Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Kung nasa penthouse ako ngayon malamang pati pwet ko humihilik pa sa mga oras na 'to o di kaua mga kahoy at halaman ang makikita ko pag nasa terrace ako, di gaya dito na puro bubong. Haay, hanggang kaila—

"Good morning, pogi!" Napahinto tuloy si Richard sa pag muni muni nang marinig niyang may bumabati sa baba. Agad siyang dumungaw para tignan kung sino ang bumati sa kanya, mga bakla pala na nakatingala sa kinaruru-onan niya.

Sinagot niya ito ng matamis na ngiti. "Morning." He should be nice to them baka kung mag strinekto siya, mapapana siya sa hindi oras. Tsk!

Kinilig ang mga bakla at bakas sa mga pagmumukha nila ang saya sa pagtugon ni Richard sa bati nila. Kinikilabutan ako.

Kinawayan siya ng mga ito at ganon din ang ginawa niya bago siya sumenyas na bababa na siya para mag agahan.

"Good morning iho, hali kana dito. Kumain na tayo." Bati ni Kap sa kanya pagka baba niya.

"S-sige po." Wala siyang nagawa kundi ang umupo na din sa hapag. He is not a morning person pero dahil na din siguro sa hindi niya pagka komportable sa kama na tinulugan niya kaya nagising siya ng maaga. Kailangan din niyang makisama sa mga tao na nandoon kaya dapat lang na maaga din siya.

"Honeybee, anong gagawin mo today?" Tanong ni mamang sa asawa.

Sumigop muna si Kap ng kape bago niya ito sinagot. "Sa baranggay hall lang ako ngayong araw, bakit?"

"Hmmm, kasi ano eh." Mahiya-hiyang sabi ni mamang.

Si Richard naman ay patay malisya lang na kumakain sa harap nilang dalawa.

"Monthsary natin. Nakalimutan mo na ba?" Halos malagok lahat ni Richard ang kinakain niya dahil sa sinabi ng ginang sa asawa. Dios ko po. Ang dirty.

Binitawan naman ni Kap ang kutsarang hawak niya at nilingon ang asawa. "Nakalimutan? Syempre hindi no." Tumayo siya at may kinuha siya sa likod ng cabinet. Isang bulaklak na sunflower. "Happy monthsary honeybee." Bati ni Kap sa kanya.

O my God! Ayoko na. Busog na ako.

Halos hindi makagalaw si Richard sa mga nasaksihan niya sa mga oras na yon. Hinalikan ng kapitan ang asawa sa labi. Akala niya smack lang yon pero hindi, halos maglabasan na ang mga dila nang dalawa sa harap niya kaya napatikhim nalang siya bago masuka... ay este, kiligin.

"Honeybee, ano ba may bisita tayo." Napabaling tuloy ang atensyon ni Kap kay Richard.

"Sorry iho ha? Nadala lang sa bugso ng damdamin. Mararanasan mo rin ito pag ikaw ay mag-aasawa na." Paumanhin ng kapitan sa kanya.

"N-nako, o-okay lang po." Utal na sabi ni Richard.

"Ma iba tayo, mag girlfriend kaba iho?"

Napatikhim siya. May bumara atang kanin sa lalamunan niya.

"A-ako po?"

"Hindi iho, actually yung butiki ang tinatanong ko." Tumingala siya at tinignan ang inosenteng butiki sa kisame, "Butiki? May syota ka na ba?" Biro nito. Napatawa naman nang marahan si Richard.

"W-wala po, Kap."

"Nako! Sa ka pogi mong bata ka? Wala kang nobya? Bakit? Bakla ka ba?"

Kung kanina ay napalunok, ngayon naman ay halos iluwa na ni Richard ang pagkain na nasa bibig niya dahil sa tanong na binato sa kanya.

"Honeybee naman, sa gwapo at sa postora niya? Masasabi mo pa yan? Syempre hindi, diba iho?

"Uhm, hindi po ako bakla." Pagtama nito. "Hindi ko palang po kasi priority ang pagkakaroon ng girlfriend." Mahinahong sagot nito.

"Ha?!! Hindi pa priority? Nakakaloka! Ang yaman-yaman mo tapos parang nasayo na ang lahat pero nasasabi mo pa yan? Akala ko nga may girlfriend kang model o di kaya artista kasi direktor ka diba?"

"Nako, wala po. Busy po ako sa trabaho eh nakakaligtaan na ang mga bagay na yan tsaka talaga bang kailangan yon? Masaya naman na po ako sa kung anong meron ako ngayon, kontento naman po ako."

Napalingo-lingo naman si Kap sa pahayag ni Richard. Hindi kasi siya sang-ayon sa sinabi nito. "Alam mo iho, iba ang mararamdaman mong kontento at kasiyahan pag nagmahal ka at nakahanap ka ng taong magmamahal sayo. Yang pera at kung anong meron ka ngayon? Nako, panandali-ang kontento at kasiyahan lang yan, sa susunod na araw maghahanap kana ulit ng panibagong idadagdag kasi ma fi-feel mo na kulang pa pala ulit, pero kung sa babaeng mahal mo yan? Naah, sinasabi ko sayo, kahit asin lang ang ulam niyo araw-araw kontento kana dahil kasama mo na ang mas masarap pa kesa sa ulam." Sabay kindat sa asawa niyang pangiti-ngiti lang sa gilid.

"Eiih, ako ba yang tinutukoy mo honeybee?" Kilig na kilig naman na tugon ni mamang sa kanya.

"Eh sino pa ba, honeybee?"

Haay nako, seryoso! Mas nawalan ako ng gana. Mangangayayat ata ako dito pag ganito nakikita ko palagi sa hapag.

"Uhm, Ikaw talaga honeybee. Pero ma iba tayo, aalis ako ngayon para mamalengke. Walang makakasama si Richard dito sa bahay, hindi naman pwede na isama ko siya sa merkado diba? Why not bring him to your work?" Sabi ni mamang sa asawa niya.

"Payag kaba Richard? Alam kong wala ka ding gagawin dito eh. Sumama ka nalang sa akin doon." Suhestyon ni Kap sa kanya.

Mukhang wala nga naman talaga siyang gagawin. Pinagbawalan din kasi siya ni Arman na i-activate ang mga social media accounts niya kaya wala talaga siyang mapaglibangan.

"Opo. Wala pong problema sa akin yan."

Pagkatapos ng agahan ay nag handa na din siya para sumama kay Kap sa hall.

Habang naglalakad, para siyang isang kandidato na nangangampanya dahil sa dami ng mga taong bumabati sa kanya.

"Uy, hello Kap. Kasama mo pala si pogi. Hello pogs!"

"Magandang umaga Ka—tisoy! Hello, magandang umaga!"

"Maganda pa sa umaga ang kasama mo Kap."

Panay ang bati at papansin ng ilang kababaihan at kabadingan sa bgry. Mabarya sa kanya.Wala naman siyang sinagot kundi ngiti at tango lang sa mga ito.

Nako naman, nakakangawit ng pisngi ha.

Nang makarating na sila sa Brgy. Hall, ipinakilala siya ni Kap sa mga tao na nandoon, mga kagawad at iba pang katrabaho nito.

"Andito naba si Meng?" Tanong ni Kap nang makaupo siya. Hindi naman kasi malaki ang brgy. nila kaya di rin malaki ang brgy. hall nila. Para lang itong isang malaking silid kung saan may kanya-kanyang table ang mga kagawad at kay kapitan naman ay nasa gitna ng mga ito.

"Opo, nasa meeting room na po siya, Kap." Sagot ng isa sa mga kagawad niya. Tinignan ni Richard ang pangalan. Kagawad Paolo Ballesteros. Medyo may katangkaran, kapogi-an at ka-machohan ang kagawad nato pero nang naglakad na ito ay napangiwi si Richard. Paano ba naman ay pakinding-kinding ito papunta sa isa pang silid na may nakapaskil na "Meeting Room".

"Richard, sumama ka sa amin sa loob. Hindi kita pwedeng ewan dito baka dumugin at lapain ka ng mga leon na naghihintay sa labas." Napatingin naman si Richard sa bandang pintu-an at laking gulat niya nang makita ang sangkatutak na babae at bading na nandoon. Pati din sa bintana ay hindi pinalampas ng mga ito. Buti nalang may mga brgy. Tanod na pumipigil sa kanila na papasukin sila dahil may meeting ang lahat ng brgy. Officials kaya bawal muna pumasok sa hall lalong-lalo na sa meeting hall.

Tumango si Richard at sumunod kay Kap. Sumunod na rin ang mga iba pang kagawad at mga nagtatrabaho doon.

Pagkapasok nila ay binati siya ng iilan pang mga nandoon. Kasama na ang sekretarya niya na una niyang nakasalamuha sa medyo hindi ka aya-ayang sitwasyon.

"Mag-umpisa na tayo." Umupo si Kap at pati na din ang iba. Pagkatapos ng dasal ay nagsimula na ang reporting sa bawat naka assign na mga kagawad.

Si Richard naman ay nakikinig lang sa mga ito.

"Meng, paki recap yung mga agenda natin lalo na sa fiesta." Panimula ulit ni Kap matapos ang mga reports ng kagawad.

Nabaling ang atensyon ni Richard sa babaeng tinawag ni Kap pero laking gulat niya dahil nakatitig din pala ang dalaga sa kanya. Yon ay kung dalaga pa nga. Hmm.

"Meng? Hoy! Mamaya na kayong magtitigan na dalawa. Di naman mawawala si Richard sa harap mo." Saway ni Kap sa kanya. Nataranta naman ang babae sa sinabi ni Kap at muntikan na nga siyang nahulog sa silyang inuupo-an niya nang makitang lahat na nandoon ay nasa kanyang atensyon na.

"Nako si sekretarya lumalantod na!" Asar ng isa sa mga kagawad na nandoon. Tumawa naman ang iilan pero natigil din nang sinaway sila ni Kap.

"Mamaya na yan, nasa meeting tayo." Sabat ni Kap sa kanila. Sumunod naman ang lahat at nagsimula na din si Meng sa pag sasalita sa harap.

"A-ang isa sa nga highlights natin sa fiesta Kap ay ang Ginoong Mabarya 2018 po. Kung titignan niyo po, madalas na ginagawa ng brgy. pag fiesta ay mga binibini pageants o di kaya mga gay pageants. Medyo nakakaumay na din po kasi kaya napag-isipan namin sa committee na why not we give the chance to the men this time? Marami din namang mga nag gwap-gwapohan dito sa brgy. natin." Pahayag nito.

"Oo nga! Nako, isasali ko ang anak ko dito." Sabat ng isang kagawad.

"P-pasensya po kagawad pero ipinagbawal po nating isali ang mga anak ng brgy. officials para iwas issue po sa mga ka-brgy. natin." Tugon ni Meng. Tumango nalang ang kagawad at nanahimik ulit.

"Ang ganda! Ayos yan. Magandang pakulo yan para sa nga ka-brgy. natin." Positibong komento ni Kap. "Pero mukhang kailangan natin ng funds at sponsorship para dito. Alam niyo naman yung budge—"

"Ay nako Kap si Meng na po ang bahala sa mga yan. May committee naman sila diba? Sila na ang bahala na maghanap ng sponsors at dagdag funds para sa event nato." Sabi ng isang kagawad.

"Okay lang ba sa iyo, Menggay? Well, tutulong din naman kami sa event na yan. We can give a percentage for that event pero alam mo naman na medyo naghihirap tayo ngayon dahil sa natakasan tayo ng walang hiyang treasurer na yon. Hindi na naawa sa bgry. natin. Mas inuna pa ang sariling kapakanan bago ang ka-brgy. niya."

"Sana makita na siya Kap para mabayaran niya ang mga ninakaw niya sa kaban ng taong bayan." Sabi ni Paolo.

"Magbabayad talaga yong hayop na yon. Ipapamumog ko talaga siya sa sarili niyang ngipin." Gigil na sabi ni Kap.

"O, Kap relax lang, wag na po kayong mag-alala. Andito naman kami para tulungan ka. Magtutulungan tayo para sa ika uunlad ng brgy. natin."

"Oo nga, para sa Brgy. Mabarya!"

"Para sa Mabarya!" Sagot naman ng iba na nakataas ang kama-o.

"O, so Meng mabalik tayo sa pinag-uuspan natin. Okay ka ba sa ikaw ang mag supervise ng event nato?" Tanong ni Kap sa kanya.

"Oo naman po. Wag po kayong mag-alala ako na po ang bahala. Maghahanap din po ako ng iba ko pa pong makakasama para hindi rin po ako mahirapan."

Pero biglang nag taas si Richard ng kamay. "A-ako po Kap! T-tutulong din po ako." Nagulat din si Richard sa biglaang pagsabat niya sa dalaga. Bumaling naman ang atensyon ng lahat sa kanya. "I... I mean, wala naman po kasi akong ginagawa habang nandito ako. Might as well help for the event para naman magkasilbi po ako dito." Dagdag niya.

"Omg! This will surely be so exciting! Tama! Mas maganda pag may kasamang lalaking nag pre-prepare para mas malaman natin ang taste preferences nang isang lalaki sa event nato since first time nating gawin!" Tili ni Paolo.

"Huy bakla! Umupo ka nga. Asikasuhin mo yong naka assign sayo. Exciting-exciting ka diyan." Saway ni Kap sa kanya.

At napatawa naman ang lahat.

"Okay then. O, Meng kasama mo na si Richard sa event na yan. Make it great dahil di rin basta-basta itong makakasama mo." Pahayang ni Kap sa kanya. Wala namang nagawa ang dalaga kundi ang tumango at nag-iwas ng tingin sa kanya.

The heck Richard! Ano bang alam mo sa pageant?Dios ko! Direktor ka nga pero wala kang alam sa mga ganito. Siraulo. Naawa ka lang doon sa babae nag representa kana agad? Ano yun? Nagpapahalata ka masyado ha!

•••
Nagka time from school kaya nakapag update! HAHAHA 😊 Thank you everyone!
Sa mga nag comment sa message board ko, salamat po sa inyong lahat. 🙏🏻 God bless us all!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro