Chapter 23
Chapter 23: Mommy
"Pa'no mo nalaman ang lugar na 'to?" tanong ko kay Denzel gamit ang mababang boses.
Nilingon ko ang tatlo na nasa dining. Nasa sala kaming dalawa ngayon. Pinauna ko na ang tatlo sa dining para kausapin itong si Denzel. Napapalingon lingon din dito si Danrick.
"Hindi mo ba ako pakakainin?" Nginuso nito ang kusina kung saan nagsasalo-salo ang tatlo, may ngisi pa rin sa labi. "Come on, while Reybien hasn't been looking for me yet."
I did not move. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang sadya niya rito.
"Sige ka, kapag tumawag 'yun... Hindi ako magdadalawang isip na sabihing nandito ako oras na tanungin niya ako."
Nanlaki ang mga mata ko. Umahon ang kaba sa dibdib ko. Lalo na nang lumawak pa ang ngisi niya, tila ba natutuwa pa sa reaksyon ko. Napasinghap ako at inaya na lang siya sa kusina. Nang makapasok kami ay nahagip pa ng mata ko kung paano sila nagkatitigan ni Danrick. Matunog na ngumisi si Denzel bago iiling-iling na kumuha ng plato at nagsimula na ring kumuha ng pagkain.
Danrick approached me. I felt his gentle touch on my waist so I looked up at him.
"Can I stay one night here?" he asked in a low voice and glanced slightly at Denz. Napatingin din ako. Nakatingin ito sa pagkaing kinukuha niya pero malawak ang ngisi. Nasa amin siguro ang pandinig niya.
"May...problema ba sa condo mo?"
He sighed and removed his hand from my waist. He stepped back.
"Nothing..." He understood that he can't stay here. "I'm sorry, I just wanted to be with Reinzel all night."
"Tss. Galing um-acting..." dinig naming sinabi ni Denzel. Napatingin din siya sa amin at ngumisi kay Danrick. "'Yung artista na nabalitang nasa ospital, magaling um-acting. Makakabalik na raw ulit sa tv," aniya sabay sulyap sa amin.
Si Jane.
Tinubuan ulit ako ng guilt. That's how long she was in the hospital...because of me. Bukas na bukas, dadalawin ko siya. Hindi ko na masisikmura pa kung hindi kami maayos. Gusto ko siyang kumustahin. Miss ko na siya at gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko.
Natapos ang kainan na 'yun ng tahimik. Hindi naman gumawa ng gulo si Denzel, na lihim kong ipinagpasalamat sa kaniya. Nang nagpuntahan sila sa sala ay sumunod na rin ako. Hindi na nagtagal pa si Denzel, nagpaalam na rin kalaunan. Hinatid ko siya sa labas ng gate.
"Salamat sa pagpunta. Sa pagbigay mo rin ng regalo kay Reinzel..."
He nodded and stared at me seriously. Nailang naman ako kaya napayuko ako nang bahagya.
"Okay, I won't force you. But I'm telling you, Jimelle," I looked up at him. "Once Reybien finds out that I've been here... I'll tell him the truth, dahil pagbali-baliktarin mo man ang mundo, he has the right to know," he said seriously.
Sumusuuko akong tumango-tango.
Hanggang sa makaalis na ang sasakyan ni Denzel sa harapan ko ay hindi ako agad nakabalik sa loob. Bumuntong-hininga ako at pumihit na papasok.
"Ano'ng sinabi niya sa'yo?" si Danrick na kalalabas lang ng gate.
Tipid ko siyang nginitian at inilingan lang.
"Tinakot ka ba niya? Pinipilit ka ba niya na bumalik na at ipakilala na si Reinzel kay Reybien?"
"Hindi naman, Dan." Naglakad na ako papasok, sumunod naman siya.
Bago kami makapasok sa loob ng bahay ay muli ko siyang hinarap.
"Uuwi na rin ako, magpapaalam lang kay Reinzel," saad nito.
Tumango ako. "Dadalaw ako kay Jane, Dan."
Nangunot saglit ang noo niya at napaayos sa pagkakatayo. Malalim din siyang bumuntong hininga.
"Sasama ako."
"Sige, sa next, next day. Maaga ang uwi ko sa araw na 'yun," sabi ko.
Matapos niyang magpaalam kay Reinzel ay hindi na siya nagtagal pa, umalis na rin siya.
Kahit may pangamba ako sa sinabi ni Denzel, hindi ko magawang ipaalam agad kay Reybien ang tungkol kay Reinzel. May parte pa rin sa'kin na pilit hindi pinaniniwalaan ang mga sinabi ni Reybien. Pa'no na lang kasi kung malaman niyang may anak siya? Pa'no kung iyon ang kunin niya sa akin? Hindi ako papayag! Hindi niya puwedeng gawin 'yun!
Pauwi na ako galing sa trabaho kinaumagahan. Kasabay ko ulit na bumaba ng elevator ang dalawa na patuloy akong inaasar.
"Malay mo siya talaga ang para sa'yo!" tukoy ni Miko kay Reybien. Naging madalang na kasi ang paglapit lapit sa akin ni Lance. Hindi din kami nagkakasumpungan kahit nasa iisang lugar lang kami.
"Super busy pa naman ngayon si sir Lance. May binabantayan daw na babae, narinig ko lang kanina," pagkukuwento naman ni Jen.
Hindi ko na naman inaasahan ang pagkikita namin ni Reybien. Naabutan naman namin siya, naghihintay na naman sa akin. Sa mga araw na lumipas, may araw na narito siya at may araw namang wala.
"Hatid na kita–"
"May sundo nga ako," asik ko at nilampasan siya. Nauna na naman na umalis ang dalawa, iniiwan ako rito kay Reybien.
May humigit ng braso ko at hinila na naman ako patungo sa parking lot. Sa imbong na hatid ng palad niya, nanghina ako. Tila ba hinihigop ng palad niya ang lakas kong pigilan siya.
Wala pa kaming maayos na pag-uusap na dalawa tungkol sa mga nangyari noon. Hindi ko pa mahanap ang buong lakas ko para batuhin siya ng mga tanong. At siguro kung magiging maayos man kami...para na lang 'yun kay Reinzel, sa anak namin. Hindi ko alam kung pa'no namin ibabalik ang dati. Hindi ko alam kung...kaya ko pang ibalik ang dati.
We were both quiet in the car. But I feel that he has something he really wants to say. Napapasulyap sulyap din siya sa akin.
"What happened uh...what happened to your left eye?" tanong niya sa mababang boses.
"Wala ka na ro'n." I saw him tighten his grip on the steering wheel. Nang tingnan ko naman siya sa mukha ay igting na igting ang panga niya.
"Tell me..."
"Mommy..." ang tanging sinagot ko. Napaiwas ako ng tingin nang sulyapan niya ako.
"Ginagamot mo ba? Nabulag ba?"
"Hindi. Malabo lang,” tipid kong sagot. Nailang ako sa pinag-uusapan namin. Pakiramdam ko...ang pangit ko na sa mata niya dahil may takip ang isa kong mata.
"Ipagamot natin..." humina ang boses nito, nag-aalangan sa sinasabi.
"Hindi na kailangan–"
"Kailangan, Jimelle," matigas niyang sinabi, bahid ang pagtitimpi na sigawan ako. Parang naiirita siya sa akin na ewan.
Inis ko siyang tiningnan. "Para ano? Bakit...naiirita ka ba? Ayaw mong may takip ang isa kong mata kasi mapangit sa paningin mo? Kung oo, wala akong pakialam sa'yo!"
Nainis ako nang husto kaya inalis ko ang pagkakakabit ng seatbelt sa akin kahit umaandar pa kami. Salubong ang kilay ni Reybien habang naguguluhang nakatingin sa akin.
"Stop the car," nagtitimping utos ko.
Mas humigpit ang hawak niya sa manibela, walang balak na tumigil.
"F*ck, Jimelle! Ikabit mo 'yan ulit!" nanggagalaiting utos niya. Matatalim na ang mga mata sa akin.
Dama ko ang pigil niyang bilisan ang pagmamaneho dahil wala akong seatbelt na suot.
"F*ck, Reybien! F*cking stop the car!"
Naiinis ako! Habang tumatagal na kasama ko siya sa loob ng sasakyang ito, may bumabangon na kakaiba sa nararamdaman ko! Hindi 'yun puwedeng mangyari!
"F*ck it, Wife!"
"F*ck you, Reybien!"
Marahas niyang tinigil ang sasakyan sa tabi. Napatalon pa ako nang bigla niyang hinampas ng malakas ang manibela. Madilim ang tingin niya sa akin. Salubong ang kilay niya, igting na igting ang panga at namumula ang mukha sa galit.
Parang gusto kong pagsisihan ang sinabi ko nang tingnan niya ako habang madilim ang mga mata. Napabuga siya ng hangin at pabagsak na sumandal sa upuan niya. He closed his eyes firmly, calming himself.
Hindi ko mabuksan ang pinto sa tabi ko dahil naka-lock.
"Okay...." Nagbuga siya ulit ng hangin. "Titigil na'ko, 'wag ka ng bumaba."
Bubuka pa sana ang bibig ko para tumanggi pero naunahan niya akong magsalita.
"Ihahatid na kita," matitigas pa ang pagbibigkas niya.
"Hind–" Natutop ko ang bibig nang bigla siyang lumapit sa akin. Napalunok ako dahil sa sobrang lapit niya.
Tumikhim siya bago ibaba ang tingin sa seatbelt ko. Pagkakabit niya ng seatbelt ko ay tiningnan niya pa ako bago bumalik sa kinauupuan. Doon ko lang din napagtanto na hindi na pala ako humihinga kanina. Habol ko tuloy ang paghinga nang umabante kami ulit.
Pagkatapos ng trabaho ko kinabukasan ay hinanda ko na ang sarili. Kinalma ko ang dibdib kong kumakalabog na, hindi pa man lang nakakausap si Jane. Tinawagan ko na rin si Danrick na ilang minuto lang daw ay nasa baba na siya.
"Mauna na ako sa inyo, Miko, Jen," paalam ko sa dalawa.
"Date na ba 'yan?" nanunudyong si Miko.
"Tss. Hindi." Mabuti nang mas maaga kaysa maabutan pa ni Reybien. Para na rin hindi ako masyadong gabihin.
I walked faster as I approach the elevator. Nasa isang birthday party ngayong hapon si China at Reinzel, inimbitahan ng kaklase. It wasn't that far away, and Cardo was with them as well. Kaya tama lang din na si Danrick ang kasama ko ngayon.
Napahinga ako nang maluwag nang wala naman akong Reybien na naabutan. Nakita ko si Danrick na nakasandal sa itim niyang SUV na nakatigil sa tabi. Nang makita ako ay umayos siya sa pagkakatayo.
Hindi ko naiwasang mapatingin sa paligid. Naipilig ko ang ulo ko dahil nagsisimula na namang magtanong ang isip ko kung talaga bang wala si Reybien.
Sinalubong ako ng nakangiti na si Danrick. Nginitian ko rin din siya pabalik. Pinagbuksan niya ako ng pinto, pumasok ako agad. Kinabit ko ang seatbelt ko habang si Danrick naman ay umikot pasakay sa driver's seat.
"Are you ready?" aniya matapos buhayin ang makina.
Nagpakawala ako ng buntong-hininga at tinanguan siya. "Ready na ako..."
Ready na, pero kay Jane pa lang. Isa-isahin ko muna. Siguro mga ilang araw lang siguro ay ang pamilya ko na ang makakausap ko–iyon ay kung sasabihin ni Jane sa akin kung nasaan sila. Hindi naman sana totoo ang sinabi ni Brandon. Kailangan ko talagang makausap si Jane.
Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga nang magsimula na sa pag-abante ang sasakyan. Napasulyap ako sa labas. Hindi ko naiwasang mapatingin sa side mirror...at mula doon, ay nakikita ko ang itim na sasakyan ni Reybien.
Sh*t...Nakita niya ba kami ni Danrick? Teka, eh, ano naman 'yun sa kaniya? Ano naman ngayon kung nakita niya kami?
Pagkadating namin sa tapat ng ospital ay bumaba ako agad. Nilingon ko ang daang pinanggalingan namin. Wala namang sasakyan ni Reybien ang nakasunod.
"Any problem?" sulpot ni Danrick sa likod ko.
"Ah, wala."
"Okay. Let's go?" I nodded to him and followed him as he walked into the hospital.
Sinabi ko kay China na dadaan ako sa ospital na ito. Hindi naman kalayuan ang ospital na ito sa pinuntahan nila. Pero hindi naman sila pupunta rito dahil sigurado akong pagod na sila.
Iniwasan namin ni Danrick ang mga paparazzi na nag-aabang sa labas. Araw-araw raw may mga ganiyan dito, simula noong nandito si Jane. Maayos naman kaming nakarating sa palapag kung saan naroon si Jane. Bumuga uli ako ng malalim na hininga. Nasa tapat na kami ngayon ng kwarto ni Jane. Wala raw ang manager nito sabi ng nurse na lumabas.
"Let's go?" Tinanguan ko ulit si Danrick. Siya ang nagbukas ng pinto at hinawakan iyon para makapasok ako. Nanonood si Jane nang madatnan namin.
"Puwede na ba akong lumabas, Rhia–" naputol ang pagsasalita ni Jane nang lumingon sa amin.
Kumabog ang dibdib ko. Uminit ang tabi ng mga mata ko pero pinigilan ko ang maiyak. Umawang ang bibig nito, nanlalaki ang mga mata. Si Danrick ay lumapit sa lamesang nasa katabi ng kama, nilapag doon ang dala naming prutas at pagkain.
"Jane..." humina ang boses ko.
Binalik niya ang tingin sa tv, iniignora kami.
"Ano'ng ginagawa niyo rito?" malamig na tanong niya. Hindi ko siya masisi kung bakit siya ganiyan ngayon. "May kailangan kayo?"
Gusto kong sabihin na: oo, tungkol sa pamilya ko. Pero mas mabuti sigurong 'wag na muna.
"K-kumusta ka na?" Humakbang ako palapit sa sofa na kinauupuan niya.
"Okay lang," malamig pa ring sambit nito.
"Jane–"
"Makakaalis na kayo."
Nagkatinginan kami ni Danrick. Nagkibit balikat lang si Danrick sa akin.
"S-sorry. I'm sorry...." napayuko ako matapos sabihin 'yun. Nang lingunin niya ako ay inangatan ko siya ng tingin.
Tumutulo na ang luha niya ngayon. Hindi ko na rin napigilan ang luha ko. Umusog ako palapit pa sa kaniya, hindi naman siya lumayo.
"I'm sorry, Jane...I'm sorry."
"Kainis ka!" pilit pagsusungit nito. Kalaunan ay niyakap ako.
Ilang sandali na puro kami hagulhulan. Nang kumalma ay maayos kaming nagkumustahan.
"Kumusta na pala ang baby mo?" tanong nito na ikinaawang ng bibig ko.
Nagkatinginan kami ni Danrick. Doon ko lang naalala na alam pala ni Jane na nagdadalang tao na ako, noong umalis. Kumalabog ang dibdib ko.
"T-tungkol doon, Jane..." Napawi ang pagkislap ng mga mata nito.
"B-bakit? Don't tell me… Nalaglag rin siya–"
"Tss." Si Danrick. Sinamaan siya ng tingin ni Jane.
"Hindi, ano ka ba," natatawang sabi ko, pampapawi ng kaba. "N-nasabi mo ba kay Reybien ang tungkol doon?"
"Hindi, 'no! Bakit ko sasabihin?" Muli kaming nagkatinginan ni Danrick.
Mali. Nakalimutan namin na alam ni Jane na nagdadalang tao na ako. Mas lalo akong naguilty dahil sa pagtakbo ko palayo sa kaniya. Inakala ko na kapag naabutan niya ako, babatuhin niya ako ng iba't ibang tanong. At kapag nalaman niyang may anak ako, isasabi niya kay Reybien.
Nasapo ko ang noo at napailing iling.
"Si Lola, kumusta na?" tanong ko.
"Hindi mo pa talaga kilala kung sino si Lola, 'no?"
Naguguluhan ko naman siyang tiningnan. Nahagip din ng paningin ko ang pag-ayos ng tayo ni Danrick, na mukhang interesado sa sasabihin ni Jane.
"Dapat kay Reybien mo 'to maririnig, eh, para mas maintindihan mo."
"Sabihin mo na. Ano bang sinasabi mo na si Lola ay ano?"
"Si Lola, ay ang nag-iisang Lola ni Reybien.”
Napamaang ako. Si Lola? Pa'nong...
"Oh, 'di ba? Kay Reybien mo lang 'yan maiintindihan."
"Pa'nong..." Inisip ko pa noon na baka madamay si Lola kapag doon kami pumunta noon. 'Yun pala ay hindi mangyayari 'yun dahil Lola siya ni Reybien.
Kung gano'n ba...totoo ang mga sinabi sa akin ni Reybien? Hindi niya ba talaga ako gustong...patayin?
Muling nagkibit balikat lang si Danrick nang tingnan ko ulit. Pansin ko ang kanina pa niyang pananahimik. Gulo-gulo na ako sa mga nalalaman. Tama nga si Jane. Kay Reybien ko lang maiintindihan ang lahat.
"Pero 'wag kang mag-alala. Hindi naman madaldal si Lola. Wala naman siyang nababanggit na pumupunta sa kaniya si Reybien kapag binibisita ko siya. So…wala pa ring alam ang asawa mo."
Napatango-tango na lang ako nang marahan. Mabuti naman.
"’Nga pala, Jane," maya-maya nang matahimik kami sandali. "Ang pamilya ko...may balita ka ba?"
Pinanliitan niya ako ng mata. "Talagang wala kang kaalam alam, 'no? Tinalo mo pa mga sanggol na kapapanganak lang kahapon."
"Tss." Si Danrick. Binato ito ni Jane ng unan. Inirapan pa niya bago ulit ako binalingan.
"Nasa maayos naman silang kalagayan. Nasa maaayos na, nasa isang villa na pag-aari ni Reybien."
"T-talaga?" guminhawa ng kaunti ang dibdib ko dahil sa nalaman. Mabuti naman walang nangyari sa kanilang masama. Isang sinungaling talaga si Brandon.
"So ano na!" hype na hype na naman ito, parang bata na excited na excited sa kung anong sasabihin ko.
"Anong ano na?"
"Kumusta na siya?"
"Sino ba?"
"Hayst! 'Yung bab–"
"Oh, so Miss Jane has visitors."
Sabay kaming napalingon na tatlo sa pinto. Si Denzel na kapapasok lang, may suot na white coat. Hindi nito sinara ang pinto nang tuluyang nakapasok.
"How are you na, Miss Jane? Miss Jimelle, ang sarap pala ng handa mo kahapon," mapaglarong sinabi nito sabay halakhak nang mapatingin kay Danrick. "Tsk, tsk, mukhang magkakagulo tayo nito sa ospital ko, ah..."
"Denzel–" naputol ang sasabihin ko nang may panibagong pumasok.
"Oh! Ang isang pasyente ko pala," natatawang sabi na naman ni Denz matapos pumasok ni Reybien…kasunod si Veanzee.
Narinig ko ang galit na bulong ni Jane sa likuran ko. Nilingon ko siya. "'Yan ang dahilan kaya iniiwasan ko ang Reybien na 'yan. Palagi niyang kasama 'yang bruha na 'yan. Kainis!" nanggigigil na turan ni Jane.
Hindi ko nakitaan ng pagkagulat si Reybien nang makita ako, kami ni Danrick. Nag-igting lang ang panga nito nang ibalik ang tingin sa akin, matapos nakipagsukatan ng tingin kay Danrick. Si Veanzee ay humigpit ang kapit sa braso ni Reybien.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng galit sa kanila. Kahit naguguluhan ako, naiintindihan ko pa rin naman ang mga nakikita ko. Si Reybien at Veanzee ay palaging magkasama? Kung gano'n, ang nangyari noon sa amin, wala lang sa kaniya! Nang dahil sa babaeng 'yan, nalaglag ang kakambal ni Reinzel!
Namasa ang mata ko kaya iniwas ko agad ang tingin kay Reybien. Inirapan ko siya at inayos na ang bag na dala. Aalis na ako!
"Kumusta na ang balikat mo, Mr. Fuertez?" pagtatanong dito ni Denz.
Hindi ko sila inangatan ng tingin kahit ramdam ko ang mga mata nila sa akin.
"Masakit pa..." sagot ni Reybien. Nakita ko pa sa tabi ng mga mata ko ang pagngiwi niya nang bahagyang kinibo ang balikat.
Hindi ba't sabi niya ay maayos na ang balikat niya?!
"Hindi mo naman kasi 'ata iniinom ang gamot mo."
"Iniinom ko, doc. Alaga, kulang sa alaga..."
"Let me take care of you then, love...." malambing na sabi ni Veanzee. Naiirita talaga ako sa boses niya. Parang gusto ko siyang sakalin!
"Hon." Napaangat ako ng tingin kay Danrick sa paglapit sa akin, matapos niyang itawag 'yun sa akin.
"Oh, mukha talaga magkakagulo."
"Tss."
"Tss."
"Hon mo mukha mo," mahinang turan ni Jane sa likod namin ni Danrick.
"Wait me here, banyo lang ako saglit," bulong ni Danrick sa tainga ko. Nakarinig ako ng marahas na pagbuntong hininga at ang mahinang tawa ni Denzel.
Tumango ako kay Danrick. "O-okay..."
Pagkalabas ni Danrick ay natahimik ang loob. Sa prutas na kinakain na lang ni Jane ako tumingin para iwasang magtagpo ang mga mata namin ni Reybien.
"Love, hintayin mo'ko ha. Banyo lang ako." Nagkatinginan kami ni Jane nang marinig ang sinabing 'yun ni Veanzee.
"Tss. Bakit ba kasi may ibang narito? Hindi ako tumatanggap ng bisitang ahas na likha sa plastik!" malakas na sabi ni Jane.
Narinig lang namin ang pag-engos ni Veanzee bago lumabas ng kwarto. Muli kaming natahimik.
"’Nga pala, Reybien. Kahapon hindi kita nasabihan, may pinuntahan akong birthday-han," si Denz.
Kumalabog ang dibdib ko. Nang lingunin ko siya ay nginisihan niya ako bago ulit bumaling kay Reybien.
"Sarap ng handa. Nabusog ako," sabay halakhak nito.
Inirapan lang siya ni Reybien, walang ganang makinig sa kalokohan ng kaibigan.
Ilang minuto na ang lumipas, wala pa ring Danrick na bumabalik. Gabi na nang sumilip ako sa labas ng bintana. Siguradong pauwi na rin ngayon sina China. Kailangan ko na ring umuwi.
Tumayo na ako.
"Jane, mauna na ako, ha. Salamat. Magpagaling ka na ha."
"Sige ingat ka! Saka na tayo magkuwentuhan kapag nakalabas na ako rito. Excited na rin akong makita siya."
Nakangiti ko siyang tinanguan. "Pagaling ka, sorry ulit."
"Aalis na'ko, Denzel," si Reybien. Tumayo na rin ito sa kinauupuan niya. Hindi ko na lang pinahalata sa kaniya na napapansin ko siya. "Salamat sa mga gamot."
"Wow, ngayon lang 'yang pasasalamat na 'yan, ah. Pero welcome. Aasahan ko ang muli mong pasasalamat oras na..." sinulyapan ako ni Denz.
Kumabog ang dibdib ko.
"Sa oras na may ipakilala ako sa'yo..."
"Mauna na ako, Denzel," singit ko. Pasimple ko pa siyang sinamaan ng tingin pero ikinahalakhak niya lang.
Nakita ko ang kaguluhan sa mukha ni Reybien pero ibinuntong hininga niya lang 'yun at tinanguan si Denzel. Sinulyapan niya ako.
"See you when I see you," ani Denzel. Tinanguan ko lang ito at naglakad na palabas ng kwarto.
Nakakailang hakbang palang ako palayo sa pintong sinarado ko, nang marinig ko 'yung bumukas at sumarado ulit.
"Uuwi ka na ba?" Pumantay pa siya sa mabibilis kong hakbang.
"Oo," sagot ko nang hindi siya tinitingnan. Pumasok din siya sa elevator na pinasukan ko.
"Hatid na kita."
Tiningnan ko siya ng matalim. Mabuti at kaming dalawa lang ang nasa elevator. Pero hindi ko ipinagpapasalamat iyon dahil pakiramdam ko…nauubusan ako ng hininga, lalo at kasama ko siya.
"May kasama ka, 'di ba? Edi siya ang ihatid mo," matigas kong sinabi.
Sa harapan ko ibinaling ang tingin ko habang siya ay nasa akin.
"She's with Danrick."
"Ano'ng pinagsasabi mo?" Doon ko siya hinarap.
"Wala ka talagang alam?"
"Ba't ba palaging 'yan ang tanong niyo?!" inis na bulyaw ko. Palagi na lang kasi! Naaasar ako!
"At imposibleng magkasama sila! Hindi sila magkakilala!"
"Magkakilala sila matagal na. Nauna pa silang magkakilalang dalawa. Kaya sinasabi ko sa'yong layuan mo ang Danrick na 'yon."
"Ano ba'ng pakialam mo?! Bakit ikaw ba nilalayuan si Veanzee? Hindi, 'di ba? Hindi mo rin alam ang ginawa niya sa'kin kaya quits lang tayo!"
"Ano'ng ginawa niya sa'yo?" kalmado niyang tanong, pero mga mata ay naging mabagsik.
Hindi ako sumagot.
"Fine! Kung hindi mo sasabihin sa'kin, aalamin ko."
Sa tagal nilang magkasama ngayon niya lang aalamin? Mahal niya pa rin ba si Veanzee at nagsinungaling lang siya sa akin noon?
"Basta lumayo ka sa Danrick na 'yun.”
"Hindi kita susundin!"
"Sundin mo 'ko."
"At bakit? Kilala ko si Danrick...mas kilala ko pa nga 'ata siya kaysa sa'yo."
"He's a good actor, right? Naaalala mo ba kung kailan siya pumasok sa pagiging artista? Oo, dahil ikaw agad ang ginusto niyang makapares. Ikaw, kasi may balak siya sa'yo, may gagawin siya sa'yo."
"Hindi totoo 'yan...Hindi ako maniniwala sa'yo. Sa isang katulad mong sinungaling! Sa pananatili niya sa tabi ko, kilalang-kilala ko na siya! At buo ang tiwala ko sa kaniya! Ang kapal ng mukha mong sirain ‘yon!"
Nanlaki ang mga mata niya, tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tutol ang mga mata niya at mas dumilim ang pagkakatitig sa akin.
"Hindi mo siya dapat pagkatiwalaan, Jimelle."
"Hindi dapat kita paniwalaan!" ganti kong sigaw sa kaniya.
Nang tumunog ang elevator at bumukas ay tinalikuran ko siya at nagmartsa na palabas. Humabol siya.
"Jimelle, please..."
Hindi ko siya pinansin.
Hinanap ng mata ko si Danrick. Wala akong makita kaya nagtuloy-tuloy akong naglakad palabas. Gabi na nga sa labas. Kapag hindi ko pa nakita si Danrick pagkalabas ko, magta-taxi na lang ako kaysa hintayin siya. Baka mas guluhin lang ako ni Reybien.
Nakalabas na ako nang matigalan sa aking nakikita. Nanlaki ang mga mata ko. Tumigil din sa likod ko ang mga hakbang ni Reybien, na mukhang nakita ang tinitingnan ko.
Kahit madilim, kilalang kilala ko siya–sila. Kahit madilim, alam ko kung ano ang ginagawa nila. Nasa pinakamadilim silang bahagi ng mga naka-park na sasakyan, pero kitang kita sila ng isa kong mata.
Danrick. He was kissing Veanzee.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Para bang isang malaking sampal sa akin ang nakikita ko ngayon matapos kong balewalain ang sinabi ni Reybien.
"Jimelle, I told you–" hindi natapos ni Reybien nang biglang may yumakap sa baywang ko.
"Mommy!"
___________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro