Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 2

Gyza Kyte Morphe's POV

"Sinabi ko na kasi sa 'yo na mag-iingat ka sa susunod, Gyza. Nako-naku." Iling na paalala sa akin ni Abby habang sinusuklay ang buhok ko. Nasa loob kami ng dorm ngayon, nagpapahinga muna dahil mamayang gabi ay pupunta kami sa council para bigyan kami ng form about sa aming mga newbies.

"Sino iyong babaeng maganda kanina? 'Yung naka eye glasses?" Kunot noo kong tanong kay Abby habang inaalala 'yung babae. Maganda kasi siya at ang tapang niya pa. Gusto ko tuloy makipag-kaibigan sa kaniya.

"Hindi mo narinig 'yung sinabi niya kanina?" tila dismiyadong tanong niya. Tumango ako. Paano ko maririnig 'yun eh halos inudnud na nga nila ang mukha ko. Ang lagkit na lagkit ng tainga ko. Anong klaseng paaralan ba 'to?

"Hays buhay nga naman. Siya ang bagong President dito sa Hidden University, 'yung ibang councils kasi dito noon ay umalis at pinalitan. She's Kizzy Lopez, the one and only badass na namumuno sa government gang."

"A...Ano?" hindi ko maintindihan 'yun eh. Ano ba kasi 'yang gang na 'yan? Loading ang utak ko sa ganiyang bagay eh. Bago lang ako dito at walang kaalam-alam sa mundo. Bakit kasi naisipan ni Nanay na dito ako pag-aralin.

Pero bago pa man ako makapasok dito ay may binasa akong libro ng H.U

"Ay ewan ko sa 'yo, Gyza. Mas mabuting pumunta ka nalang ng council mamayang gabi at sila na bahala sumagot sa tanong mo. Basta ang tatandaan mo? Huwag kang lumabas ng alas otso dahil bawal iyon dito sa University," seryosong sabi niya na tila nagkwe-kwento ng horror stories.

Seryoso?

"Bakit naman?"

"Basta, huwag kang lalabas, okay? At ako lang dapat ang pagkatiwalaan mo sa University na 'to. Wala ng iba."

I shrugged my shoulder.

***

Nang sumapit na ang gabi, sinamahan ako ni Abby na pumunta sa council. Kumatok kami ng ilang beses bago ito binuksan ng isang babaeng medyo tahimik pero seryoso ang mukha.

"Good evening po, ako nga po pala si Gyza Morphe," pakilala ko habang dahan-dahan akong umupo sa harap ng babaeng nangangalang Kizzy Lopez. May ginagawa ito ngayon sa kaniyang mesa at tambak na tambak 'yung papel na naroon. Umiwas ako ng tingin at hinarap ang tatlong babae.

"Rich or not?" tanong ni Zaire? 'Yun ang nakasulat sa name patch niya. Maganda silang lahat at hindi ko alam kung bakit namamaliit ako sa sarili ko. Kumpara sa kanila. I'm just a nobody.

"Hindi po kami mayaman pero sapat naman po na may maka..."

"What?! How come!" sigaw nung nangangalang Alexandria. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang tinitigan si president Kizzy na mariin akong tinapunan ng tingin.

"This is impossible, Kizzy! How come! Is this a prank?" lahat sila ay parang hindi makapaniwala. Ano kaya ang problema?

"Leave this woman to me. Go to Dean's Office and ask." malamig na utos niya sa tatlo na kaagad namang sinunod. She's bossy.

"Paano ka nakapasok sa University na 'to, Miss Morphe?" seryosong tanong ni President Kizzy habang 'yung kamay ay nakasiklop na. Bigla tuloy akong nanlamig sa pwesto ko, mahigpit ko pang hinawakan si Abby dahil sa tensyon na nararamdaman ko.

"Gi...Dahil po...Sa gate ng Hidden University." sagot ko naman sanhi nang pag tampal nito sa noo niya. What? Sinagot ko lang naman 'yung tanong niya, bakit parang nagalit pa ito lalo.

"What I mean is paano ka nakapasok? Sino ang nag bigay sa'yo ng permiso na pumasok dito?"

Bigla kong naalala 'yung Nanay Lily ko. Binigyan niya ako ng gold form at binasa ko iyon, sabi niya kasi school form daw 'yun at duon na ako papasok. Medyo kataka-taka 'yung form na hawak ko dahil umiilaw ito pero may design na dugo sa both sides.

"I'm talking to you, Miss Morphe!"

"Miss President huwag po ninyong sigawan ang kaibigan ko, sadyang inaalala niya pa po."

"Who told you to talk back?"

Pumikit ako nang mariin sabay hawak sa kamay ni Abby para pakalmahin ito. Hindi kami pwedeng sumagot sa student council dahil paniguradong malilintikan kami. Binasa ko na lahat 'yung rules ng H.U at masasabi kong iba ang school na 'to sa dati kong pinasukan.

"Nakapasok ako sa University na 'to dahil binigyan ako ng Nanay ko ng gold form ng University. I already read the rules and one of the rules is, mga mayayaman lamang ang makakapasok."

Kumunot ang noo niya tapos bumuntong hininga ng malalim.

"Damn!"

***

"Are you okay?" tanong ni Abby habang papunta kami ng Class C4 kung saan iyong room namin.

"Oo naman," pilit na ngiting sagot ko.

"That's her, the president. When it comes to H.U she is not sanctified, you need to deal with it, Gyza."

Walang lumabas na salita sa bibig ko bagkus umirap na lang ako sa hangin at hindi pinansin 'yung mga matang panay kung tumitig sa akin. I'm wearing a maroon uniform at hanggang tuhod lang ang palda, medyo hindi ako sanay pero 'yun talaga eh. Actually iiba ang mga uniforms namin, naka base kasi 'yun sa mga sections namin, at nasa C4 kaming dalawa ni Abby.

Nang makita na namin ang section C4, agad kaming tumakbo ni Abby dahil mukhang na late pa kami kasi closed na 'yung pintuan. Imposibleng walang pasok hindi ba?

"Late na tayo!"

"Kaya ng..." bago pa matapos ni Abby ang sasabihin niya. May isang matangkad na babaeng humarang sa amin. May dala itong stick na mataas at pinapalo-palo niya ito sa kaniyang palad habang may ngisi sa labi.

"What time is it?" Taas kilay na tanong ng babae kay Abby. Umirap naman si Abby tapos taas noo niyang tiningnan ang babae, pero mas matangkad parin ang nasa harapan. Maganda siya at tila walang emosyon ang mukha, nakakatakot din siya.

"Ask yourself, hindi kami orasan para tanungin mo," pabalang na sagot ni Abby.

"How dare you talk to..."

"Oh shut the hell up, bitch! Pwedeng umalis kana dahil papasok na kami. Late na kami!" sigaw ni Abby at halos hindi na maipinta 'yung mukha ng babae dahil sa sigaw ni Abby. Ako tuloy ang kinakabahan sa kaniya.

"Abby, le...Lets g...go," nauutal na tawag ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag bagkus dinuro-duro niya pa ang babae na ngayong masama ang tingin sa amin, 'yung tipong isang galaw mo lang ay babagsak ka.

"Umalis ka na sa...Argh!"

Biglang hinawakan ng matangkad na babae si Abby sa braso at ramdam ko ang pagkakadiin nun dahil pikit-mata si Abby, at pilit niya ring tinatanggal ang kamay ng babae sa braso niya.

"Please, let us go. Kailangan naming pumasok," pagmamakaawa ko at tila iiyak na ako. Inirapan lamang ako ng babae sabay tulak sa akin na kinaupo ko sa sahig. Argh ang sakit!

"Gyza!"

"Being late is not important, but knowing me is necessary. I am Mhegan Brainne Lopez, the Vice President of this stupid University. Messing up with me is the worst thing you ever do."

She's...She's...a demon also.

Vice President for fvck's sake!

STUDENT COUNCIL GOVERNMENT
Myembro ng mga babaeng demonyong namumuno sa H.U.They have no mercy when it comes to the rules; once you mess up with them, you will meet your worst journey."

KIZZY ASTRIAN LOPEZ
The Government President of this H.U at siya ang nakakatakot sa SCG members. Nabasa ko sa rules at regulations ng H.U

MHEGAN BRAINNE LOPEZ
The Vice President of H.U
Badass at walang kinatatakutan, she have this so-called demonic attitude. At nag-iisang kapatid ng President kayat halos magkapareho ito ng ugali.

ALEXANDRIA AMESTY
Secretary of H.U
Tahimik pero pag magsalita ay daig pa ang ugali ni Kizzy.

ASHLEY MULLER
P.I.O of H.U
The one who set the rules.

ZHENLEZIA ZAIRE ANDERSON
AUDITOR of H.U
Loves to fight and loves to be hate.

I am Gyza Morphe? The intruder, the nobody at walang alam sa eskwelahan na 'to.

Nabasa ko sa book ng H.U ang lahat. Meron ding mga gangsters sa loob nito pero bihira lamang sila magpakita na pinasalamat naman ng ibang students dahil demonyo sila. When it comes to killing? Wala silang pakialam. And I'm starting to hate this school for devil's sake.

Mhegan Lopez reminding me of my sister Skyla, she's a badass too like her. But this woman is really something.

Nakakatakot siya.

"Meet my sister Kizzy at the student council, spare yourself. Tingnan natin kung saan 'yang kabobohan ninyo." pagkatapos sabihin iyon ng VP, agad siyang umalis.

Si Abby naman tinitiis 'yung sakit na nasa braso niya. Inalayan ko na lamang siya papasok sa C4 section at lahat sila nakatingin sa amin, lalo na 'yung teacher na mukhang may katandaan na.

"Huwag na tayong magpa-late kahit na kailan, Gyza, the student's council is dangerous." sabi niya na kinatango ko na lamang.

"Newbies? New victim?" nakangising usal ng lalaking nasa harapan. Nagulat ako dahil sa angking mala-adonis nitong mukha. Is he an angel?

"Tsk, 'yan talaga mapapala ninyo pag nakita kayo ng SC na palaboy-laboy sa University at hindi lang 'yan ang makukuha ninyo. Mas malala ang President. Kung ako sa inyo? Iwasan niyo ang SCG."

*****

So ayun na nga, boring po hindi ba? Hehe keep reading. Hope you really like...Hmmm just a bit😅

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro