Chapter 7
Kinabukasan ay maaga ulit na nagising si Richard. Di dahil sa di siya masyadong komportable sa higaan pero dahil sa ingay na nanggagaling sa baba at sa labas ng bahay.
Agad naman siyang pumunta sa terrace at tinignan kung anong ingay 'yon at nagulat siya sa dami ng mga tao na nasa ibaba ng bahay nila Kap, nagluluto.
Ang dami naman nila... at ang dami nilang mga niluluto.
Fiesta na kasi kaya sobrang busy ang mga tao sa lugar nila. Marami ang dadalo sa selebrasyon mula sa kalapit brgy. Kaya nagtutulungan ang mga tao doon para maghanda ng husto.
"Good morning hijo!" Bati ni mamang na nasa baba, nakatingala sa kanya.
"Morning, mang." Bati din niya.
"Maghanda kana at bumaba kana rito para makapag agahan na." Ani ng ginang.
Tumango naman si Richard. Naligo muna siya at nag ayos bago bumaba.
Marami na namang bumati sa kanya pagka labas ng bahay. Masaya niyang ding binati at kinausap ang mga nandoon.
"O, sinong gusto sumali sa sac race with a twist?!" Napalingon siya sa sumisigaw na babae. Si Meng, busy sa pag aayos ng mga palaro.
"Anong twist ba yan hija? Mababali ba ang mga buto namin?" Sigaw pabalik ng isang matanda. Napatawa naman ang iba.
"Nako, hindi po tatang. Dalawa po kayo sa isang sako at kailangan magkaharap kayo na naglalakad patungo sa finish line." Sagot naman ni Meng.
"Ako! Gusto ko, gusto ko ding partner si sir Richard!" Sigaw ni Clover.
"Huy anong ikaw? Ako dapat. 'Tong baklitang to! Magsasabi na sana dapat ako eh, inunahan mo lang ako." Bulyaw din ni Hearty.
Nagtawanan naman ng husto ang mga tao sa mga banat ng mga bakla dahil sa pag-aagawan nila kung sino ang magiging partner ni Richard.
"Away kayo ng away diyan, di niyo pa nga alam kung masikmura ba ni sir Richard na makasama kayo sa loob ng sako." Sabat ng isang ginang na nandoon.
"Oo nga." Sang-ayon naman ng mga nandoon.
"Sino ang gusto mong ipartner sa kanila, sir?"
Bigla namang tumahimik ang mga nandoon at naghintay sa sagot niya. Nako naman, para akong pinapipili kung saan ko gustong tumungo... huhu kung imperno ba o sa... impyerno 2nd floor. Hahaha! Joke lang.
"Uhm, uh." Hindi niya alam pero kusang bumaling ang tingin niya kay Meng na naghihintay din sa sagot niya.
"Sige na, hijo. Pumili kana." Tatawa tawang sabi ni Kap sa kanya.
"S-sorry pero wala kasi sa kanila ang gusto kong maka partner eh." Umugong ang kantyaw at tawanan ng mga tao na nandoon sa sagot ni Richard. Sumimangot naman ang mga bakla na nag agawan sa kanya.
Padabog na lumapit si Margalou sa kanya. "Hindi pwede, dapat pumili ka! Dapat sumali ka sa laro."
"Oo nga."
"Tama!"
Agad na sumagi sa isip niya ang sinabi ni Meng sa kanya nang makita niyang tumango ang mga nandoon at sumang-ayon sa sinabi ni Margalou.
"I-enjoy mo lang ang buhay, hindi yung puro ka lang seryoso."
"Uhh, s-sige." Napalunok siya.
Pumalakpak naman ang mga bakla. "So sino sa amin ang gusto mong i-partner?" Tili ni Monica.
"H-ha? Uuuh, si... si mmm-mamang sana. If okay lang sa inyo?" Ngiti niyang sabi sa mga ito.
Narinig niya ang pagreklamo ng mga nandoon pero agad na tumili at dinaluhan ni mamang si Richard. "Nako hijo, I am very willing to be your partner. Ito kasing si honeybee, Kj. Ayaw sa mga laro laro kaya go ako na maging partner mo sa sac race with a twist."
Sumang-ayon si Kap at nag thumbs up.
Napadako ang tingin ni Richard kay Meng pero busy na ulit ang dalaga sa pag lilista ng iba pang kalahok.
"On your mark!" Sigaw ni Kap. Magsisimula na ang sac race with a twist, kinalaunan.
Pumurma na ang mga kalahok sa loob ng sako. Kasama na doon si Richard at si mamang. Magkaharap sila, naka squat position at magkahawak ang braso para maka lakad at mabalanse nila ang isa't isa.
"Get set, G—"
"Teka lang!!!!! Teka lang, sandali, pinulikat ata ako. Teka, aray aray." Sigaw na reklamo ni mamang.
"Ha? Uy. Medics! Medics!" Agad na sigaw ni Kap gamit ang mega phone. Agad ding dumalo ang mga tao sa kinaruruonan ni mamang at dagling dinala nila ito sa silya ni Kap.
"Nako, malabong makakapaglaro pa itong si mamang. Tsk, wala ng partner si Richard. Disqua na siya." Sabi nung isang watcher sa laro.
"Anong disqua?! Hindi, hindi siya pwedeng ma disqua. May papalit sa akin. Tawagin niyo nga si Meng. Siya ang gusto kong pumalit sa akin bilang partner ni Richard." Utos ni mamang sa kanila.
Agad na tinawag si Meng at hinila ito palapit sa kanila.
"Nako, mamang. Okay lang po. Di na po ako sasali." Sabi naman ni Richard sa ginang.
"Hindi. Sasali ka. Sayang naman. Excited ka pa naman kanina, may mga strategies kana para manalo eh. Ipagpatuloy mo na. Si Meng naman ang partner mo eh. Magaling yan. Madali yang maka catch up ng instructions. Diba Meng?"
"P-po?" Gulat naman si Meng sa sinabi ng ginang. "A-ako po? Di po ako pwede eh dahil commi—"
"Ay nako, no Buts! Sige na oh. Naghihintay na ang iba pang kalahok. Kawawa naman, matutusta na sila sa init." Pakonsensya ni mamang sa kanya.
Napatingin naman si Meng kay Richard. "S-sige na nga."
Agad na lumapit si Richard sa kanya at hinila ang kamay nito papunta sa may sako. Nagsigawan ang mga tao na nadoon.
"Wooh! Go sir Richard! Go Meng!"
"Feeling ko malakas ang tandem nilang dalawa! Mananalo yan! Wohoo! Go sir! Go Meng!"
Napapalakpak din si mamang na nasa gilid at nanlaki ang mata ni Kap nang biglang itong tumayo sa kinauupo-an. "Huy honeybee, akala ko ba pinulikat ka?"
"Hay nako honeybee parang hindi ka naman nasanay. Diba magaling ako sa actingan?" Kinindatan nito ang asawa at bumalik sa pag chi-cheer sa dalawa. "Go Richard! Go Meng! RiMeng! RiMeng! RiMeng! Wooh!"
"Okay, on your mark!" Sigaw ulit ni Kap.
Nagtinginan bigla si Meng at si Richard. "Teka, paano ba to? Anong gagawin dito?" Nag alalang pahayag ni Meng sa binata.
Napatawa naman si Richard dahil sa reaksyon niya. "Relax, humawak ka lang sa braso ko. Okay? Di natin pwedeng ipagsabay ang dalawang paa, dapat isa muna bago ang isa." Tumango naman si Meng.
"Get set!"
"Mananalo ba tayo?" Bakas na sa mukha ni Meng ang kaba at takot. "Nako, hihingi na ako ng sorry kung masisira ko ang mga plano niyo ni mamang ha?"
Ngumiti naman si Richard. "Ano ka ba! Kaya natin to. Magtulungan lang tayo."
"Go!"
"Hakbang Meng!" Sigaw ni Richard. Sinununod naman ni Meng. Mabilis ang hakbang ng bawat paa nila hanggang nakarating sila sa gitna.
"Teka ma a-out balance na ata ako!" Sigaw ni Meng.
"Hindi, hahawakan kita. Hakbang ka lang." Tatawa tawang tugon ni Richard.
"Hala!" Tumawa na din si Meng. Humigpit ang hawak nila sa isa't isa at nagpatuloy sa paghakbang hanggang sa makarating sa finish line.
Nanalo silang dalawa. Hindi naman magkamayaw sa kakasigaw ng mga tao na nandoon.
"Nanalo tayo! Nanalo tayo!" Sigaw ni Richard.
"Wohooo! Galing natin." Sabi naman ni Meng.
Tinulungan ni Richard si Meng na makalabas sa sako at nagtungo agad sila sa may tent para kunin ang premyo nila. Nagtatatalon at nagsisisigaw naman si mamang sa tuwa dahil nanalo ang mga manok niya. Worth it ang arte artehan niya.
"Gusto mo ng tubig? I'll get you some." Hindi paman nakasagot si Meng ay agad na siyang
tumakbo sa may tindahan para bumili ng bottled water.
Pagbalik niya ay may kausap na si Meng na lalaki. Mukhang bisita dahil di pamilyar sa kanya ang mukha.
"Here." Agad na abot niya sa tubig na binili niya para sa dalaga.
"Salamat." Tugon ni Meng. "Ay nga pala Paco, siya si sir Richard Faulkerson. Yung sinabi kong bisita namin dito sa brgy." Pakilala ni Meng sa kanya.
Sino naman to? Mukhang close sila dahil may pagsabi si Meng sa mga kaganapan dito sa brgy.
"Hello sir, ako pala si Paco. Patricio Valdez. Anak ako ng kapitan sa kabilang brgy." Pakilala nito kay Richard.
So? Ano naman ngayon kung anak ka ng kapitan? Ikinapogi mo na? Naka sando ka lang at kita ang braso may ikakabuga kana? Eheh! At ano naman itong reaksyon ko ngayon? Bakit parang threatened ako? Ang dami ko na atang sinasabi.
"Manliligaw pala ako ni Meng."
Nahampas naman siya ni Meng sa braso. "Huy anong manliligaw? Siraulo ka talaga. Nako, wag kang maniwala sa kanya. Classmate ko lang po siya nung elementary at highschool pa kami."
"Grabi ka talaga Meng, bakit ba ayaw mo akong tanggapin? Gwapo naman ako. Bagay naman tayo." Tatawa tawang sabi ni Paco sa kanya.
"Ewan ko sayo." Tumawa na din si Meng sa banat ni Paco sa kanya.
Para namang na out of place bigla si Richard. Napangiwi siya ng konti.
"Uh, sige guys. Ma una na muna ako. Nice meeting you, Paco." Hindi na niya tinignan ulit si Meng. Agad siyang umalis at iniwan ang dalawa.
At 'yon na ang nakasira sa magandang araw niya.
•••
Huuuugs, ADN. Mahal ko kayo! 😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro