Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

The End

Gyza's POV

"Cheers! Akala ko talaga anak niyo 'yan ni Zyrus, Kizzy, you're engaged to him right?" tanong ni Shey kay Kizzy na ngayong nakipaglampungan kay Ezekiel. ang sweet nilang dalawa at bagay na bagay talaga sila. Kamukha din ni Ezekiel si Ekiela kayat walang duda, isa siyang Rockwell and while watching Ekiela with her toys, parang mamana siya sa pwesto ng kaniyang Ama. She's 5 years old now and I'm starting to get curious about her, she's something. She's so smart, lahat ng mga sinasabi niya ay may mga sense. She's just only 5 years old kid, but her mind? Damn! A Rockwell indeed.

"It's just a show," natatawa niyang sagot at hinalikan si Ezekiel sa labi kaya't sabay kaming napailing ni Shey.

"Ow! Get a room couple!"

"Mga walang respeto!"

"Respeto naman sa walang jowa ano?!"

Tinawanan lang namin si Shey. Hanggang ngayon wala parin siyang jowa, hindi niya daw kasi kayang palitan si Premo kaya't heto siya ngayon masyadong bitter sa amin. Sana nga buhay si Premo, namimiss ko narin siya kahit na demonyo din 'yon. He helped me find the truth about Abby, he helped us survived. I hope he's happy right now.

"The Devil is here again!" rinig kong reklamo ni Shey kaya't napatingin ako sa kaniya kaya lang, bigla akong nanlamig sa kinatatayuan ko nang may mainit na brasong pumalibot sa bewang ko. Hinahalik-halikan pa nito ang leeg ko kaya't hindi ko mapigilang hindi kiligin at taasan ng balahibo. Damn! Xerson!

"Tangina! Isa ka ring maharot ka!"

"Ayoko na dito!"

Mas lalo kaming natawa sa reaksyon ni Shey. Padabog niyang kinuha ang pouch na nasa mesa at inirapan kaming lahat na nasa isang kwarto lamang.

"I love you." bulong ni Zaidon. Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at hinawakan ko ang pisnge niya. He's different now, mas lalo yata siyang gumwapo sa paningin ko.

"How's France?" tanong ko sabay haplos ng kaniyang buhok. Blonde parin ang buhok niya, mukhang wala talaga siyang balak palitan ang color. It suits him well naman. Kaya pala siya tinatawag na goku ni Zeke dahil sa buhok niya, walang hiyang Zeke na 'yon.

"Tiring. I missed you baby, let's go to my place tonight. I want to cuddle with my baby... hmm..."

"But, Zaidon I ha-"

"Its okay I can wait baby," muli niya na namang hinalikan ang leeg ko paitaas sa pisnge hanggang sa dumapo ang labi niya sa gitna ng labi ko. Napasinghap ako roon at nag-iinit ang buo kong katawan.

Mapupungay ang mga mata ngayon ni Zaidon. Kita ko ang kapaguran ngunit hindi parin kumukupas ang kaniyang mala-adonis na mukha.

He sighed deeply. "I love you, I really do." He whispered.

"I love you too, Zaidon." And after that our lips met. Binuhat ko ni Zaidon at pinaupo niya ako sa mesa kaya't nasangga ko 'yung mga baso at nag sanhi 'yon nang ingay kaya't tinapunan ko ng tingin ang mga kasamahan namin at kapwa silang nakangising lahat. Shit!

"You want them to watch us?"

"W-What?"

"Let's go to my place, Gyza, I'll be gentle, I promise."

Napalunok ako. Shit! Shit totoo ba 'to?!

"Gago! Ang damot-damot mo Leader!" reklamo ni Daze.

"Gusto pang solohin si Morphe!"

"Madamot kang kupal ka!"

"Fvck you, Daze Hale!" sigaw ni Zaidon.

"Get a room, Zaidon! Mahiya naman kayo sa limang taong gulang kong anak oh! Ginagago niya mismo sa harapan!"

"Zeke, your mouth!" galit na sigaw ni Kizzy sa kaniya dahil narinig niyang ginaya ni Ekiela 'yung ginagagong word na sinabi ng ama. Si Jan Ezekiel nga talaga.

Noon, takot na takot talaga ako sa kaniya. Hindi naman kasi siya bast-basta, at isa pa sobrang lakas niya. Masama ang ugali, pero sa nakikita ko change. He changed. I think, Kizzy did that. She tamed the demon.

I face Zaidon. Hinalikan ko ang kaniyang noo.

Ngumiti ako. I'm home.

***

"Hindi mo ba sasamahan si Lorie bukas sa HU?" tanong ko kay Zaidon na may ginagawa sa kaniyang laptop. Nitong mga nakaarang araw kasi ay naging busy kami dahil papasok na si Lorie sa Hidden University at kailangan naming paghandaan iyon dahil 'yun talaga ang napili niyang eskwelahan sa kay dami-daming pagpipilian. We've been there before and all I can say that, that school is dangerous. May tiwala naman ako sa anak namin at halata rin namang kaya niya ang sarili niya, kaya lang ay hindi ko maiwasang hindi mangamba lalo na't hindi mahilig makipag-usap si Lorie sa ibang tao. Hindi rin agad-agad sumasagot, baka pagtripan siya duon, jusko!

"Zaidon!" malakas na sigaw ko dahilan nang pagbaling niya sa akin. Napangiti naman ako dahil sa mukha nitong nataranta.

"Fvck! What is it?"

"Where is your daughter? Ihatid mo 'yon bukas!" sabi ko sa kaniya.

Agad naman siyang napakamot sa kaniyang ulo. Halatang napipilitan ang gago. Hindi ko kasi maihahatid si Lorie bukas dahil may business meeting kami ng ate ko. Kailangang puntahan iyon dahil para rin sa aming pamilya 'yon.

"Kaya mo ba si Lorie?"

"I can handle her, baby." kumindat pa siya at akmang hahalikan sana ako nang mahagip namin si Lorie na nakatingin sa amin. Walang emosyon ang mukha at halatang kakagising lang.

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at hinalikan siya sa noo. Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin bakit niya naisipang pumasok roon. Alam ko namang halos lahat sa amin ay duon din nag-aaral ang kanilang mga anak dahil daw kaya nitong protektahan ang mga anak namin, pero hindi talaga ako kampante.

"Naayos mo na ba ang mga gamit mo?" tanong ko sa kaniya at ginaya siya sa kusina. Sumunod naman si Zaidon. Manang-mana talaga sa kaniya si Lorie. Sobrang cold nila, unang kita ko kay Zaidon noon wala ring emosyon ang mukha. Tingnan mo 'tong anak namin, kuhang-kuha niya ang ugali ni Zaidon, jusko! Dito yata ako mastre-stress.

"Done na po, Mommy." maikling sagot niya at tinanggap ang hinain ni Zaidon sa kaniya. Kapag kaharap namin si Lorie, sobrang seryoso ni Zaidon. Parang nilalabanan niya rin ang ugali ni Lorie.

"Umayos kayong dalawa."

"Nga pala, duon din pala mag-aaral sina Morgan, Eke at Cloudy. Kapag nakita mo sila, sumama ka sa kanila, Lorie."

"Why?" kunot noo niyang tanong.

"Mababait ang mga iyon, anak. Anak iyon ng mga SCG members noon sa HU, gusto kong sumama ka sa kanila dahil hindi basta-basta ang pinili mong eskwelahan."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro