
Hide And Seek
"Tagu taguan maliwanag ang buwan, gusto kong sumali sa dilimdiliman pagbilang ng tatlo nakatago na kayo isa dalawa tatlo." huminto na sa pagkanta si Aly at nagsimula na siyang maghanap sa kanyang mga kalaro kahit na imposible niya itong makita, hindi dahil sa madilim na ang paligid kundi dahil sa siya ay bulag, siya'y nasa ampunan dahil iniwanan na siya doon ng kanyang mga magulang bago palang siyang isilang, nagtataka kayo kung bakit siya naglalaro ng taya-tayaan kahit na bulag siya? dahil yun sa kagustuhan niyang magkaroon ng kaibigan kahit na lagi pa siyang taya ok lang basta kasali siya, basta may tinuturing siyang kaibigan.
"panget panget!" rinig niyang asar ng ilang bata mula sa di kalayuan kaya naman sinundan niya ang boses nila at nabangga niya ang isa sa mga bata.
"ano ba?! di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" bulyaw sa kanya ng isang bata
"palibhasa bulag." sabi naman nung isa pero kahit na ganoon ang sitwasyon walang luhang pumatak sa mukha ni Aly.
"hindi siya panget, walang taong panget."sabi ni Aly sa mga ito
"nasasabi mo yan kasi bulag ka hindi mo siya nakikita!" sabi ng isa
"kawawang Aly wag ka kasing sumasali sa mga away kaya ka walang kaibigan eh."
"gusto kong magkaroon ng kaibigan oo, pero kung katulad niyo wag nalang, ako mata lang ang bulag, kayo pati puso niyo." sabi niya tapos eh yumuko ito at hinanap ng kamay niya kung nasaan ang batang inaapi hanggang sa mahawakan ng kamay niya ang mukhang basa na tila kakagaling lang sa pag-iyak kaya naman hinila niya ito papaalis.
"magsama kayo pareho kayong alien!!" sigaw ng isang bata, ng makalayo na silang dalawa
"salamat nga pala." sabi ng batang lalaki.
"Aly :)" sabi ng batang babae tapos eh inabot nito ang kamay niya,
"Lexis. " inabot naman ng batang lalaki ang kamay niya tsaka nito iwinagayway sa mukha ng batang babae hanggang sa nakasigurado siyang bulag ito.
"bulag ka ba talaga?" tanong nito.
"ikaw ata yung bulag eh ahahhaah!" tawa naman ni Aly
"ahahahha friends?" tanong ni Lexis.
"friends :)" sabi naman ni Aly tapos magmula nung araw na yun eh lagi na silang magkasama sila yung tipong mahirap ng paghiwalayin.
"nga pala Lexis matagal na tayong magkakilala pero bakit ka nga pala nasa ampunan?" bigla nitong natanong.
"ayaw na kasi saken ng mama ko, bata palang kasi daw ako ang gwapo ko na masyado magiging problema lang daw ako paglaki ko " sabi neto ng malungkot.
"mga bata hali na kayo at magpapakuha tayo ng litrato." sabi ng isang madre na tagapangalaga nila.
"ah opo!" matapos kunan ng litrato ay binigyan sila ng tig-iisang kopya, ginupit ni Aly at Lexis ang litrato at tinira lang nila yung silang dalawa lang lagi nila yung dala dala san man sila magpunta.
"tara laro tayo tagu taguan!" pag-aaya ni Aly
"lagi mo kong inaaya sa larong yan eh ni hindi mo nga ko makita :3" pagrereklamo naman ni Lexis
"hayaan mo na sige na :D" pagpupumilit ni Aly,
"Tagutaguan maliwanag ang buwan." ng lumingon si Lexis para sana mandaya at makita kung san nagtatago si Aly ng makita niyang may papalapit na sasakyan kay Aly at dahil nga sa bulag ito eh hindi niya yun makita kaya naman mabilis siyang tumakbo kung nasaan si Aly
*BOOGGSHHHH* sa ospital
"oi buti gising ka na." masayang sabi ni Lexis Kay Aly
"teka taya na ba ko?" tanong neto
"taya ka diyan :/ ng dahil sa larong yun bulag ka na nga nagkapeklat ka pa sa likod." sabi ni Lexis
"talaga? cool!" saad ni Aly
"cool ka diyan :3 "
"teka patingin nga!" sabi ni Aly sabay hila kay Lexis tapos eh inaktong iniisnpikyon ang katawan nito pero wala naman siyang nakikita hanggang sa may naramdaman siya sa likod ni Lexis na parang isang mahabang bendahe
"teka ano to?" tanong ni Aly
"ah yan gasgas yan buti nga hindi mukha ko ang nagsgasan eh ang gwapo ko pa naman." saad ni Lexis
"tama na ang pagbibiro ano nga to?" seryosong tanong ni Aly
"parang peklat mo lang din sa likod :3" -Lexis
"siraulo ka talaga :3" saad nito sabay tsinek ang laman ng bulsa niya
"may problema ba?" tanong ni Lexis
"ba't para iba ang damit ko?" tanong ni Aly
"ah kasi pinalitan ka na ng nurse dito kanina."-Lexis
"ah! nandun yung pictyur natin eh! asan na yung damit?" -Aly
"tinapon na." -Lexis, sabay biglang umiyak si Aly dahil nga sa isang larawan na yun.
"teka may kopya naman ako nun eh." - Lexis tapos eh kinuha nito sa bulsa niya ang kanya at saka pinunit.
"oh yan pinunit ko para sayo, sayo yung gwapo kong mukha at akin yung sayo kaya wag ka ng umiyak." -Lexis
2 taon pa ang lumipas ay mayroong dumating na mayamang mag-asawa sa ampunan at nais na ampunin si Aly para narin mapagamot ang kanyang mga mata
"Aly sumama ka na,." pagpupumilit sa kanya ng Madre.
"ayako! ayako! " paulit ulit na saad ni Aly
"Aly sumama ka na dadating na din yung mag-aampon saken maghihiwalay at maghihiwalay talaga tayong dalawa." - Lexis
"pero." -Aly
"hindi mo naman ako kakalimutan diba? basta pangako magkikita pa rin tayo." -Lexis tapos eh naisakay na ng kotse si Aly at nagsimula na itong tumakbo
"sa susunod na magkikita tayo, makikita na kita!" sigaw ni Aly habang tumatakbo ang sasakyan
"wag kang mag-alala makikita mo rin ang gwapo kong mukha!" sigaw ni Lexis hanggang sa tuluyan ng makalayo ang sasakyan.
ang totoo'y wala naman talagang mag-aampon kay Lexis, lumpias pa ang ilang taon hanggang sa maari na siyang umalis sa ampunan at saka siya pumunta ng maynila at hinanap si Aly.
__________________________________________________________________________
VOTE/COMMENT/REACT
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro