Chapter 7
DEATH BATTLE DAY 2
Gyza's POV
"Nako nagloloko na 'yong C4 section ngayon dahil si Ezekiel ang lalaban sa Battle, may tyansa kaya tayong manalo?" tanong ni Abby habang nakahilata sa kama at may libro sa kaniyang dibdib.
"Hindi ka ba concern sa classmate natin? At pagka-panalo na agad iniisip mo." sagot ko.
"May gusto kaba kay Ezekiel, Gyza?" nakangisi nitong tanong kaya naman tinadyakan ko 'yong braso niya, bwesit to! Ako magkakagusto kay Zeke? Hindi niya ba alam na halos patayin na ako ng lalaking 'yon, gugustuhin ko pa?
"Ang sakit! Walang hiya ka talaga. Tinanong lang naman kita."
"Wala akong gusto kay Zeke, baliw ka talaga. Gusto mo ba akong mamatay ng maaga?"
Tumawa s'ya ng malakas.
"Haha, hindi naman. Sige alis muna ako may gagawin pa pala ako sa Library," usal nito. Tumango na lamang ako at binalik ko ang tingin ko sa librong binabasa ko. Kailangan kong pag-aralan ang death battle kung para saan 'yon. Itong hawak kong libro ay libro ng HU, tatapusin ko lang sana ang pag babasa.
Tumikhim ako 'saka ko na sinimulan.
Death Battle: Isang patayang laro, ginagawa lamang ito kapag sumapit na ang takdang araw or panahon, mag aalay ang isang tao ng kaniyang buhay para sa kanilang sinasanto. Isa itong ritwal kumbaga. Mga dating ninuno ang gumagawa nito at pinapasa nila sa kanilang sunod na kapamilya. Dugo sa dugo, buhay sa buhay. Maiwan ang tinanghal.
Umarko ang kilay ko. Binitawan ko ang libro 'saka tumingala sa kisame. Ibig sabihin? Kailangang may mamatay sa death battle? What the! Hindi ba nila alam na labag ang patayan na iyan. Napaka brutal naman pala ng school na 'to, paano na iyan ngayon? Ibubuhis nila ang buhay nila dahil lang sa ritwal na 'yan. Kung ako. Hindi ako lalaban bahala sila sa ritwal nila.
Binalik ko na naman sa libro ang atensyon, kaya lang? Kumunot bigla ang noo ko ng may nabasa akong ROYALTIES. Ano ito?
Isang litrato, may babae at lalaki, at may batang lalaki din na seryoso ang mukha. Naramdaman ko tuloy ang lukso ng dugo ko dahil sa paraan ng titig nito, parang may galit s'ya sa 'kin. Mabait naman 'yong Mama at Papa niya, pero 'tong batang to...
He's Premo Dallas?
'Yun lang ang nakasulat sa pahina, at kapansin-pansin ang punit nitong libro sa mukha ng isa pang lalaki, sino naman kaya ito? Kahit pangalan lang naman or 'di kaya impormasyon, wala talagang nakalagay eh. Sino sino kaya ang mga 'to?
Hahanapin ko na lamang mamaya sa Library ang dugtong nito.
Nang sumapit na ang gabi. Hindi parin bumabalik si Abby kaya't nangamba ako, sabi niya kasi sa'kin bawal lumabas ng 8pm, bakit hanggang ngayon wala parin s'ya? It's almost 7pm already! Damn! Saan na kaya ang babaeng 'yon. Gusto ko siyang tawagan pero hindi pwede ang cellphone dito, kainis naman.
Pabalik-balik ako sa kama ko habang hinihintay si Abby, paano kung may kumuha sa kaniya? Paano kung pinatay s'ya? Paano kung...
"Abby, nasaan kana ba?"
"Abby, bumalik kana please,"
"Abby..."
*tok tok*
Napahinto ako dahil sa katok na narinig ko mula sa pintuan. Agad ko 'yong nilapitan at dahan-dahang binuksan. Baka naman si Abby na 'to, buti at naisipan niya pang umuwi ng maaga. Kabanas talaga.
"Abby, bakit ang ta..." nalaglag ang panga ko dahil sa lalaking nasa harapan ko. Naka hood s'ya kaya, 'di ko makita ang mukha niya. Tinulak niya ako bigla at sinirado ang pintuan.
Napaatras ako, nagsimula na ring manginig ang kamay at paa ko. Sino 'to? Anong kailangan niya sa'kin?
"Sino ka? Ba...Bakit pumasok ka?" Nanginginig kong tanong. Umatras din ako hanggang sa napahinto ako sa bintana, nagulat pa ako ng bigla itong bumukas.
"Ah!" takot kong sigaw. 'Yung lalaki naman ngumisi sa akin, at unti-unti siyang umupo sa sofa namin.
"Close that damn window please," malamig na sabi niya sa akin. Nanginginig ko namang hinawakan 'yung siradura, pero napamura ako ng 'di ko masara. Anong problema nito?!
"Are you afraid of me, woman?"
"Oo! Dahil basta-basta ka nalang pumapasok sa dorm namin!" sambit ko tapos dumeresto ako sa kabinet para sumandal duon kasi tila nanghihina na ang tuhod ko at bibigay na.
S'ya naman. Tumayo muli sabay hawi ng kaniyang hood, dahil sa ginawa niya. Tuluyan na nga akong umupo sa sahig habang nakayuko. Kamukhang-kamukha niya 'yong batang lalaki kanina sa librong binasa ko, hindi kaya s'ya 'yon?
"Anong...Kailangan mo sa...Sa'kin?" tila maiiyak na ako. Aaminin ko na gwapo s'ya pero nanginginig na talaga ako sa takot dahil sa kaniya, gusto kong umalis na lang s'ya, natatakot ako.
"I saw your friend, pumasok s'ya sa Death room kung saan nagaganap 'yong death battle. Is she going to risk her life?"
Bigla akong napahinto sa pag hikbi. Nanlaki ang mata kong hinarap ang lalaking 'to. Dahan-dahan din akong tumayo habang nakakuyom ang kamao ko, pero napasalpak muli ako sa sahig.
"Hindi niya pwedeng gawin 'yon! Mamamatay s'ya! Pigilan mo s'ya!" sigaw ko na may halong pagmama-kaawa. Hindi s'ya pwedeng mamatay.
"Please nagmamakaawa ako..."
"Tsss... Why would I?" masungit na tanong nito at pinantayan niya ang mukha ko na halos higupin na ng luha. Napalunok ako, sobrang gwapo nga talaga ng lalaking 'to, pero nangunguna ang takot ko.
"Gagawin ko lahat! Basta tulungan mo ang kaibigan ko please..." this time nakaluhod na ako. Paano ko ba pipigilan si Abby kung walang-wala naman akong kaya?
"Come with me, panonoorin natin ang larong 'yon, and after that? I'll save your friend."
"Pero mamamatay na s'ya du'n!"
"You don't know her well. What deal?"
Talagang bang sasagipin niya si Abby? Or hahayaan niyang patayin?
"Sigurado ka..."
"Is that a deal or what?" malamig na tanong niyang muli. Pumikit ako ng mariin.
"Sigu..." napahinto ako ng pwersahan niya akong tinayo at pinasuot niya sa akin ang hood na may nakalagay na Royalties sa harapan.
'Yung name ay familiar.
"Susuotin mo 'to hanggang makapasok tayo, pag may nag tanong sino ka? 'Wag mong sagutin."
What?
"No more words. Let's go, kanina pa nagsisimula ang laban."
Hindi ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko, pero gusto kong sagipin si Abby, baka naipit lang s'ya sa laban na 'to. Akala ko ba si Ezekiel 'yong lalaban sa section namin? Ba't ganu'n? Si Abby?
"Hindi mo pa pala talaga kilala si Abby." bulong nito na kinataas ng balahibo ko. Lumabas kami ng dorm habang hawak nito ang braso ko, 'di ba nakapa-gentleman niya?
"Hindi ba bawal lum..."
"Shh... Shut up."
Hindi na ako nagsalita pa. Ang sungit talaga ng lalaking 'to. Pero bawal talaga lumabas ng 8pm eh pero ano 'tong ginagawa namin? Lumabas at nilabag ang rules. Agad akong hinatak ng lalaking 'to patungo sa masikip na daan, sari-saring sigawan ang naririnig ko habang papalapit kami, may nadadaanan pa kaming ibang naka hood, pero iba ang nakalagay. 'Di tulad sa'kin Royalties.
"Gosh! Si Premo!"
"Damn! Is that Sandra Roswell?!"
"I think so, wahhh! Sandra and Premo for real?!"
"Gaga baka si Zin 'yan!"
Premo? Zin?
Damn! Hindi kaya ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay si Premo DALLAS?
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro