Beginning
***
Her POV
I'm a little bit nervous because this is the first time na papasok ako sa loob ng Hidden University. One of the famous and known University here in our place. Nasa harapan ko ngayon ang malaking gate ng University at kamangha-mangha ang disensyo ng kanilang tarangkahan. Medyo may kalumaan na pero maganda parin tingnan at nakaka-agaw ng atensyon. Lumunok ako sabay tingin sa paligid, marami ring mga kapwa ko mag-aaral ang papasok dito sa loob ng Hidden University. Hindi ko inaasahan na dadagsain parin ito hanggang ngayon.
Matagal na kasi ito. Dito pa nga nag-aral sina Mommy at Daddy noon. Sa katunayan nga niyan ay hindi ako pinayagan ni Daddy na pumasok dito dahil delekado daw at baka hindi ako makakalabas. Para bang isang babala iyon. Samantalang, kampante naman si Mommy at may tiwala siya sa akin na kaya kong harapin ang anumang pagsubok na darating sa akin sa loob ng paaralan na 'to.
Nagpakawala ako nang malalim na hininga. Pinikit ko pa ang mata ko. Kaya ko 'to, isa akong Rockwell. Walang kinatatakutan at inaatrasan. Kung kaya nila Mommy at Daddy, kaya ko rin.
"Laban, Eke, huwag kang matakot." paalala ko sa aking sarili bago ako nagpasya na pumasok sa loob, ngunit bigla akong nadapa dahil may pumatid sa aking paa. Sobrang sakit ng tuhod ko dahil mas nauna iyong sumobsob sa sahig.
"Aray..."
"Oops! I'm sorry!" walang hiyang hinging paumanhin ng babae mula sa likuran ko. Rinig ko pa ang malalakas nilang tawa na tila natutuwa sa ginawa.
Pinikit ko ang mata ko. Pinakalma ko ang sarili ko baka ano pa ang magawa ko sa mga gagang ito. Ito pa naman ang unang araw ko sa pasukan, ayokong makipag-away.
"Huwag ka kasing feeling probinsyana na ngayon lang nakakita ng malaking gate!"
"Ang laki pa naman ng kaniyang maleta na tila galing pa siyang ibang bansa!"
Anong pakialam ng dalawang ito sa buhay ko?
Dahan-dahan akong tumayo 'saka ko sila hinarap habang nagdidilim ang aking paningin. Nagtaka naman ako nang makita ang gulat sa kanilang mukha, tila nakakakita ng mukto.
Kumukot naman ang noo ko. Ayoko manggulo sa araw na 'to, pero mukhang gusto talaga nila ng gulo.
"Anong problema ninyo?! Are you both blind or what? Or sadyang tanga lang kayo?"
"W-What did you say?!"
"Bingi ka na rin ba?" Taas kilay na tanong ko. Halatang retoke pa ang kaniyang ilong dahil hindi iyon tugma sa malaki at mabilog niyang mukha. Hindi ko naman inaano ang mga walang hiyang 'to pero gusto talaga nilang patulan ko sila. Akala siguro nila hindi ako pumapatol, kahit nakakatanda pa 'yan or mas bata pa sa'kin. Kapag sinaktan or minamaliit ako, papatol talaga ako. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para ganituhin lang ng mga gagang 'to.
Isang sikat na School President ang Mommy ko dito, at Gang leader naman ang Daddy ko. Hindi basta-basta ang magulang ko kaya't hinding-hindi ako magpapa-api sa mga mababang uri gaya na lamang ng dalawang 'to.
"Who are you to say that?!"
"Ikaw, sino ka rin ba? Dapat pa ba kitang makilala?"
"How dare you!" Nangangaliti sa galit ang kaniyang mga kamao at dali-dali itong lumapit sa akin at akma niya na sanang idadapo ang palad nang sampalin ko ang kaniyang matambok na pisnge.
Nagulat siya roon. Mukhang maiiyak na rin dahil biglang pumula ang kaniyang pisnge. Malakas kasi ang sampal ko, mukhang hindi niya rin inaasahan iyon.
"Sinabi ko bang lalapit ka?" mataray na tanong ko.
"Tangina mo! May araw ka rin sa'kin!"
"Tang----"
"Huwag na huwag kang magmumura roon, Ekiela. Maliwanag?"
Napasapo ako sa aking noo nang maalala ko ang paalala sa akin ni Mommy. Gustong-gusto ko na talagang murahin ang tabachoy na 'yun. Akala ko papatol pa siya, pero nu'ng bigla na lamang pumula ang pisnge niya para siyang nagulat. Kilalanin niya kasi kung sino ang binabangga niya, kapal ng mukha.
Pinulot ko ang maleta ko sa sahig. Inayos ko ang sarili ko at tinapunan nang tingin ang pasa ko sa tuhod. Tila ngayon ko lang naramdaman ang sakit, lagot talaga ako kay Daddy nito. Pambihira kasi 'yung dalawang iyon.
Inangat ko muli ang aking tingin nang matapos ako sa kakaayos ng aking sarili. Ito na talaga, papasok na ako sa loo--
"Miss, Tabi!"
At bago ko pa matapos ang sasabihin, bigla na lamang akong nadapa muli, but this time. Sumobsob na talaga ang mukha ko sa hawak kong maleta. Napadaing ako sa sobrang sakit, tila may napunit sa buong mukha ko. Namanhid ang tuhod ko habang nanghihina naman ang dalawang braso ko. Hindi ako makagalaw agad dahil sa mabilis na pangyayaring iyon.
"Malas naman oh!" malakas na sigaw ko. Nanggigil ang ngipin ko sa inis.
"Okay ka lang ba, Miss?" tanong ng isang lalaki. Nasa harapan ko siya habang nakalahad ang palad. Kinagat ko naman ang labi ko, gigil na gigil na talaga ako ngayon. Gusto kong suntukin ang lalaking nasa harapan ko ngayon.
"Mukha ba akong okay sa'yo?! Sa kalagayan kong 'to?!" hindi ko maiwasang hindi magtaray. Ikalawang beses na kasi 'to, kay malas-malas ko naman sa araw na 'to.
"Sorry, Miss. Nagmamadali kasi si Farid,"
"Sinong Farid? hindi ba't ikaw ang tumul--"
"Hindi ako ang tumulak sa'yo, Miss. 'yung kaibigan ko na si Farid, nagmamadali kasi siya."
Inirapan ko siya. "Sana naman matuto kayong tumingin sa daan, hindi 'yung basta-basta na lang kayo namamangga. Pambihirang buhay 'to oh! Unang araw ko sa pasukan sugat agad!"
"Pasensy--"
"Aanhin ko 'yang pasensya mo at paumanhin mo?! Walang hiya naman oh!" Pdabog kong dinampot muli ang maleta. Pakiramdam ko namamaga ang buong mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang hapdi, tang-- kakainis! Tila gusto kong umuwi na. Unang araw ko pa lang kasi dito, bugbog na agad ako. Ni hindi pa nga nagsimula ang klase, kakaloka. Argh!
"Sorry talaga, Miss. Kakausapin ko mamaya si Farid at humingi ng tawad sa'yo, pasensya na talaga."
"Sabihin mo diyan sa kaibigan mong nagmamadali. Huwag na huwag siyang magpapakita sa akin kung gusto niya pang mabuhay!"
Dali-dali kong nilisan ang pwesto ko at pumasok na talaga sa loob ng Hidden University. Wala akong pakialam kung kabastusan itong ginawa ko, gusto ko lang talaga lumayo sa lalaking iyon. Aminado naman akong may angking mala-adonis ang lalaking 'yon, pero walang hiya parin siya. Lalo na 'yung Farid na iyon? Humanda sa akin ang gagong iyon.
Argh! Kapag talaga nakita ko 'yon, uupakan ko na. Nakaka-bwe---argh!
Welcome to Hidden University, Ekiela Rockwell.
****
#HU(School Of Gangsters)_WAR
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro