Chapter 28
Gyza's POV
"Anong gagawin niyo sa akin?!" sigaw ko habang pilit kumawala sa pagkakagapos ko sa upuan. Hindi sila sumagot sa halip ay nilapitan nila ako na may hawak na kutsilyo at baldeng itim. Anong gagawin nila sa mga 'yan? Anong gagawin nila sa akin? Papatayin? Hindi! Hindi!
"Sa gabing ito papatak ang dugo. Mamatay ang dapat mamatay, mauubos ang dapat mauubos at walang matitira kahit na ikaw Gyza kyte Morphe, mamatay ka na may dangkal." saad ng babae at tuluyan niya na nga akong nilapitan. Kinakabahan ako, pilit akong lumalayo pero pinipigilan nila ako.
"Ano ba! BITAWAN NIYO 'KO! Tulong! Tulungan niyo ko!"
"Parang awa niyo na! Tama na!" sigaw ko pero sa tingin ko walang makakarinig sa akin, hinila ng isang babae ang buhok ko, nanginginig iyong buong katawan ko dahil sa kaba at takot sa maari nilang gawin sa akin.
"Mauna ang buhok."
"ANO?!" sigaw ko pero huli na ang lahat napaiyak na ako habang ang buhok ko ay nasa balde na, hanggang balikat na lamang ang buhok ko, gusto ko silang saktan, patayin, nanggigil iyong mga kamay ko na patayin sila pero masyadong mahigpit ang pagkakagapos sa mga paa at kamay ko, hindi ako makagalaw.
"Putulin ang daliri." usal ng babae.
"No. No!" Tinapat ng babae ang kutsilyo niya sa daliri ko. Kinaya ko talagang iwasan iyon pero sobrang lakas nila.
"WAG! Wag! Tama na! Tama na!"
Hanggang sa...
"AHHHH!!" Napahagulgol ako dahil sa sakit, hiniwa nila ang isang daliri ko at nilagay nila sa balde. Tila mahihimatay ako habang pinagmamasdan ko ang dugo galing sa daliring lumalantay sa kamay ko, hindi ako makapaniwala, yumuko ako para pigilan ang luha at hapdi ng daliri ko.
Alam kong sa pagkakataon na ito pahihirapan nila ako at patayin, pero hindi ko yata matanggap kung idadamay nila ang ibang estudyante ng HU at si Kizzy.
"Isang daliri pa," kinuha ng babae ang kamay ko at pinagpwesto ang daliri ko. Hindi ako umangal pero kagat na kagat ko ang labi ko habang mariin kong dinadamdam 'yung talim ng kutsilyo na tumatagos sa daliri ko. Sa sobrang sakit hindi ko na napigilan at tumihaya ako, ramdam ko ang sakit ng likod ko pero nasira naman ang upuan.
Bigla silang naging alerto, lumapit sila ng dahan-dahan sa akin, ginawa ko naman ang lahat para makawala sa pagkakatali pero bwesit! Nahihirapan ako lalo na't tatlong daliri na lang ang meron ako sa kabilang kamay, ang sakit, bwesit! Talaga!
"Kahit anong gawin mo hindi mo kami matatakasan! Kahit makalabas ka pa! Kamatayan naman ang naghihintay sa'yo."
Mamatay man ako. Ngayon? Wala akong pakialam, ang importane namatay akong lumalaban. Na may pinaglalaban.
"Sana noon mo pa naiisip na ang pag pasok dito ay delekado. Mas pinili mo ang magpakita kaysa mag tago. Alam mo bang mabubuhay ka lang kapag nag tago ka? Pero anong ginawa mo? You chose showing yourself than hiding, Miss Morphe. The consequence of this is? Death."
"Manahimik kang gaga ka!" sigaw ko at umatras ako nang mabilis. Binangga ko ang pader para masira iyong upuan, sobrang sakit ng likod ko pero nakaya ko naman hanggang sa lumandas iyong tali sa buong katawan ko.
Napaubo pa ako dahil sa dugong bumabara sa lalamunan ko. Pinilit kong tumayo, at pag masdan ang mga mukha nila, ngisi lang ang binigay nila sa akin. Nilapag ng isang babae ang balde habang iyong isa naman ay sumugod s'ya sa akin, sinipa ko ang kaniyang sikmura pero nadaplisan niya ako sa braso kaya't dumudugo na ngayon ang braso ko.
Sunod naman na umatake 'yung isang babae na may dalang palakol, itatama niya na sana ito sa akin nang hilahin ko ang buhok niya, mas mataas ako sa kaniya kaya nahila ko ang buhok niya, ngunit nadaplisan naman iyong likod ko ng kutsilyo, napadaing ako at napapikit sa hapdi. Buong lakas kong tinusok ang daliri ko sa mata ng isang babae tsaka ko s'ya pinalo ng palakol sa ulo dahilan ng padurugo ng ulo nito.
Ramdam ko ang panlalapot ng dugo sa daliri ko pero hindi ko na iyon pinansin. Humihingal na ako, nahihirapan na akong huminga dahil sa mga pasang natamo ko sa dalawang babaeng ito.
"Wala ka paring kwenta!" sigaw ng isa at akmang tatamaan niya na naman ako ng daplis nang siniko ko ang tagiliran niya, masakit man ang isang kamay ko pinilit ko paring sabunutan iyong buhok niya pero kasabay nito ang pag diin ng kutsilyo sa kabilang braso ko.
"ARGH!" Daing ko sa sakit. Hinablot ko ang kutsilyo tsaka ko ito tinusok sa noo ng babae dahilan ng pagkawala niya ng buhay habang ang dugo nito ay tumalksik sa mukha ko, akala ko talaga katapusan ko na. Nanghihina na ang buong katawan ko, para na akong patay dahil sa mga dugong kumakalat sa buong katawan ko.
Napaatras ako at napaupo, pinunit ko ang tela na nanggaling sa uniporme ko, tinali ko ito sa kamay ko at sa braso ko na walang tigil sa pagdurugo, kita na ang pusod ko dahil sa pag punit ko ng tela. Dahan-dahan akong tumayo habang paika-ikang lumalakad. Lumabas ako ng bodega ngunit agad din akong napatigil nang makita si Zaidon na may kinakausap, isang batalyon ang nasa labas. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong nag tago sa gilid ng pinto. Sa sobrang dami nila, hindi ko alam kung kakayanin ko ba or mabubuhay pa ba ako.
Alam ko na kung anong magiging future ng H.U. Isisilang muli ang HU ngunit iba na ang kakapit nito, bukas ang bagong silang ng H.U maari lang silang pumatay ng mga estudyante kapag patay na ang may nagmamay-ari nito.
Fvck! Si Premo! Buhay pa ba s'ya?
Rinig ko ang mga yapak na paparating sa kinaroroonan ko, kinakabahan ako baka malaman ni Zaidon na andito ako. Hindi pwede. Isa siyang taksil! S'ya ang kalaban.
"Hanapin si Gyza kyte Morphe. Patayin agad kapag nahanap." utos niya sa mga tauhan niya. Bigla na lang lumandas ang luha galing sa mata ko. Pinigilan kong 'wag makasanhi ng ingay. Mas masakit pa pala 'to sa inaasahan ko.
Zaidon is the main villain of this story. He wants to kill me in the first place.
Gusto niyang mapa sa kaniya ang eskwelahan na 'to. The last time na nabasa ko ang libro ng HU. Kapag walang namatay hindi magbabago ang eskwelahang ito, ginagawa ang ritwal, dugo laban sa dugo, mamatay man ang mamatay. Pinaglalaban ang mga gangster sa field at unti-unti silang mababawasan, uunahin nila ang mga nagahaharian sa HU. Ang may lakas!
Hindi ito magbabago kapag walang patak ng dugo. Mamatay ang may-ari, ngunit ang katawan nito ay magpapakita sa babaeng kaniyang minamal, hindi s'ya makikita ng iba ngunit ang babaeng iyon lang ang makakita sakaniya. Patay na s'ya noon pa lang, simula no'ng pumasok s'ya rito patay na s'ya.
Iiwan niya ang sariling palasyo para sa kapakanan ng eskwelahan. May papasok na babaeng hindi nakatakda, ang dugo niya ang huling papatak sa HU. S'ya ang susi sa ritwal, kapag hindi ito namatay, lahat ay magdudusa.
Kwento ito ng mga ninuno ni Premo. At ngayon ay alam ko ang ang kwentong ito. Tinayo ang gusali na 'to para sa mga ninuno ng mga Dallas ngunit dahil sa kasakiman ng ilang myembro noon ng SCG members, ginawa nila itong eskwelahan at habang musmos pa lamang si Premo inaalagaan s'ya ng dating council hanggang sa naging hari nga ito ng HU. Pero? Ngayon aagawin na ito ng mga dating SCG members, naghihiganti na sila dahil sa pagtaboy ni Premo sakanila noon, ang dating Premo, ang kakambal ngayon ni Premo.
Prior Stan Dallas. The first Premo.
Pinatay nila ang dating Council. Pinahihirapan, nuong namumuno pa si Prior, akala nila mauulit pa ito kapag papatagalin pa nila, kaya't maaga nilang sinira ang eskwelahan at aagawin na nila ito ngayon.
"Patayin lahat ng mga myembro ng Student Council." huling saad ni Zaidon tsaka ito lumabas ng bodega.
Ang totoong pangalan ni Zaidon ay Cloud Xeon Aristone, ang lalaking tinaguriang prince of hell noon. Sinunog ang mukha niya pero nag bago muli ang mukha niya ngunit hindi niya na kamukha si Cloud, kundi si Ezekiel trion Rockwell.
The detectives need to know all of this!
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro