Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1


"Sir, kailangan niyo na po talagang umalis dito. Hindi kana po pwedeng magtagal. Ilang oras mula ngayon ay may mga pulis na po na susugod dito." Tulak ng bodyguard niya na si Arman. Halata sa boses nito ang pag-alala sa amo.

Hindi naman siya pinansin ni Richard. Busy kasi siya sa pag aayos ng mga gamit niya at inilagay niya ito sa  Yorepek bag pack niya. Iilang Tshirts, shorts, boxer shorts, maong, toiletries at iba pang personal na gamit ang isiniksik niya doon.

"Sir."

"Oo na. Ito na nga! Malapit na akong matapos." Aniya, patuloy pa din ang pag iimpake niya hanggang sa makarinig na siya ng mga wang-wang ng mga pulis. Papalapit na papalapit ang tunog sa kinaruru-onan nila.

"Tara na sir!" Hindi na nagdalawang isip si Arman na hilahin si Richard. Kailangan na nilang makaalis bago siya mahuli ng mga ito.

Tumakbo sila pababa ng bahay at sa likuran sila dumaan para di mahalata ang pagtakas nila. Inakyat nila ang mataas na paril na naka harang malapit sa sampayan ng mga damit at tumalon doon, tumakbo sila hanggang makarating sila sa main highway,  pumara sila ng  taxi at sumakay papuntang lugar kung saan si Arman lang ang may-alam dahil siya ang humanap ng lugar kung saan pwede siyang magtago.

Siguro dahil din sa pagod... nakaramdam si Richard ng antok. Sumandal siya sa kinauupo-an niya at pumikit para matulog. Mukhang medyo malayo-layo pa naman ang byahe niya kaya okay lang.

Nagising siya sa marahang alog ni Arman sa balikat niya.  "Andito na tayo sir." Sabi nito sa kanya. Tumango naman siya at unang lumabas sa taxi. Si Arman naman ang huli dahil nagbayad pa siya sa taxi driver.

Iginala ni Richard ang paningin niya sa paligid. What the heck! Anong klaseng lugar ba to?! Don't tell me dito ako titir...—

"Tara na ho sir." Tawag ni Arman sa kanya.

"Hey wait, dito ako titira?"

"O-opo." Mahinang sagot ni Arman sa kanya. Medyo nakaramdam siya ng hiya dito lalo na nung makita niya ang reaksyon sa mukha ni Richard.

"Seryoso? Parang mas madali akong matutunton dito ng mga pulis eh. Look at the place, mukhang araw-araw may raid dito. Paano nalang kung mamukhaan ako ng mga pulis dito?" Alma ni Richard sa bodyguard niya.

"Nako sir, hindi po. Wala pong raid dito. Ang Brgy. Mabarya ang pinaka mabait na baranggay dito sa lugar nato kaya wala po kayong ikabahala."

"Lugar niyo to? Dito ka nakatira?" Gulat na tanong ni Richard sa kanya.

"Opo sir, noon. Pero nang makaangat-angat ako sa buhay dahil sa pagtatrabaho ko po sa inyo... lumipat na po kami doon sa subdivision ng pamilya."

"Ah. Okay... pero hindi, ayoko pa din dito. This place seems so... so..."

"Sir, alangan namang dalhin kita sa bundok o di kaya sa kagubatan. Mas lalong dilikado sayo yon. Baka maraming ligaw na hayop o di kaya maubusan ka ng pagkain doon, nako mas mahirap yon sir. Iiwan pa naman kitang mag-isa dahil babalik ako sa bahay niyo para magmanman, kaya kailangan muna kitang i-secure."

Napabuntong hininga si Richard. Mukhang wala na siyang choice. Kailangan din naman niyang sundin ang utos nito dahil kay Arman na din niya ipinagkatiwala ang buhay niya mula pa noon. Bodyguard slash secretary na din kasi niya itong si Arman for 8 years at wala naman siyang nakitang problema dito kaya pinagkatiwalaan niya talaga ng husto.

"Iiwan kita sa matalik kong kaibigan na kapitan dito sa brgy. Kaya wala kang ikabahala, sir." Pahayag ni Arman. Parang naluwagan naman si Richard sa narinig niya. Kapitan daw sa Brgy. Mukhang safe naman siya.

Naglakad sila sa isang iskinita na puno ng basura ang mga gilid-gilid nito. Gusto nga niyang maduwal sa mga di kanais-nais na mga bagay na parang sa mga tao pa nanggaling at mga ginamit na na mga diapers ng bata na nakatihayad lang sa gilid na dinadaan nila. Wala naman masyadong katao kaya hindi naman siguro siya masisita kung tatakpan niya ang bibig at ilong niya dahil sa masangsang na naghalo-halong amoy.

Huminto sila sa harap ng isang vulcanizing shop. Dito ako titira? My Ghaaaad!

"Sir, kakasya ho ba kayo dito?" Turo niya sa mga nakahilira at nagka patong-patong na gulong.

Ha? Dito ako titira sa mga gulong? Ano bang tingin sakin ni Arman?!!

Kumunot ang noo niya. "Dadaan po kasi tayo dito sa maikling daan papasok sa Brgy., sir." Turo ni Arman sa maliit na daan na pinagigitnaan ng mga gulong. Tumango ito at nagsimula ulit silang maglakad papunta doon hanggang sa marating nila ang Brgy. na sinasabi ni Arman.

Basketball court ang una nilang nakita.

"Arman?"

"Hala si Arman nga!"

"Armaaaan!!"

Sigaw ng mga lalaki na nakatambay sa harap ng isang tindahan sa bandang gilid ng kinatatayu-an nila.

"Mga kapitbahay!!! Andito si Arman!!" May sumigaw nang pagka lakas-lakas at unti-unting nakikita ni Richard ang mga tao mula sa kani-kanilang bahay na nagsisilabasan. Ano to?

Gumilid ng kaonti si Richard at inayos niya ang sumbrero at hoodie niya. Mukhang sikat dito si Arman kaya hahayaan nalang muna niya ito na magkaroon ng spotlight. Charot, atensyon lang ng mga tao na nandoon.

"Ang tagal mo ng di nakabalik dito ah. Miss kana namin Arman!"

"Oo nga, dumalaw naman kayo ng asawa at mga anak mo dito minsan. Nakapagtrabaho ka lang sa matandang mayaman... hindi kana nagpakita."

T-teka! Sinong matandang mayaman? H-hindi naman ako matanda ah!

"Uy, hindi matandang mayaman ang amo ko. Kayo talaga. Hahaha bata pa ang amo ko. 29 pa nga siya ngayon." Tinignan niya ang deriksyon ni Richard.

"Nako, kuya Arman! Ang bata pa pala. Gwapo ho ba? Available pa? Baka naman pwede niyo pong mareto sa akin." Isang dalaga ang sumambat sa usapan.

"Hala, Divine? Ikaw na ba yan? Nako, ang laki-laki mo na! Asan ba mama at papa mo? Ikaw ha! Kumikiringking kana pala ngayon. Noon naglalaro kapa doon sa may putikan kasama ang mga baboy eh."

"Kuya Arman naman eh." Namula ang dalaga at kinatawa naman ng mga tao na nandoon.

"Uhhh, Guys, may ipapakilala ako sa inyo." Tinignan niya si Richard at sinenyasan na lumapit doon sa gilid niya at walang alinlangan namang lumapit si Richard sa kanya. "Uhm, ito pala ang amo ko."

Napasinghap ang babaeng nagsabi kanina na matandang amo ang pinagtatrabaho-an ni Arman. Binaba niya ang hoodie niya at kinuha din ang sumbrero na suot niya.

"Siya si sir Richard Faulkerson Jr., siya ang amo ko. Dito muna siya pagsamantala magtatago dahil pinaghahanap siya ng mga pulis ngayon. Napagbintangan kasi sa sala'ng hindi naman niya ginawa. Nakasakit raw siya ng isang bata at nag-aagaw buhay ngayon sa hospital. Eh siya ang nandoon sa pangyayari kaya siya ang napagbintangan. Natagpu-an kasi siyang walang malay kasama nung bata... pero nasa kamay na niya yung ginamit na pamalo."

Halos nagtago naman ang mga bata na nandoon sa likod ng magulang nila dahil sa takot.

"Pero syempre, hindi totoo yun. Siya ay inosente sa pangyayaring yon. Sadyang siya lang ang na aktohan na nandon dahil tumakas ang suspek kaya siya ang napaghihinalaan." Pahayag ni Arman sa kanila.

"Sinasabi ko na nga ba eh... Sa ka pogi-an ba naman ng taong to? Mananakit ng bata?"

"Oo nga! Ang sama nila para mambintang!"

"Itong batas talaga natin hindi sa lahat ng panahon tama." Reklamo nang isa. Sumang-ayon naman ang lahat.

"Kaya nga. Dito muna siya pansamantala habang inaayos ko ang maling kasong to."

"Okay lang! Kami ang bahala sa kanya dito Arman.  Wag kang mag-alala." Sagot naman nang isang barakong lalaki na may maraming tattoo.

Napalunok si Richard. Hindi niya alam kung lahat ba ng mga taong to ay mapagkakatiwalaan. Mukha palang kasi nga mga to suspek na. Mga titig palang parang lalamonin kana.

"Salamat sa inyo. Aasahan ko yan ha? Mag usap ulit tayo mamaya. Pupunta muna kami kila kapitan para ihatid itong si sir."

Tumango-tango naman sila at nagpaalam sa kanilang dalawa.

"Bye kuya Arman! Bye pogi!"

"Bye Tisoy!"

"Gwapo, bye!"

Sigaw ng mga babae sa kanya. Hindi niya ito pinansin. Tahimik na sumunod lang siya ni Arman hanggang sa makarating sila sa isang di kalakihang bahay pero konkrito naman itong nakatayo.

Pinakilala siya kay kapitan at nag-usap sila ng masinsinan. Nagkausap na pala itong si Kap at si Arman bago paman siya sinabihan nito na dito magtatago.

"Sir, sana okay lang sayo tong bahay namin. Pasensya na po ha." Paumanhin ng kapitan.

"No, it's okay. Walang problema po."

Tumayo si Arman. "O, siya. Since okay kana man na dito. Aalis na ako sir Richard. Kakausapin ko pa ang si Atty. Sy para mapadali tong kasong kinasangkutan mo."

Napatayo din si Richard. "Can I talk with you for a second?" Napatingin siya sa kapitan. "Alone?"

Nang marinig ang sinabi ni Richard, tumayo na din at nagpaalam sandali si Kap. "Uh, babalik muna ako sa brgy. hall. Feel at home ka lang sir ha? Kung may kailangan ka nasa kusina lang ang asawa ko. Tawagin niyo lang po."

"Okay. Thank you, Kap."

Nang makaalis na si kapitan, napaupo siya ng matuwid at hinarap si Arman. "Hanggang kailan ako dito?"

"Hanggang sa maayos na po lahat." Sagot naman ni Arman.

"Kailan mo ulit ako dadalawin dito?"

"Ay si sir, mamimiss niyo po ako agad-agad?" Biro nito pero nang makitang hindi ngumiti ang amo ay agad niyang binawi. "Uhm, puputahan kita dito every weekend po. Magdadala ako ng mga kailangan mo at mga pagkain na din para di ka naman masyadong mahiya kay kapitan at sa pamilya niya."

"Good. Eh, ano naman ang mga gagawin ko dito? Medyo nakakatakot lumabas ha. Ang daming mukhang adik dito."

"Hala siya, mukha lang yang mga adik pero mababait at wala yang mga bisyo sir. Wag po kayong mag-alala. Tsaka, alam nila ang sitwasyon mo. Asahan mong tutulungan ka nilang lahat."

"Okay, sige. Ikaw na muna ang bahala sa lahat Arman. Ikaw lang ang inaasahan ko. Salamat."

"Walang ano man po. Alam niyo naman na 100% po ang loyalty ko sayo kaya asahan mong malulusutan natin to lahat. Okay? Dasal dasal lang sir. Lilipas din to."

Nagpaalam na si Arman matapos ang ilang sandali. Hindi alam ni Richard kung ano ba ang magiging sitwasyon niya dito sa bagong lugar at paligid niya... but he hope for the best!

•••
Thank you guys! God bless 😊😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro