Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HS37

Kinabukasan, nakita ko si Sir Ej kasama 'yong babae. Normal na sa mga kaklase ko na makita silang magkasama, simula noong pumunta rito 'yong babae.

Madalas na kung asarin si Sir Ej sa klase kapag time niya. Nabibiro na rin kasi ito, hindi katulad dati na sobrang sungit. Napaka-ingay nila kapag oras na ng klase niya, habang ako ay tahimik lang sa gilid. Alam kong nakikita niya ako, pero hindi niya ako pinapansin.Okay lang naman sa akin 'yon, hindi na iba kung araw-araw niya akong ituring na ganoon. 

Noong ipapasa ko na sana 'yong papers na in-exam namin dahil ako ang napag-utusan ng president namin. Nakita ko kung paano maglapat ang labi niya sa labi ng babaeng kasama niya.

Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa nakita ko. Tumakbo ako habang patuloy na bumubuhos 'yong luha ko. Hawak ko pa rin 'yong mga nalukot na papel dahil sa mahigpit kong pagkakahawak sa mga ito.

Ilang araw akong hindi nagparamdam sa kaniya hanggang sa dumating 'yong kaarawan ko.

-Nemo

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro