Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 4

Gyza's POV

Nagising ako dahil sa malamig na bagay na tumama sa noo ko. Napadaing ako tapos tuluyan ko nang minulat ang mata ko. Tumambad sa akin ang mukha ni Abby na nag-aalala. May hawak siyang cold compress. Ito yata ang nilagay niya sa noo ko.

"Oh my God! Mabuti at gising kana, Gyza!" hiyaw ni Abby tsaka ako nilapitan at niyakap. Umangal naman ako dahil ang pisnge ko ay mahapdi. Wengya. Ang OA talaga ng babaeng 'to eh.

"Talagang magbabayad ang tatlong 'yon! Akalain mong nakadalawang cards na sila. Pag maging tatlo na 'yon talagang patay 'yan sila," inis na sambit ni Abby habang nakatingin sa akin.

"Bakit?"

"Hays pangalawang kasalanan na nila 'yon sa'yo haler! Ano ayos na ba pakiramdam mo?"

"Ayos na ako Abby, tsaka saan ka ba nanggaling? Hinanap kita." nakasimangot kong sabi.

"Pumunta ako ng Council para ibalita 'yung nangyari, 'yung pag sabog, at sumabay ako sa kanilang lumakad papunta sa dorm natin. Alam mo 'yung feeling na maging miyembro ng SCG ang sarap sa pakiramdam. Pero walang-wala tayo sa kanila kung ikukumpara. Mukha pa lang nila at kung gaano sila ka kapangyarihan, bagsak talaga tayo." malungkot na sabi niya. At saan niya naman nakuha itong hugot niya?

Nakasama niya lang na lumakad iyong student council government nagkaka-ganiyan na siya? Well, baka kung ako rin siguro 'yon ang isipin ko. Pero sadyang mahirap lang kami, kaysa ikumpara kay Abby na medyo may yaman. Ako lang yata ang mahirap na nakapasok dito eh kaya hindi na ako nagulat sa reaction ng SC.

Inayos ko ang buhok ko tsaka ko hinarap muli si Abby na ngayong binuksan na ang supot.

"Anong nangyari duon?"

Tumingin siya sa akin "Ang alin duon?" Kunot noo niyang tanong.

"Nu'ng nawalan ako ng malay, natapos ba 'yung suntukan?"

Nanlaki bigla ang mata niya at tinigil ang paghahain ng prutas sa plato. Agad niyang hinawakan ang kamay ko na kinagulat ko, para siyang timang dahil pati mata niya ay gulat na gulat talaga. Bakit naman kaya?

"Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, Gyza,"

"Bakit?" takang tanong ko.

"Pagkatapos mong himatayin, sumunod ang president ng government. Dumudugo ang noo niya at isang malaking bato ang tumama dito, dahil du'n mas lalong nagkagulo ang dalawang panig ng gangsters."

"W...What? How is she now?" nag-aalalang tanong ko. Isang kahiyaan ang ginawa nila. They messed up with the wrong person. And worse sa President pa ng school.

"Nasa private clinic siya ngayon at binabantayan ng dean lalo na ang mga kasama niya sa council. Sa ngayon hinahanap pa nila ang gumawa no'n sa kanya. Ako 'yung natatakot sa kanila eh,"

Miski na ako natakot din sa kanila. Ano kaya ang gagawin nila sa mga taong 'yon? Pwedeng mamatay si Kizzy pag nagkataon.

"Don't worry about her, I think she's fine na, and balita-balita pa na pupunta raw dito ang parents niya to check her, kaya mas lalong nagkagulo ang media. You know Lopez Clan sila at nakakasilaw ang kayamanan." Tumango ako dahil sa sinabi niya, totoo naman. I hope she's really fine.

And to those unwanted morons? Let's see kung hanggang kailan 'yang buhay ninyo.

***

Nasa classroom na kami ngayon ni Abby, hinihintay namin 'yong Prof para magsimula na ang klase. Actually, kanina pa talaga kami dito tumutunganga, at kanina pa ako naiinis dito sa mga classmates ko dahil panay ang tapunan nila ng papel, sobrang ingay pa nila, 'yung tipong nagpa-party.

Si Abby naman, nakasalpak ang headset sa tainga, samantalang ako? Nakaupo habang nasa harapan ko ang notebook ko, pinag-aralan ko kasi ang formula na gagamitin namin mamaya sa science subject, pero hindi ako makapag-isip ng maayos gayong sobrang ingay ng paligid ko.

"Haha! Kamusta na kaya si Kizzy, Pre?" tanong ng lalaking kaklase ko. Nasa ikatlong row ito kaya't madali ko lang siyang makita at marinig.

Ang kausap nito ngayon ay walang iba kundi si Ezekiel. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Kapansin-pansin ang pananahimik ngayon ng demonyo, nakakasilaw din 'yung earrings niya nasa kaliwang tainga niya. But to tell you honestly, bagay na bagay sa kanya, mas lalo siyang gumwapo pero badboy look nga lang. Hindi ko siya type, mas type ko 'yung si Zaidon.

Mag unos dila ka nga, Gyza! Walang-wala ka kumpara sa kanila.

"Why are you asking that to me? Ask her instead!" iritadong singal ni Zeke sabay tulak sa lalaking kausap nito. Or kausap nga ba?

Ang sama talaga ng ugali. Mas mabuting manahimik na lang siya.

"Ikaw 'yung tinanong ko pre, since ikaw naman ang nag dala sa kanya sa Clinic," pangungulit pa ng lalaki. Teka Clinic? Bakit hindi ko siya nakita? Pareho lang kaya ang Clinic dito o baka naman iba?

"Then? What if I am? Wala ka paring karapatan na tanungin ako. You better fvck off! And mind your own fvcking business!"

Napaiwas na lang ako habang may pa iling-iling pa ng ulo. Diyan magaling si Ezekiel sa FVCKING! FVCKING! Line niya, wengya! Napaka FVCKING jerk niya talaga! Walang tigil ang bibig.

Umarko ang kamao ng lalaki at akmang susuntukin si Ezekiel.

"Gago ka pala eh!"

"Punch me and you'll find out what happens next," malamig na saad ni Ezekiel na nagpalamig sa buong katawan ko.

Miski ang lalaki ay nanigas sa kanyang kinatatayuan. Padabog na tumayo si Ezekiel sabay tulak sa lalaking nakatayo, pati rin 'yung mga maangas na kasama nito tumayo.

"Bago ka lumapit sa akin, siguraduhin mong kawenta-kwenta naman ang tanong mo. Tsk!"

Pagkatapos ay umalis na silang lima. Worst day of my life! Kung pwede lang na lumipat ng classroom kanina ko pa ginawa. Natatakot ako kay Ezekiel eh, parang sinasabi ng karisma niya

"I'm Jan Ezekiel Rockwell, the devil."

Such a devil talaga.

Inayos ko na lamang ang gamit ko at tiningnan si Abby na ngayong nakatutok sa labas ng pintuan ang mata niya.

"Wahh! The Black Devil Omega is here!"

"Yahhh!!! Shems! Zaidon!"

"Daze!"

"Ang gwa-gwapoooo!"

Umikot ang mata ko at bumungad sa akin ang mga lalaking galing sa langit. Nangunguna rito si Zaidon, ang type na type ko. Gray ang uniform nila na bagay na bagay sa kanila, kapansin-pansin din ang pasa ni Zaidon sa mukha. Napuruhan talaga siya ni Ezekiel, ang walang hiya na 'yon!

"ANNOUNCEMENT!" sigaw niya sa loob ng room. Lahat kami umayos ng upo.

"Tomorrow is the schedule of Death Battle. We are expecting you to join and fight for your lives!"

"Ano? Patayan na 'yan eh,"

"Oo nga naman, buhis buhay ang larong 'yan!"

"Tangina! Ayokong sumali!"

Lahat sila ay napamura. May sari-saring reaction. Lahat ay hindi sang ayon. Ang Death battle ay isang laro na ibig sabihin ay tradition ng eskwelahan na ito. Means? Fight for your life, every section may representative, pag walang papayag. Hindi ko alam.

"I think I made myself clear here. Pag wala kayong representative for the battle? All of you will suffer, including those newbies. See you tomorrow!" pagkatapos niyang sabihin 'yun. Nilibot niya ang tingin niya hanggang sa dumapo ang titig nito sa akin. He smirked and left.

Okay, why my heart is beating like this? Like there's no tomorrow. What the fvcking fvck?

Damn! Ezekiel you're such a FVCKING idiot! Bad influence!

***

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro