Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 24

Chapter 24: Bagong Lipat



"Ma'am!" tawag ni China na mas ikinalamig ng katawan ko. 

Tuluyan akong natuod sa kinatatayuan ko. ara akong binagsakan ng isang blokeng yelo.

"Mom, let's go home. I have something to give you!" 

Wala akong narinig na kahit ano sa likuran ko pero ramdam ko na natigilan din nito. Pinilipit kong ngitian si Reinzel kahit nanginginig na ang labi ko. 

"R-really, anak?”

"Yes! And..." Nilingon niya pa si China, na ngayon ay naestatwa na rin sa kinatatayuan niya, nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa nasa likuran ko. 

Sisilipin din sana ni Reinzel ang nasa likuran ko pero agad ko na siyang pinigilan. 

"Let's go? Excited na'ko na makita 'yun!" 

Tumingala siya sa akin at tumango tango. Lumawak pa ang ngiti niya. Hinawakan ko ang mukha ni Reinzel saka yumuko. I kissed him on the cheeks. Pinanatili ko siyang nakayakap sa akin nang umayos ako sa pagkakatayo, handa nang umalis.

"Jimelle..." Napatigil ako sa sa pagtawag na iyon ni Reybien, gamit ang mababang boses. 

Hindi ko siya nilingon. Humakbang ako para magpatuloy na. Si Reinzel ay pilit lumilingon. 

"Mama, tinawag ka niya..."

"Let's go na, baby." Pagtingin ko kay China ay mukhang natauhan na ito. Lumapit na siya sa amin.

"Tara na, baby Rein. Pagod na si Mommy." Nanginig pa ang boses ni China matapos sulyapan ulit si Reybien. 

"Jimelle," lumalapit na rin si Danrick. 

Doon ko lang din napansin na natigilan din sila. Si Veanzee ay nanlalaki rin ang mata habang nakatingin kay Reinzel. 

"Let's go. Ako na ang maghahatid sa inyo–"

"Don't you dare f*cking touch my wife!" parang lion na sinigaw ni Reybien bago pa man ako mahawakan. 

Sa gulat ay napalingon ako. Malalaki ang hakbang nito habang palapit sa amin. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa takot. Galit na galit siya ngayon. 

"R-reybien please...'wag kang mag-eskandalo," pangungusap ko. 

Nilingon ko si Reinzel na nakayakap ngayon kay China, curious na nakatingin sa amin. Mukhang naintindihan naman ni Reybien ang ginawa kong paglingon kay Reinzel. Pumikit siya nang mariin at huminga nang malalim, pinakakalma ang sarili. Ginawa ni Danrick na pagkakataong 'yun para hilahin na ako paalis. Nagpahila na lamang ako para makaalis na agad. I didn’t expect that he would find out in this place.

Sumakay ako sa sasakyan nang pagbuksan kami ni Danrick. Si China ay nagpaiwan, kay Cardo daw siya sasakay. Reybien did not move from where he was standing. His dark gaze was just staring at our departing car. Saka lang ako nakahinga nang maayos nang makalayo na kami. 

"Mom, why did he call you 'wife'?" Reinzel asked in astonishment, in the backseat.

Napasulyap sa akin si Danrick pero hindi ko siya tiningnan pabalik. Sa nangyari, hindi no'n makakalimutan ang nakita ko. 

Napabuntong hininga ako. Kailangan kong sagutin ang mga tanong na ibabato ng anak ko. Sinabi ko na ito sa sarili ko noon, na oras na malaman ni Reinzel ang lahat, sasagutin ko ang mga tanong na ibabato niya. 

"He's your father," I answered.

Wala akong narinig mula sa kaniya kaya bahagya ko siyang nilingon. Sa labas na siya ngayon nakatingin, salubong ang kilay. Para bang pinoproseso niya ang sinabi ko. 

"Gusto ko nang makauwi agad..." pabulong niyang saad. Kaya naman, binilisan pa ni Danrick ang pagpapatakbo. 

Reinzel went straight to our room as soon as we entered the house. I let him. Hinarap ko si Danrick. Sa itsura nito ay nababasa ko nang hinihintay niya ang sasabihin ko tungkol sa nakita ko kanina.

"Nakita mo." 

"Sabihin mo nga sa'kin ang totoo, Danrick." 

Napabuntong hininga siya at nagpamulsa.

"Ano'ng mayroon sa inyo ni Veanzee?" tanong ko. Wala namang problema sa akin kung may nararamdaman sila sa isa't isa. Ang iniisip ko lang, ay 'yung mga sinabi ni Reybien. 

Dapat ko ba talagang layuan si Danrick?

"Jimelle, wala."

"Wala? So ano 'yung nakita ko kanina? Alam mo ang mga nangyari sa akin noon, 'di ba? Alam mong si Veanzee ang may kasalanan kaya...nalaglag ko ang kapatid ni Reinzel." Nag-ngitngitan ang ngipin ko sa sobrang galit.

"I know. I'm sorry. Umalis na lang tayo? Lumayo na lang tayo."

Nagtiim bagang ako sa sinabi niya. "Hindi ko na gagawin 'yan. Matapos ang nakita ko?”

"Pero pa'no kung niloloko ka na naman ni Reybien? Nakalimutan mo na ba na siya ang may balak na patayin ka?"

"Hindi totoo ‘yan. Sinabi niya sa'kin."

"At naniwala ka naman?" 

Natawa siya na parang hindi makapaniwala saakin. Napaiwas ako ng tingin. 

"Jimelle, luumayo na lang tayo. Ako na ang bahala sa inyo ni Reinzel."

Inilingan ko lang siya. Tama. Hindi ako dapat naniniwala na lang basta-basta sa sinasabi ng iba. Kailangan may sarili akong decision. Decision ko ang manatili. Hindi ako tatakbo...Hindi na ako magtatago. Hinding-hindi na. 

"Mabuting umuwi ka na, Danrick. Salamat sa paghatid," sabi ko at tinalikuran na siya.

Tahimik lang si Reinzel na nakahiga sa kama, hanggang sa matapos akong maligo. Hindi ko pa naririnig ang pagdating ni China. Sigurado akong nasa kay Reybien pa rin siya. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Reinzel. Gising na gising pa siya pero hindi ako tinitingnan. Naupo ako sa tabi ng kama. Napatulala ako sa labas ng bintana habnag si Reinzel ay nakatalikod sa akin. 

"Rein," usal ko nang lingunin ko siya nang bahagya. Hindi siya humarap sa akin pero sumagot siya. 

"Hmm?" 

"Galit ka ba sa'kin?" pabuntonghininga kong tanong. Hindi siya humarap at hindi na sumagot. Binalik ko ang tingin sa labas ng bintana. 

Pa'no ko ba sisimulan ang lahat sa kaniya kung ganito lang siya katahimik? Pakiramdam ko ay isang stiktong matanda ang kakausapin ko.

At kay Reybien. Pa'no ko rin ba sisimulan sa kaniya ang lahat? Pa'no ko sasabihin ng hindi mababanggit ang kakambal ni Reinzel? Pa'no kung hindi siya maniwala? 

Inaasahan ko na na mahihirapan ako na sabihin ang lahat. Mahihirapan akong magpaliwanag. Dahil kailangang simulan ko sa umpisa. Kailangang simulan sa sanhi at tapusin sa bunga. Sa pagkalunod ko sa kaiisip, hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin si Reinzel. Saka ko lang napagtanto nang hinawak niya ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay namin, sunod sa kaniya. Nakatingin lang siya sa kamay ko, na pilit niyang pinagkakasiya sa dalawa niyang kamay. 

"He's my…father?" tanong nito sa mababang boses. 

"Oo, anak. S-sorry, hindi ko agad sinabi na nagkita kaming muli," I reasoned out.

Marahan siyang tumango, sinasabing naiintindihan niya ako, pero hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin sa akin. 

"B-bakit…nawala siya atin ng ilang taon?" 

"Anak, hindi siya ang nawala…tayo ang nawala."

Sa sinabi kong 'yun umangat ang tingin niya sa akin. Namumula na ang mga mata niya, nagpipigil ng luha.

"Bakit tayo nawala?" 

"K-kasi...uhm...someone wanted to kill me. And...I thought…it was your father, but I'm wrong. He wasn't…” I confessed. Hirap na hirap ako kung pa'no sabihin sa kaniya ang totoo. 

Hirap na hirap pa rin ako na balikan ang pinagmulan ng sitwasyon namin ngayon. Sumisikip ang dibdib ko kapag inaalala ko ang mga nangyari noon. 

"Bakit niyo inakala na si Dad iyon?" he asked.

But I need to do it. I need to tell him the truth. Lahat. Kaya kahit nahihirapan ako, sinabi ko sa kaniya ang lahat, sinimulan ko pa sa pinaka-umpisa. Sa tingin ko rin ay mas mapapadali kung malalaman niya ang puno't dulo. Mas makakabuti rin 'yun para mas maintindihan niya. 

"Hanggang ngayon, Mommy, hindi niyo pa labis na kilala si Dad?"

Tumango ako. "Oo… I didn't have the chance to know him more because of what happened. Pero nasabi niya sa akin noon na…may organization sila, with your tito Denzel."

"What organization?" curious nitong tanong. 

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ko alam, Anak, eh. Basta, I saw him hold guns with so many times…” 

Hanggang ngayon, hindi ko alam kung ano ba talagang klaseng organization ang kinabibilangan ni Reybien.

"Kaya naniwala na lang din kayo sa sinabi ng iba kasi hindi niyo naman talaga lubusang kilala si Dad? Hindi katulad nila na matagal nang nakakasama si Dad." 

Tumango ako. May binunot siya sa bulsa niya. 

"I have something for you, Mommy."

Nilagay niya sa kamay ko ang isang singsing. Gawa sa metal 'yun, hindi halatang laruan lang. 

"Since you're married...wear this." Siya na ang nagsuot ng singsing sa daliri ko. "I could feel it…my father still loves you,” pabulong na usal niya.

Napatingin ako sa daliri kong may nakasuot na singsing. Ang wedding ring namin ni Reybien ay matagal ko nang hindi sinusuot. 

"Thank you, big boy."

"You're always welcome, Mommy."

Maayos kaming nakatulog sa gabing 'yun. Kahit papa'no ay gumaan ang pakiramdam ko, nabawasan ng bigat. Naiintindihan na ng anak ko. Nasa akin pa rin daw ang desisyon kung kailan o pa'no ko sila paghaharapin ng Dad niya. 

When I woke up the next morning, Reinzel was no longer beside me. I got up and got ready for work. Naabutan ko si China nang makalabas ako ng kwarto. She vigorously fixes Reinzel's hair, natatawa lang naman ito sa kaniya. When she saw me come out of the room, she said something to Reinzel before standing up and approaching me.

"Pasensya na ho, Ma'am, nag-aya ho kasi si baby Rein na daanan na kayo sa Ospital kagabi. Hindi ko na ho kayo natawagan..."

"Hayaan mo na, China."

"Ma'am, hindi ho ba kayo inaway ni baby Rein?" 

"Hindi," matipid kong sagot. Sumunod siya nang maglakad ako patungo sa kusina. 

"Si kuya sir ho, oo...Pero noong umalis ako, hindi na ho masyado."

Napatango-tango lang ako. Gustong gusto kong malaman ang pinag-usapan nila pero pinigilan ko ang sarili ko. 

"At alam niyo ba, Ma'am? Si Veanzee ho kapit na kapit kay kuya sir! Gustong-gusto ko na ho sabihin kay kuya sir ang ginawa ng babaeng 'yon sa atin, pero ho pinigilan ko ang sarili ko."

Doon ko lang itinuon ang atensyon kay China. Humakbang siya ng isa palapit sa akin. Nakapinta sa mukha nito ang labis na pagkainis at panggigigil. 

"Kasi mas mabuti ho na sa inyo mismo ni sir malaman 'yun. Kailangan kayo ang mag-usap para magkaintindihan kayo," aniya pa. 

"Oo. Pero hindi pa ngayon... may trabaho pa ako." 

"Okay ho. Aalis na ho kami ni Reinzel. 'Wag niyo rin ho na alalahanin si Reinzel, ako na ang bahala sa kaniya." 

"Sige, China. Ingat kayo.”

Hinatid ako ni Danrick sa trabaho. Nagbabaka-sakali pa rin siya na sumama kami sa kaniya, sa paglayo na sinasabi niya. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n siya kabilis mag-decision. Pero kahit na gano'n, hindi na ako sasama. Buo na ang desisyon ko. 

"I'll fetch you later."

"Hindi na. Alam kong may trabaho ka." Kahit hindi ko alam kung ano. "Magpapasundo na lang ako kay Cardo..."

Napatitig siya sa akin, pero kalaunan ay tumango na lang din. 

Pagkarating ko sa office ay nagtataka akong tiningnan nila Miko. Hindi ko na lang sila pinansin, dumiretso na lang ako sa cubicle ko. 

"Girl, anong ginagawa mo rito?" pabulong na tanong ni Miko. Focus ang lahat sa trabaho at mukhang seryoso. 

"Ha? Syempre magtatrabaho," sagot ko. 

Nagkatinginan silang dalawa ni Jen. "Hindi mo ba alam na naka-leave ka? Isang linggo kang naka-leave ngayon."

"T-talaga? Eh, hindi ako nag-request..." naguguluhan kong sabi. 

Muli silang nagkatinginan ni Jen, naguguluhan. Kauupo ko pa lang sa upuan ko nang bumukas ang pinto ng office ni Lance. Napabaling ako roon, pati sila Miko. Agad napatingin si Lance sa akin. Tumigil siya sa tapat ng table ko. Tumayo ako at bahagya siyang yinukuan. 

"Naka-leave ka ngayon, hindi ba sinabi sa'yo ng asawa mo?" 

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. May maliit na ngisi ito sa labi kahit maawtoridad itong nakatayo, gano'n din ang kaseryusuhan ng mukha. Narinig ko ang gulat na reaksyon nila Miko kaya bahagya ko silang nilingon. Nakamaang sila sa akin.

Bumuntong-hininga ako at binalingan uli si Lance. "Hindi ko alam...Puwede ba akong magtrabaho ngayon? Hindi ako magti-take ng leave," desindedo kong sabi. 

Hindi siya sumagot. Tiningnan niya lang ang wristwatch niya. "May meeting pa ako. If I were you, I better na umuwi na lang," pagkatapos niyang sabihin 'yun ay nilampasan niya na ako habang nakasunod ang secretary niya. 

Nang mawala na si Lance sa paningin ko ay saka ko na lang din kinuha ang bag para humanda nang umalis.

"Sorry, girl. May asawa ka na pala, shinip ka pa namin kay sir Lance," si Miko, mukhang hindi naman sensero sa sinabi. 

Matapos kong magpaalam sa kanila ay umalis na rin ako. Tutal nasa school pa si China at wala akong gagawin, ako na lang muna ang maggo-grocery ngayon. 

Kalalabas ko pa lang ng building nang may biglang humigit sa kamay ko. Kung hindi ko pa nakilala ang humila ay sisigaw na sana ako. 

Pinagbuksan ako ni Reybien ng pinto ng sasakyan niya nang marating namin ang parking lot, pumasok naman ako. Hindi naman siya galit, hindi katulad kahapon. Pero ramdam ko pa rin ang kadiliman. 

"Maggo-grocery ako..." mahina kong sinabi nang buhayin niya ang sasakyan.

Matiim niya lang akong sinulyapan bago tumango at sinimulan na ang pagmaneho. Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa marating namin ang supermarket. Sumama rin siya sa loob nang pumasok ako. Nabaling sa kaniya ang tingin ng iba. Kahit naka-plain white T-shirt at black jeans lang siya ay nakakahatak pa rin siya ng atensyon. Pero parang wala lang naman sa kaniya ang mga tinginan.

Kumuha siya ng cart kahit hindi ko naman siya sinabihan. Tinataasan niya lang ako ng isang kilay sa tuwing maaabutan niya akong nakatingin sa kaniya. 

Napailing ako at nagpatuloy sa pagkuha ng mga bibilhin ko. 

"Sabihan mo lang ako kung kailan ka bakante. Naka-leave ako ng isang linggo..." sabi ko nang nasa hawak na Milo ang tingin. 

"Really? Is that really what you're going to say? Puwede bang umakto naman tayo bilang mag-asawa rito?" Gulat ko siyang nalingon dahil sa sinabi niyang 'yun. 

Napaawang ang bibig ko. Ngumisi ito sa akin saka lumapit. Sa sobrang lapit ay iniwas ko ang mukha sa kaniya. May inabot siya sa likuran ko. Pagtingin ko ay ang malaking Milo, mas malaki sa hawak ko. 

"China mentioned that my son also likes Milo. So it's better if you take this one..." he said softly. He put Milo in the cart.

Tumikhim ako at ibinalik ang Milo na kinuha ko, sa kinalalagyan nito. 

Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko ba na ganito si Reybien, na hindi galit. Parang normal na normal lang ang ginagawa namin kahit hindi naman namin ito nagawa noon. Ihahanda ko na lang siguro ang sarili ko sa mga susunod na araw. 

"Ako na," singit ni Reybien nang maglabas ako ng pera pangbayad. 

"Hindi na–" Pero nakaabot na kaagad siya ng bayad. 

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-blush ng cashier nang iabot ni Reybien ang bayad sa kaniya. Napairap ako. 

"Let's go," si Reybien nang makuha na ang pinamili. Kanina ko pa napapansin ang relong suot niya. 

Ang relong binili ko sa kaniya na hindi ko naman naibigay sa kaniya. Nakalimutan ko na rin ang tungkol doon. 

Palabas na kami nang mabundol ako ng babae. Napalingon sa amin si Reybien nang dumaing kaming pareho ng babae. Nang mag-angat kami ng tingin ng babae sa isa't isa, pareho kaming natigilan. 

"Careful..." Si Reybien na binalikan pa ako kahit halata na nahihirapan siya sa dami ng dala niya. Nang sulyapan niya rin ang babaeng nakabangga ay natigilan din siya. 

“Michelle?" 

"Jimelle..." mahinang usal ni Michelle. 

"Michelle–"

"Babe!" Natigil kami at sabay-sabay na napatingin sa pinanggalingan ng boses. Isang lalaki 'yun, nakangising nakatingin sa kapatid ko. 

"Aish!" Naalarmang usal ni Michelle. Nagpabalik-balik ang tingin nito sa amin ni Reybien. "Here, my calling card. I'm gonna go, see you soon!" at mabilis itong tumakbo papasok sa pinanggalingan namin ni Reybien. 

"Excuse me. I'm sorry for my careless girlfriend," ani ng lalaki. Mabilis lang din itong nagpaalam at pumasok na rin sa loob. 

Masaya ako nang makita ko ang kapatid ko at mukhang nasa maayos na kalagayan. Pero hindi 'yun sapat para maibsan ang pagka-miss ko sa kanila, sa pamilya ko.

Tahimik naming nilisan ang lugar. Saka lang siya nagsalita nang tumigil ang sasakyan sa traffic light. 

"Speak."

"Ha?" Sinulyapan niya ako. 

"Ngayon ako bakante kaya magsalita ka na."

Huminga ako ng malalim. "Tanungin mo na lang ako." 

Umabante kami nang mag-green light. 

"What happened to your eye?" 

"Natusok ni Mommy ng karayom..." pinatatag ko ang boses ko kahit paunti-unti nang tinutusok ng mga nakaraan. "Inakala niyang ako si Brandon. Nalaman ko rin na kaya nagkakagano'n si Mommy ay dahil kay Brandon. Kinagabihan...nagising ako na tahimik ang bahay at narinig ko ang sigaw ni Mommy mula sa kwarto nila kaya tinakbo ko..."

Mabagal na ang pagabante ng sasakyan namin. 

"May time bomb na nakakabit sa kanila... At mapapatigil ko lang 'yun kung makukuha ko kay Veanzee ang remote control."

"Veanzee..." mahina niyang sambit. Umigting ang panga niya. Humigpit ang hawak niya sa manibela. He pinched his nose in irritation.

"Ang sabi ni Veanzee...Ititigil niya 'yun kung iiwan kita. Ginawa ko ang lahat kahit nananakit ang mata ko at hinang-hina, mapatigil ko lang ang bomba.”

"Why?" Napatingin ako sa kaniya. "Bakit ka pa nagpakahirap na agawin 'yun sa kaniya kung p'wede namang iwanan mo na lang ako? Bakit hindi mo na lang ako iniwan?"

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Bakit nga ba? 

"Kasi...m-mahal kita..." nakagat ko ang ibaba kong labi. 

"Hanggang ngayon ba?" tila umaasang tanong niya. Hindi ko siya sinagot. 

Pinagpatuloy ko na lang ang pagku-kuwento ko.

"Nahulog kaming dalawa mula sa taas ng hagdan. At dahil doon, at sa paggulo ni Veanzee sa isip ko...unti-unti ko nang naalala ang lahat." Tumulo ang luha ko. 

Malapit na ako sa puntong hindi ko alam kung makakaya ko bang sabihin sa kaniya ng maayos. Pero tinatagan ko ang boses ko habang pinagpapatuloy ang pagkuwento. Hindi ko napigilang hindi pumiyok nang mabanggit ang kakambal ni Reinzel. 

"N-nang dahil sa kaniya...n-nalaglag ko ang kakambal ni Reinzel..."

Bigla niyang binreak ang sasakyan. "F*ck!" I cursed angrily.

Matapang ko siyang hinarap pagkatapos. Tuluyan na kaming nakatigil ngayon sa tabi ng kalsada. "’Tapos makikita kitang kasama ang babaeng 'yon? Ako na ang lumalayo kasi sa tuwing nakikita ko siya, bumabalik ang lahat! I don't believe you na hindi mo ako sasaktan, dahil noon…sinaktan mo na ako.

Namasa ang mata niyang lumikot. "I didn't know..."

"Kasi hindi mo inalam!" Totoo. Dahil kung inalam niya 'yun, malalaman niya! "Akala ko ba magaling ka sa lahat? Ilang taon kayong magkasamang dalawa, hindi mo man lang nalaman? Ano, naniwala ka sa kung ano ang sinabi niya sa'yo? At hanggang ngayon gano'n pa rin, naniniwala ka pa rin sa kaniya?!"

"One and half year lang nang muli kaming nagkasama...Sa tingin mo magagawa ko pa 'yung alamin kung sa taon at buwang 'yun ikaw ang hinahanap ko?" 

Kunot na kunot ang noo nito habang ang kilay ay salubong na salubong dahil sa pagpipigil na umiyak. Kahit ako, pigil na pigil ang pag-iyak upang hindi pumiyok.

"Anim na taon, Reybien. N-nasaan ka noong four and a half years?" 

"Nasa kulungan..." 

Tila nawalan ng oxygen ang loob ng sasakyang matapos niyang sabihin 'yun, sa nanghihinang boses. Natigil din ang galit sa puso ko matapos na marinig 'yun. Hindi ako agad nakagalaw. Mabibilis ang pagbaba taas ng dibdib ko dahil sa paghahabol ng hininga… Samantalang siya… Hinahayaan ang mga luhang maglandas sa pisngi niya. 

"I was imprisoned for a few years, almost crazy at the thought of where you were. Kasi kahit sila Lance hindi kayo makita. Hindi nila kayo mahanap sa bangin kung saan kayo nawala… Sinabi ni Veanzee, tumalon kayo."

Mabait si Veanzee sa kanila. Kaya siguro pinaniwalaan nila agad. 

Tuluyan akong nawalan ng lakas na makapagsalita. Parang nakikita ko siya sa mga panahong nasa loob ng kulungan, parang isa ng baliw dahil sa ka-miserable-han. 

"Ngayong alam ko na ang lahat. Pagbabayarin ko ang mga magbabayad," matigas niyang sabi saka pinaandar na ang sasakyan. 

Wala nang nagsalita pa sa amin, hanggang sa tumigil kami sa mismong tapat ng bahay. Siya ang naunang bumaba, sumunod naman ako. Kinuha niya ang mga pinamili. Pagka-unlock ko ng gate ay nauna na siya ulit, gano'n din nang i-unlock ko ang pinto ng bahay. 

Wala siyang imik nang tunguhin ang kusina matapos niya itong makita. Hindi ako makagalaw nang maayos. Naiilang ako sa kaniya. Ang awkward naming pareho. 

"Gaano na kayo katagal dito?" kalmado nang tanong niya habang inililibot sa buong bahay ang tingin. Nakaramdam ako ng hiya. Hindi kalakihan ang bahay na ito. 

"Hindi pa kami nagtatagal dito," banayad kong sagot. 

Ganitong bahay lang ang kinuha ko para makamura. Pinagiipunan ko kasi ang heart donor na makukuha namin para kay Reinzel. Isa pa pala 'yun. Hindi ko pa nasasabi kay Reybien ang tungkol doon, pati 'yung pagsugod ni Aliyah kaya nagkadepirensya ang puso ni Reinzel. At iyon namang tungkol sa pagiging secretary ko ay hindi na mahalaga na malaman niya. 

Pero ano kaya kung sabihin ko na ngayon sa kaniya ang tungkol sa sakit ni Reinzel? 

Hindi. Hindi ko pa pala masasabi sa kaniya. Dahil, ang nakikita ko sa kaniya ay inaabsorb niya pa ang lahat ng nalaman niya. Baka mas maguluhan lang siya lalo, baka mas maging miserable siya at hindi makontrol ang sarili. 

Pero ano nga ba'ng dahilan ng pagkakulong niya? 

Nawala ako sa iniisip ko nang maglakad siya patungo sa nakasaradong pinto ng kwarto namin ni Reinzel. Nanlaki ang mata ko. Bago ko pa man siya mapigilan ay nabuksan na niya 'yun. 

Pakiramdam ko ay umakyat sa mukha ko ang lahat ng dugo ko. Hindi kasi maayos ang kwarto naming 'yun. Ang banyo ay kurtina lang ang nakaharang. Ang kama ay hindi gaanong kalakihan. Kakaunti lang din ang gamit sa loob no'n. 

Nakita ko ang paggalaw ng panga niya habang madiing nililibot ang tingin sa loob. Hindi siya pumasok, nasa hamba lang siya. Kitang-kita ko ang mga ugat niya sa kamay na mahigpit na nakahawak sa siradura ng pinto. 

Bago niya pa ako malingon ay hinarap ko na agad ang mga pinamili namin at inayos sa maliit naming ref. 

"You two sleep here," saad nito. Kahit hindi 'yun tanong ay ramdam kong kailangan niya ng sagot ko. 

"Oo..."

Dinig kong sinarado na niya na iyon. "Pack your things. Lilipat na kayo sa mansion."

Natigil ako sa ginagawa at hinarap siya, kunot ang noo. Blanko ang mukha nito nang harapin ako. 

"Hindi…Dito lang kami." Noo na naman niya ang nangunot ngayon, nagsalubong din ang mga kilay. 

"Pinagtatiyagaan niyo ang lugar na ito kung mayroon namang mas maayos. Nando'n na ang lahat ng kakailanganin ninyo."

Hindi pa rin ako pumayag. "Hindi porket nagkaintindihan na tayo, ibig sabihin ay magsasama na tayo...sa mansion mo." Kung saan naroon ang masasakit na ala-ala. 

Iniwas ko ang tingin sa kaniya nang dumilim iyon. Hindi ko na siya narinig pang sumagot, tunog na lang ng pag-ring ng cellphone niya. Saka ko lang siyang nilingon nang marinig ko ang yapak niya patungo sa sala. 

"I'm not available right now...yeah...buong buwan..." dinig kong sabi niya sa kausap. 

Mukhang trabaho ang pinag-uusapan. Natapos ako sa ginagawa, saktong natapos rin siya sa kausap. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang lumabas ako sa kusina. 

"Mukhang may mga trabahong naghihintay sa'yo," sambit ko nang hindi sa kaniya nakatingin. 

Ramdam ko naman ang tingin niya sa akin. Nahagip pa ng mata ko ang pagpasada ng tingin niya sa akin, mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng pagkailang, naka-black pencil skirt pa naman ako. 

Nang tingnan ko siya ay saktong tumaas na sa mata ko ang tingin niya. 

"I'll go ahead then," malamig na ani nito.

Napatango lang ako. Hindi siya agad nawala sa paningin ko, nanatili siyang nakatingin sa akin tila naghihintay ng sasabihin ko. 

Huminga siya ng malalim. "Alis na'ko..."

Tumango lang uli ako. 

"Tss.” Paismid niya akong tinalikuran. 

Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang marinig ko na ang tunog ng sasakyan niyang paalis. Sinilip ko pa siya sa bintana kung talaga bang nakaalis na siya. 

Lumipas ang araw na 'yun nang hindi naaalis sa isipan ko ang mga nalaman ko. Nakulong siya. Sa ilang beses na pumasok 'yun sa isip ko ay siya ring pagbigat ng dibdib ko. Hindi lang ako ang naging miserable sa dumaang mga taon. Hindi lang ako ang halos mabaliw sa mga iniisip. Hindi lang ako ang naghirap sa masikip na lugar. Kundi pati siya.

At ano raw ang sinabi sa kanila ni Veanzee? Tumalon kami ni China? Kumulo ang ulo ko. Makaharap ko lang talaga ang babaeng 'yun, hindi ko siya hahayaang irap irapan lang ako. Malaki na ang galit ko sa kaniya dahil sa ginawa niya, at mas nadagdagan 'yun nang magsinungaling siya ulit. 

Kaming dalawa muna ang magtutuos. 

Nagising ako sa ingay na nagmumula sa labas, ang tila naaalerto na boses ni China. Wala na na rin si Reinzel sa tabi ko. Kaya naman, nang makapaghilamos ako ay lumabas na ako. 

"Ano'ng nangyayari?" Wala akong naabutan na China sa sala, si Reinzel lang ang naroon, nakatingin sa pinto. 

Lumakad ako palapit kay Reinzel at tiningnan din ang tinitignan niya. Si China nasa labas ng nakabukas na pinto, mukhang may tinitignan sa katapat ng bahay. 

"Anong meron, Rein?"

"Good morning, Mom," mabilis niya akong hinalikan sa pisngi. "May bagong lipat sa tapat, Mama."

"Talaga?" natutuwang sambit ko. Sana ay makahalubilo namin sila agad. Mukhang mabait ang bagong lipat dahil kay China. Baka kakilala ni China. 

Tumayo ako at lumakad palapit kay China. 

"China, sino ang bagong lipat?" 

Hinarap niya ako, kumikislap ang mga natutuwang mata. 

Hindi siya sumagot. Tinuro niya lang ang bahay sa katapat namin. Nang lingunin ko 'yon ay napako ako sa kinatatayuan ko. Napaawang ang bibig ko nang makilala ko ang mga bagong lipat. 

"Ma'am!" naiiyak na sigaw ni Rosie, patakbong palapit sa gate namin. 

"Ma'am..." si Roberto. 

Nang mapatingin ako sa taong kalalabas lang ng bahay ay naiwan sa ere ang sasabihin ko. 

"Sila kuya sir ho ang bagong lipat, Ma'am!" 

__________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro