Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

"Kamusta ka dito, sir?" Tanong ni Arman. Linggo kaya napadalaw ang taohan at matalik nitong kaibigan sa kanya.

"Okay naman ako."

"Hindi ka ba nahihirapan dito? Okay lang ba ang pakikitungo ng mga tao dito sayo?"

Tumango siya. "Hmm, tama ka. Mababait ang mga tao dito."

"Sabi ko naman sayo sir eh. Ay nga pala, nakilala mo ba ang kapatid ko dito?"

Tumango ulit si Richard. "Nagkasama kami noong mga ilang araw dahil tumulong ako sa event na ginawa nila.

"Ah, buti naman at meron kang napagkakaabalahan dito. Anong event ito?"

"Uhm... pageant?"

Narinig niya humagikhik si Arman pero agad nitong pinigil ang tawa nang mapansing nakatingin si Richard sa kanya. "B-bakit naman sa lahat na pwede mong tulungan, pageant pa talaga? Madalas pa naman nakakasama sa pag oorganize ni Meng sa event na yan ay mga bakla."

Tinaasan niya ng kilay si Arman. Alam niya kung anong iniisip nito. "Because they need a hand. Wala naman akong ginagawa kaya tunulungan ko sila."

"Ah, I see. Uhm, anyway, konting hintay pa ha? Malapit na nating matunton ang totoong salarin sa kinasangkutan mong kaso."

"Kailan ba yang 'malapit' na yan? Been here for 3 weeks already pero wala pa ding usad ang paghahanap niyo." Reklamo ni Richard sa kanya.

Huminga si Arman nang malalim. "Sir, mukhang may nakapag sabi kasi sa kanya na pinaghahanap siya kaya nakatakas."

Napahawak si Richard sa baba niya. "Make sure this time magagawan niyo na ng paraan to. Hindi naman kasi pwede na habang buhay akong magtago at manirahan dito. May trabaho at career akong ginagampanan. Alam mo yan."

"Opo sir."

"Good."

"Kuya!" Napalingon silang dalawa sa tumawag.

"O Meng, kamusta?" Bati din ng kuya niya.

"Okay lang naman po. Buti at nakadalaw ka." Umupo si Meng sa tabi ng kapatid niya.

Para naman makapag-usap ng sarilinan ang magkapatid ay nagpaalam muna si Richard sa kanila at nagtungo ulit ito sa silid niya.

Ganon lang naman ang nagiging routine niya araw-araw. Kung hindi siya sumasama kay Kap ay sa bahay lang siya. Kung ayaw niya naman makipag-usap sa mga tao sa paligid ay sa silid niya lang siya tumatambay at madalas ay natutulog.

Sobrang bagot na bagot na siya sa sitwasyon niya pero kailangan niya munang magtiis habang di pa nahahanap ang totoong may sala sa sitwasyon na na siya ang dinidiin.

Hapon na nang nagpaalam si Arman sa kanya at kay Meng na tumambay din ng buong araw sa bahay nila Kap dahil nandoon ang kapatid niya.

"Meng, dito kana mag dinner." Alok ni Kap sa kanya.

"Nako Kap, di ko talaga tatanggihan yan." Pangisi-ngising sabi ni Meng sa kanya.

"O siya... dahil dito ka kakain, bumili ka muna ng coke doon sa tindahan. Sarap nitong adobong manok ko pag may coke eh." Utos ni mamang. "Isama mo nalang din itong si Richard para may katulong kang magbitbit." Ma kahulugang ngiti ang iginawas ni mamang sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa pero agad na binawi ni Meng ang tingin. Kinuha ng dalaga ang mga bote at umalis na. Sumunod naman si Richard sa kanya.

Agad na kinuha ni Richard ang dalawang bote na inabot ng tindira. "Ako na." Aniya.

"Kaya ko naman..."

"Talaga? Where are you going to put the other bottle? Lulunukin mo tapos iluluwa mo lang pagka dating sa bahay?" Biro niya.

Napakunot lang ang noo ni Meng.

Oh-ow. I guess its not a good joke. Waleey. Nakakahiya ka Richard.

"Tara na nga." Agad na bawi niya at una siyang naglakad. Meng is walking behind him at napatigil siya nang may narinig siyang humahagikgik sa likuran.

Huminto si Richard at lumingon. Napahinto din si Meng sa paglalakad at napatakip ng bibig.

"N-nakakatawa ba yon?" Utal niyang tanong sa dalaga.

"H-ha? Uhm... medyo." Sagot naman ni Meng na nagpipigil pa rin pero kalaunan ay lumabas na din ang tinatago-tago nitong tawa. Tumawa siya ng tumawa habang si Richard naman ay napakamot nalang ng ulo.

"O? Bakit ang tagal niyo? Hali na kayo! Kumain na tayo." Sabi ni Kap sa kanila.

Umupo naman silang dalawa. Si Richard na ngayon ang umiiwas ng tingin dahil sa hiya. Nagsisi tuloy siya sa banat niyang joke kanina. Alam niya kasing natawa lang si Meng dahil sa ka kornehan ng joke na yon.

"May laro sa covered court maya maya. Pupunta kami ni honeybee, ikaw Richard? Sasama ka ba?" Tanong ni Kap sa kanya habang kumakain sila.

"P-po? Sige p—"

"Ay nako honeybee, ma una na tayo. Uutosan ko si Meng na hugasan ang mga pinagkainan natin, ipapatulong ko si Richard para mas mabilis."

"Huy honeybee, mahiya naman tayo sa bisita natin." Saway ni Kap sa asawa.

"Ano kaba honeybee, hindi na to naging iba si Richard sa atin. Para na din natin siyang anak kaya bilang nanay, gusto ko siyang utusan." Pangiti-ngiting sabi ni mamang. Aalma pa sana si Kap pero sumabat na si Richard na okay lang naman sa kanya. Nakakahiya nga naman na nakikituloy na nga siya tapos wala siyang ginagawa.

"Sumunod kayo ha? Ma una na kami." Sabi ni Kap.

"Enjoy hugas-hugas the dishes, mga anak!" At umabre-syete na si mamang sa asawa sabay hila nito palabas ng bahay.

Tahimik lang na nililigpit ni Meng ang mga pinagkainan nila habang si Richard naman ay nakatingin lang sa ginagawa niya. Plano niyang kunin ang basahan para pamunas ng mesa pero mukhang nasa kamay na ng dalaga kaya di nalang niya ito kinuha.

"Ako na magbabanlaw ng mga pinagkainan natin." Aniya.

"Wag na, ako na." Tugon naman ni Meng. "Sumunod ka nalang doon. Ako na dito."

"No, tutulong ako. Hindi naman ako manunuod doon kaya tutulong ako dito." Diin niya.

Hindi na ulit nagsalita si Meng at sinunod nalang niya ang sinabi nito. Halos mabitawan naman ni Richard ang hawak niyang mga pinggan nang makita niyang nakatitig pala ang dalaga sa kanya habang nagbabanlaw. Shit, bakit siya nakatitig?

"Ano bang trabaho mo?"

"A-ako?" Utal na tanong ni Richard sa kanya. Para siyang na we-weirdohan sa mga titig nito. Kani kanina lang ay halos hindi ito makatingin sa kanya pero bakit biglang nag iba? Umaapoy ng kyuryosidad ang nga titig niya.

"Hindi, yung mga pinggan na hawak mo ang tinatanong ko. Uy pinggan, ano ba ang trabaho niyo?" Hindi naman maiwasan ni Richard ang matawa dahil sa naging pilosopong sagot nito sa kanya.

"Direktor ako." Pangiti-ngiti na niyang sagot.

"Direktor? Ng ano? Saang direktor ka?"

"I worked on movie projects, minsan sa mga concerts o di kaya sa mga ads sa tv." Malumanay na sagot nito.

"Ilang taon kana ulit?"

"29 na. B-bakit?"

"29 kapa? Bakit kung maka kilos at salita ka parang kwarenta kana?" Ay grabi siya oh.

"What do you mean?" Tanong ni Richard.

"Eh kasi parang ang strikto at bossy mo kung magsalita tapos hindi ka mahilig makipaghalubilo sa marami, eh ang bata bata mo pa pala."

So? Teka, anong connect ba?

"A-and what do you mean by that?"

"Naah, dapat di ka ganyan! Ibahin mo ang trabaho mo sa personal mong buhay, hindi yung parang puro seryoso ka lang o di kaya puro mukmok ka lang diyan sa silid mo. Lumabas ka at mag enjoy."

"So sinasabi mo ba na dapat di nalang kita tinulungan na maghugas dito at sumunod nalang ako doon sa covered court?"

Napakunot naman ng noo si Meng. "H-ha? Hindi naman yan ang ibig kong sabihin eh." Napansin na ni Richard ang pamumula ng dalaga. "S-sana uhm, ine-enjoy mo lang ang buhay mo hindi yung puro ka lang seryoso."

Pinunasan ni Richard ang kamay niya at tinignan ng husto ang dalaga. "Hmm, dahil nag suggest ka, tutulungan mo akong mag enjoy?"

"H-ha? Hindi yun ang ibig kong sabihin. I-ikaw ang dap—hay, okay. Pwede naman."

Mas lumapad ang ngiti ni Richard. "Good. So friends na tayo?"

Tumaas ang isang kilay ni Meng. "Di pa ba? Nagka trabaho na nga tayo, tinulungan mo na nga kami tapos di pa tayo friends?"

"Eh mukhang iniiwasan mo kasi ako simula nung nangyari sa ban—"

"Hindi pa ba kayo tapos diyan? Magsisimula na doon. Kumuha lang ako ng tubig mainom para sa mamang niyo. Tara na!" Hindi nila napansin ang pagpasok ni Kap sa kusina.

"K-kap, oo po. S-susunod na po kami." Sabi naman ni Meng.

"Sige, balik na ako doon. Kitakits nalang."

Tumango si Richard. "Okay po."

Sumunod naman silang dalawa matapos ayusin ang lahat doon.

"So, bukas ulit?" Sabi ni Richard. Nag offer kasi siya na ihatid ito matapos ng laro sa court at pumayag naman si Meng.

"Oo naman, I'm sure bukas mag i-enjoy ka sa dami ng palaro at pakulo dito sa fiesta namin."

Nginiti-an niya ang dalaga at tumango. "Sige."

Habang naglalakad pauwi, napapangiti siya dahil sa sinabi ni Meng sa kanya. Naaliw siya sa pag-iisip na kapatid pala talaga sila ni Arman. Pareho nilang gusto na maging masaya siya. Ang pagkakaiba lang ay... Mas gusto ko na siya ang mag sabi nun, dahil parang ang sarap sumunod.

He smiled. Maging masaya... okay. Copy, paste.

•••
Hello guys! Sino na ang mga nanalo dito sa pa havs sa twitter? Congrats! Ü

God bless us all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro