Chapter 16
Chapter 16: Lost
Napatingin ako sa hawak-hawak ng kaliwa niyang kamay. She held it up so I could see it more clearly. Nanlaki ang mga mata ko nang luminaw iyon sa paningin ko. I couldn't move. Para akong pinako sa kinatatayuan ko habang hinihigop naman ng sahig ang hangin ko sa katawan.
"10 hours. May sampong oras mo pang makakapiling ang pamilya mo."
"H-hindi...Hindi mo pwedeng gawin 'yan!" malakas na sigaw ko.
Napahagulhol ako dahil sa sobrang takot.
"P-please..."
"Please, what?" nanunuyang saad niya habang marahang naglalakad palapit sa akin.
"P-please...'wag. 'Wag mong gawin 'yan."
Humalakhak siya na parang isang dem*nyo. Sinakop n'yon ang buong sala.
"Sino ka para pagbigyan ko? Matapos mong agawin sa'kin si Reybien, sa tingin mo susundin kita?"
Napalunok ako nang sumeryoso ang mukha niya.
"Sampong oras na lang, Jimelle...sampong oras na lang. And don't you dare tell them about this kung ayaw mong mas mapadali ang pagkamatay nila."
Sa nakikita ko sa kaniyang mukha ay wala siyang balak na pakinggan at pagbigyan ako. Ibang-iba ang Veanzee na nakikita ko ngayon, sa Veanzee na nakilala ko.
Napapikit ako nang humalakhak siyang muli. I hurried out of the mansion habang iika-ika. I was even more nervous when the guards turned their heads at me. Pati sila ay iba ang mga awra. Hindi ko talaga makita si Joe kaya no choice ako kun 'di ang lumakad ng mabibilis. I was wearing only a light blue sundress, only tied around my neck to keep it from falling. My bandaged soles are too thin. As time went on, the injury on my foot became more and more painful. I couldn't walk properly.
Nakakalabas pa lang ako sa gubat, parang gusto ko na lang gumapang.
"Sandali na lang..." sabi ko sa tiyan ko nang kumulo ito. Kumalma iyon nang haplusin ko. Hindi ko maintindihan pero may maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ko.
Napatigil ako sa paglalakad nang may matanaw akong isang sasakyan na nasa unahan ko. Umaandar ito, mukhang patungo sa mansion.
Tumigil ang sasakyan sa malapit sa akin na ikinatalbog ng dibdib ko. Nasa tapat pa ako ng bangin! Pa'no na lang kung isa ito sa mga tauhan ni Veanzee?
Pero nang lumabas ang nasa driver's seat ay kumalma ang dibdib ko. "Roberto..." Kahit papa'no ay napahinga ako nang maluwag.
"Ma'am." Agad niya akong nilapitan. "Pumasok na ho kayo, ma'am..."
"S-salamat..." Inalalayan niya ako papasok. Parang gusto ng bumigay ng paa ko sa sakit.
As we were on our way home, he was recounting what had happened when I fell asleep. Roberto said that when Reybien left, just an hour ago, Veanzee suddenly arrived with a battalion of guards. Hindi naman daw sila nito sinaktan ngunit binantaan.
"Oras raw ho na malaman niyang may magsumbong nang tungkol no'n kay sir, malalagot daw ho kami lahat...Pati ang pamilya namin."
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa kaniyang sinabi.
"Hindi rin ho namin inakala na magiging gano'n si miss Veanzee, ma'am. Mabait ho siya sa amin dati, nagbago na po siya ngayon..."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nanahimik na lang ako hanggang sa matanaw ko na ang village na kinatatayuan ng bahay nila Mommy. Inalis ko agad ang seatbelt nang tumigil kami sa tapat, pero hindi agad ako bumaba.
Nilingon ko si Roberto. "Okay lang ba kayo sa tinutuluyan niyo ngayon?"
"Magiging okay rin po kami. 'Wag po kayong mag-alala, ma'am, mas magiging ligtas kayo rito. Kami na lang muna nina Rosie ang magmamasidmasid sa mansion kapag binalik na kami.”
Marahang ko siyang tinanguan. Napakatapat nila sa amo nila.
"Maraming salamat, Roberto, sa inyo nina Rosie. Mag-iingat kayo palagi."
Nang bumaba ako ay sakto namang kabubukas lang ng gate. I looked around to see if there was anything suspicious. I noticed nothing so I sighed in a relief. The behavior of the maids was not weird either. Pero hindi ako puwedeng mapanatag, kailangan kong mag-isip kung ano ang gagawin ko.
Ayaw ko silang mawala.
Sinalubong ako agad ni Manang. Bahid ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Kaya kahit gutom na gutom na ako, pumayag ako na umakyat muna sa kwarto ko para magpalit.
"Naku, nasa'n ba kasi ang asawa mo, ba't ka hinahayaang magkapilay. Hindi ka man lang inaalagaan." Kunot na kunot ang noo ni Manang.
Siguro kung nasa maayos lang ang kalagayan namin, baka natawa ako. When she finished re-bandaging my foot, we went downstairs. She immediately prepared food for me.
"Manang gusto ko ho ng dessert. Saging na may sawsawan na suka." Napatigil si Manang sa paglalagay ng kanin sa plato ko at naguguluhang napatingin sa sa akin.
Nginitian ko si Manang at tinanguan. Ako naman ang nakakunot noo ngayon sa naging reaksyon ni Manang, para kasing siyang gulat na ewan. Magsasalita na sana si Manang nang may pumasok sa dining. Si Daddy.
"Sige, hija. Hintayin mo ako." Malawak pa akong nginitian bago umalis.
"Thank you, Manang!”
Napabaling ako kay Daddy.
"Hello, D-dad..."
He cleared his throat at nilampasan ako, like I was just nothing.
“Uhm, Dad. How are you–,”
"Why are you here?" he asked coldly.
"Po? Umalis po kasi si Reybien…kaya bumisita muna ako. Kukunin ko rin ‘yong mga naiwan kong gamit." Sa bawat pagbuka ng bibig ko ay para akong kinakapos ng hangin.
"Umuwi ka na pagkakuha mo sa gamit mo."
I bit my lower lip. I was hurt by his words.
Sasabihin ko ba sa kaniya? Pero pa'no kung gawin ni Veanzee ang binanta niya na mas mapapadali ang pagpatay niya sa pamilya ko kapag may pinagsabihan ako?
Naiiyak na naman ako. Hindi p'wedeng mangyari 'yon. Kailangan kong gumawa ng paraan.
"Sa ayaw at sa gusto ninyo, hindi ako aalis."
I jumped in my seat nang malakas na binagsak ni Daddy sa lamesa ang basong pinag-inuman niya. I did not take my eyes off that were dimming with tears from his burning anger.
"Aalis ka bukas," maririing ani Dad bago lumabas ng dining. Hindi ko napigilan ang maluha.
Tahimik na lang akong kumain. Nang matapos ako ay umakyat na ako agad sa taas para puntahan si Mommy. Ang sabi ni Manang ay abala raw si Mommy sa pagtatahi.
"Mom..." Binuksan ko ang pinto ng kwarto nila ni Daddy.
"Sh*t!" mahina siyang napamura bago sinubo sa bibig ang hintuturo. Mabilis akong lumapit sa kaniya.
"Oh my god! I'm so sorry, Mom!”
"Okay lang. Ginulat mo kasi ako," nakangiting aniya.
Napangiti ako sa pagngiti ni Mommy. She looks happy this time.
"Masakit po ba?"
"Ikaw kaya turukan ko, ‘tapos tatanungin kita kung masakit." Pagkatapos ay inirapan niya ako.
Natawa ako. Ang saya ng puso ko habang pinagmamasdan si Mommy na maayos at ngumingiti. Nagpaturo ako para samahan si siya. Naubos ang ilang oras namin sa pagtatahi habang nagkukwento si Mommy. Si Michelle raw ay umalis, babalik ng hapon. Si Daddy naman ay umalis kani-kanina lang.
Gusto kong sabihin kay Mommy ang mangyayari, pero hindi ko magawa.
"Mom, umalis kaya tayo rito...”
Napaangat siya ng tingin sa akin.
"M-magbakasyon nila Dad…sa malayong lugar."
Bumaba ang tingin ko sa tinatahi. Nagsimula ulit manlabo ang mata ko kaya't napapitlag ako nang matusok ang hintuturo ko. Agad ko 'yung pinunas sa damit ko nang hindi napapansin ni Mommy.
"Sasama ka? Iiwan mo ang asawa mo?" Hindi ko inaasahang itatanong ‘yon ni Mommy.
I looked at her. Umalpas ang luha sa mata ko. Marahan akong umiling. "Hindi ko siya iiwan..." Hindi ko kaya. And I promised to him na nando'n ako sa mansion pagbalik niya.
"Kung gano'n dapat hindi ka na nagpunta pa rito. Sa kaniya ka lang magiging ligtas..." She wipes away my tears. "Para kang si Jimelle noong bata pa siya."
Nanggilid ang luha ni Mommy.
"She's always sweet to me, to her sister, father, and to her friends. Gano'n rin sa mga kasama namin rito sa bahay. Kahit sinasaktan namin siya, hindi siya lumalaban...Mahal na mahal niya pa rin kami."
Napababa ang tingin ko sa kamay niya nang kunin niya ang pinakamalaking karayom.
"She's our angel..." she added. Muling napaangat sa kaniya ang tingin ko nang maramdaman ko ang pagtitig niya sa akin.
"M-mom..." Hindi ko maintindihan pero bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Kaya hindi ako maniniwala sa pinagsasabi ng sira ulong lalaki na 'yun." Nanggitngitan ang ngipin niya, ang mga mata ay namumula na dahil sa pagpipigil na maluha.
Tumalim ang tingin niya at biglang nanlisik. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan.
"Hindi niya kami magagawang iwan! Hindi, hindi, hindi, hindi, hindi! Hinding-hindi!" malalakas na sigaw ni Mommy habang galit na galit na nakatingin sa akin.
Napalunok ako. "M-mom–oh my god!" I cried loudly matapos maramdaman ang sobrang kirot sa tabi ng mata ko.
"Hindi niya kami iiwan!"
"M-mom, stop!" Pumipiyok-piyok akong sumigaw. Nahulog ako sa sahig nang subukan kong tumayo upang makalayo kay Mommy.
"Jusko! Jimelle!"
"Manang!" Malakas ang aking pag-iyak. Malabo ang kumikirot kong kaliwang mata matapos tusukin ni Mommy ng karayom.
Sa nanlalabong mata ay nakita ko ang sunod-sunod na pagpasok ng ilang kasambahay para lapitan kami. Tinulungan nila akong makatayo. Si Mommy ay humahagulhol.
"Tawagin mo si Doc! Si Doc. Krisostomo!" Dinig kong utos ni Manang habang tinatahan si Mommy.
Bago pa man nila ako tuluyang maitayo ay nanlabo ang paningin ko, gano'n rin ang pag-ikot ng paligid hanggang sa mamanhid ang buo kong katawan.
"Jimelle hija!" Huli kong narinig bago mawalan ng malay.
Tahimik ang paligid ko. Wala akong marinig kahit anong ingay. Bahagyang kumirot ang kaliwa kong mata dahilan kaya ako napamulat.
"Sh*t..." daing ko.
Dahan-dahan akong umupo. Nang kapain ko ang kumikirot kong mata ay may nakapa akong nakatakip. Naluha ako dahil sa hapdi.
"Manang..." Dama ko ang tuyo kong labi. Paos ang boses ko, ang sakit sa lalamunan.
Marahan ang mga galaw ko. I got off the bed and looked for the lampshade that rested on my bedside table. It was already dark outside, only light coming from the moon illuminated my room.
I slept for a long time maybe because of what happened to my eyes, and the medicine the doctor had put, I think. I looked at the wall clock na nasisinagan ng buwan, it said 6 o'clock already.
Sh*t! May ilang oras na lang! I need to get my family out of here!
Naglakad ako palapit sa pinto at lumabas ng kwarto. Nangunot ang mata ko nang tumambad sa akin ang napakatahimik na paligid. Patay din ang ibang ilaw. Dumungaw ako sa sala ngunit wala roong katao-tao. Sunod kong pinuntahan ay ang maid quarters para tawagin si Manang. I was about to twist the door handle when I heard a loud tod followed by the loud cries of my mother, from the second floor.
Kumalabog ang dibdib ko.
I couldn't stop running towards the master's bedroom even though one of my eyes was hurt. Mommy's sobs grew louder in my ears habang papalapit ako, gano'n din kabilis na kumalabog ang dibdib ko. Nang tuluyan na akong makalapit sa nakasaradong pinto ay hinawakan ko agad ang door knob. Hindi 'yun naka-lock kaya agad ko 'yung pinihit at tinulak pabukas.
Napatakip ako sa bibig ko sa nadatnan.
Nakabukas ang lampshade kaya nakikita ko ang paligid ng master's bedroom. Hindi ko malapitan sina Mommy, Michelle at Daddy. Mga nakagapos sila sa malaking lubid. Napasinghap ako nang mapatingin sa katawang nakahiga sa ibabaw ng kama na punong-puno ng dugo.
"Oh my god, Manang!" nagawa ko pang isigaw sa gitna ng pananakit ng lalamunan ko. Dilat ang mata ni manang habang naliligo sa sariling dugo.
"J-jimelle..." tawag ni Daddy sa akin.
Bumama ang tingin ko sa kanila. Nanlalaki ang mga takot na takot nilang mata. Hindi direktang nakatingin sila sa akin kun 'di sa…likuran ko.
Nagtayuan ang balahibo ko sa batok nang may maramdaman akong presensya sa likuran ko. Before I could even turn around, he restrained my shoulder so that I could not face him.
"S-sino ka..." Nilabanan ko ang takot. "A-ano ang kailangan mo?"
Mahinang tumawa ang nasa likuran ko. Nagtayuan ang balahibo ko.
"Hi, Jimelle..." Nanigas ako sa kinatatayuan nang makilala ko ang boses.
Pinilit kong harapin siya ngunit mas diniinan niya lang ang pagpigil sa balikat ko. Mahina akong napadaing nang bumaon ang kuko niya.
"B-brandon..."
Mahina muli itong tumawa. "Long time no see, Jimelle. Kumusta ka naman?"
Kinilabutan ang buo kong katawan nang humaplos ang kamay niya pababa sa braso ko. Hinaplos-haplos niya ang balat ko. Sinubukan ko uli na tabigin ang kamay niya, pero sadyang malakas siya.
"P-pakawalan mo na sila..."
"Ha?"
"P-pakawalan mo na sila, parang awa mo na..." Nanlambot ang tuhod ko pero pinanatili ko ang tindig ko.
Bumitaw siya sa akin at nilapitan ang pamilya ko. Akala ko ay kakalagan na niya sila ngunit nagkamali ako.
"Ah!" malakas na nasigaw ni Michelle matapos hilahin ni Brandon ang buhok.
Lumuluha lang akong napatingin sa kanila, wala akong magawa. Ang katawan ng mga kasambahay ay puro duguan na sa sahig.
"P-parang awa mo n-na, B-brandon...p-please...." pagmamakaawa ko.
But he didn't listen. Sunod ay buhok naman ni Mommy ang hinila niya.
"Stop it!" Dad shouted angrily.
Binitiwan ni Brandon ang buhok ni Michelle saka lumuhod sa harapan ni Mommy.
"Iniwan ka ng anak mo. Iniwan ka niya. Tumakbo siya palayo sa inyo..."
"Hindi! Hindi 'yon magagawa ng anak ko!"
"Magagawa niya 'yon. Nagawa na nga niya noong una, eh..." Nag-angat pa ito ng tingin sa akin at nginisihan ako.
"Hindi!" Humagulhol uli si Mommy ng pagkalakas-lakas.
Siya ba ang lalaking nagpapabaliw kay Mom? Pa'no nangyari...
Nakangisi ng malawak si Brandon habang marahang humahakbang palapit sa akin.
"Gusto mo pa silang mabuhay, hindi ba?"
Sunod-sunod akong tumango. Nang tingnan ko sila Daddy ay nasalubong ko ang tingin nila. Hindi na galit ang nakikita ko sa mga mata nila habang nakatingin sa akin. Pagsisisi ang nakikita ko.
"Nakita niyo na?" paglingon pabalik ni Brandon sa pamilya ko. "Wala naman siyang ginagawa sa inyo pero ang sama-sama niyo sa kaniya."
"Ako na lang. Kaya kong pagbayaran ang lahat," matigas na sinabi ni Dad, matamang nakatitig kay Brandon ang galit na mga mata.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi puwede! Hindi ako papayag. Agad kong sinipa ang kamay ni Brandon na nagbubunot na ng baril sa likod ng bulsa ng pantalon niya.
"Ano ba'ng problema mo? Ikaw na nga ang tutulungan para wala nang manakit sa'yo!” asik niya nang may panunuya.
"Gagawin ko ang lahat, please...let them go…" Lumuhod ako sa harap niya.
Lumawak ang nakakairita nitong ngisi.
"No! Patayin mo na lang ako! Jimelle, tigilan mo ang ginagawa mo!" Pilit na nagpupumiglas si Dad.
"Bumalik ka sa mansyon," ani Brandon. Lalong sumigaw-sigaw si Dad ngunit hindi namin ito binalingan ni Brandon. "Bumalik ka kay Veanzee...at kunin sa kaniya ang timer."
"W-what do you mean?" kinakabahang tanong ko. Mas kumalabog ang dibdib ko.
Hindi siya nagsalita. Nilipat niya lang ang tingin niya sa pamilya ko kaya napatingin din ako. Nanlaki ang mata ko nang makita ang bagay na nasa gitna nilang tatlo. Lalo akong napaluha. May time bomb.
Hindi.
"May thirty minutes pa bago maging karne ang pamilya mo. At mapipigilan mo lang 'yan kapag nakuha mo kay Veanzee ang magpapatigil sa pagsabog."
Muli ko siyang nilingon. "Pa'no ko masisiguro na hindi mo sila papatayin kapag umalis ako?"
"Kapag hindi mo 'yan napigilan, pati ako damay. Pinabantay lang ako rito ng Veanzee na 'yun, kapalit ng pagpapagamot ng asawa ko...Sigurado rin akong pinaghahanap na ako ngayon ng kampon ng asawa mo, kaya no choice," simpleng sinabi nito.
Tumayo ako. Twenty-eight minutes na lang nang lingunin ko ang bomba.
"Siguraduhin mong wala kang gagawin sa kanila."
Ngumisi siya. "Wala na akong gagawin, pero hindi ko alam sa mga tatawagan k–" Bago niya pa matapos ang sasabihin ay agad kong sinuntok ang dibdib niya. Natumba ito at nawalan ng malay.
Thanks to Direct Miko, for teaching me how to make people unconscious.
Binigyan ko lang ng isang sulyap ang pamilya ko bago ko nilisan ang kwarto. Hanggang sa makababa ako ng sala ay dinig ko ang pagtawag nila sa pangalan ko.
Kaya ko 'to.
Agad kong minaneho ang sasakyan ni Dad nang makasakay ako.
Pasulyap-sulyap ako sa orasan habang nag-o-over take sa mga sasakyang nasa unahan ko. Naging madilim ang daan nang pumasok ako sa gubat. Nang lumampas naman ako sa bangin ay sumunod ang panibagong gubat, may mga ilaw nang nakabukas.
Mas binilisan ko ang pagpapatakbo sa sasakyan. Nag-iwan pa ng malakas na sagitsit ang sasakyan sa kalsada dahil sa ginawa kong marahas na pagtigil nang makarating ako.
Nakatingin lang ang mga guard sa akin habang tuloy-tuloy ako sa pagpasok.
Pwersahan kong 'tinulak ang pinto. Saktong pagbukas no'n ay ang tunog ng yapak ni Veanzee pababa ng hagdan.
"Fifteen minutes pa..." may ngisi nitong sinabi.
"Ibigay mo na sa'kin."
"Duh. Hindi naman dapat gano'n kadali."
Nagngitngitan ang ngipin ko. Pagtingin ko sa hawak niya ay may thirteen minutes na lang ako.
Lumapit na ako agad nang tuluyan itong makababa.
"Ano ang kailangan kong gawin para tigilan niyo kami ng pamilya ko." Pinilit ko'ng maging matapang.
"Gusto ko muna na may malaman ka kahit papa'no sa nakaraan mo. Alam kong may amnesia ka kaya ayaw na ayaw mong pakawalan si Reybien," nakangising ani nito.
Naguluhan man ay hindi ko iyon pinansin. Ang kailangan ko ay mailigtas ko ang pamilya ko. Nang sulyapan ko ang timer ay may ten minutes na lang ako.
"Una, tinangka mo ang mangibang bansa para hindi matuloy ang arrange marriage niyo ni Reybien. Pero hindi 'yon natuloy dahil pinigilan ka ng mga tauhan niya. Nina Jerick."
Jerick.
Napapikit ako nang mariin nang magsimulang sumakit ang ulo ko.
"Kinasal kayo." Matatalim na ang mga salita nito. "Ikakasal pa sana kayo sa simbahan pero muli kang tumakbo... Tinakbuhan mo ang laha–"
"Tama na!" malakas na sigaw ko kasabay ng pag-alpasan ng luha ko. Hindi ko siya maintindihan! Sumasakit lang ang ulo ko.
Pero hindi siya nagpaawat.
"Tinakbuhan mo ang lahat dahil sasama ka na makipagtanan kay Jerick!" pagpipilit nitong pagpapaintindi sa akin. "At dahil sa ginawa mong 'yon, nabaliw ang Mommy mo–"
"Sabi ko tama na!" mas malakas kong sinigaw kasabay nang pagsugod sa kaniya. Napahiyaw siya sa sakit dahil sa pagtulak ko sa dibdib niya. Natumba siya dahilan kaya't umalpas sa kamay niya ang timer at tumilapon sa pangalawang baitang ng hagdan.
Agad ko 'yong tinakbo. Five minutes!
Pero bago ko pa 'yon maabot ay may humablot sa buhok ko. Napahiyaw ako sa sobrang sakit, dumagdag pa ang mata kong kirot na nang kirot.
"Hindi ko hahayaang maging madali para sa'yo ang lahat!"
Napahiyaw ako nang itulak niya ako sa hagdan. Napadaing ako nang tumama ang baywang ko sa kanto. Pinilit kong tumayo at pwersahan siyang tinulak, na ikinahiga niyang uli.
"F*ck you!" galit na galit niyang sinigaw bago mabilis na tumayo. Bago pa man siya makalapit sa akin ay agad kong inabot ang timer at tumakbo pataas, pero bago pa man ako makarating sa taas ay nahablot niyang muli ang buhok ko.
"Ouch!" hiyaw ko. Sinubukan niyang abutin ang timer sa akin, pero bago niya pa man makuha iyon ay napatigil ko na 'yon. One minute siya nang mag-stop.
Tinulak kong muli si Veanzee ngunit muli akong napahiyaw nang maabot niya ang buhok ko't nasama sa paggulong niya pababa.
Napabaloktot ako. Napahiyaw ako nang pagkalakas-lakas dahil sa pagkirot ng ulo ko, pati ang tiyan ko.
Kahit nanghihina ay tumayo ako, gano'n rin si Veanzee na hinang-hina na rin pero nagawa pang bumangon.
"P-papatayin kita! Hindi ako papayag na mapunta sa'yo si Reybien! He's mine only!”
Bago pa siya tuluyang makatayo ay naglakad na ako palayo sa kaniya. Ngunit bago ko pa maabot ang pinto ay natigilan ako sa mga pangyayaring biglang pumasok sa utak ko.
Mga ala-ala…
Simula pagkabata ko. Ang mga sakit na naranasan ko, galing sa pamilya ko. Sunod-sunod na bumuhos ang luha ko. Hanggang sa maalala ko ang pangyayaring hindi ko inakalang mangyayari sa akin.
"Ma'am kumapit kayo nang mahigpit!" sigaw ni Jerick.
"J-jerick ano'ng nangyayari–ah!" napahiyaw ako.
"Ma'am, yumuko ho kayo!" sigaw naman ng driver.
"H-ha–oh my god!" napahiyaw akong muli nang may magpaputok. "J-jerick!" nasigaw ko nang makita kong natamaan siya ng bala sa balikat.
"H-humawak kayo, ma'am." Napahiyaw ako nang tumama ang sasakyan sa malaking puno. "M-ma'am…hali na ho kayo."
Kahit nahihirapan ako gawa ng suot kong wedding gown ay pinilit kong sabayan ang takbo ni Jerick, kahit na nadadapa dapa na ako.
The memories come flooding back all at once.
"A-ano'ng nangyayari, Jerick..." naiyak na rin ako dahil sa takot.
Napahawak ako sa ulo ko at muling napahiyaw ng malakas nang may sunod-sunod na pangyayari muli ang pumasok sa isip ko.
"S-sino sila, Jerick? Sino sila..."
"U-umalis na ho kak...k-kayo..."
"Sabihin mo sino sila!" hiyaw ko na dahil sa pumikit pikit ang mata niya.
"M-ma'am...n-nasa...s-si s-sir ho, Ma'am...si Sir ho, m-ma'am..."
"Hindi!" malakas kong sigaw.
Napahagulhol ako.
"Ano? N-naalala mo na? Ngayon, kung ayaw mong tuluyang m-matapos ang buhay mo umalis ka na..." kinakapos hiningang ani Veanzee sa likuran ko.
"Hindi..."
"Umalis ka na! Iwan mo na si Reybien kung gusto mo pang mabuhay para sa pamilya mo. Nagawa mo na silang iligtas, 'di ba? Umalis kana at magpakalayo-layo na kayo! 'Wag na 'wag ka ng magpapakita sa asawa mo! Wala siyang puso! I can love him, kahit pa siya ang pinakamasamang tao. Save yourself, Jimelle!”
Narindi ako sa pagsisigaw ni Veanzee. Hindi ako makapag-isip nang maayos.
Pero ramdam ko ang kirot at pighati ng puso ko. He tried to kill me. He wanted to kill me…but why?
Binabalak niya akong patayin noon. At nabaliw ang mommy ko dahil sa nangyari...Wala siyang kasing sama.
"Pero katulad ng sinabi ko sa'yo kanina, hindi ko hahayaan na maging madali sa'yo ang lahat."
Mabilis akong napalingon kay Veanzee matapos kong marinig iyon. Napatingin ako sa kamay niyang may hawak ng baril ngayon.
Nanlaki ang mga mata ko.
Ikinasa niya ang baril nang hindi inaalis sa akin ang nanlilisik na tingin. Mabilis akong tumakbo palabas ng pinto.
"D*mn you!" galit nitong sigaw nang maiwasan ko ang bala.
Dali-dali akong lumabas sa gate nang nakayuko at takip-takip ang tenga dahil sa mga tunog ng pagtama ng baril sa metal.
"Argh! Ano ang ginagawa niyo?! Habulin niyo siya! Mga k*pal, b*bo, mga tat*nga-t*nga! Mga wala kayong kwenta! Mga p*tang ina niyo!" dinig kong pagsisisgaw ni Veanzee sa mga guard.
"Oh my god!" napayuko ako nang tumama sa hulihan ng sasakyang ginamit ko ang bala ng baril mula kay Veanzee.
Mabilis akong pumasok sa sasakyan nang buksan ko 'yon. Mas dumami ang mga balang tumatama sa sasakyan.
Nanginginig ang kalamnan ko. Ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa manibela ay hindi natitigil sa panginginig.
"Sh*t, sh*t..." bulong-bulong ko nang hindi sumasakto ang susi. Napahiyaw ako at muling napayuko nang may balang tumama sa side mirror. Nang mabuhay ko ang sasakyan ay mabilis ko 'yung pinaandar.
Paglingon ko ay mga nakasakay na rin sa kaniya-kaniya nilang sasakyan ang mga tauhan, pati si Veanzee na nakita ko pang ngumisi sa akin.
Lumakas ang kalabog ng dibdib ko nang marating ko ang bahaging bangin. Nang matanaw ang panibagong gubat na madilim ay dasal ako nang dasal.
Napasinghap ako nang may makita akong sasakyan sa unahan ko na tumigil. Napapikit ako't ipinihit ang manibela 'tulad ng ginawa ni Jerick noon. Napadaing ako dahil sa muling pagsakit ng tiyan ko. Mabilis akong bumaba ng sasakyan. Naririnig ko na rin ang mga pagharurot ng sasakyan nila Veanzee.
"Ma'am!"
Napatingin ako sa sasakyang tumigil sa unahan ko. Tatakbo na sana ako palayo, pero nakilala ko ang tatlong taong tumatakbo palapit sa akin. May iba rin silang kasama na guard namin na silang umaabang sa pagdating nila Veanzee.
"C-china..." nanghihinang tawag ko. Nagbagsakan ang panibago kong luha. Namilipit ako nang sumakit uli ang tiyan ko.
"Jusko, M-ma'am!" Agad nila akong inalalayan.
Sunod-sunod na pagpapaputok ang narinig namin, may bala pang tumama sa puno na nasa gilid ko. Nagtayuan ang balahibo ko dahil doon.
"Nariyan na sila Miss Veanzee! Tara na ho, Ma'am!" Agad na nilagay ni China at Rosie ang braso ko sa batok nila upang alalayan ako.
Hinang-hina na ako.
"Roberto, ikaw na ang bahala, ah."
Napaluha ako. Gusto ko silang pigilan na samahan ako. Gusto ko silang paalisin na lamang rito para hindi na madamay pa. Ayaw kong matulad sila kay Jerick.
"R-roberto, u-umalis na lang kayo. Rosie, China..." Pilit kong inaalis ang braso ko sa kanila ngunit pinipigilan nila ako.
Sabay-sabay silang nagsi-ilingan.
"Na'ndito po kami kasi sa amin kayo hinabilin ni sir… Ililigtas namin kayo!" Muling inalalayan nila akong dalawa.
Para ano? Para siya na mismo ang pumatay sa akin? Napayuko kami nang may bala na naman na tumama sa nalalampasan naming puno.
"Ma'am, kuya ko ho si Jerick, k-kung natatandaan niyo na po," ani Roberto. "At handa ko rin ho na ibuwis ang aking buhay maprotektahan lang kayo at madala sa mabuting kalagayan."
Kay Reybien Jude Fuertez lang ako galit. Sa kaniya lang! Siya lang ang may kasamaang ginawa sa'kin. Hindi ko dapat sila idamay.
Kahit tutol ako ay wala na akong nagawa. Gusto ko rin na ilayo sila sa gulo ko. Mabilis nila akong inalalayan palayo sa lugar na patuloy na nagpuputukan.
"Ang babaeng 'yun ang kailangan niyong matamaan!" dinig kong sigaw ni Veanzee.
Napahiyaw kaming tatlo nina Rosie nang may bala kaming naramdaman na dumaan sa pagitan namin.
Nagpaiwan nga si Roberto. Tanging buwan na lang ngayon ang nagbibigay ng liwanag sa makalat na daan ng gubat. Kung noon nahihirapan akong tumakbo dahil sa suot kong wedding gown; ngayon nahihirapan na ako dahil sa pananakit ng katawan ko't pagkirot ng tiyan ko. Idagdag pa ang mata kong kumikirot.
Nasa malayo-layo na kami nang may maramdaman uli kaming bala na dumaan sa paanan namin.
"Hindi kita hahayaang magkaroon pa ng panibagong buhay, Jimelle!" sigaw ni Veanzee mula sa likuran.
Napatingin ako kay Rosie nang tumigil ito at inalis ang braso ko sa batok niya.
"Chichi, ikaw na ang bahala kay Ma'am.”
"R-rosie! No! ‘W-wag please…baka…"
"Kaya ko po ang sarili ko, Ma'am."
"Pero–"
"Sige na, Chichi. Mag-iingat kayo."
Ngayon ko lang nakitang ganito ka-seryoso si Rosie. Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtango ni China pagkatapos ay agad na akong hinatak palayo roon.
"China..."
"Kaya po 'yun ni ate Rosie, Ma'am. Kahit b*bo po siya sa Ingles, marunong pa rin po 'yan makipagbakbakan. Tinuruan rin kasi siya ni kuya sir–ay baboy na gumiling!" hiyaw niya nang tumama ang bala sa punong nasa unahan namin.
"C-china si Rosie..."
"K-kaya niya 'yon, Ma'am!" pilit na pagpapalakas loob niya sa akin.
Hindi pa man kami nakakalayo nang tuluyan ni China ay may dalawang lalaki ang humarang sa daan namin.
Napatigil kami ni China.
Napatingin-tingin ako sa paligid. Mas lumiwanag ang buwan. Nasa dulo na kami ng bangin...ulit. Nasa dulo na ulit ako ng bangin. Napadaing ako nang muli na namang kumirot ang tiyan ko.
"C-china, m-masakit..." naiiyak kong sambit.
Seryoso siyang nakatingin sa dalawang nasa harapan namin. Nang gumalaw siya ay hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya. Mula sa pagkakatayo niya ay mabilis siyang nakadampot ng mga tuyong dahon at mabilis na sinaboy sa dalawang lalaki, pagkatapos ay malakas na sinipa sa dibdib.
Napatayo ako nang lapitan niya ako. Hinila niya na ako palayo sa lugar na iyon, ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay muling nakabangon ang dalawang lalaki at agad kaming pinaputukan.
Tumago kami ni China sa malaking puno. Muli akong napanganga sa kaniya nang hawiin nito ang mahaba niyang palda, at mula sa legs ay naroon ang isang baril. Mabilis niya 'yong binunot at pinaputukan ang dalawa. Hindi naman iyon natamaan dahil tumago rin sa puno. Ilang sandali silang nagpapalitan ng putok. Maya-maya ay dumagdag ang balang patungo sa pwesto namin. Nang sumilip ako ay nakita ko si Veanzee.
Kumalabog ang dibdib ko.
Si Rosie...
Napatingin ako kay China nang dumaing ito.
"T-tara na ho, Ma'am." Agad niya akong hinila patakbo sa unahan.
Ang bangin.
"C-china..."
"Wala na tayong pagpipilian, M-ma'am..." ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya gawa ng natamo niyang sugat sa balikat.
"C-china, dumudugo ka."
"Ayos lang ho, Ma'am, sampo ang buhay ko dahil ako ay isang pusa–pusang gala! Nandiyan na si Miss Veanzee!" biglang sigaw niya at mas bumilis ang takbo.
"Mamamatay kayong dalawa ngayong gabi!" sigaw ni Veanzee.
Nang marating namin ang labi ng bangin ay napalunok ako. Hindi ko ito magawang silipin dahil natatakot ako. Mahigpit kong kinapitan ang kamay ni China. Napapikit ako nang mariin. Napamulat ako sa tunog ng pagkasa ng baril. Nakatutok sa akin ang baril na hawak-hawak ng nakangising si Veanzee.
"Sigurado na akong mamamatay kana sa pangalawang hulog mo riyan," aniya.
"China." Pagtingin ko rito ay namumutla na, puro pawis na ang noo.
Wala na si Rosie....hindi ako papayag na pati si China ay matulad sa kanila ni Jerick. Binalik ko ang tingin kay Veanzee.
"Ako na lang, 'w-wag mo na siyang idamay..."
Bumitaw ako sa hawak ni China. Tumututol ang mga mata niya sa akin. “M-ma'am..." mas naluha ako nang kumawala ang luha sa mata niya.
I smiled at her.
Umatras ako ng isang beses. Napapikit ako nang kumalahati ang paa ko sa lupa at sa hangin. Muli akong napaluha nang humakbang ako ng isa pa. Napasigaw ako nang tuluyan na akong malaglag. Nang marinig ang sunod-sunod na pagputok ay napadilat ako.
"China!" sigaw ko at muling napaluha.
Pero gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang tumalon din siya pasunod sa akin. Bago pa ako makasigaw ay muli ko nang naramdaman ang malamig at matigas sa likuran ko. Kumirot nang labis ang buong katawan ko. Dumilim ang paligid ko't kinapos sa hangin.
"Oh my god, she's awake!" malakas na sigaw ang aking narinig, sunod ay ang mga yabag palapit.
Pagmulat ko, ang pamilyar na paligid ang tumambad sa akin. Ang kwarto kung saan ako namalagi ng ilang taon. Nakita ko si Lola, si Thea, at si...Danrick.
"Venus, apo ko... Salamat sa Diyos," lumuluhang ani Lola.
Sunod akong napatingin kay Thea.
"V-venus..."
"Jane..." mahina at walang emosyong usal ko. Nanlaki ang mga mata niya "Jane..." I repeated.
Si Thea at si Jane ay iisa. Hindi na nawala pang muli ang ala-ala ko. Natigilan sila pare-pareho. Nangunot ang noo ko at napatakip sa bibig sa biglang paghalukay ng sikmura ko. Kahit nanghihina ay agad kong inalis ang kumot sa katawan ko. Mabilis akong bumaba sa kama ko at dali-daling tumakbo patungo sa banyo. I vomit. Napasalpak ako sa lababo matapos ang nakakapanghinang pagduduwal.
Sh*t, nahihilo ako.
Napasapo ako sa noo ko't napapikit.
"S-sabi ng doctor...nagdadalang tao ka." ani Lola mula sa likuran ko.
Napalingon ako sa kanila.
"W-what do you mean, L-lola?" Lumipat ang tingin ko sa babaeng nakatayo sa tabi ni Danrick na may benda sa balikat.
"Nagdadalang tao ka, apo..." pag-uulit ni Lola. "But..." hindi matuloy-tuloy ni Lola ang sasabihin dahil sa paghagulhol.
“Tell me…”
Humakbang si Jane palapit sa akin at niyakap ako. She was crying. “You're having a twin sana…pero b-bumitaw ang isa.”
Napatakip ako sa bibig. Sobrang bumigat ang paghinga ko. Nasapo ko ang bibig. Hindi ko na napigilan ang pag-alpasan ng luha. Napatingin muli ako sa babaeng katabi ni Danrick. I walked towards her. I don't know why, pero pakiramdam ko…siya na lang ang nag-iisang mapagkakatiwalaan ko.
“M-ma'am…” humagulhol si China nang yumakap ako. “I’m s-sorry po…h-hindi ko siya nailigtas.”
I couldn't process any words to say. Nayakap ko na lang din siya at malakas na napahagulhol.
My baby… I lost my other baby…
____________________________
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro