Hershey ( Hershey's 'A Piece Of You' Writing Contest )
"This is what I like in this job!" dinig kong masayang hiyaw ni Sherry mula sa office table niya na mukhang nagustuhan ang natanggap niyang file that I transfered to her account, hindi ko naman mapigilan ang mapangiti dahil kahit ako ay nagustuhan ang content ng manuscript na iyon.
Ipagpapatuloy ko na sana ulit ang pagbabasa ng mga manuscripts para magawa nang simulan ang contract and editing ng mga approved manuscript nang mapalingon ako kay Hershey na kanina pa nakatingin sa akin habang nakataas ang mga kilay.
"Bukas pa ang Valentines Day pero pumapag-ibig ka na agad, Chevy," nakangiwing sambit ni Hershey na umakto pang nangingisay sa pandidiri kaya naman napabusangot ako.
"Inggit ka lang kasi sa tanang buhay mo ay wala ka pang experience ng kissy-kissy," ganti ko at binigyan siya ng thumbs-down. "No boyfriend since birth," dagdag ko pa na agad niyang ikinalingon sa akin na may gulat na expression sa mukha at nakahawak pa sa dibdib na animo nasaktan siya sa mga sinabi ko.
"Kasalanan ko pa na lagi akong napagkakamalang taken dahil hindi mo ako nilulubayan na maski trabaho ko ay pinasukan mo?" nanggagalaiti niyang depensa ngunit naglabas dila lang ako habang nanlalaki ang mga butas ng ilong.
Hindi na rin namin pinansin ang isa't isa at sa trabahong kailangan na lang naming tapusin ibinuhos ang mga damdamin naming nag-aalab sa inis sa isa't isa.
"Kumain muna tayo bago umuwi!" sigaw ko habang nanlalatang naglalakad. "Hershey, gutom na ako!" tawag ko sa pangalan ng bruha kong kababata nang hindi niya ako pinapansin at nauunang maglakad sa akin.
Marahas akong napahinga nang malalim nang hindi niya talaga ako nilingon man lang, binilisan ko ang lakad ko upang lapitan siya ngunit binilisan niya rin ang paglakad niya para hindi ko siya maabutan.
Tumakbo na ako hanggang sa magawa ko siyang hablutin sa balikat at puwersahan siyang hinatak papasok ng bukas na grill restaurant na nasa tapat namin.
Hindi naman siya nagpumiglas kaya binitawan ko na siya nang makapasok kami. Nguunit naglakad siya paatras palabas ng entrance kaya naman hinawakan ko na siya ng mahigpit sa pulsuhan niya.
"Beef meal set for two, please," magalang kong sambit sa order ko sa ginang nasa order area at ngumiti pa ng matamis. Nagpalit ang tingin ng ginang mula sa akin papunta kay Hershey bago niya ako nginitian at inilahad ang palad niya na hinihingi ang bayad namin.
"Wala akong pera," bulong ni Hershey sa tabi ko nang bitawan ko siya upang kumuha ng pera pambayad sa pitaka ko.
"Sagot ko na," mabayang kong sagot at iniabot ang bayad sa ginang para sa aming dalawa. Inismiran naman ako ni Hershey at nauna nang pumasok ngunit hinarang siya ng guard. Nang matanggap ko na ang receipt at change ko ay saka lang kami nakapasok na dalawa.
Hindi ko na nagawang makahanap ng table na gusto ko dahil nanguna si Hershey at naupo kung saan may ventilation. Napagdesisyunan kong kumuha na ng side dishes at raw pork habang hinihintay na mabuksan ang grill sa table namin nang mapahinto ako sa harapan ng table kung saan may display na bouquet.
Ang umagaw ng pansin ko sa bouquet na iyon ay ang chocolates na ginawang alternate sa dozen of flowers na puwedeng gawing valentine gift. Hindi naman unusual na makakita niyon dahil bukas na ang Valentines Day and speaking about araw ng mga puso ay biglang pumasok sa isipan ko si Kisses dahil alam kong mahilig siya sa sweets and gifts.
"Kakain ba tayo o sasaluhan na lang kita sa daydream valentine date mo with Sherry?" Napapitlag ako sa gulat nang marinig ang malamig na boses ni Hershey mula sa likuran ko, nilingon ko siya ngunit umalis na siya bitbit ang dalawang platong puno ng pork.
Sumunod naman ako sa kaniya at ibinaba sa mesa ang mga bitbit ko ngunit imbis na maupo upang magsimulang kumain ay binalikan ko ang chocolate bouquet at binili iyon.
"Puwede mo namang bilhin iyan mamaya kapag natapos na tayong kumain, baka matunaw agad ang chocolates," pagkontra ni Hershey habang nakaturo sa grill na naglalabas ng mainit na singaw ng hangin.
Hindi ko na pinansin ang pagiging bitter niya at inilapag sa mesa malayo sa grill ang bouquet. "Baka kasi may ibang makabili," depensa ko habang pilit na itinatago ang ngiti sa mga labi ko.
🍫🍫🍫
"Akala ko ba ay ibibigay mo kay Sherry iyang chocolate bouquet at aayain siyang manood ng cine? Patapos na ang working hours-" Agad kong tinakpan ang bibig ni Hershey para patahimikin siya at baka marinig siya ng iba naming katrabaho.
Nang hindi na siya natatangkang magsalita ay ibinaba ko na ang kamay ko at marahas na ibibigay sa kaniya ang chocolate bouquet. "Nakakahiya, baka isipin niyang isip-bata ako at tanggihan niya ako-"
Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla niya akong tadyakan sa binti.
"Ang alat!" reklamo niya habang pinupunasan ang sariling bibig ng panyo. Pareho sana kaming may sasabihin sa isa't isa para ipakita ang inis namin nang may parehong tumawag sa mga pangalan namin na umagaw ng atensyon namin.
Agad na nilapitan ni Hershey ang lalakeng naghahanap sa kaniya habang bitbit ang chocolate bouquet ko, balak ko sana siyang tawagin upang bawiin iyon ngunit lumabas silang dalawa ng lalake upang makapag-usap kaya hindi ko na nagawa.
"Okay lang ba ang hita mo?" nag-aalalang tanong ni Sherry na nagpabalik sa akin sa katinuan at napatayo na lang bigla ng tuwid.
"Oo, ayos lang. Hindi naman masakit, sadyang marahas lang si Hershey, sobrang kabaliktaran ng pangalan niya. Pauwi ka na ba? Puwede kitang ihatid hanggang sa sakayan o may date ka? Hindi naman malabo iyon dahil Valentine's Day ngayon pero puwede pa rin naman kitang ihatid sa dating place niʼyo." Hindi ko na namalayan na hindi na pala ako humihinga dahil sa tuluy-tuloy kong pagsasalita.
Nang tumawa si Sherry ay napapikit na lang ako nang mariin. "Wala akong date pero sa nakikita ko ay wala ka ring date, we can go have a friendly date since mukhang nagpunta ng sariling date ang bestfriend mo," aniya na ikinangiti ko ngunit ipinagtaka ko rin nang marinig ko ang huli niyang sinabi.
Nilingon ko si Hershey at ang lalakeng kausap niya ngunit wala na sila roon.
🍫🍫🍫
"Are you that bothered that Hershey is with a guy, Chevy?"
"Pardon?" agad akong nagbaba ng tingin kay Sherry mula sa pagkakatulala ko sa malaking movie screen sa harapan namin dahil sa sinabi niya ngunit hindi siya nakatingin sa akin.
"I didn't want to assume things but I really thought that you like me or did I delude myself?" dagdag niya na nagpagulo ng isipan ko.
"Sorry, sadyang hindi lang ako sanay na sumasama si Hershey sa ibang lalake dahil simula nang mga bata kami ay ako at ang mga kuya niya lang ang naging kaibigan niya," mahaba kong paliwanag na hindi ko alam kung may mapapatunayan ba.
"Sorry that I snatched you but you know? Iʼm thankful that you don't like me at all nor have feelings towards me." Natigilan ako at mas lalong naguluhan sa kung ano ba ang nangyayari dahil kanina pa ako nalulunod sa sarili kong isipan. "I was ready to reject you after hanging out but I'm so thankful I didn't have to be so cruel since it's clear I'm not the girl that's on your mind."
🍫🍫🍫
"Although, I'm starting to feel jealous now because this feels like straight out a romance novel I always read. The only difference is that Iʼm just a girl that was written to make you realize that the girl you need has always been by your side. That the girl you don't want to be away with you is Hershey and not Sherry." Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi ni Kisses nang magkasama pa kami kanina.
"Hoy, Chevy!"
Hanggang ngayon ay hindi pa rin naggawang mag-process ng utak ko upang intindihin na rejected ako kahit hindi ko pa nagagawa ang confession ko.
"Hoy, maalat!" Ismid kong nilingon si Hershey na nasa taas ng veranda ng bahay nila na kanina pa panay ang pagtawag sa akin kahit na nakikitang niyang dinaramdam ko ang love rejection ko.
"Bakit kinakain mo ang chocolates ko?!" singhal ko nang makita ko siyang ngumunguya habang hawak ang bukas na Hersheys chocolate bar.
"Ang kapal ng mukha mo! Akin kaya ito! Ibinigay ito sa akin ni Klay!" malakas na sigaw niya na akala mo ay wala kaming mga kapitbahay.
"So, nasaan na ang chocolate bouquet ko?!"
"Ibinigay ko kay Klay!"
"Ano?!" napalakas ang sigaw ko nang malaman kung saan napunta ang chocolate bouquet ko at napatakip ng bibig habang nililibot ang paningin sa paligid, sinisigurong wala akong naabalang kapitbahay. "Ibinigay mo sa kaniya kapalit ng isang balot na Hersheys?" dagdag ko na hindi na sumisigaw.
"Deserve niya ng sweet comfort matapos ng love rejection na natanggap niya mula sa akin! Kasi I can never like him, I'd still prefer you!" Matapos niyang isigaw ang lahat ng iyon ay umalis na siya at nawala sa tanaw ko ngunit hindi ko iyon inalintana dahil may sasabihin din ako.
"Kung sa chocolate mahahanap ang comfort, I need a bite of that Hersheys too! My date with Sherry didn't turn out good. Wanna know why? Because you weren't there to third wheel us, if you hadn't left, may girlfriend na sana ako hanggang sa susunod na valentines!" Hindi ako naghintay nang matagal nang muli siyang bumalik at ibinato sa mukha ko ang plastic at wala nang laman na Hersheys.
"Sorry, nasa bibig ko na pala lahat!" mapaglaro niyang sigaw at pairap akong tinalikuran at tuluyan nang umalis. Hindi ko naman na napigilan ang matawa nang malakas.
Well, it doesn't seem like I'm that broken hearted. I have a friend here named after a chocolate brand kahit kabaliktaran niyon ang personality niya. And that friend will entertain my heart this whole valentines week.
Sweet!
author's note:
waaaa!
my plan wasn't followed again as always, chevy and hershey made their own love story when it was supposed to be sherry's love with fictional men characters ( that was the plan because i wanted sherry to represent me and my love for my 2D men hahahaha. )
well then, thank you for reading! ><
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro