Prologue
Hi! I'm writing this story because I have been missing the place where I grew up. I miss my friends, I miss everyone, the food, everything.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author.
Prologue
My shoes would touch the ground with my every step. The sunlight touched my face. I can hear the birds chirping. It's a nice day. I sighed a bit.
Bahagyang humigpit ang hawak ko sa mga bulaklak na dala ko muli ngayon habang papunta doon.
I remember someone who used to tell me that there would always be days like this. After the dark night the sun would rise again for another day. Even at night time the dark sky still shines with all the stars and the moon. Palaging may liwanag. A light that would guide us. Para hindi tayo mahirapang makita ang daan sa kung saan tayo dapat na patutungo. Para maiwasan ang pagkaligaw...
He's my light.
I will never forget him.
I would always remember him. I would remember the lessons he taught me... I remember everything... from the beginning.
"Here," hinila ako ni Will papasok sa isang walang taong classroom.
I just giggled at nagpaubaya. He shushed me with a naughty smile on his red lips and started kissing my lips again after shutting the door behind me at sinandal ako roon.
Nga lang ay hindi pa kami nagtatagal ay pareho nang natigilan nang nakarinig ng malakas na boses galing sa labas. Pareho kaming napatingin sa nakabukas na bintana ng classroom kung saan nasilip kami ng isang teacher ko rin sa isang subject na medyo hindi pa ako paborito sa klase niya.
"Miss Gomez!" tili ni Ma'am.
I sighed and pushed William more.
"What is wrong with you, Erica?" si Mommy na mukhang stressed.
Hindi naman nagsalita si Daddy at tahimik lang na nag-d-drive. Sinundo nila ako sa school. Alam kong pagod pa sila at halos kakarating lang galing sa flight nila.
My parents works as a Pilot, si Daddy, at FA naman si Mommy. Palagi silang wala sa bahay at madalas naiiwan ako kasama lang si Yaya.
Bumaling ako sa labas ng bintana ng kotse.
"Hindi pwedeng ganito na lang lagi, Erica." nagpatuloy si Mommy pagdating namin sa bahay.
"Saan ka pupunta?" habol niya nang nakita akong paakyat na sa hagdan.
Binalingan ko sila ni Daddy. They actually look good in their Airline uniforms. They look good together. Mommy looks so young. Well she's younger than Daddy. At bata pa rin siya noong nagbuntis sa 'kin.
"To my room? I'll rest." I told them.
Mommy shook her head. "We're not done talking."
I sighed at bumaba mula sa naakyat ko na na isang baitang sa hagdanan namin.
"I'm thinking..." She looked at Dad.
Daddy nodded his head with a sigh. 'Tapos bumaling muli sa akin si Mommy. "Your Dad and I are thinking na baka... makabubuting doon ka muna sa Uncle mo sa Zamboanga—"
"No!" maagap kong putol sa sinasabi ni Mommy. No way! What would I do there? I've never been in that place. Pero ang alam ko ay doon lumaki si Mommy. Unlike Daddy na tagarito na talaga sa Luzon.
"Erich," saway ni Daddy sa pagtataas ko ng boses.
"'Dy!" baling ko sa kaniya.
Umiling lang naman siya sa akin.
"Ayaw mo bang makilala ang pinsan mo?" si Mommy sa akin.
Sa kaniya naman ako bumaling. "Pinsan?" Napatanong na lang ako.
Wala akong mas'yadong kilala sa mga kamag-anak ko. Only child si Daddy at nakilala ko naman na ang Lolo at Lola ko na pareho na rin pumanaw sa katandaan. Pumanaw na rin ang parents ni Mommy pero may kapatid pa siya na tinutukoy nga niya ngayon. Na-meet ko na rin naman si Uncle noong mas bata pa ako.
"Yes, ang anak ng Uncle Marvin mo—"
Umiling ako. "No, Mommy—"
Pero inilingan din ako ni Mommy. "This is for your own good, anak. Hindi ka na namin natutukan ng Dad mo. Maybe a new surrounding will be good for you. Aalagaan ka roon ng pamilya ng Tito mo."
Then quit your job! Para mas matutukan na ninyo ako ni Daddy. Puwede naman siguro kayong magtrabaho ng iba. Hindi 'yong ipapaubaya n'yo pa ako sa iba. I wanted to voice out but still ended not saying it.
Mommy sighed and went to me. She started hugging me. Napapikit na lang ako sa yakap niya.
"Sige na, anak. This isn't forever. Temporary lang naman." she said.
"Pero grade 12 na ako sa susunod na pasukan, 'My."
"I know. Kaya nga kahit isang school year ka lang doon sana."
"Hindi ba mahirap—"
"Kami na ng Daddy mo ang bahala." she gave me her beautiful reassuring smile.
I just sighed after all.
"Sige na. Umakyat ka na muna para makapagpalit." I was still in my school uniform. Kumalas si Mommy sa yakap. "I will cook your favorite tonight." she smiled.
Napangiti na rin ako pagkatapos.
Kaya naman ngayon hinatid na nila ako ni Daddy sa flight ko papuntang Zamboanga. Nasa airport na kami. Niyakap nila ako. "Magpakabait ka na roon, okay? We will call." ani Mommy sa akin.
I nodded. Hindi ako masasamahan ni Yaya. She'll stay in our house para may tao roon kapag umaalis sila ni Mommy at Daddy.
Isang beses ko pa silang nilingon bago tuluyang tumuloy na sa eroplanong sasakyan ko.
Hindi rin naman matagal ang flight. Pagkarating ko sa Zamboanga City Airport ay naroon na rin ang Uncle ko para sunduin ako. Kinuha sa 'kin ni Uncle ang luggage ko. Pinasok niya sa loob ng sasakyan. Pumasok na rin ako sa front seat. Sumunod si Uncle sa driver's seat pagkatapos.
Tahimik ako sa loob ng sasakyan. Tahimik din naman si Uncle.
Tumingin na lang ako sa bintana. Mainit sa labas. Summer na rin. May nakita ako sa google na island dito. Ang Santa Cruz Island. Pupunta kaya sila ni Uncle roon ngayong summer ng family niya?
Nakatingin lang ako sa mga nadadaanan namin. Siyudad nga rin naman talaga ito. Kanina may nakita akong nadaanan naming malaking mall ilang minuto pa lang galing ng airport. Pagkatapos ay may isang kilalang University rin na mukhang malapit lang sa bahay nina uncle.
Pumasok na ang sasakyan sa isang kulay dark green na gate. Ito na ang bahay nina uncle.
I was greeted with warm smiles from my cousin and Uncle Marvin's wife, my auntie. Ngumiti rin ako sa kanila.
"Si Erich. This is my wife, your Auntie Shirley, and your cousin, Sheri." Uncle introduced.
"Ang gandang bata mo naman pala talaga!" puri pa ni Auntie Shirley sa akin.
Nakangiti rin sa akin ang pinsan ko.
"Sheri, show your cousin her room." utos ni Uncle sa anak niyang babae rin.
Mabilis naman na tumango ang pinsan ko na ka-edad ko lang din siguro. Hinawakan pa ako nito sa kamay at hinila na ako sa magiging kwarto ko.
"This is your room. Kami ni Mama ang nag-ayos nito." Sheri said.
Nilibot ko ang tingin sa kwarto. It's not as pink as my room in our home in Manila. The color is a mixture of cream and clean white. At konting iba pang kulay ng mga gamit. It's actually nice. I think it would be comfy, too. It looks like a cozy bedroom for a girl like me. "Thank you." sabi ko after checking the room.
And Sheri just nodded and a smiled.
Maaga pa. Pumasok din si Auntie Shirley sa kwarto at tinalungan pa kami ni Sheri sa pag-aayos ng mga gamit ko at paglalagay ng mga damit sa closet. Nakapag-usap na rin kaming tatlo tungkol lang sa mga bagay bagay. Natuwa naman ako. Tingin ko mabilis gumaan ang loob ko sa kanila. Kahit parang medyo seryoso si Uncle ay okay lang naman.
"Gusto mong sumama?" Sheri asked me. "May malapit lang na mall diyan. May bibilhin lang ako."
Nagpaalam si auntie na magluluto na ng para sa dinner namin mamaya. Maaga pa naman. May inutos din yata siya kay Sheri na lalabas ang pinsan ko ngayon.
Tumango na ako at pumayag na samahan siya.
Ngumiti si Sheri at binuksan ang pintuan. Bumungad sa amin ang hagdanan pababa na ginamit rin namin kanina paakyat dito sa taas kung nasaan ang bahay nila. Ang buong second floor ay bahay nila ni uncle at ng pamilya niya. Sa baba naman ang Law Office niya at iba pang katabing shop na pinapa-rent din nila. It's like a two storey building.
May isa pang pinto pagkababa ng hagdan bago tuluyang makakalabas at ang gate. May pinto nga rin doon na maaring konektado na rin sa office ni uncle dito sa baba.
"Oh, may nakalimutan ako. Sorry, saglit lang. Ako na lang ang aakyat. Dito ka na lang maghintay." bilin sa 'kin ni Sheri nang may kailangan pa siyang balikan sa taas.
Tumango lang ako at bumalik na siya sa loob.
I stood there outside the gate and just watched the cars that passes by. Kaharap din pala ng titirhan ko ay isang church. Dito na rin siguro nagsisimba sila nina auntie? Hindi ko na maalala ang huling beses na magkasama kami nina Mommy na nagsimba. Madalas kapag Christmas na lang yata.
Halos katabi ng Law Office ni Uncle ay isang derma clinic. Naisip kong hindi na lalayo para sa derma. Agad kong napansin ang lalaking lumabas sa entrance ng Office ni Uncle makaraan lang ang ilang sandali ng pagtayo ko roon sa harap lang ng gate namin at katabi na agad ang office din ni Uncle Marvin.
A boy I think of my age. Maputi ito at medyo magulo ang medyo mahaba at medyo kulot o wavy rin na dark brown na buhok niya. Matangkad siya at mukha namang mabango. He looks fresh and cool, actually. Mula sa phone niyang kinakalikot ay bigla siyang nag-angat ng tingin sa direksiyon ko.
I smiled at him. Kumunot naman ang noo niya at mukhang na-weird-uhan pa yata sa ngiti ko sa kaniya. Tinigil ko na nga lang ang pagngiti ko pa sa kaniya. A man came after him at mukhang niyaya na siya nitong pumasok sa kotse nila na naka-parked doon sa harap ng Law Office ng uncle ko.
"Si Luke 'yan."
Bahagya naman akong nagulat sa pinsan ko na nakabalik na pala.
"Huh?"
Bahagya at saglit niyang tinuro ang lalaking tinitingnan ko kanina na ngayon ay papasok na sa front seat ng kotse nila. "Luke." ulit niya. "Anak ng client ni Papa." Sheri just shrugged her shoulders after saying that and letting me know.
"Oh," Napatango ako.
"Tara na." Kumapit siya sa braso ko at hinila na ako paalis. Paalis na rin ang sasakyan nila ni Luke. Halos maiwan pa ang tingin ko sa tinted na kotse. "Pwede tayong mag-tricycle pero malapit lang din naman ang mall. Pwedeng lakarin." Sheri said.
"Okay." Tumango lang ako kay Sheri.
"Palagi ba siya dito?" I asked Sheri while we were walking on the sidewalk to the near mall. Mukhang malapit nga lang talaga iyon at nakikita ko na nga rito ilang sandali pa lang kaming naglalakad na dalawa ni Sheri.
Umiling siya. "Hindi. Sumama lang siguro ngayon sa Daddy niya."
I was looking at my cousin and listened to her answer. Napatango na lang ako pagkatapos ng sagot niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro