Chapter 12
Gyza's POV
Isang malakas na pag sabog ang naganap kanina sa canteen, at hindi na ako nag aksaya pa ng oras na tumingin dahil alam kong magkakagulo roon lalo na't andu'n ang mga gangsters.
"Napuruhan ang mga Black Omega kanina sa pag sabog!"
"Dumudugo braso ni Daze daw eh!"
"Putok naman labi ni Premo sa suntok ni Jan Ezekiel,"
Hindi ko masabayan 'yung lesson na tinuturo sa harapan dahil sa pakikinig ko. Wala man lang aksyon ang mga guro dito, basta-basta na lang nila hinahayaan na may mangyayari sa loob ng H.U, teka nga? Kailan nga ba sila nagkaroon ng pakialam?
Hanggang ngayon hindi parin kami nagpa-pansinan ni Abby. Nalaman ko na lamang na umalis na pala s'ya sa dorm namin at lumipat sa dorm ng mga kasamahan niya, hinayaan ko na lang s'ya dahil ngayon naisip ko na malaki pala talaga 'yong agwat ng buhay namin sa isa't-isa. She's a gangster, I am a nobody. Bumuntong hininga ako tsaka hinarap muli ang blackboard pero napamura ako sa isipan ko nang nagsimula na naman silang magtapunan. Ka-kaalis lang pala ng professor at hindi ko man lang napansin 'yun.
Ayoko ng gulo kaya't lumabas na lamang ako ng classroom. Inayos ko ang bag ko tsaka ko sinukblit sa balikat ko. Akmang hahakbang na sana ako nang may humawak sa braso ko. Takte!
Nanigas ako sa kinatatayuan, dahan-dahan rin akong humarap.
Isang matangkad na lalaki, he's towering me, malaki ang katawan, kapansin-pansin dahil sa manipis nitong t-shirt. Umangat bahagya ang noo ko. Agad akong umatras ng mamukhaan kung sino ang lalaking ito.
What the hell! Sya 'yong leader ng black devil omega! Ano kaya ang gagawin niya sa akin?
Nakakunot 'yung noo niya habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa. Pansin ko rin na biglang tumahimik iyong room namin, lumabas ang iilan na klasmate ko, nakikisuyo sa labas.
"A...A...Anong kailangan m-mo?" utal na tanong ko habang mahigpit na hinawakan ang sariling palda.
"Follow me," malamig na saad nito. Pero hindi ako kumibo, s'ya naman ay tumalikod na. Saan ba kami pupunta?
Nang mapansing hindi ako gumalaw, nilingon niya ako. "Miss Morphe, I said follow me." medyo diing pagkasabi niya kaya agad akong sumunod sa kaniya. Nasa likuran lang ako habang nakayuko. Mula rito amoy na amoy ko ang pang lalaki niyang pabango, tumikhim ako dahil nakakaadik kasi eh. Marami kaming nadaanang mga guro pero wala man lang siyang pakialam sa mga presensya nito. Tila 'yong mga guro pa ang umiiwas sa kaniya.
May mga students din na halos tumirik na 'yong mga mata nila kakatingin sa akin, iirapan ako, samaan ng tingin, at babantaan pero bulong lang. Lumiko si Zaidon sa isang daang hindi pamilyar sa akin. Kung itatanong niyo ba't ko alam name niya? Sa akin na lang 'yon.
Huminto kami sa pulang pintuan. Binuksan niya ito sabay pasok roon. Nagdadalawang isip pa ako pero kalaunan pumasok na lang din. Bumungad sa'kin ang malinis na kwarto pero may mga kasama s'ya sa loob, may apat na lalaking nakaupo sa sofang mahaba at may kani-kaniyang ginagawa, ito 'yong mga kasama niya. Sa kabilang sofa na naman, groupo ng mga babae at hindi lang sila babae.
Wait? What?! Student council! Bigla akong napaatras nang dumako ang paningin ni Mhegan sa akin. Umirap s'ya at muling binaling sa ginagawa ang tingin. The President is here too, hindi ko maiwasan na tumingin sa gawi niya, nakaharap s'ya sa sariling laptop habang kunot noo. Mukhang maayos naman ang kalagayan niya.
"Sit down, Miss Morphe," isang matandang babae ang lumapit sa akin. Iginaya niya ako sa isang sofa na kaming dalawa lang ni Zaidon ang nakaupo. Pero busy naman s'ya sa cellphone niya. Ano kaya ang gagagwin ko rito?
"So, what's your plan now, Zaidon?" tanong ng babaeng nasa student council, nakataas ang isang kilay nito sa'kin, masungit.
"All of you knew this woman already, I just want to clean up this mess you made." mariing saad niya sa mga ito. Umiwas naman ng tingin 'yong babae at binaling na lang ang pansin sa hawak nitong baso. She's drinking wine.
"The Admins doesn't want this to happen, but you guys! Let her in here!" galit na sigaw niya kaya naman umusog ako dahil nagsimula na namang manginig ang kamay ko. I knew they all referring to me now, mahirap ako at isang pagkakamali ang ginawa nila sa akin. Bakit nga ba ako nakapasok?
"Hindi namin alam!" giit ni Mhegan sabay tayo.
"You don't know? What kind of SCG are you then!" iritadong sigaw ni Zaidon na dahilan nang pag tayo ni Kizzy sa kaniyang kinauupuan. Bigla ring nagtayuan 'yong balahibo ko. Her angelic face turned into a devil now, she smiled but I know its fake. Padabog niyang sinara ang laptop.
"We are doing our job right as a SCG of this university! Do you think we like this?!" sigaw ng babaeng myembro rin nila. Dahil sa sigaw niyang 'yon naagaw ang pansin ng mga kasamahan ni Zaidon. Gosh.
Tumayo ako bago pa bumanat ng isasagot si Zaidon. I know he's pissed right now, pero may karapatan naman akong mag salita.
"How can I escape here? If you guys concern about my life or informations! Aalis ako! Hindi ko rin namang ginusto na makapasok rito." mahinang pahayag ko pero sandali akong tinapunan ng tingin ni Kizzy ganu'n din 'yong iba.
"You should be! Because your life will be living hell if you stay here!" siigaw ni Zaidon at halos hindi ako makahinga sa lakas ng kabog ng puso ko. Ramdam ko ang galit niya. Nanginginig ang mga mata ko na parang may tutulo na. Iritado ang kaniyang tingin.
"Don't scare her! Zaidon! Lets solve this matter!" sambit ni Kizzy.
"What a useless President. What if the Admins find this out? What actions will you do huh? You think the SCG can solve this! This is a big mistake! Kizzy."
"Do you really think I can't do this alone? Well I'm telling you, Mister Xerson or should I call you dumbass! President ako ng UNIVERSITY! I have my own plan!"
"Then show me what you can do!"
"Naguguluhan ako," bulong ko sa sarili at tila nanlumong bumalik sa upuan.
"But, when you entered here you were not even confused? What kind of brain do you have?"
Bakit napaka talas ng bibig ng lalaking 'to? Inangat ko ang tingin at sasagot na sana na si mama ang pakana ng lahat ng ito pero hindi ko na tinuloy, baka pati mama ko sasaktan nila.
"I'm sorry." 'Yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro