Chapter 21
Chapter 21: Putok
Tumatak sa ulo ko ang sinigaw ni Reybien. What did he mean by ‘finally’ that he said? He won't have a hard time finding me because he's finally seen me, right?
Finally, mapapatay na niya ako.
Inayos ko ang mga gamit ko at muling chineck ang mga kailangan ko sa meeting.
"Balita ko nariyan si boss?"
"Ako nga rin, e, kaya kinakabahan na naman ako." Dinig kong usapan ni Miko at Jen.
Nagbuga ako ng hangin at inayos ang buhok ko. Ngayon na ako magre-report, sabi pa ng ka-officemates ko ay may iaannouce rin pagkatapos. Isa raw 'yung event na kailangang paghandaan ng company.
"Let's go?"
Tinanguan ako nila Miko at sumunod sa akin nang magpatiuna ako.
It had been three days since I had seen Reybien again. Dalawang araw naman ang nakalipas noong pinalabas na si Reinzel sa ospital, just the morning after Reybien and I met again.
I made sure that day, Reybien wouldn't see us. I don't even know where he went that night. Hindi rin ako dumiretso sa loob ng ospital nang tumakbo ako palayo sa kaniya. Binago ko ang tinakbuhan ko hanggang sa hindi ko na siya nakita pa, 'tapos ay tinawagan ko si Cardo makalipas ang higit isang oras na lumipas. Siniguro ko muna na wala na roon si Reybien.
"Where have you been, Mom?" tanong sa akin ni Reinzel nang maabutan ko na siyang gising.
"Ah...n-nagpahangin lang sa tabing dagat." Hindi pa rin kumakalma ang bilis ng pagkalabog ng dibdib ko.
"I saw a man in my dream, Mama. You kept on running away from him while you were carrying me. My vision was blurred, I couldn't see him clearly..." Reinzel told me sleepily.
Hindi na lang ako umimik no'n. Mabuti na lang pinayagan na kami ng doctor na umalis. Hindi ko rin sinabi kay China ang tungkol doon.
"May asawa na kaya si boss ngayon?" mahinang sambit ni Jen.
"May asawa man o wala, wala ka pa ring pag-asa!" pang-aasar ni Miko at sinigundahan ng halakhak. Hinampas naman ito ni Jen.
Nang makapasok kami sa conference room ay wala pa ang mga taong nasa matataas na posisyon. Kaya habang wala pa sila ay muli kong nireview ang irereport ko.
Habang parami nang parami ang pumapasok sa conference ay pabilis nang pagbilis ang pintig ng puso ko. First time ko ang maging financial manager na haharap sa mga matataas na tao, lalo na sa CEO.
"Parating na raw si sir," bulong sa akin ni Miko. Kaya naman napaangat ang tingin ko sa kaniya, mula sa folder na hawak ko.
When I heard the sound of the door opening, sumabay ako sa pagtayuan ng mga naririto sa room. My hand and forehead were sweating as I stared at the open door. Someone went in. Nang iangat ko ang tingin sa mukha nito ay natigilan ako. Nagtama ang mata naming dalawa na halatang ikinagulat niya rin.
"Good Morning, Mr. Valdez,” bati ng lahat.
“Afternoon. You may start,” malamig na saad ni Mr. Valdez sabay pinaupo na kami. Medyo nahuli pa ako sa pag-upo dahil sa pagkagulantang.
Ginawa ko ang lahat para mapakalma ang sarili ko bago ireport sa kanila ang mga nireview ko. Ramdam ko ang seryosong tingin sa akin ni Lance, ang CEO ng company. Nakahinga lang ako nang maluwag nang matapos ako. Mabuti na lang walang problema kaya wala namang nangyaring komosyon.
20th anniversary ng kompanya sa susunod na linggo. At gaganapin 'yun sa isa sa mga hotel ng Claveria rito sa lugar. Marami ang mga dadalo, at hindi mawawala ang mga kilalang negosyante sa buong bansa. Lalong hindi mawawala ang CEO.
"Meeting Adjourned." Ang ma-awtoridad na si Lance.
Bahagyang nagsiyukuan sa kaniya ang lahat kaya gano'n din ang ginawa ko. Nagsimula na ring mag-alisan ang iba kaya inayos ko na ang mga gamit ko. Nagkakanda gusot gusot na ang mga papel dahil sa pagkataranta ko. Gusto kong makaalis agad sa paningin ni Lance. Paubos na ang tao sa loob nang handa na rin kami nila Miko na lumabas. Hindi pa rin lumalabas si Lance kaya kahit ayaw ko ay napasulyap ako sa kaniya.
"Maiwan ka," he said to me.
I looked at Miko. There were teasing smiles coming out of their lips. Tinanguan ko lang sila at nanatiling nakatayo sa kinatatayuan ko.
"Bye..." mapang-asar pa nilang binulong bago ako nilampasan at iniwan sa loob.
Natahimik ang paligid nang maiwan na kaming dalawa ni Lance. I couldn't look straight in his the eyes, pakiramdam ko ay pinapasok niya ang isip ko.
"Nandito ka lang pala," natatawang sambit nito. Napatingin ako sa kaniya at marahang tinanguan.
"Yes po, sir," magalang kong sinabi na ikinatawa na naman nitong muli.
"Hindi ako makapaniwala..." Halata nga. "Alam mo ba kung anong nangyari sa asawa mo noong nawala ka."
"Wala po akong asawa," tanggi ko. 'Wag niyang sabihin na kaya niya ako pinaiwan dito ay para makausap ako tungkol kay Reybien? Pinagtataguan ko na nga.
Namilog ang bibig niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko, may nanunuya pa ring ngiti sa labi.
"Kung tungkol lang sa kaniya ang pag-uusapan natin... Aalis na ako. May mga trabaho pa pong naghihintay sa akin, Sir."
"Sir. Interesting." Tumayo siya at lumapit na sa pinto. Binuksan niya ang pinto at inimwesta niya. "You may now go back to your work...Miss."
Aksidente ko siyang naikutan ng mata dahil sa ngiti nitong alam kong may pinaparating sa akin. Naglakad ako palapit sa pinto pero hindi pa lumabas nang tuluyan.
"Sana hindi mo masabi sa kaibigan mo na narito ako," sabi ko. Muling bumangon ang pangamba ko.
Naging seryoso siya. "Tinatakbuhan mo pa rin siya, 'di ba? Pinagtataguan mo pa rin hanggang ngayon ang isang Fuertez."
Hindi ako nakaimik. Ang pananahimik kong 'yun ang sagot na nakuha niya.
"Hanggang kailan mo gagawin 'yan? Tatakbuhan mo na lang ba siya at pagtataguan? Hindi ka ba napapagod? Hindi mo man lang ba patatahimikin ang buhay mo?"
"Tahimik na ang buhay ko–"
"Sigurado ka? No'ng nakita mo siya, natahimik ka ba?"
Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at napatiim bagang. Umiling lang ako dahil 'yun ang totoo, hindi ko rin mahanap ang tamang salita na sasabihin ko sa kaniya.
"Okay. Hindi ko sasabihin sa kaniyang nandito ko. Pero oras na magkita kayong muli, labas na ako do'n. At sinasabi ko sa'yo; may purpose kung bakit ka napunta dito sa kompanya ko."
Hindi agad nawala sa isip ko ang pag-uusap naming 'yun, especially the words that Lance's said before he left me in that room. Kahit na inasar asar pa ako nila Miko ay hindi 'yun nawala sa isip ko. Tumatak din sa isip ko 'yung purpose kung bakit ako napunta sa kompanyang ito. Pati ang tungkol sa patuloy kong pagtago kay Reybien.
Pero pa'no ba ako titigil kung sa tuwing nakikita ko siya, pinangungunahan na ako ng takot? Pa'no kung bigla na lang niya akong barilin kung hindi ako tatakbo palayo?
"Mom, you're spacing out again." Nakabusangot na mukha ni Reinzel.
Napaayos ako sa pagkakahiga at binaling sa kaniya ang buong atensyon ko. May kinukuwento na naman kasi siya.
"Sorry. What's that again?"
"I met a guy earlier at school while I was waiting for tita China sa binibili niyang siopao." Bahagya siyang nakangiti, ako ay hindi ko makuhang ngumiti.
What if he had a bad intention to him?
"Ano, sinaktan ka ba niya? May ginawa ba siyang masama sa'yo?"
Umiling siya. "Pareho ng buhok niya ang kulay ng buhok ko, Mom."
"Eh, ano naman? Marami ka namang kaparehong buhok sa mundo," natatawa kong sinabi.
"I know. But...hindi ko maipaliliwanag, Mom, pero pakiramdam ko sa mga oras na 'yun ay kilala ko siya..." Natigilan ako ulit sa sinabi niya.
"Nakita ba siya ni tita Chi?" seryoso kong tanong.
Doon mukhang nagliwanag ang mukha niya. Sunod-sunod siyang tumango. "Yes, pero nagtaka po ako nang biglang nataranta si tita Chi at mabilis akong hinila palayo sa lakaki."
Nagsimula na naman ang pangamba ko. Ito nga siguro ang ibig sabihin ni Lance. Hindi pa ako tuluyang natatahimik.
So when I got a chance to talk to China, I talked to her.
"Si sir Denzel ho," sagot ni China. Kahit papa'no ay nabawasan ang pangamba ko. Akala ko ay si Reybien na.
Pero hindi pa rin ako puwedeng makampante!
"Nakilala niya ba? Sinabi mo ba? Nagkausap ba kayo? Ano ang sinabi niya?" sunod-sunod kong tanong. Nababalisa ako. Iba si Denzel kay Lance. Kampante ako kay Lance dahil alam kong tahimik siya, pero si Denzel...god.
"Hindi ho. Nang tinanong ko si baby Rein kung nasabi niya ba na ikaw ang mommy niya, ang sagot niya ho ay; 'no tita ganda Chi'. Pero bago ho namin siya tinalikuran, sinabi ko na ako ang Nanay ni baby Rein," mahabang sinabi nito.
Napasintido ako. Hindi ko alam kung bakit sila narito. Bakit sunod-sunod silang lumalabas? Malayo naman ang lugar na ito sa lugar na iniwan ko!
"Pero mukhang isang sira ulong baliw ho si sir Denzel. Ngisi ho kasi siya nang ngisi habang palipat-lipat ang tingin sa akin at kay baby Rein."
Sh*t, patay na.
"Basta, mag-iingat kayo ni Reinzel kapag nasa school kayo ha. At 'wag kayong lalayo kay Cardo. Tatawagan mo rin ako kapag may problema."
Sunod-sunod siyang tumango. "Okay ho!"
Isang araw bago ang anniversary. Sumama ako kay Miko at Jen sa pagbili ng isusuot nila. Wala rin kasi akong makuhang maayos sa mga damit ko ngayon, hindi ‘tulad noon na nagsisiksikan pa sa closet ko. Kaya bibili na lang din ako.
"Ano na girl! May namamagitan na ba sa inyo ni sir Lance?" pangungulit ni Miko at Jen sa akin.
Tinawanan ko sila ng peke. "Hindi, ano ba kayo..."
"Sure na 'yan?"
"Tss. Oo nga." Tinalikuran ko sila para kunin na ang nabili kong susuotin. Bukas pa sana ang plano kong bumili, pero nag-aya na sila kaya sumama na ako. Nasa school din naman si Rein.
Maaga ang uwian namin ngayon kaya dumiretso na kami sa pagbili ng susuotin. Nang makakuha na sila ng sa kanila ay nag-aya sila sa isang kainan. First time ko sa kainan na ito. Masarap ang pagkain kaya hindi ko napigilan na mag-take out para kina Reinzel.
When I got home, the two were still wide awake. Kinain nila ang dala ko sa kusina, ako naman ay pumasok sa kwarto para magpalit. Mas napagod ako sa araw na ito dahil sa pagsama ko kina Miko at Jen. Nakapagpalit na ako ng pantulog at handa nang bumama nang matigalan ako dahil sa pagtunog ng cellphone ko. Nasa loob pa iyon ng dala kong bag sa trabaho kaya nilapitan ko.
Nangunot ang noo ko dahil unknown number 'yun. Sinagot ko, baka kasi si Lance o bagong number ni Danrick.
"Hello?" pagkasagot ko. No response so I looked at the screen. Naka-on call pa rin naman pero walang sumasagot!
Tumikhim ako at muling nilagay sa tainga ko ang cellphone.
"Hello? Danrick?" Biglang nag-end ang call na ikinalalim ng kunot ng noo ko.
Sino ba 'yun? Ano'ng problema niya?
"Baka na-wrong call..." sabi ko sa sarili at nagkibit ng balikat. I was about to put the cellphone down on my bedside table but a message came.
Unknown number:
I missed your voice.
Napailing-iling ako. Sigurado akong si Danrick nga ito. Ilang araw na rin kasi ang nakalipas nang magpaalam siya na mag-iibang bansa. Babalik din naman daw siya. Siguro pauwi na siya kaya siya nagpaparamdam. Nag-reply ako.
Me:
Umuwi ka na kasi Danrick. Namimiss kana namin.
Pagka-sent no'n ay nilapag ko na ang cellphone sa bedside table at lumabas na ng kwarto. Minsan na rin kasing nagtatanong ni Reinzel kung kailan uuwi ang Dada niya. Kaya nasabi ko na lang din na namimiss na namin siya.
Pagkalabas ko ay sumalubong sa tainga ko ang hagikhik ni Reinzel. Pagtingin ko sa kinaroroonan nila ni China kanina ay nakaupo na sa tabi nito si Danrick. Ha?
"Danrick?" Hindi ko maiwasang mapakunot-noo.
Sabay ang tatlo na napalingon sa akin. Tumayo agad si Danrick at naglakad palapit sa akin, naglakad na rin ako palapit sa kanila.
"'No problema, ba't ganiyan mukha mo?" tanong niy nang masalubong ako.
Pabiro ko siyang inismiran at nilampasan. May pa-I missed your voice, I missed your voice pa siyang naaalaman, eh nandito na din naman pala.
"I just got home yesterday. I just stay all day in my condo because I'm exhausted," he said, following me.
I sat down beside Reinzel. China is on the other side. Danrick sat down next to me. Kumuha ako sa pop corn ng dalawa at nagsimula na ring manood.
"Kumusta na pala kayo? Hindi ako nakatawag, 'dami kasing ginawa," pagpapatuloy ni Danrick sa tabi ko.
"Okay lang naman kami." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya na nakita ko na si Reybien at ang dalawang si Denzel at Lance.
"Tommorow night na ang 20th anniversary ng kompanyang pinagta-trabahuhan mo, right?" Nabaling sa kaniya ang tingin ko.
"Oo, bakit mo alam? 'Wag mong sabihin na hindi mo pa rin tinitigilan ang pag-check sa company na 'yon?"
Nagkibit balikat lang siya.
“Tigilan mo na, maayos na ako roon." Kahit isa sa kaibigan ni Reybien ang may ari.
"Hmm. Sabay na pala tayo roon bukas."
"Tss. Ayos na talaga ako, hindi mo na ako kailangang bantayan."
"Hindi kita babantayan," sabi niya nang may naglalarong ngisi sa labi. "I'm invited, too. Kaya susunduin kita rito bukas, sabay na tayo."
Totoo ngang pupunta si Danrick kasi invited siya, hindi para bantayan ako. Pinakita niya pa sa akin ang invitation niya, proof niya raw sa akin.
Tulog na si Reinzel at China nang sinundo ako ni Danrick. Ngayon ko lang siya ulit nakitang ganito kaayos at kahatak atensyon.
Pagkadating namin sa venue ay madami na ang tao. Mga sosyalin. Ang suot ng kababaihan ay karamihang mga kumikinang sa tuwing nadadaanan ng ilaw. Ang elegante ng mga galaw nila, lahat. Katulad din naman ako nila noon, nagbago lang dahil sa pagpapakasal. I lost my career because of coming back. Pero hindi naman ako nagsisi sa naging desisyon kong iyon…dahil mayroon akong Reinzel ngayon.
In the distance I saw Miko and Jen. A man approached Danrick kaya tinuro ko sa kaniya sina Miko at sinabing doon muna ako.
"Okay, pupunta rin ako roon," aniya bago hinarap ang tatlong lalaking lumapit.
"Your girlfriend? Ganda ah." Dinig ko pang sinabi sa kaniya ng isa.
Pumunta si Lance sa unahan at nagpasalamat sa mga nagdalo. Pagkatapos ng mga sinabi nito ay nagpalakpakan kami. Hindi agad siya nalubayan ng tingin ko hanggang sa may nilapitan siyang isang grupo. Naestatwa ako nang makilala ang mga nilapitan niya.
"Guwapo rin 'yang si sir Denzel, ang kaso bahid ang pagkamaloko sa mukha."
"Yes, yes. Pero mas bet ko 'yang si Sir Reybien! Jusko!" pigil na tilian nila Miko at Jen. Pero hindi nagawa no'n na iiwas ko ang tingin sa kinatatayuan ni Lance, Denzel, Reybien at...Veanzee. What a nice.
Naglibot ang tingin ni Lance sa paligid kaya iniwas ko na sa kanila ang tingin ko at sinimulang hanapin si Danrick. Nagsisimula na ang sayawan ng mag-partner sa gitna.
"Omg! Girl! Sabi ko na tama ang hinala ko!" Kinalog pa ni Miko ang balikat ko kaya napabaling ako sa kanila. "Natitipuhan ka nga talaga ni sir Lance!"
"Tingnan mo, Jimelle! Nakatingin siya–ay pati pala sina sir Denz!" si Jen naman sa tabi ni Miko.
Nagsimulang mamawis ang noo at kamay ko. Hindi ko sila magawang lingunin dahil natatakot ako na magtama sa kanila ang nag-iisa kong mata. Hanggang ngayon ay hindi pa naaayos ang kabila kong mata, malabo pa rin.
"Oh my! Palapit sila sir Lance rito!" Naalarma ako sa sinabing 'yun ni Miko kaya agad kong nilibot ang tingin para hanapin si Danrick. Nang makita ko siyang nasa hindi kalayuan ay kumawala ako sa dalawa.
"Hoy, girl! Sa’n ka punta?" tawag nila pero hindi ko na sila nilingon.
Grabe ang bilis ng pintig ng puso ko.
"Danrick," tawag ko sa kaniya nang makalapit ako. He turned his attention to me and so did those he was talking to. Nakita ko ang mga multong ngiti ng mga kausap ni Danrick pero hindi ko na 'yun pinansin pa.
I have to do something! Hindi puwedeng basta basta na lang nila akong lapitan!
"S-sayaw tayo..." Nagbaba ako ng tingin dahil sa mga mata ng nasa tabi namin.
"So, we have to go now. Enjoy," pagpaalam ng mga ito.
Napaangat ako ng tingin kay Danrick dahil hindi ko agad narinig ang sagot niya. He was not looking directly at me, but at my back. When I looked back at what he was looking at, my heart ached. Si Reybien at Veanzee, sumasayaw na sa gitna.
"Sure..." Danrick replied and slid his hand around my waist before gently pulling me, papunta sa gitna. Nagtayuan ang balahibo ko sa ginawa niyang 'yon, iwinalang bahala ko na lang.
Napasinghap ako nang hinatak ako ni Danrick palapit pa lalo sa katawan niya habang sumasabay sa marahang togtog. Mas humigpit pa ang pagkakapulupot ng braso niya sa baywang ko. Naiilang ako.
Hindi ko sinasadyang mapabaling ang tingin ko sa pwesto ni Reybien at Veanze kanina. Tiim na tiim ang bagang nito habang nakatingin sa brasong nakapulupot sa likod ng baywang ko. Pag-angat niya ng tingin sa akin ay napatitig na lang siya. Umiwas na ako ng tingin bago pa man tuluyang malusaw ang binti ko sa mga titig niya. Marahan niyang sinasayaw si Veanzee.
Hindi ako makagalaw nang maayos dahil ramdam ko pa rin ang titig niya. Nang tingalain ko si Danrick ay sakto ding bumaba ang tingin niya sa akin. Nagkatitigan kami.
"Jimelle..." pabulong niyang saad.
Nailang ako at may naramdamang kakaiba kaya tumigil ako sa paggalaw at sinubukang alisin ang hawak niya sa akin.
"You already knew how I like you so bad..."
Muli kong sinubukan na alisin ang hawak niya. "A-ahm...pahinga na tayo?" Naging malikot ang mata ko.
"Look at me, Jimelle..."
"Dan..." naputol ang sasabihin ko nang nilapit niya ang mukha sa akin hanggang sa maramdaman ang labi niya sa labi ko.
Hindi ako agad nakagalaw. Siya nakapikit, samantalang ang mata ko ay bilog na bilog. Nakakuha ako ng lakas na itulak siya nang mahagip ng mata ko ang madilim at madiing tingin ni Reybien.
"J-jimelle..." habol hiningang sambit ni Danrick.
Sinubukan ko ulit na tanggalin sa baywang ko ang braso niya. Nang tuluyan ko 'yung matanggal ay sinabi ko na pupunta lang akong restroom. Bumabalik balik sa utak ko ang nangyari habang naglalakad ako sa hallway, patungong restroom.
Pinunasan ko agad ng tissue ang labi ko nang makapasok, pagkatapos ay in-apply-an ko ng panibagong lipstick. Hindi ko alam kung marami bang nakakita sa ginawa ni Danrick sa akin. Nagi-guilty ako. Kaibigan ko siya, hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya.
Pagkalabas ko sa restroom ay napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat sa lalaking nakatayo sa tabi ng pinto. Mula sa pagkakasandal nito sa pader ay umayos ito ng pagkakatayo at hinarap ako, nakapamulsa.
Kung kanina mabilis ang pintig ng puso ko nang makita ko siya, ngayon naman hindi ko na maintindihan ang pintig ng puso ko dahil sa malapit na siya sa akin. Sobrang bilis na nahahaluan ng pagtalon.
Nakatiim ang bagang niya habang pinagmamasdan ako. Lalampasan ko na siya ngunit hinarangan niya ang daan ko. Napaangat ako ng tingin sa kaniya.
"A-ano'ng kailangan mo?" tanong ko kay Reybien nang salubongin na niya ang tingin ko.
"Why are you with him?" Muling umigting ang panga niya.
"Ano naman sa'yo?" Ginawa ko ang maging matapang.
"'Wag ka nang lalapit sa kaniya."
Nangunot ang noo ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. Hindi ako makapaniwala na siya pa mismo ang magsasabi no'n sa'kin.
"Layuan mo siya."
"Bakit siya ang lalayuan ko gayong ikaw dapat." Humakbang ako ng isa paatras. Mas nag-igting ang panga niya sa sinabi ko.
"Why me? Bakit ako kung ako 'yung nagpoprotekta sa–"
"Talaga?" nanunuya kong sabi. Humakbang siya palapit pero umatras akong muli. "Pagpoprotekta ba sa'kin ang ginawa mo noon? Sa tingin mo aalis ako kung pagpoprotekta sa'kin ang ginawa mo?"
Gusto niya akong patayin! Sinabi ni Jerick 'yun bago siya mawalan ng hininga. Kaya pa'no niya nasasabing pinoprotektahan niya ako?!
"I was protecting you before, hindi pa tayo kasal. I was protecting you but I failed. No'ng bumalik ka ginawa ko ang lahat para maprotektahan kita...but I failed again, bakit? Kasi naniniwala ka basta-basta sa sinasabi ng iba!"
Ang Reybien na kilala ko noon na kalmado at hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon, sumasabog na sa harapan ko ngayon. Iba't-ibang emosyon ang nakikita ko sa kaniya ngayon.
Iniwas ko agad ang tingin sa kaniya bago pa man ako madala sa expression ng mukha niya, na para bang ako pa ang may kasalan. Marami ang pinagbago ng pangangatawan niya, mas naging makisig. Maraming pagbabago ang kapansin pansin sa kaniya pero sa kabila ng mga 'yun... kilalang kilala pa rin siya ng puso ko.
"H-hayaan mo na lang ako..." ang tangi kong nasabi. Mabilis ko siyang nilampasan bago pa man niya makita ang paglandas ng luha ko.
Hindi ko maintindihan. Galit na galit ako sa kaniya! Pero bakit ganito na lang ang nangyayari sa'kin matapos ko siyang makita uli? Bakit ang sakit pa rin?!
Dinig ko ang mga mabibilis niyang hakbang na nakasunod sa akin.
"Please listen to me, stay away from him. You don't know him... "
I walked faster. When I saw Danrick in the distance I ran to him. Hindi ko na rin narinig ang hakbang ni Reybien sa likuran ko. Bahagya ko siyang nilingon ngunit agad ding nag-iwas dahil naroon si Veanze.
Si Veanzee. Malaki pa ang atraso mo sa'kin. Paghahandaan ko talaga ang muli nating paghaharap. Igagante ko ang pagkawala ng kambal ni Reinzel. Reybien and you…will pay.
Pagkalapit ko kay Danrick ay agad itong nagpaalam sa mga kausap.
"Jimelle...I'm sorry. Nabigla lang ako."
Tinanguan ko siya at tipid na nginitian. "Kalimutan mo na..."
"Pero, Jimelle...Alam kong mali 'yun, kung magagalit ka sige tatanggapin ko. Jimelle..."
Muli ko lang siyang nginitian at hindi na nagsalita pa.
Sa mga nangyari ay hinayaan ko ang sarili na uminom. Ngayon ko na lang uli mgagawa ang ganito, ang iinom dahil sa mabigat na dinadala. I was like this when I was in college, gawa ng pagiignora ng parents ko sa akin at pagpipigil nila sa gusto at pangarap ko.
"Tama na 'yan, girl. May pinapasuso ka pang anak mo, 'di ba?" nanlalaking matang pigil sa akin ni Miko nang makitang iinom ako ulit.
Nakangiti ko lang na hinawi ang kamay niya. I glanced at Danrick who was now in front of Denzel, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.
Ngumuso ako. Bahagya na ring nanlalabo ang paningin ko. Nakadami nga yata ako nang hindi ko namamalayan.
"Uuwi na ako, Miko, Jen..." ani ko sa dalawa at tumayo. Kaya ko pa naman mag-isa.
"Sige, tara na." Nagtayuan na rin silang dalawa.
"H-hoy ano'ng ginagawa niyo? Maagap pa," pigil ko sa dalawa.
"Pero wala kang kasama."
"Hindi, okay lang kaya ko."
"Pero–" pinutol ko agad si Jen.
"Kita niyo 'yon?" turo ko sa likod ni Danrick. Napatingin naman silang dalawa doon at tumango sa akin. "Kapag hinanap niya ako sa inyo...sabihin niyo na lang na umuwi na ako. Dito na lang kayo. Uuwi lang ako ng maaga."
"Okay...Pero ihahatid kana namin sa baba."
"Hindi na. Okay na talaga ako." Nginitian ko silang dalawa at kinawayan na bago naglakad palabas.
Hindi na kami nagkalapit pa ni Reybien, matapos kong talikuran. But I saw him take a sip of the wine that Lance and Denzel handed him. After a while he was gone, I never saw him again. Doon lang din ako nagsimulang uminom nang uninom.
Palabas ako galing elivator nang matigilan ako sa bumungad sa akin. Naestatwa sa kinatatayuan ko at hindi agad nakagalaw.
Mula sa kabila ng glass wall. Nakikita ko ang lalaking kanina ko lang tinalikuran. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkalasing ko kaya hindi ko napigilan ang pagragasa ng luha ko, o sadyang ayaw lang ng mata ko sa nakikita niya.
Nilunok ko ang bumara sa lalamunan ko nang mas lumalim ang halik ng nakatalikod na si Reybien kay Veanzee, na ngayon ay nakangisi sa akin. Hindi ako magkakamaling si Reybien 'yun dahil mula kanina, sila na ni Veanzee ang magkasama.
Hindi ko ipinahalata kay Veanzee na umiyak ako. Humigpit ang hawak ko sa sling bag ko at pumihit patalikod sa kanila, ngunit gano'n na lang ang pag-atras ko nang bumunggo ako sa matigas na dibdib.
Kumalabog lalo ang dibdib ko.
Parang hinigop ng sahig ang lahat ng dugo sa buo kong katawan nang makilala ko ang nagmamay-ari ng dibdib.
"B-brandon..."
"Hi, Jimelle." Lumawak ang nakakairita nitong ngisi. Hindi ko magawang magsalita kahit nakaawang na ang mga labi ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang hawak niyang baril. Itinutok niya 'yon sa akin.
"Tapos na'ko sa pamilya mo, kaya ikaw na lang..." Sa sinabi niyang 'yon ay unti-unting nanghina ang kalamnan ko. Nablanko ang utak ko at hindi na nagawa pang gumalaw.
Napapikit na lang ako at naghintay sa pagputok ng baril. Pero nang marinig ko ang boses ni China, mabilis akong napamulat.
"Ayun si Mommy mo, oh!"
Nakita kong lumipat ang tingin ni Brandon sa pinanggalingan ng boses ni China. Naalarma ako.
Bago pa man ilipat ni Brandon ang baril kina China ay gumalaw na ako agad para pigilan siya sa gagawin, ngunit may mas mabilis na dumaan sa harap ko't agad na inagaw kay Brandon ang baril. Sa pagkaalerto ni Brandon ay nakalabit nito ang trigger. Napatakip ako sa tainga nang pumutok ng dalawang beses ang baril.
Napababa ang tingin ko sa dalawang nakahiga sa paanan ko.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi agad nakagalaw dahil sa katawang wala nang buhay at isang duguan ang balikat.
"Ah…ang sakit..." daing ni Reybien.
____________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro