Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

HM14

Micaella Jane Davis
•Active Now

03:50 PM

Ethan James:
Galit ka ba?

Bakit di mo ako pinapansin?

Micaella Jane:
Nakakainis ka kasi!

Ethan James:
What do you want?

Micaella Jane:
Jollibee super meal letter A, fries sa mcdo at two ladies sa Coco.

Ethan James:
Hindi ko tinatanong kung ano gusto mong kainin.

Micaella Jane:
Ay hindi ba? 🙄

Akala ko bibilhin mo na ako kasi galit ako sayo.

Ethan James:
Otw

Micaella Jane:
Ang alin? Yung food ko? 😍

Ethan James:
Yes! Bayaran mo na lang sa grab.

Micaella Jane:
Nakakainis ka talaga!

Ethan James:
Hahaha kidding!

Bayad na yon, kakainin mo na lang Ma'am.

Micaella Jane:
Nakakahiya naman sayo Sir

Baka sabihin mong patay gutom ako. Ako na magbabayad.

Ethan James:
Kailan ka pa nagkaroon ng hiya?

Micaella Jane:
Hoy! Mahiyain ako.

Ang kapal mo talaga.

Noong gusto mo nga ng kiss noon, hindi ko binigay agad e.

Ethan James:
Kailan ako nanghingi? Wala akong natatandaan.

Micaella Jane:
Joke! Ito naman, hindi mabiro.

Sa panaginip ko lang yon. Kahit nga sa panaginip ay napakasungit mo pa rin.

Ethan James:
Inamin mo rin

Micaella Jane:
Wala namang dapat itago

Hindi katulad mo

Ethan James:
I just want to surprise you Mica

Micaella Jane:
Nakakainis pa rin

Hindi mo sinabi sa akin

Ethan James:
Hindi mo pa rin ba nahalata?

Akala ko may idea ka na kasi lagi mo akong nakikita sa school niyo.

Micaella Jane:
Anong nakikita? Hindi ka nga nagpapakita sa akin.

Pektusan kita e!

Ethan James:
Words Mica.

Micaella Jane:
Kita mo! Kapag ikaw, ang bilis mo akong mapasunod.

Ethan James:
Ayaw mo ba na nandoon ako?

Hindi ka ba masaya na co-teacher mo na ako?

Micaella Jane:
Hindi!

Ethan James:
Then, be my wife.

See?

Hindi ka makasagot.

Sige lang Mica, i-seen mo lang.

Seen 04:36 PM

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro