Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 19

Chapter 19: Kuya Sir


Dinagsa ang club ilang gabi. Kumulang ang waitress kaya tumulong na rin ako, after all, my work wasn't heavy in those days.

Reinzel was also wide awake every time I went home. Minsan tulog na si China sa sofa, siya laro pa nang laro. 

"Baby, may pahinga ako ng isang week. Saan mo gustong pumunta?" 

From the toy gun he was fiddling with, his gaze shifted to me.

"Daddy." 

Napabuntong hininga ako. 

Simula nang mabanggit niya ang salitang 'yan, 'yan na palagi ang sagot niya sa tuwing tatanungin ko kung saan niya gustong magpunta. Minsan kapag inaabot siya ng katamaran ay hindi siya nagsasalita. 

"Hindi tayo puwede doon, Reinzel..." 

Tumango-tango lang siya at muling binalik ang tingin sa baril-barilan niya. Ganiyan siya kapag sasabihin ko namang hindi puwede. Hindi na siya nasalita pa ng iba. Siguro ay narinig niya lang 'yun sa mga batang nakahalubilo niya. 

Binabanggit niya lang ang 'Daddy' pero hindi niya hinahanap. 

I have two more days of work before my one-week break. The bar owner was kind. Minsan na ako nitong sinama sa iba't ibang event.

"What happened there in one of your eyes? It's a pity, you look better when it's not covered," ani Mrs. Buenavista, ang may ari ng bar na pinagta-trabahuhan ko. 

"Ah, pinagagaling ko po kasi, Ma'am," sabi ko imbes na sagutin ang tanong niya. I just excused that even though it wasn't true. Wala akong sapat na pera kaya hindi ko maipagpatuloy ang pagpapagamot ng kaliwa kong mata.

Sa sumunod na gabi ay naging abala ako. 10th anniversary kasi ng bar na 'yun at doon din mismo ginanap. Kaya buong magdamag din akong mananatili sa tabi ni Mrs. Buenavista. 'Buti na lang may isang araw pa ako bukas para makapagpahinga. 

Libre ang lahat ng inumin kaya napuno ang bar hanggang sa second floor. May mga nakikita rin akong mga sikat na model, artista, band at iba pang mga napapanuod sa tv. Thanks God kasi walang kahit sino sa kanila ang nakakakilala sa akin.

"Thank you for taking care of this bar, Jimelle. Hindi ko alam kung sino ang ipapalit ko sa'yo kung sakaling magpaalam ka na." 

Natawa ako ng mahina sa sinabing 'yan ni Mrs. Buenavista. "Naku, hindi po pumapasok sa isip ko na iwan itong bar. Wala rin po akong balak na maghanap pa ng ibang trabaho, lalo na't malalayo sa bahay." 

Ngumiti ito ng malawak. "Thank you talaga!" 

Mrs. Buenavista also introduced me to her other acquaintances. I received the compliment again. Napag-alaman ko rin kasi na mas dumagdag ang costumer ng bar nang mapalitan ko ang dating manager. 

Base din sa history ng bar, hindi lang ito nag-iisa sa mundo. Ang iba ay nasa ibang bansa. 

Hindi ako naiilang kapag may kumakausap sa akin na may sinisigaw ang postura. Sanay na din naman akong makihalubilo sa mga yayamanin. Iniiwasan ko lang 'yung mamukhaan nila ako. 

"Anong drink gusto niyo, Ma'am?" pag-aalok sa akin ng isang bartender na kilala ko. 

"Thanks, kaso bawal ako," pagtanggi ko. 

"Ay oo nga pala, baka mapagalitan ni mister," natatawang ani Berto. 

"Tss. Lawak ng ngiti, ah. Ngiting may natitipuhan," pagbibiro ko. Iniwasan ko ang sinabi niya.

"Tsk, 'wag ho kayong maingay." Kumamot pa ito sa batok bago inabot ang drinks sa taong nasa tabi ko. 

Mababait naman ang mga kasama ko sa bar na ito kaya hindi naman ako nagkaka-problema. They are good to be with. Merong may ka-edadan ko lang at meron namang nasa 21 and 22 years old. 

Nang sumapit ang ala un ay mas nagdagsaan ang mga tao, sinamantala siguro ng iba dahil sa libre ng inumin. Pwesto na lang ang poproblemahin nila. 

"Mauna na ako, Jimelle."

"Sige po, Mrs. Beunavista. Mag-iingat po kayo," magalang kong paalam at tinanguan nang bahagya. Pumasok siya sa driver's seat. Sinarado ko ang pintong 'yun at humakbang paatras. 

"Salamat. See you when I see you." Huling sinabi ni Mrs. Buenavista bago tinaas ang bintana ng sasakyan at umabante na. 

The other guests have also left so I might not stay long either. At two o'clock, the dance floor went wild. Only now have I seen this wild dancefloor because only now have I been able to last until two in the morning.

"Mag-iingat kayo, Ma'am."

"Sige. Good luck sa morning mo, Berto. 'Wag kalilimutan ang proteksyo–"

"Ma'am, naman eh!" Natawa ako sa kaniyang itsura. Basta sa kanila nakukuha ko ang magbiro. 

"Naku, Ma'am. Kahit ho magproteksyon 'yang si Berto, may makakawala pa rin. Matinik 'yan, eh," singit ni Karla, kararating lang galing sa isang table. 

"Nasa lahi nga raw nila mababangis." Dagdag naman ni Cholo sabay halakhak. 

"Sinimulan kasi ni Ma'am, eh. 'Yan tuloy."

Natawa lang ako sa sinabi ni Berto bago ako tuluyang nagpaalam sa kanila. 

Wala akong natagpuang Danrick sa labas kaya nagtawag na lang ako ng taxi. Ang pinag-iipunan ko na ngayon ay sariling kotse. Sa ilang buwan ko na ring pagtatrabaho sa club ay natutustusan ko na ang mga pangangailangan namin sa bahay, at sa amin ni Reinzel. 

Good thing we have a rest day tomorrow. Sa susunod na bukas naman ay start na ng one week kong pahinga. When I arrived home it was quiet. When I entered, the lights in the living room and in the kitchen were dimmed. They are probably asleep. I went straight to China's room to pick up Reinzel who was definitely there.

"Baby..." mahinang pagtawag ko rito nang maabutan kong nakaupo sa harapan ng natutulog na si China. Nakasuot na ito ng Doraemon niyang pyjamas.

Galing sa paninitig nito kay China ay nalipat ang tingin niya sa gawi ko. Ngumiti ako nang malawak na ikinangiti niya rin. 

"Tulog na, Moma?" he innocently asked when I picked him up.

"Opo. Dapat kanina ka pa nga tulog, eh." Marahan kong sinarado ang pinto ng kwarto ni China nang makalabas na kami. 

"Hindi pa 'ko inaantok, Mama."

"Pero dapat ngayon ay matutulog na. Sige ka, hindi ka namin isasama nila tita Chi sa beach," pabiro kong pananakot.

"Beach?" 

"Yup." Pagkabukas ng kwarto namin ay pumasok na rin ako agad at lumapit sa kama para ibitang siya roon. "Bakit, may iba ka pa bang gustong puntahan?" 

"Forest." 

Natigilan ako sa pagkuha ng pyjamas ko sa closet matapos niyang sabihin 'yun. Napabuntong hininga ako at nginitian siya bago uli kinuha ang pyjamas ko. 

"Hindi ka ba takot sa gubat? 'Di ba nakwento na sa'yo ni tita Chi na nasa gubat ang wild animals?" 

"May baril akong dala," aniya na muling nagpatigil sa akin. 

"Mahiga ka na, Reinzel. Matutulog na tayo pagkatapos kong magbihis."

"Okay, Mama..." Hindi pa rin niya inaalis sa akin ang tingin habang humihiga. Nang maayos na siyang nakahiga ay pumasok ako sa banyo at mabilis na bumihis matapos maghilamos. 

Pagkahiga ko sa pwesto ko ay agad bumangon si Reinzel upang pumaibabaw sa akin. 

Narinig ko ang paghikab nito. "Good night, Moma..."

"G'night, Rein..." 

"Daddy..." banggit na naman nito bago ko naramdaman ang pagbigat niya sa ibabaw ko. Siguro sa tuwing pumapasok sa isip niya 'yun ay nasasabi niya. 

Even though I planned to wake up in the morning, I still kept me awake at noon. China and Reinzel are once again playing with gun toys. Si Jap naman ang nagluluto sa kusina. 

Pagkatimpla ko ng Milo ay nilapitan ko ang nakadikit sa pinto ng nakasaradong refrigerator. It's a house bill and a list of groceries. 

"Ah, Ma'am. Mamamalengke ho ako mamaya, may gusto ba kayong ipabili?" si Jap, dala-dala ang niluto palapit sa dining table. 

Sumimsim ako sa iniinom ko at naglakad palapit sa kaniya saka naupo sa upuan. 

"Hindi ba't nagpaalam ka sa akin noong nakaraang linggo na bibisita ka sa Tiyahin mong nasa ospital?" 

"Okay lang po na gabihin ako galing ospital. Basta mabili ko muna po 'yung kailangan natin bukas sa picnic," ani nito na nababahiran ng excitement pero nariyan ang lungkot. Ang tiyahin niya kasing 'yun ay ang nagpalaki sa kaniya. 

"Hindi na. Ako na lang para hindi kana abutin ng gabi mamaya," I said and smile at her. "Isasama ko na lang si Cardo." 

Mula sa sala ay pumasok si Reinzel sa dining, running towards me. Next was China which was obviously tired.

"Ma'am, sure ba talaga kayong isang taon pa lang 'yang si baby Rein? Ang liksi na, eh." 

"Ano sa tingin mo?" si Jap ang nagtanong. 

Umakyat si Reinzel sa binti ko kaya natatawa ko itong kinuha at pinaupo sa lap ko. 

"Para na kasi siyang sampong taon! Ang galing na magsalita at sobrang liksi na. Ma'am, baka naman hindi 'yan isang taon?" 

"Hindi naman porke gano'n ay hindi na siya isang taon," ani Jap. "Tingnan mo ikaw, bente kana mahigit pero parang limang taon pa lang. O 'di ba? Kahit ano'ng gawin mo kung ganiyan ka, ganiyan ka." Umupo ito sa upuan niya. 

Nagpipigil ako ng ngiti nang lingunin ko si China. Mukhang natigilan ito. 

"Bente dos na ako, Jap, hindi bente mahigit. Hindi ko alam kung saan mo nalaman na numero na pala ang 'mahigit'."

"Naku. Baby Rein, minsan 'wag kang makikinig kay tita Chi mo, ha," pagpapangaral ni Jap kay Reinzel na pinapanood lang din silang dalawa. 

"Kumain na lang kayo, gutom lang 'yan," singit ko. 

As soon as I got dressed, I went downstairs. Sasabay si Jap sa akin. Si China at Reinzel naman ay maiiwan. 

"Baby, do you want to buy anything other than siopao?" tanong ko sa nanonuod na si Reinzel nang makababa na ako. 

Si China ay naiwan sa taas dahil nag-aayos ng mga dadalahin namin bukas sa picnic. 

"Mommy, gun." Bumaba ito ng sofa at naglakad palapit sa akin. 

Baril na naman. 

"Pero marami kanang gun, Reinzel." Kung saan-saan na nga nagpapakalat-kalat ang laruan niyang baril. 

Binuhat ko siya. Nasa taas pa naman si Jap. 

"Siopao na lang."

"Maliban doon?" 

"Hmm, paper and pen. Nakikita ko si tito Romeo may gano'n."

Napangiti ako. "Tinuruan ka niya?"

Tumango ito. 

Pareho kaming napatingin sa taas ng hagdan nang marinig ang boses nila Jap, pababa ng hagdan. 

Kinuha ni China si Reinzel sa akin nang makalapit silang dalawa. "Kiss kana kay Mommy." 

Matapos akong halikan ni Reinzel sa labi ay umalis na rin din kami ni Jap. Bago bumaba ng ospital si Jap ay inabutan ko ito ng pera para kung sakaling kailanganin nila. 

"Salamat, Ma'am." 

Nang makarating naman ako sa paggo-grocery-han ko ay agad akong bumaba, nakasunod si Cardo. 

Nasa linyahan na ako ng junk food nang may maramdaman akong kakaiba sa paligid ko. Napatingin ako kay Cardo na nakasunod lang din sa akin habang tulak-tulak ang cart namin.

"Bakit po, Ma'am? May hindi po ba kayo naaabot?" 

"Ah." Baka napa-praning lang ako. "Wala, wala," nakangiting sabi ko. Nang muli kong harapin ang kinukuha kong Pic-A ay napawi ang ngiti ko. May kakaiba talaga akong nararamdaman. 

Something caught my eye at the end of where Cardo and I were standing. Nang iangat ko ang tingin ko roon ay nagtayuan ang balahibo ko sa katawan.

Those piercing eyes. Has beautiful physique and soft wavy hair. Nakatayo ito sa dulo namin. Kahit napapatingin na sa kaniya ang ibang mga mamimili ay hindi nito pinuputol ang tingin sa akin.

Aliyah. 

Nang ngumisi ito sa akin ay kinilabutan ako. 

Lumipat ang tingin nito sa likuran namin at may tinanguan. Napalingon ako sa likuran ko. Nang may makita akong dalawang lalaking naka-black tux sa likuran ni Cardo ay nagsimulang kumalabog ang dibdib ko, palapit sila sa amin. 

"Cardo."

"Ma'am? Ayos lang ho ba kayo?" 

"T-tara na. Okay na 'to," natataranta ko nang sinabi dahil sa takot. Naguguluhan man ay tumango siya. He was about to turn his back on me but I stopped him immediately. Wala akong nakikitang mga naka-black tux sa daang nasa kaliwang bahagi ko. 

"Dito tayo dumaan, Cardo." 

"Sige po, ma'am." Nauna siyang naglakad doon. 

Nang lingunin kong muli si Aliyah ay sumusunod na rin siya sa amin, may ngisi sa mga labi. Bahid ang galit sa mata nito. 

Hindi ko maintindihan. 

Naguluhan lalo si Cardo nang sabihin kong iwan na namin ang cart na may lamang mga bibilhin namin sana. Naging alisto siya nang sabihin kong may sumusunod sa amin. 

Pinagbuksan niya ako agad ng pinto ng kotse at agad na siyang lumiko patungo sa driver's seat. 

"Kumapit po kayo nang maigi, Ma'am." 

I looked at him in the rear view mirror. I couldn’t find my voice dahil sa kalabog ng dibdib ko. 

Napasinghap ako nang biglang paharurutin niya ang sasakyan. Nang tingnan ko siya sa rear view mirror ay nakatingin siya sa side mirror ng sasakyan. Pagtingin ko sa likod namin ay tatlong kotseng itim agad ang nakasunod, mabibilis din ang patakbo. 

"Cardo."

"Kumapit lang po kayo nang maigi." Ginawa ko ang sinabi niya. Mas bumilis ang patakbo niya na halos ikasuka ko sa panlulula. 

Paglingon ko sa likuran ay nakalayo-layo kami sa mga itim na sasakyan pero hindi 'yun tumigil sa pagsunod. 

"Cardo, kailangan nating makarating agad sa bahay." Wala akong ibang choice kun 'di ang kunin sina China at ang anak ko. 

Noong nakita ko si Aliyah, walang away na namagitan sa kanila ni Reybien. Kaya baka isa si Aliyah sa mga inutusan ni Reybien na hanapin ako at patayin.

Hindi niya pa rin ba kami patatahimikin? Talaga bang binibigyan niya pa ako ng dahilan na ilayo sa kaniya ang anak niya? 

Sumagitsit ang gulong ng sinasakyan namin dahil sa rahas ng pagpreno nang tumapat na kami sa bahay namin. 

"Kunin niyo na po sila Rein, Ma'am. Ako na po ang bahalang magbantay rito," ani Cardo. 

Tumango ako. Dali-dali akong bumaba at agad kong tinakbo ang bahay. Naabutan ko si China at Reinzel na nanonood. 

"Ang bilis niyo naman, Ma'am," nagtatakang tanong ni China. 

Lumapit ako agad kay Reinzel at agad na binuhat ito. "China, kunin mo 'yung mga gamit na inayos mo kanina. Aalis tayo." 

"Ngayon na po?" Ngumiti siya nang malawak. Pero nang sabihin ko ang dahilan ay napawi rin ang ngiti nito. 

"May humahabol sa amin. Nakasunod sila, China, kaya bilisan mo para makaalis tayo bago sila dumating." 

Sunod-sunod siyang tumango at agad na tumakbo sa taas. 

Napapikit ako at nagdadasal na sana ay makaalis kami bago pa dumating sina Aliyah. Hindi ko mapakalma ang kalabog ng dibdib ko. 

Hinigpitan ko ang yakap kay Reinzel na tahimik lang na nakatingin sa mga mata ko. Nginitian ko ito pero gano'n pa rin siya kaseryosong nakatingin sa akin. 

"Baby, puwede bang 'wag kang titingin sa mata ni Mommy?" 

"Ma?"

"Oo, baby, sa leeg ko lang ikaw tumingin." Sumunod naman siya kahit nakasalubong na ang makakapal na kilay. Ayaw kong mabasa niya sa mga mata ko ang pagkataranta at takot. Mabuti ang katawan ko ay napapakalma ko kahit papa'no. 

Malalakas ang nililikhang ingay ng mga yapak ni China pababa ng hagdan, dala-dala na nito ang mga bag. 

"Ma'am–ay!" Napaupo ako at siniksik sa leeg ko ang ulo ni Reinzel matapos makarinig ng putok ng baril mula sa labas, kasunod ang mga tunog ng sasakyan. 

Nariyan na sila. 

Tumayo ako agad nang makabawi. Tinatatagan ko ang loob ko at pilit na pinigilan ang pag-usbong ng takot. 

"Sa likod, Ma'am," pabulong na sinabi ni China nang lapitan kami ni Reinzel. 

Mabuti na lang hindi umiyak si Reinzel. "Are you okay, baby?"

"Yes, Mom." Wala ring bahid na takot sa boses nito. 

Agad kaming tumakbo sa pinto sa likod ng bahay, nang nakayuko. May mga putok ng baril pa rin na naririnig sa labas. Ibig sabihin ay patuloy pa rin na nakikipaglaban si Cardo. 

Sana lang ay walang mangyaring masama kay Cardo. 

Binuksan agad ni China ang nakasaradong pinto ng likod bahay. Sumilip siya sa labas. 

"Walang tao, Ma'am, tara na ho." Tumango ako at sumunod. Pinanatili ko ang ulo ni Reinzel sa leeg ko. Ilang takbo lang ang ginawa namin ay nakarating kami sa Park. Sa umaga at gabi lang dagsaan ang tao rito kaya ngayon ay wala masyado. 

"Sh*t!" Tumakbo kami agad ni China sa playground na may mga malalaking gulong. Sunod-sunod na putukan ng baril ang narinig namin, hinahabol kami. 

Hindi ko mapigilan ang mapalingon sa pinanggalingan ng putukan. Nakita ko si Cardo na nakasandal sa pader habang nilalagyan ng bala ang baril niya. May tama ito sa balikat pero parang wala lang 'yun sa kaniya. Nang makita ko naman si Aliyah ay tumago ako agad sa tabi ng malaking drum na pinalilibutan ng nakasandal na mga malalaking gulong. Si China ay nasisilip ko sa maliit na siwang ng gulong. Pumasok siya sa isang drum na nakatumba, ang bunganga ng drum ay nakatakilod sa gawi ko. Gumalaw iyon at tila nilalapit ni China ang bunganga sa pader para hindi siya masilip kung sakali. 

"Gusto mo ng laro, Reybien? Mabait naman ako kaya sige." Nadinig kong sinabi ni Aliyah na nagmumula sa gilid ko. Sinilip ko siya mula sa maliit na siwang. 

Kung gano'n totoo ngang inutusan siya ni Reybien na hanapin kami at patayin. Naalala ko na isang laro lang para kay Reybien ang pagpatay ng tao. 

Hindi matigil sa pagkalabog ang dibdib ko. Patuloy pa rin ang putukang nagaganap. Pawis na pawis na ang katawan ko dahil sa sikip nitong napagtaguan namin ng anak ko. 

Marahan ang ginagawang paglakad-lakad ni Aliyah sa harapan namin. Bahagya kong sinilip si Reinzel na tahimik lang na nakasiksik sa leeg ko. Hinaplos ko ang likod niyang basang-basa na sa pawis. 

Nadinig ko ang pagkasa ni Aliyah sa hawak niyang baril habang patuloy pa ring lumilingon-lingon sa paligid. 

"Binigyan mo ako ng kalayaan para patayin ang asawa mo, kaya sige." Muling pagsasalita ni Aliyah. "Hintayin mo sa kinalalagyan mo ngayon ang katawan ng asawa mong wala nang buhay." 

Nangilabot ako sa kaniyang huling sinabi. Hindi ko napigilan ang luhang lumandas sa mata ko. Tahimik ko 'yung pinunasan. 

"M-mom...can't breathe..." dinig kong halinghing ni Reinzel. 

Muling lumandas ang luha ko. Paghaplos lang sa likod niya ang nagawa ko. Kahit ako ay nahihirapan na rin sa hangin, isama pa ang mga gulong na umaalingasaw ang amoy guma, masakit sa ulo.

Napatingin ako sa drum na kinaroroonan ni China nang makarinig ako ng utot na doon nagmumula. Maya-maya lang ay biglang gumalaw ang drum. Nahigit ko ang hininga ko nang mapatingin doon si Aliyah at itinutok doon ang baril na hawak niya. 

"Ah! Ang baho!" sinigaw ni China. Gumagapang itong luamabas galing sa loob ng drum. "Susuntukin ko talaga ang Romeo na 'yun! Pinilit pa kasi akong pakainin ng kamote, eh!” palatak pa nito. 

"Kung minamalas ka nga naman," ani ni Aliyah kay China. Ibinaba nito ang baril na hawak. 

Nanlaki ang mga mata ni China matapos makita si Aliyah. Hindi ko maintindihan pero nakita ko ang takot at kung anong lungkot sa mga mata nito. 

"Nasaan ang asawa ng amo mo?" 

Umiling-iling si China. Hindi nito maalis-alis ang paninitig kay Aliyah. 

Muling itinutok ni Aliyah ang baril kay China. Kumalabog ang dibdib ko. 

"Sasabihin mo o papatayin kita?"

Binitawan ni China ang bag na hawak niya at walang takot na tumayo ng tuwid sa kinatatayuan niya. 

"Patayin mo na lang ako." Nanlaki ang mga mata ko. 

"T*nga ka pa rin. Matapos ng ginawa ng amo mo sa pamilya mo, ganiyan ka pa rin? Hanggang ngayon ba ay bulag ka pa rin? Dumoble ang katangahan mo sa katawan, alam mo ba 'yun?" 

Napababa kay Reinzel ang tingin ko nang marinig ko ang tila paghahabol nito ng hangin. 

"R-rein?"

"C-can't breathe..." 

"Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo! Patayin mo na lang ako!" sigaw ni China na nababahiran ng pagkaseryoso. 

"As you wish."

Sa muling pagsinghap ni Reinzel ay hindi ko na napigilan ang mapatayo. 

Nagtumbahan ang mga gulong na nakapalibot sa pinagtaguan namin. Umubo-ubo kaming pareho ni Reinzel habang lumalayo sa mga gulong. Habol naming mag-ina ang hininga.

Wala akong narinig na putok ng baril mula kay Aliyah kaya napatingin ako sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa batang kalungkalong ko. Pagtingin ko naman kay China ay basang-basa ang mukha nito dahil sa mga luha. Agad itong tumakbo palapit sa amin. 

"B-baby Rein. Ma'am..."

Narinig ko ang halakhak ni Aliyah. Mas kumabog ang dibdib ko. 

"Kung ang swerte ay may kasunod na malas. Gano'n din ang malas, may kasunod na swerte." Lumapit ito sa amin at tinadyakan si China palayo sa amin. 

"C-china!" Pumilipit ito dahil sa sakit na natamo. 

Tatayo na sana ako ngunit agad hinila ni Aliyah ang buhok ko. Narinig ko ang mahihinang hikbi ni Reinzel nang mapasigaw ako sa sakit. 

"Kung gano'n may anak kayo?" 

"B-bitiwan mo 'ko!" Hindi lang anit ang sumasakit sa'kin ngayon kun 'di pati ang leeg ko dahil sa pilit nitong pagpatingala sa akin. "Nasasaktan ako!"

"Dahil hinayaan mong makasal kay Reybien," ang sinabi nitya. "Kung hindi ka nagpakasal sa kaniya...hindi mo mararanasan ang lahat ng ito."

Tinutok nito ang baril sa sintido ko. Napapikit ako. 

"M-mom..." 

"I'm o-okay, baby..." 

"Okay now, dead later," nakangising sinabi ni Aliyah at mas idiniin ang dulo ng baril sa sintido ko. Napapikit ako lalo dahil sa sakit na dulot no'n. 

"A-ako na lang ang patayin mo, Ali... p-please." Si China na pilit tumatayo.

"Hindi ako katulad ng amo mo na kahit kilala ay tinutuluyan niyang patayin." Bahid ang pait sa sinabi nito. 

"D-daddy..." sambit ni Reinzel. Napahigpit ang yakap ko sa kaniya. 

Ngumisi si Aliyah. "Kahit anong tawag mo sa daddy mo, hinding-hindi ka niya mapupuntahan dito."

"Tumigil k-kana." Gusto kong agawin sa kaniya ang baril ngunit alam kong kapag ginawa ko 'yun ay baka tuluyan niya nga akong barilin. 

Inilayo niya sa sintido ko ang baril at tumayo ng tuwid, nakatutok pa rin sa akin ang baril. Humakbang siya ng isa paatras at. Dinalawang hawak niya ang baril na nakatutok sa akin. 

"Wala siyang alam na may anak kayo. Kaya bago niya pa man malaman, sisiguraduhin kong huli na." 

Naiyak ako. Napatingin ako sa daliri niyang nasa trigger. Bago niya pa makalabit 'yun ay bigla siyang napaluhod. Napadaing ako nang may maramdaman akong kumirot sa kaliwang balikat ko, matapos ang tunog ng pagputok ng hawak niyang baril.

"Mommy!" 

"F*ck you, Chi!" Pagtingin ko kay Aliyah ay nasasakyan na ito ni China sa tiyan at hinihila ang buhok niya. 

"Arg!" Daing ko nang kumirot ang dumudugo kong balikat. Inilayo ko sa akin si Reinzel. 

Nang makita ko ang kamay ni Aliyah na inaabot ang baril na malapit sa kaniya ay mabilis akong tumayo at tumakbo palapit sa kanila. 

Bago pa man maitutok ni Aliyah ang baril kay China ay napigilan ko na 'yun. Humiyaw siya ng malakas matapos masaktan sa ginawa ko. 

"I'll kill you!" sigaw nito. 

"Uunahan kita!" Sa bilis ng galaw ni China ay nakuha nito ang baril at agad pinutok sa dibdib ni Aliyah. 

Nahigit ko ang hininga ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya. Tumigil sa paggalaw ang katawan ni Aliyah. Nakamulat ang mga mata nito, umaagos ang dugo sa dibdib. 

"C-china..."

"Siya ang pumatay sa magulang ko, Ma'am!" sigaw niya at humagulhol. 

Napatulala ako sa kaniya. Natauhan lang ako nang makarinig ng tunog ng paparating na mga pulis. 

"C-china..." 

"U-umalis na ho kayo, Ma'am." 

Napailing-iling ako. "Hindi. Hindi kita iiwan dito." 

Lumakas ang ingay ng sasakyan ng mga pulis. Tumayo ako at tinakbo si Reinzel. Binuhat ko ito at nilapitan uli si China. 

Hinila ko siya patayo sa katawan ni Aliyah. 

"Tara na, China! Hindi kita iiwan dito!" 

"P-pero masama akong tao, Ma'am. N-nakapatay ako ng tao..."

"Wala akong pakialam! Hindi mo 'yun sinasadya." Umupo ako sa harap niya at iniharap ang mukha niya sa akin. "Makinig ka, hindi kita iiwan dito. Hindi mo 'yun sinasadya. Hindi mo 'yun ginusto. Niligtas mo lang ang sarili mo... China, hindi ka mamamatay tao." 

"M-ma'am..." Nang hilahin ko na siya uli patayo ay tumayo na siya. Tinakbo niya agad ang bag na binitawan niya kanina.

Kumirot-kirot ang balikat kong natamaan.

Tumakbo kami palayo imbes na tumakbo patungo sa mga pulis na dumating. Wala gaanong tao sa mga bahay na dinaanan namin. Nang makarating kami sa kalsada ay may marahas na sasakyan ang tumigil sa tapat namin. Kung hindi pa lumabas si Cardo ay baka tumakbo na kami palayo doon. 

Pinaharorot niya agad ang sasakyan matapos naming makasakay. 

"Ma'am, may tama kayo!" ani Cardo habang nagmamaneho. Napangiwi naman ako nang mapatingin sa kaniya. Duguan na ang magkabilang balikat niya, may dugo rin sa noo na mukhang nauntog. Pero ang mga tama niyang 'yun ay parang wala lang sa kaniya.

"S-si Danrick, tawagan niyo..." utos ko. 

Kinuha ni China si Reinzel mula sa akin. 

Umikot ang paningin ko at mas naramdaman ang kirot ng sugat. Naluha ako dahil sa sakit no'n. 

Sana huli na ang sugat na ito. Sana kung magkakasugat man ako, sana hindi na si Reybien ang dahilan... 

"Ma'am, n-namumutla na kayo!"

Hindi ko na magawang ibuka ang bibig dahil sa panghihina. 

"Cardo, bilisan mo dalahin natin si ma'am sa..." Biglang nanlabo sa pandinig ko ang boses ni China.

Dumilim ang paligid ko. At sa pagpikit ng mga mata ko, tumambad ang mukha ng lalaking pinagtataguan ko. 

Sa kadiliman na nasa paligid nito ay mas nagmukha siyang masama sa mata ko. Ngumisi si Reybien. Sa mga sandaling 'yun ay nahanap ko ang boses ko. 

"R-reybien, please lang... t-tigilan mo na kami..." umiiyak kong nabulong bago tuluyang sinakop ng kadiliman.

"K-kuya sir tulungan niyo kami..." salitang bumungad sa tainga ko nang bumalik ang pandinig ko.

"D-dad..." 

___________________________

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro