Chapter 13
Gyza's POV
"Walang paraan para makalabas sa University na 'to kaya I decided na dumito ka muna."
"Ano?!" sigaw ng lalaking nangangalang Daze.'Yung may dimple sa kabilang pisnge, lumapit s'ya sa table namin at umupo sa harapan ni Alexandria 'yong Punishment ruler ng H.U, kahapon nagpakilala sa akin lahat at masasabi kong namang hindi sila gaano kasama. Ginagawa lang talaga nila ito para sa kapakanan ng eskwelahan.
"What if they find out, Kizzy? Anong gagawin natin?!" medyo kinakabahan na sambit ni Ashley habang nakatingin kay Kizzy. Ako nga rin kinakabahan sa plano ng president. Kasalanan ko talaga 'to eh, kung hindi dahil sa'kin hindi magkaka-ganito.
"Meron ng nakakaalam na may nakapasok na mahirap dito, they started chasing now." saad ng lalaking paparating, that's Kian. Seryoso siyang lumalapit sa amin dala ang isang papel na hindi ko alam kung para saan 'yon. Umalis kasi si Zaidon kaya kaming narito na lamang ang natira.
"What the fvck!" mura ni Mhegan.
"Paano nangyari 'yon?" tanong din ni Zaire habang nakakunot ang noo. Ako? Doble-doble ang pangamba, tila araw-araw kong kaharap si kamatayan dahil dito sa eskwelahan na 'to.
"I don't know, I just heard it outside." bagot na sagot ni Kian at nilapag ang papel sa harapan namin. Umarko ang kilay ni Kizzy at binaling ang tingin roon. Gusto ko ring tumingin pero nakakailang 'yong tingin ni Daze at Shaun sa akin, seryoso?
"You really looked like her," bulong ni Daze. Her?
"You better act better, Miss Morphe para hindi ka nila mahalata, I suggest na rin na simula ngayon sa SCG ka na lalapit muna," rinig kong saad ni Ashley. Bumuntong hininga ako. Wala na akong magagawa dahil buhay ko ang nakataya rito.
"Kapag may nag taksil sa loob ng eskwelahan na 'to, Gyza, walang makakalabas ng buhay. Kundi papahirapan at papatayin." usisa ni Thaniel, kanina ko pa napapansin na tahimik 'yan.
Nanlamig naman ako sa kinauupuan.
"Ayoko pang ma-mamatay hahanapin ako ng nanay ko," kinakabahan kong sabi. Tumingin naman sila sa akin, pwera lang kay Kizzy na seryosong nilalandas ang kamay sa papel.
"Hindi ka mamatay, kung hindi ka magpapahalata. The battle is starting to begin now, play and don't let anyone defeat you." makahulugang sabi ni Shaun tapos tumalikod s'ya ganu'n din 'yong mga lalaki. Sabay-sabay silang lumabas. Kaming mga babae na lang ang narito.
Isang malalim na hininga na naman ang pinakawalan ko. Yumuko ako para hindi nila makita ang nagbabadya kong luha. Bakit ang hina-hina ko? Bakit? Lagi na lang luha ang nilalabas ko at hindi kakayahan. Gusto kong lumaban man lang, gusto kong may lakas. Awang-awa na ako sa sarili ko.
"Tutulungan ka namin. Sasama ka ngayon sa student council to hide your real identity, since malapit na rin 'yung ambush sa university. Every weekend tuturuan ka naming gumamit ng mga weapon para sa laban. Don't ask! Just stay still and listen to what I'm saying. Kapag hindi ka marunong lumaban? Talagang may tendency na mamatay ka."
Lumunok ako. "Lalaban ako!"
"Good. Habang hindi pa nila nalalaman kung sino ka? 'Wag ka munang mabahala dahil andito naman kami. I'm doing this because hindi ka naman dapat narito. May paparating na laban kaya naman dapat matuto kang lumaban. Mhegan and Ashley will teach you how to use weapons while me? Tuturuan kita paano depensahan ang sarili kapag walang armas. Basta iiwas ka lang sa mga tao, lalo na sa mga gangsters na makakasalamuha mo rito. Understand?" malamig na tanong ni Kizzy. Tumango agad ako.
"Okay. Tapos na akong magpaliwanag sa ngayon, alam mo naman 'yong ambush thingy? Susulong ang ibang university dito at lalaban sila sa atin, sisirain nila ang pader at guguluhin tayong narito. Ang iba nag pasalamat pa dahil makakalabas na pero hindi nila alam kung ano ang naghihintay sa kanila sa labas. Kaya, Miss Morphe? Escaping is not the way to survive, hiding is the best way. Don't you dare escape, just trust us. Gusto rin naming makalabas dito."
"Hanggang kailan ba ang ambush?"
"Oo nga! Kahapon nga may pagsabog!"
"Oo pag sabog!" sagot ko. Sumandal sa upuan si Kizzy tsaka sabay na nilukot ang papel na nasa mesa.
"The Dark Monarch did that... The Anonymous Empress too. Naghahanap sila ng away bago mag simula ang ambush ng university. Sa katunayan nakakabwesit ang mga taong 'yan! Bwesit na bwesit na ako! Kingina!"
"At bwesit na bwesit naman kami sa'yo baliw!"
Napalingon kaming lahat sa likuran nang may babaeng nag salita. Samahan pa nito ang malakas na tawa ng kasama. Nanlaki ang mata ni Kizzy at tumakbo papalapit sa groupong 'yon. Isang lalaking seryoso ang tingin, tatlong babaeng magaganda.
"Raine! Azea! Aniah! Hades!" tawag niya sa mga iyon. Napasinghap si Mhegan.
"Isip bata talaga pag dating sa ganito," usal ni Zaire.
"Sa kanila lang naman siya titklop eh, good news 'yan para sa atin." sabi din ni Ashley.
Pinagmasdan ko lang sila habang nag yayakapan. Paano kaya sila nakapasok?
"Groupo sila ng mga detectives, Gyza. May transakyon 'yan sila, kapag merong krimen na nangyayari andyan sila at mabilis lang nila matukoy o mahuli ang kalaban." panimula ni Dria.
"Hades, s'ya ang leader at sobrang tahimik na kasama nila. Parang may sariling kadilimang mundo, si Raine naman 'yong mukhang koreana? System hacker 'yan, si Azea naman magaling gumamit ng baril at si Aniah? Self defense ang kaya niya,"
Woah? Group of detectives.
"Hindi sila basta-basta."
"Kailan pa kayo nandito?" tanong ni Kizzy habang iginagaya sila paupo sa mesa namin. Ngumiti iyong is Raine, grabe ang ganda nila.
"Kahapon lang, nalaman kasi namin na may pagsabog daw dito kaya sisiw lang ang pag pasok," sagot niya.
"Kaya pala nagkagulo kahapon sa office dahil nawala ang mga track ng Cctv!" hiyaw ni Mhegan.
"Sorry about that!" kinindatan niya pa si Mhegan. Totoo ngang tahimik ang kasama nilang lalaki.
"Pumasok rin ako dito to check my brother si Seros hindi sumama ngayon sa amin nasa bahay siya." sabi niya.
"And, who's this woman?" Taas kilay pansin sa akin ni Azea.
"She's Gyza Morphe." pakilala sa'kin ni Mhegan pero may diin 'yong pagkakasabi niya. Galit lang?
"Oh the newbie you were talking about huh! I can help sa identity niya and also I can teach her how to do combat," magiliw na usisa ni Aniah. I smiled at them. Akala ko marahas sila.
"Using gun is the most important."
"Self defense!" si Aniah.
"Guns!"
"Self defense!"
"Guns!"
"Shut up you two!"
Nanahimik sila nang sumigaw si Hades.
Damn!
******
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro