Chapter 4
Napansin ni Richard si Meng na nginangatngat ang sariling kuko nito habang tinitignan ang mga listahan ng mga candidates sa Ginoong Mabarya 2018. Halatang problemado ito dahil marami ang sumali at kulang pa ang kanilang funds para sa event.
"Uhm..." lumapit siya dito. Napansin naman siya agad ni Meng kaya nabaling na ang atensyon nito sa kanya. "M-may maitutulong ba ako?" Tanong nito sa dalaga.
Humugot siya ng malalim na hininga. "Uuh, kasi malaki-laki pa ang kailangan para ma push ang event nato tapos tignan mo, marami na ang nagpapalista, wala pang saktong budget at sponsors." Malungkot na tugon nito sa kanya.
He took the paper at binasa niya ito. "Ilan ba ang kailangan para sa sponsorship?" Tanong nito habang tinitignan pa rin ang papel. "Tsaka five thousand pesos? Is it already enough for the other expenses? Mukhang balloons at crepe paper lang ang kaya ng amount nato ah." Usisa nito.
"Uh... eh, ano... uhm, kulang kasi ng budget eh. Yung five thousand pesos pera pa yun noong nakaraang pageant. Humingi lang ako ng pabor kay Kap para gamitin ito. Buti nalang talaga at pumayag siya."
"I see." Ngayon ay nakatingin na siya sa dalaga. Nag iwas naman ng tingin si Meng at mukhang nahiya pa ito dahil mamula-mula ang kanyang pisngi.
"Uh, S-sir... pwede namang di na kayo tumulong. May mga kasamahan naman na akong tutulong din sa akin para kumalap pa ng funds para sa event na ito." Pahayag ni Meng na hindi pa din nakatitig sa kanya.
"Where are they? I want to meet them later. Call them for a short meeting." Ma awtoridad nitong sabi sa dalaga. Kahit nahihiya, napatingin si Meng sa kanya at doon niya napagtantong wala pala siya sa set o sa shooting. Hindi pala siya nagtatrabaho ngayon pero kung makautos siya ay para siyang nakapag-utos sa assistant niya. "I mean, I... I j-just want to help. I'm sorry." Dagdag nito.
Tumango naman si Meng at sinabihan siyang tatawagan niya ang mga kabekihan sa brgy. nila. Sila kasi ang mga kasamahan na nag oorganize sa event na ito.
Tahimik lang silang dalawang naghihintay. Malamang nag mi-makeup pa ang mga 'yon lalong-lalo na nung nalaman nila na si Richard ang tutulong sa kanila.
"Uh, you're Arman's half-sister pala." Panimula niya.
"Opo sir."
"Nako, just drop the 'sir'. Call me Richard." Gusto niyang ma komportable ang dalaga sa presensya niya dahil mukhang kanina pa niya napapansin na palagi itong nagpupunas ng pawis at panay hagod niya sa sariling kamay.
"Okay po, si—Ri...chard." Halos pabulong niyang tugon.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang empakt—este dyosang bading. "Good morning Pinas! Good morning brgy. Mabarya! Good morning Menggay and O, syempre... Good morning our super duper hands-on visitor!"
"Huy gaga, Handsome yon. Kaloka ka." Hinampas naman siya ng kasamahan niya na nakasunod lang sa kanya.
"Sounds good lang yon noh!" Sabay irap.
"Ay talagang nagdadag pa ano? Sounds like yon."
Napa tawa lang si Meng habang si Richard naman ay naka nganga pa din sa gulat dahil sa mg bagong dating na nasa harap niya. Totoong boobs ba talaga yan? Bakit ang lalaki na? Anong ginawa nila?
Naka tube-top, See-through at sleeveless kasi ang mga ito kaya kitang-kita masyado ang mga hinaharap.
May mga kaibigan naman si Richard na mga bakla pero not to the extend na mananamit ng ganito.
"Bebe boy, wag kang masyadong pa demure. Pwede mo namang hawakan." Landi ng isang bakla kay Richard. Napansin niya kasing nakatitig si Richard sa hinaharap niya.
At buti nalang ay agad siyang nataohan. "H-ha?"
"Hay nako, kayo talaga. Umupo na nga kayo at magsisimula na tayo sa meeting." Putol naman ni Meng sa kanila.
Halos matalisod na sila dahil nag unahan pa kung sino ang tatabi kay Richard. Hindi pa nakontento at nagsapakan pa sa harap nito. Pinigil pa muna sila ni Richard bago siya tumayo at naglakad palayo sa kanilang lima. Mas ikabunuti kung wala siyang tatabihan sa mga 'yon at baka magpatayan pa sila sa di oras.
"So Meng what are their functions?" Seryosong tanong ni Richard sa kanya.
Nanlaki ang mata nito nang tawagin niya ang pangalan nito. Bakit ba? Mamang introduced her to him kaya malamang alam nito ang pangalan ng dalaga.
"Actually sir... eeer Richard, marami sila kaso I divided them into 5 teams para mas mapadali ang gawain. May representative ang bawat team." Tumango naman si Richard.
"Si Hearty," tuto niya sa baklang naka sleeveless. "Siya po ang naka assign sa sound systems, lights at chair. Si Margalou naman," turo niya sa tabi ni Hearty na naka tube-top. "Siya at ang team niya sa IT."
"Ako si Abigail, ako at ang team ko ang program-incharge."
"Ako si Monica at ako naman po sa landi-an... charot, sa decorations." Singit naman nung isa.
"Si Clover at ang team niya naman ang usher." Ngumuso si Maine sa baklang naka see-through.
"Anong usher? Umayos ka nga Menggay. Girl ako, girls kami kaya dapat usherers." Inirapan siya nito.
"Wow at kinorek mo pa talaga si Meng no? Galing! Tama." Sarkastikong sagot ni Hearty sa kanya.
Napangiti lang si Richard sa bangayan ng mga bakla. Naaliw kasi siya. Sa meeting kasi nila sa trabaho ay masyado silang seryoso. Napaisip tuloy siya kung mga ilang pagkakataon ba silang tumawa during their meetings? Mukhang di niya ata maalala. Teka, meron bang ganito noon? Wala ata eh.
"So bakit po kami pinatawag? May budget na ba tayo?" Galak na tanong ni Margalou.
Dumapo ang tingin ni Richard kay Meng at nakita niya ulit ang malungkot nitong mukha.
"Uhm, I was the one who called for this meeting. Nag volunteer kasi akong tumulong sa event."
"Wow! So totoo nga? Ang saya!" Pumalakpak si Clover.
Tumili din ang iba na nandoon.
"Uhm, Meng can you dial Arman's number? I want to talk to him." Tumango si Maine at agad na tinawagan ang kapatid. Nang sumagot na ito aya dagli siyang lumapit kay Richard at inabot ang phone.
"Hello Arman." Seryosong sabi nito.
"Transfer 70 thousand pesos to your sister's account." Utos nito. Bigla namang natahimik ang kaninay kilig na kilig na mga bakla at pati din si Meng. Sabay nanlaki ang kanilang mata sa sinabi ng binata.
"That will be my donation for the upcoming event sa fiesta. Please send it as soon as possible. Make sure na walang makakahalata or makaka trace dahil baka masundan ako dito."
Matapos ang ilang saglit ay pinatay na niya ang tawag.
"T-totoo ba yon? I-ikaw ang magbibigay ng ganong h-halaga? A-ang laki na nun." Utal na sabi ni Maine sa kanya.
"Just use it. Wag niyo nalang ipagsabi na ako ang nagbigay." Seryosong sabi nito sa kana.
"Omg naiiyak ako!"
"Ang sarap mong yakapin at papakin ng kiss pogs!"
"Noon crush pa kita pero ngayon... mahal na ata kita."
"Grabi, pogi na mabait pa!"
"Woaaah!!" Sabay tili nilang lima sa loob ng meeting room.
"Basta ha? Wag niyong ipagsabi sa iba. Secret lang natin tong lahat. Walang dapat makakaalam nito maliban sa atin na nandito at mga brgy. officials." Sabi naman ni Richard sa mga ito.
Matapos ang meeting ay agad na lumabas ang lima at ang naiwan nalang ay sila na namang dalawa. Napansin ni Richard na sobrang tahimik ni Meng matapos nung tawag kay Arman.
Ano kaya ang iniisip nito?
"Uhm? Penny for your thoughts?" Basag nito sa katahimikan.
"H-ha? Ay nako... s-sorry, medyo di lang kasi ako makapaniwala."
"Hmm? Bakit naman?"
"H-ha? B-basta." Utal niyang sabi..
Tumayo si Richard. "Okay? S-sige. Ma un—"
"M-maraming salamat sayo. Alam mo bang sobra-sobrang tulong na to? Parang sasabog ang puso ko ngayon sa tuwa at kasiyahan dahil na resolba na ang problema ng event. Matutuloy na ang kasiyahan na to. Salamat sayo." Lakas loob nitong sabi sa kanya kahit hindi ito nakatingin sa mukha ni Richard.
"You're welcome." Sagot naman nito sa dalaga. "Sige ma uuna na ako ha? Mukhang umuw—"
"Teka lang, pwede bang ano..." nag-angat ng tinfin si Maine.
"Ano?"
"Pa...pa.."
"Papa?" Litong tanong ni Richard.
"Pa yakap.." diretsahang sabi nito sa kanya. "W-walang malisya ha? Sadyang ang saya ko lang talaga at gusto kitang yakapin dahil sa sobrang saya."
Marahan siyang napatawa dahil sa sinabi ni Meng. He find her very cute. "Sure." Lumapit siya. Si Meng naman ay dahan-dahang lumapit din sa kanya at niyakap siya.
Hindi niya alam pero biglang nag iba ang naramdaman niya. Parang naging komportable siya sa pagkakayakap ng dalaga sa kanya.
Wag ka nga, wala nga raw malisya eh. Dapat ganon ka rin.
"Richard, natapo—Ay anak ng pato!" Sigaw ni mamang nang makita niya ang dalawa na nagyakapan.
Tsk, mukhang magkaka malisya na.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro