kasi na isa kang kapalit-palit!"
"How dare you!" galit niyang sigaw sa mukha ko sabay ng pagpalipad ng palad niya sa pisngi ko.
Napabaling ang mukha ko sa tabi, pero hindi 'yun nagtagal dahil hinarap ko rin siya at dinoble ang lakas ng sampal niya.
"F*ck you!" galit nitong sigaw matapos sumobsob sa lababo.
Hindi ako nakuntento. Nilapitan ko siya at sinabunutan. Humiyaw siya sa sakit ng aking ginawa, pero hindi ako natinag. Itiningala ko ang mukha niya para maayos kaming magkatinginan sa salamin.
"Let me go! F*ck you, f*ck you!"
Mas hinigpitan ko ang paghawak sa buhok niya na mas ikinahiyaw niya lalo. May luhang lumandas sa pisngi niya.
"Kung noon mahina akong lumalaban...Ibahin mo 'ko ngayon."
"Magbabayad ka!" sigaw nito at siniko ang sikmura ko.
Napadaing ako sa ginawa niya. Gusto kong maiyak sa sakit pero pinigilan ko. Dapat kong panindigan ang sinabi ko. Umakto akong hindi naapektuhan sa ginawa niya. Sinugod niya ako at tinulak sa nakasarang cubicles.
"Hindi dapat mapasayo si Reybien! Dahil unang-una, ako ang nararapat sa kaniya! Ako ang una, kaya dapat ako pa rin hanggang huli!" Pagkatapos ay hinila niya ang buhok ko.
Inabot ko rin ang buhok niya at hinila. Ilang beses ko na itong nagawa noon sa harap ng camera. Ngayon, kahit walang camera, magagawa ko pa rin.
Buong pwersa ko siyang tinulak. Sa pwersa ay nabitawan niya ako at napaatras, hanggang sa tumama ang likod niya sa lababo.
"Ah!" malakas niyang dinaing, nakahawak sa tiyan niyang mukhang nanakit.
Mabibilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko dahil sa paghahabol ng hininga.
"Ah!" muling daing niya na tila nasasaktan nga siya. Pagtingin ko sa pagitan ng binti niya ay nanlaki ang mga mata ko dahil sa dugo na nagmumula roon.
Nang tinginan ko siya pabalik sa mata ay matalim siyang nakatingin sa akin, habang luhaan.
"Mananagod ka sa ginawa mong ito. M-mananagod ka kay Reybien dahil sa ginawa mo sa magiging anak namin!"
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig matapos na marinig 'yun.
Tinatagan ko ang sarili ko at hindi ipinakita sa kaniya na apektadong apektado ako. Parang biglang nawala sa kaniya ang galit ko... Nalipat kay Reybien.
"Quits na tayo." sabi ko at tinalikuran na siya. Pagkakuha ko ng bag ko ay iniwan ko agad ang lugar
Nanginginig ang kalamnan ko dahil sa nangyari. Ang bata. Mali ang ginawa ko, maling mali! Dapat hindi ko na siya pinatulan pa! Dapat hinayaan ko na lang siya.
Hinanap ko pa ang boses ko para masabi sa driver ang bahay ko. Nanginginig ang boses ko. Hindi ko mapakalma ang sarili. Napawi ang galit ko kay Veanzee, umosbong naman kay Reybien. Nang tumigil ang taxi sa harap ng bahay namin ay agad akong bumaba pagkabayad. Pumasok agad ako ng gate.
Masaya ako na nakita na ni Reinzel ang ama niya. Pero hindi ko masisikmura ang nalaman. Hindi ni Reybien kailangang manatili sa anak ko para lang takbuhan ang isa! Hindi niya kami kailangang gawing dahilan para lang takbuhan niya ang anak nila ni Veanzee!
Marahas kong pinalis ang luhang lumandas sa mata ko. Hindi ko kailangang umiyak! Tama lang ang gagawin kong ito. Tama lang na paalisin na ngayon mismo si Reybien sa buhay namin ni Reinzel.
Pagkabukas ko sa pinto ay siya ring pag-angat ng ulo ni Reybien, mula sa pagkakahiga. Mag-isa na lang siyang nakahiga ngayon sa sala.
Bumangon siya agad at mabibilis ang hakbang na lumapit sa akin.
"I was about to fetch you!" Hindi ko siya pinatapos at agad na sinampal.
"Umalis ka na," matigas kong sabi nang bumaling sa akin ang mukha niya.
Salubong ang kilay at kunot ang noo. "W-what? What did I do?" mahinang saad nito.
"Hindi ka na namin kailangan. Umalis ka na." Gusto ko na siyang sigawan ngunit naiisip ko na baka magising sila Reinzel.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo? What's the problem?"
"Umalis ka na, umalis ka na. Hindi ka na namin kailangan." Paghihila ko sa kaniya palabas ng pinto.
"Tss." maingat niyang hinawakan ang kamay kong nakahawak sa leeg ng t-shirt niya. "What happened?"
"Umalis ka na sabi!" Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin sa kaniya ang nalaman ko. Naiisip ko pa lang parang gusto ko nang bumagsak sa panghihina.
"Ano bang ginawa ko? Wala akong ginagawa…”
"Tama na ang kasinungalingan, Reybien! Umalis ka na kung ayaw mong sumigaw ako rito at magising ang anak ko."
"Anak natin."
"Umalis ka na! Hinding-hindi ka na namin kailangan."
"Jimelle, sabihin mo sa'kin ang dahilan. Bakit? May ginawa ba ako? Sabihin mo, ano? Why are you crying? Did something happened? Tell me…"
Sa kabila ng pagiging aggressive ko, puno naman siya sa pag-aalala habang kinakalma ang sarili para makausap ako nang maayos..
Inilingan ko lang siya at muling tinulak. Tuluyan na siyang nakalabas ngayon sa bahay namin.
"Alamin mo kung ano ang nagawa mo," pinatatag ko ang boses ko para iwasan ang pumiyok. "At nakikiusap ako, Reybien…’wag ka nang magpapakita sa amin. Dahil sa gabing ito...P-pinuputol ko na ang pagiging ama mo sa a-anak ko. Hayaan mo na lang kaming m-mabuhay ng tahimik..."
"Jimelle, n-no... Wala akong ginagawa para gawin mo sa'kin 'to. Ako ang nakikiusap sa'yo...parang awa mo na sabihin mo sa'kin ang dahilan bakit mo biglang pinuputol ang pagiging ama ko sa anak ko, at ang pagiging asawa ko sa'yo."
Tuluyang nagbagsakan ang luha ko. Iniling-ilingan ko siya.
"Napapagod na'ko, Reybien."
"No, please tell me. Hindi ko susundin ang gusto mo kung hindi mo sasabihin sa'kin ang dahilan. Jimelle, napapagod na rin ako…pero mahal kita, mahal ko kayo ng anak natin kaya pilit akong lumalaban.”
Sinubukan niyang hulihin ang kamay ko pero iniwas ko 'yun. Lalo lang akong manghihina kung pakikinggan ko ang puso ko.
"Umalis ka na. Sana bukas, hindi na kita makita," pagkasabi ko ay sinarado ko agad ang pinto. Saka lang kumawala ang mga hikbi ko.
"Open the door, please...Wife, don't do this to me again..."
"Umalis ka na..." pakiusap ko sa basag na basag na boses.
"I love you."
Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa marinig ko ang pag-lock ng gate.
Umalis na siya...
Akala ko closure na lang ang kulang sa amin para masabing okay na at wala na kaming problema. Hindi ko inaasahan na mas mapapalala ang lahat.
Nakailang apply na ako ng concealer para matabunan ang eyebags ko, pero halatang-halata pa rin. Napansin din 'yun ni Reinzel at China pero hindi naman nila ako pinakialaman.
"Are you okay, Mama?" marahang tanong ni Reinzel nang pumasok sa kwarto. Handa na ako sa trabaho, nagsusuklay na lang ng buhok.
"Yes, baby..." sagot ko nang hindi siya nililingon.
"Wala si Daddy sa kabila. Nagpaalam ba siya sa'yo na aalis siya?"
"Yes, Reinzel."
"May I know kung ano ang huling sinabi niya bago siya umalis?" Natigilan ako sa tanong niyang iyon.
Nilingon ko siya. "Bakit, para ano?"
"Doon ko kasi malalaman kung: umalis siya at hindi na babalik o, umalis siya pero babalik pa rin..."
Binalik ko ang tingin sa salamin. Para sa akin hindi na mahalaga ang huling sinabi ni Reybien.
"Gano'n ba? Ibig sabihin… Hindi na babalik ang Daddy mo," sabi ko.
"Where did he go then?"
"Malayo."
"Could we go there? He is not coming anymore, e'di tayo na lang po ang pupunta sa kaniya."
"No, baby." Nasa bagong pamilya na niya siya ngayon.
Napalingon kami sa pinto nang marinig doon ang boses ni China, tinatawag ako.
"Ma'am, ang sinabi ho ni ate Rosie ay maayos daw na nakabalik si sir doon. Sinabi rin daw ni sir na mananatili muna siya doon para sa trabaho."
Hindi sinabi ni Reybien ang dahilan kaya siya bumalik. Siguro ay para kay Reinzel.
"Sige. M-mabuti naman."
Ilang araw kong hindi mahanap ang sarili. Para bang may kulang. Sa tuwing naaalala ang mga nangyari noong gabing sinugod ako ni Veanzee, nasasaktan pa rin ako. At sa pagsapit ng umaga at sa pag-uwi galing trabaho, parang may kulang sa akin. Parang may nawalang mahalagang gamit sa bahay. Pero kahit na gano'n, nagtitiis ako para sa ikabubuti nila ni Veanzee. Para sa ikabubuti naming lahat.
Um-absent ako ng byernes dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam ko. Halos umiyak pa kanina si Reinzel dahil pinilit ko siyang pumasok. Gusto niya raw akong alagaan, hindi naman ako pumayag. Kaya ayon at napapasok ko siya.
Tanghali na, uwian na ni Reinzel. Pero wala pa ring dumadating. Inaasahan ko pa naman na maaga siyang uuwi para sabay kaming kumain. Sinubukan ko ring tawagan si China, pero ipinagtaka ko na na-out of coverage area sila.
"Rosie..."
"Ma'am? Bakit ho parang nanghihina kayo? May nangyari ho ba?"
"Ah, wala 'to... Itatanong ko lang sana kung nagkausap ba kayo ni China ngayong araw?
"Po? Ah hindi po, Ma'am, eh. Bakit ho? Hindi niyo ba matawagan? Naku, baka po na-lowbatt na naman."
"Baka nga... S-sige, Rosie. Salamat."
"Sige po!"
Higit kalahating oras na naman ang lumipas, wala pa rin sila China. Kahit masakit ang ulo ay tumayo ako at nagpwesto sa pinto para tanawin ang pagdating nila. Ilang minuto na naman ang lumipas nang wala pa ring dumadating. Kumakalabog na ang dibdib ko.
"Hello, Miss Soria?" sagot ng teacher ni Reinzel.
"Hello po, good afternoon. Itatanong ko lang po sana kung nariyan pa ba ang anak ko, Miss Tupiasan?"
"Po? Kanina pa po sila uwian. Nakauwi na rin po ako, Miss Soria. Naku, sandali po at tatawag ako sa school."
"Sige, Ma'am. Salamat."
Pagkapatay ng tawag ay tumungo ako sa kusina para uminom ng tubig. Parang naubos ang lakas ko sa aking narinig. Mas kumalabog din ang dibdib ko.
Taimtim na rin akong napapadasal. Mas sumasakit ang ulo ko dahil sa labis na pagkahilo, sa kaiisip kung nasaan sila China.
Muling tumawag si Miss Tupiasan.
"Miss Soria, wala na rin daw pong estudyante sa school. Nag-report na rin po ako sa malapit na presinto." Napasentido ako. "Makakapunta ba kayo, Miss Soria? Sasamahan po kita."
"S-sige... Pupunta po ako."
Saktong pagkapatay ng tawag ay siyang pagbukas ng pinto sa sala. Makakahinga na sana ako dahil pumasok agad sa isip ko na baka sila China na 'yun. Pero nahigit ko ang hininga ko nang isang lalaking duguan ang pumasok doon.
"Oh my god, Cardo!" Mabilis ko itong tinakbo. Halos gumapang na ito papasok. "A-ano'ng nangyari? Nasaan sila China?"
Tumingin akos sa labas, wala akong China at Reinzel na nakita.
"M-ma'am..." kinakapos hiningang usal nito.
"C-cardo, sabihin mo, n-nasaan sila?"
"M-ma'am, s-si....k-kinuha ho sila sa akin."
"N-nino?! Sinong kumuha?! A-anong…anong nangyari?!”
"N-ni sir...ni sir D-danrick, Ma'am."
Natigilan ako. Pati ako ay parang nanghihina na rin habang kinukulang sa hangin.
"S-sino?" tila hindi agad naproseso ng utak ko ang pangalang binanggit niya.
"Kinuha ho sila ni...s-sir Danrick at ng isa pang b-babae…"
___________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro