Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#1 HIDE AND SEEK

"tigyawat na naman -_- kitang wala ng space eh kelangan magsiksikan? ano masyado na bang gwapo ang mukha ko kaya kelangan ng takpan?" umagang umaga yan ang Reklamo ni Alexandro Primitibo, 20 years old scholar sa isang College school kung san nag-aaral ang napakagandang Ilusyon niya na si Alyana San Joaquin, ang kababata niya sa isang bahay ampunan anak ng isang business tycoon sa bansa

habang naglalakad siya sa campus eh biglang may tumaklob sa mukha niya ng isang papel

"hindi pa naman ako ganun kapanget ah :3" sabi nito tapos eh tinanggal ang papel na tumaklob sa mukha niya

"ang ganda niya talaga." sabi niya habang nakatulala na naman hanggang sa makabangga siya 

"aray!@#$%^ bulag ka ba?!" sigaw nung babae na walang iba kundi si Alyana

"hindi." sabi nito kay Alyana, hindi na siya nagulat sa naging ugali nito ilang years din ang lumipas ibang Aly na ang nakikita niya sa pang-araw araw ngayon

"bes wag ka diyan baka mahawa ka sa mga nagsusumigaw na pimples niya." sabi ng kasama nito tapos eh naglakad na silang ulit

"tss nangangagat kaya tong tigyawat ko kaya ingat ka." sabi nito sa kasama ni Alyana

"AHH!" sigaw nito at saka tumakbo

"arte naman nun akala mo ang ganda :3" tapos eh dumiretso na sa klase ito.

"guys guys guys! nandito na ang candidate natin sa most ugly in the campus!" sigaw ng isa sa mga kaklase niya.

"guys wag kayong mean, siya kaya yung Founder nung talent search na yun." pangagatong pa ng isa sa mga kaklase niya at dumating nga ang kanilang guro at nagsimula ng magturo at natawag ang mga estdyanteng kanina lang ang nang-aasar kay Lexis at hindi sila nakasagot at as usual lahat ng nakasagot sa tanong ng guro ay siya, sabihin na nating panget siya, bawing bawi naman siya sa katalinuhan 

Habang sa kabilang banda naman

"Alyana, ang baba na ng mga grades mo wala ka bang balak pataasin yun na parang attitude mo?" galit na sabi ng guro nila

"yes ma'am i'll try :)." sabi ni Alyana matapos ang klase, habang naglalakad lakad siya sa campus eh nakita niya ang top lister's ng campus nila kaya naman nakaisip siya ng plano

Hi there Alyana San Joaquin here, famous, maganda, kinaiinggitan ng lahat kinahuhumalingan ng karamihan, mayaman ;) it's life is about looks and fame as long as I have that wala akong problema 

"aray!~" sigaw ko pano may nakabangga na naman saken bulag ba sila? kaya nga nilagay ang mata sa harapan para makita ako habang dumadaan imbyerna much

"sorry." kung swerte ka nga naman oh here's the nerd I need to do my plans.

"ahmm no it's ok, can i ask you a favor?" nakakdiri masyado akong mabait di bagay saken ;'3

"ah oo naman." dapat lang na oo ang sagot mo walang pwedeng tumangi saken noh 

"i want you to be my one month tutor :)" nakakaeww talaga na nginingitian ko tong panget nato pag may nakakita saken baka kung isipin nila

"sige ba kailan ba ko magstastart?" tanong ni tigyawatin saken yung totoo wala na pa ngang space sa face niya as in puro tigyawat na alam mo yung naghuhumiyaw sila na "oi nandito kami" nakakadiree~

"bukas, 15,000 a day ok na ba yun?" papayag na siguro to mukha kasing kelangan niya na ng pera for his tigyawat para naman mabawasan like duh makakasama niya ko baka mahawa ang sensitive skin ko

"sure :D" sabi niya ng ngiting ngiti akala mo tumama sa jackpot pero kung ako nga naman ang makakasama mo for one month mas swerte ka pa sa tumatama sa lotto.

"good." tapos eh umalis nako kasi feeling ko mangangagat na yung tigyawat niya scary :O shet.

Alexandro's POV:

akalain mo yun parang simula ng umalis ako sa ampunan ngayon nalang ulit ako sinwerte at napansin nako ni Aly, sobrang saya ko ng malaman kong siya ang kababata ko, na hindi na siya bulag ngayon, na nakikita niya na ang mga gusto niyang makita maliban saken ah kumbaga sa taguan ako yung nagtatagong wala ng balak magpakita, like pag sinabi ko naman sa kanyang ako si Lexis maniwala siya eh sa ilang taon na pinagsamahan namin sa ampunan ang alam niya ang gwapo ko -_- walang tao ang magugutsuhan ang panget a kagaya ko pero ok lang masaya ako kasi makakasama ko siya ng one month :D buti nalang matalino ako kahit papano pwede ko pang ipagmalaki ang sarili ko.  

habang nagsasalita siya kanina hindi ko maiwasang hindi tumingin sa mata niya napakakinang, mas makinang  sa dati, masaya na kaya siya?  mas masaya na kaya siya ngayong may nakikita na siya? kahit pa nagbago na ang ugali niya alam kong sa kaduluduluhan ng puso niya nandun si Aly na nakilala ko.

heto ako ngayon at naglalakad pauwi biglang may matangdang baliw ang humawak sa kamay ko kaya naman nagpumiglas ako

"wag kang padalos dalos sa nararamdaman mo ijo, ang nararamdaman hindi napipigilan pero napagsisisihan." sabi neto tapos eh binitiwan nako.

problema nung baliw na yun? wag padalos dalos? ahahahhaha! baliw nga :3 lahat ng bagay na ginagawa ko napagiisipan ko.

_______________________________________________________________________

VOTE/COMMENT/REACT

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro