Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HS17

Nang makabalik na ako sa school ay agad akong pinatawag ng mga teachers ko dahil ang dami kong na-missed na lessons at kailangan kong humabol.

Kinabahan din ako noong ipatawag ako ni Sir EJ sa office niya.

"Ilang araw ka ng absent, malapit na ang midterm natin. Wala ka bang balak na humabol sa klase? Bagsak ka na noong nakaraan." Iniiwasan kong tignan ang mata niya habang sinasabi niya iyon.

"Pasensya na Sir, ibibigay ko po 'yong excuse letter ko. Nakahiram na rin ako ng notes sa mga kaklase ko," nakayukong sabi ko. Tinigil niya naman ang ginagawa niya at iniabot ang kamay niya.

"Good! Pahiram ng notebook mo, may ibibigay ako sa iyong reviewer para makahabol ka." Mabilis ko namang inilabas ang notebook ko at ibinigay sa kaniya. May sinabi pa siya na hindi ko narinig, kaya hindi ko na lang ito pinansin. Nagsulat siya roon at binalik sa akin ang notebook ko.

"Mica, please study hard." Nakatingin sa mata na sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako at inilagay na sa bag ang notebook ko.

"I will Sir, thank you," sagot ko at 'saka nagpaalam.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro