Chapter 11
Gyza's POV
"Now explain! Abby!" galit na sigaw ko kay Abby habang mariin ko siyang tinitigan. Hindi s'ya kumibo bagkus umupo lang ito sa sofa na tila hangin lang ako sa harapan niya. Damn! Iniinis ba talaga ako ni Abby?
"Abby! Explain yourself to me! Anong gang 'yung sinalihan mo!" inis na sambit ko tsaka nagsisimula nang tumulo ang luha ko sa mata. Ayokong masangkot si Abby sa mga gangs na 'yan dahil natatakot ako na mamatay s'ya, alam kong delekado ang mapabilang riyan kaya't takot na takot ako.
Nag-iisa ko lang sandalan si Abby sa loob ng school na 'to. Paano kung iiwan niya ako? Paano na?
"Abby...Please umalis kana sa gang na 'yun kung kinakailangan," pakiusap ko at dahan-dahan akong umupo sa sofa. Tiningnan ko ang reaksyon niya, nakahalukipkip lang s'ya at nasa ibang dimensyon 'yong utak niya. Bumuntong hininga ako, bakit humantong sa ganito ang lahat?
"Hindi mo kilala 'yong lalaki kagabi right?"
Napaangat ako ng tingin. Lalaki?
"Sino?" kunot noo kong tanong. May lalaki ba akong kasama kagabi? Ay oo! Si Premo Dallas. Iyon ba ang tinutukoy niya? Does she know?
"He's dangerous, Gyza. Bago ka lang dito at hindi mo kilala ng husto kung sino 'yong mga taong nakakasalamuha mo." pagkatapos niyang sabihin 'yon agad na siyang umalis sa harapan ko. Hindi ko man lang s'ya napigilan dahil inaalala ko ang mga salitang binitawan niya. Tila iba 'yong tinutukoy niya.
I know Premo is a dangerous man. No'ng nakasama ko s'ya sa death battle ramdam ko ang panginginig at parang kaharap ko si kamatayan. Parang bilang na lang 'yong buhay ko pag kasama ko s'ya. I shouldn't be here, what am I doing here. How can I escape?
Hindi kami nag pansinan ni Abby habang papunta kami sa klase namin. Balik seryoso na naman ang mga estudante ng H.U. Kita ko mula rito ang student council, pinalilibutan nila ang isang groupo ng estudante pero umiwas na lamang ako, mas mabuting iiwas na lang talaga ako. I don't belong here, poor people like me doesn't belong here. Hindi ko alam kung paano ba ako nakapasok, pero kung sakaling malaman ko? Haharapin ko lahat.
Pumasok ako sa section C4 na walang kibo, nadatnan ko pa ang groupo ni Jan Ezekiel na nagtatawanan pero s'ya ay seryosong nakihalubilo. 'Yung mga babae naman panay ang kuha ng litrato sa kanila, sabagay pang magazine at mukhang celebrity naman 'yong mukha nila. Kung tutuusin pag lumabas sila ng university talagang pagkakaguluhan ang mga 'yan.
"Narinig mo na ba ang balita?" umigting ang tenga ko sa klasmet kong nagsalita. Nakikisuyo na naman 'to panigurado, at kapag chismis na? Iigting ang tenga ko.
"'Yung may mga bagong papasok sa H.U ba?" usisa din ng kausap nito na halos inubos na 'yong powder dahil sa kaputian nito. Not ordinary skin mukhang powder lahat nasa mukha.
Nilagay ko sa ibaba ng desk ko ang libro. Wala na naman 'yong prof namin, lagi na lang.
"Oo ayun! Rinig na rinig ko! Groupo daw sila eh! Sunod-sunod na 'yong mga bago sa Hidden. At 'saka 'yon ngayon lang na papasok ay Anonymous Empress gang daw!"
Isang gang na naman ang nakapasok?
"At kakarating lang din ng Royalties kagabi. Gosh! Bes! Ang gwapo ni Premo, natalo nga niya si Thaniel 'yong nasa Black Omega,"
Hindi ko na nakita ang away nina Premo at 'yang sinasabi nilang Thaniel dahil lumabas na agad ako to check Abby, but everything went black no'ng nasa puno na ako. I don't know what really happened that night pero... Ay basta!
"Ang galing 'di ba! Ang daming gwapo sa Hidden. Hindi ko na alam kung sino-sino 'yong mga crush ko! Hihi!"
"Nasa Red sparrow crush ko eh sorry!"
"Si Ezekiel ba?"
"Papatayin ako no'n eh. Si Mike 'noh!"
Umirap na lamang ako sa hangin. Natapos ang klase na hindi man lang dumating 'yong prof kaya nag pasya ako na lumabas ng classroom at dumeretso sa canteen dahil gutom na gutom na ako.
Habang naglalakad ako, sari-saring mga chismis ang narinig ko. Kesyo daw dumating na daw 'yung mga nagha-harian at nag re-reynahan dito sa H.U at baka may magaganap daw na gulo between them. Who cares! Pwede naman silang mag-away pero labas na ako diyan.
Nang mahagip ko na ang canteen, inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko sa balikat. Ngunit? Napahinto ako sa pwesto ko dahil napansin kong sobrang tahimik ng canteen at halos puno 'yong mga upuan.
Sinuri ko silang lahat, busy sila sa pakikipag-usap sa katabi. Pero kapansin-pansin rito ang mga bago nilang mga mukha, sa unang table, may groupo ng babae na nakasuot ng black, duon napansin ko si Abby na tumatawa sa kaniyang mga ka-gang. Umirap ako.
Ikalawang table, groupo ng mga lalaki na Red Sparrow, kakarating lang nila Jan Ezekiel pero seryoso parin ang mukha niya.
Ikatlong table, groupo ng student council, busy sila sa kung mga ano-ano, may kaharap na laptop si Kizzy habang 'yong iba ay may sinusulat. Magaling na pala s'ya. Seryoso din ang mukha nila.
Ikaapat na table, groupo ng mga lalaki. Black Omega. Maingay ang table nila pero may isang lalaking nakaagaw ng atensyon ko. 'Yun ay ang leader nila, nakapikit ang mata niya habang nakasandal sa upuan ang likod. I sighed, he's good looking damn.
Ikalimang table, napakurap-kurap pa ako. Group of boys din pero to tell you honestly? Sumisigaw ang kanilang kayamanan dahil sa lahat ng andito, sila lang 'yung naiiba. Naka uniform kasi 'yong ibang gang pero sa kanila mukhang uniform din pero sumisigaw ang kayamanan sa suot nila. May mga kadenang kwintas, may choker na suot si Premo na mas lalong nagpapa-gwapo sa kan'ya. Totoo ang mga sinabi ng lahat, guguho ang H.U dahil ang daming magaganda at gwa-gwapo.
Pero sino 'yong babaeng kasama nila? She's pretty, mukhang mabait din ang mukha. Parte din ba s'ya ng Royalties?
Last but not the least, groupo ng babae at lalaki. Nakatalikod silang lahat sa akin pero bigla na lamang tumibok ang puso ko sa hindi malamang dahilan.
"Skyla, ano ba!" sigaw nu'ng babaeng kasama nila. Tumawa naman 'yong babae at hinarap ang likod, nag tama ang mata namin. Kumunot ang noo niya pero sandali lang 'yon dahil nakipag tawanan na naman s'ya sa groupo.
"Pinalilibutan tayo ng mga gangsters ngayon," bigla akong napalingon sa nagsalita.
"Huh?"
"Hi. I'm Sapphire Lockhart."
****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro