Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Special Chapter

Gyza's POV

"Akala namin patay ka ng hayop ka! Buhay na buhay ka pa pala, ang dami pang mga chiks mo ang umiyak! Gago!" tumawa ako sa malakas na kantyaw ni Daze kay Zaidon. He's alive and thanks God. Akala namin patay na siya pero hindi pa pala, kinuha siya ng secret agent niyang Mom sa loob ng HU. Hindi niya sinabi sa Mommy niya kung sino ang sumaksak sa kaniya, alam ko naman ako iyon pero bakit hindi niya sinabi? Kasalanan ko naman eh at pinagsisihan ko na ang lahat na nagawa ko kay Zaidon. Damn it. I just loved him, and I was so desperate that time. But now, everything is free.

"Gago! Umalis nga kayong lahat dito! Sumasakit ulo ko sa inyo!" masungit na untag ni Zaidon pabalik sa mga kasamahan niya.

Palihim akong ngumiti, nasa labas parin ako ng pinto ngayon habang pinagmamasdan sila. Masaya ako dahil buhay ka pa Zaidon, sana mapapatawad mo ako. Kung hindi talaga tayo tinadhana? 'Wag na natin ipilit ang mga sarili natin, mahal na mahal kita at habang buhay ko iyong panghahawakan.

Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit kong luha. Shit! Agad ko namang pinunasan ang mata ko tsaka umiwas ng tingin sa kanila. Tumalikod ako habang mabigat ang pakiramdam. Tama na, ayoko na. Tapos na ang lahat.

Nang makita ako ni nanay na lumabas galing hospital, mabilis niyang binuksan ang sasakyan. Tumango naman ako at matamlay na ngumiti.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" tanong ni nanay. Ngumiti ako kahit na ang totoo niyan ay nasasaktan parin ako.

Malaki ang tulong na binigay sa akin ni nanay, kung hindi dahil sa kaniya? Wala ako sa mundong ito. Hindi ko siya totoong nanay dahil patay na ang magulang namin ni ate Skyla. Pina-ampon nila ako dahil delekado ang buhay ng pamilya ko noon. I'm sorry Mom and Dad, Ate

"Mahal na mahal mo parin ba?" tanong niyang muli dahilan nang pag lingon ko sa gawi niya. Hindi ko na napigilan ang luha ko, kusa na itong tumulo.

"Nay, ang sakit sakit na iwanan siya. Pero kailangan kong lumayo para sa kaligtasan niya, mahal na mahal ko si Zaidon, 'nay,"

"Magiging maayos din ang lahat. Sigurado ka na bang luluwas ka ngayon ng ibang bansa?"

Hindi agad ako nakasagot. Gusto ko na munang lumayo-layo ngayon. Habang nanatili ako rito parang bumabalik ang sakit na nakaraan ko. Kinakapos ako ng hininga habang inaalala ang mga naging kaibigan ko sa loob ng HU. Kizzy.

"Sigurado na po ako, Nay."

NAKArating kami sa airport pasadong 8:12Am na. Tumango ako sa driver namin habang hinihila nito ang sarili naming maleta ni nanay.

Talagang aalis na talaga ako sa bansang ito. Paalam, Zaidon. Alagaan mo lagi ang sarili mo ah, 'wag mong kalimutan na mahal na mahal kita.

"Halika na," ngiting aya sa akin ni nanay. Tumango agad ako at akma na sanang susunod nang may babaeng akong nakitang sobrang familiar sa akin. Natigilan ako sandali, kilalang-kilala ko iyon.

"Kizzy..."

May kasama siyang lalaki pero hindi ako sigurado kung si Kizzy nga ba iyon pero sobrang familiar niya. May hawak siyang isang batang babae at ang lalaki naman niyang kasama ay kamukha ni Zyrus. Iyong lalaking nasa mansyon ni Kizzy noon. Shit! Nagmamalikmata lang ba ako?

"Nay! Si nakita ko si Kizzy!" malakas na sigaw ko at tatakbo na sana ako pero mabilis silang nakapasok sa taxi. Shit! Sigurado akong si Kizzy iyon! Hindi ako magkakamali.

"Anak, paalis na ang ero—"

"Nay, 'wag na tayong umalis tara nay sundan natin sina Kizzy!" hindi ko na pinatapos si nanay. Agad kaming tumakbo palabas ng airport. Ganu'n din naman ang ginawa ng driver namin.

Sinundan namin ang sasakyan nina Kizzy. Sobrang lakas ng dibdib ko, kilalang-kilala ko talaga iyon. Pero bakit si Zyrus ang kasama niya? Bakit hindi si Ezekiel? Alam na kaya ni Zeke na magkasama sila ni Zyrus at may bata pang hawak si Kizzy? Argh! Hindi pa nga ako sigurado kung si Kizzy nga ba iyon.

"Iyan ba iyong kaibigan mong namatay, anak?"

"Oo nay! Sigurado po ako—" tila lumutang sa ere ang salita ko nang makita kong huminto sa labas ng Hidden University ang taxi na sinasakyan nila. Anong ginagawa nila rito?!

Tinabi ng driver namin sa gilid ang kotse. Binuksan ko ang bintana para marinig ang pinag-uusapan nila. Bawal na kasing pumasok sa HU. Pinasara na ito ng dean.

"Kailan ka magpapakita sa kanila?" tanong ni Zyrus na dahilan ng pag hikbi ko dahil sa saya. Totoo ngang si Kizzy ang babaeng ito pero nag iba ang buhok at ayos niya ngayon. Or siguro hindi lang ako sanay dahil lagi siyang naka uniform noon sa loob at mataas ang buhok niya na sobrang itim.

"Handa na ako ngayon, Zyrus. Maraming salamat sa tulong mo. Pwede mo na akong iwan ngayon, isasama ko lang ang anak ko."

"Aminin mo na ba sa kaniya?" tanong ni Zyrus. Ngumiti ng bahagya si Kizzy at tumango. Tumango rin naman si Zyrus at pumasok na sa taxi.

Nilapitan ni Kizzy ang batang babae. Hinalikan niya ito sa noo, sobrang puti ng bata at ang haba ng kaniyang buhok. Ang ganda-ganda ng bata.

"You'll meet your Dad later, Ekiela,"

Binuksan ko ang pinto ng kotse. Miss na miss ko na si Kizzy! Gusto ko na siyang yakapin kaya lang? Nang tuluyan na akong makalabas, bigla na lamang may humablot sa kamay ko at sinandal ako nito sa madilim na iskinita. Shit!

"What the! Bitawan mo ako!" malakas na sigaw ko pero hindi man lang natinang ang lalaki sa halip ay hinalikan niya ako sa labi.

"Damn! I missed you, baby! Fvck it! Don't leave me again Gyza! Don't do it again!"

Za-Zaidon?

**

"Aba ang gago may anak ka na pala!" malakas na sigaw ni Shaun kay Ezekiel na ngayong nakahawak sa bewang ni Kizzy ang kamay. Matagal na palang magkakilala si Zeke at Kizzy, kaya hindi na kami nagtaka kung bakit may anak na sila. Kaya rin pala may mansyon si Kizzy sa loob ng HU dahil tinatago niya ang anak niya roon kasama si Zyrus na nagpapanggap na fiancée niya. Maraming naganap sa buhay ni Kizzy at wala ako sa lugar para banggitin ang lahat ng iyon.

Naramdaman kong pinisil ni Zaidon ang bewang ko. "Baby, look at me," tawag niya sa akin. Agad naman akong lumingon sa kaniya, shit! Ang gwapo-gwapo talaga ng hinapuyak na ito.

"I love you," bulong niya dahilan ng pag ngiti ko. Hinawakan ko ang pisnge niya tsaka siya hinalikan sa labi. "I love you too Zaidon..."

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro