HM16
Micaella Jane Davis
•Active Now
08:32 PM
Micaella Jane:
Pasensya na Sir kung hindi kaagad ako nakapag-chat sayo
Ethan James:
It's okay Mica, naiintindihan ko naman.
Micaella Jane:
And about kanina Sir, yung nakita mo. Huwag mo na lang pansinin.
Ethan James:
Palagi bang ganyan ang ginagawa sayo?
Micaella Jane:
Hindi naman Sir
May mali rin naman ako.
Hindi dapat ako umuupo sa oras ng klase ko.
Ethan James:
Pero mali rin na ipahiya ka sa harapan ng estudyante mo.
Mica, sabihin mo sa akin. Palagi bang ganyan ang nangyayari sayo?
Micaella Jane:
Hindi Sir, ngayon lang to.
Huwag kang mag-alala, okay lang ako.
Ethan James:
Mica
Okay lang na magsabi ka sa akin ng problema.
Micaella Jane:
Okay lang talaga ako Sir
Makakalimutan din ng mga bata yon.
Ethan James:
Yes coordinator natin siya, pero hindi siya principal Mica.
Matatanggap ko pa sana kung pagsabihan ka niya sa labas. Yung hindi maririnig ng mga students mo.
Mali yon Mica, hindi dapat siya ganyan sa mga teachers niya.
Micaella Jane:
Okay lang talaga Sir.
Ethan James:
If this will happen again, I will take an action.
Matulog ka na Mica. Sabay na tayong pumasok bukas, susunduin kita sa inyo.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro