Chapter Two
Chapter Two
I closed my eyes tightly after I just sent him a message. It's just a simple 'hi'. I have never been this interested in a boy before. Hindi rin ako nauunang mag-chat. Okay, I think I already have a crush on him. He's just so adorable! He's handsome and cute at the same time.
Hinanap ko na rin siya sa Instagram. Napapangiti at natutuwa ako sa mga nakikitang pictures niya. Am I stalking him? I've never done this before, too. Pero okay lang naman, 'di ba? This is just normal? I mean, ginagawa rin naman siguro ito ng iba sa social media ng crush nila, right?
Nakita kong na-seen na niya ang message ko. I waited but wala pa rin siyang reply. I typed another chat.
[Thank you for accepting my friend request?]
I sent.
What the hell?
At may question mark pa talaga sa message ko. Para saan? Ano ba 'yan, Erich!
I don't know if this is right. I was never this nervous or what before when chatting someone. This is just kind of weird. I don't really know.
[I'm Sheri's cousin.]
I added.
[Hey,]
He replied!
[Hi!]
Pakiramdam ko parang tanga ang reply ko? No. It's okay. Kinalma ko ang sarili ko.
Habang nag-iisip ako ng susunod na sasabihin o i-t-type ay may reply na ulit siya.
[I didn't know Atty. Molina's daughter has a cousin?]
[I mean, I haven't heard or seen you before.]
I immediately typed in a reply. Mukhang marami siyang reply sa akin ngayon, ah.
[I just got here. I'm from Manila.]
[Vacation?] - he asked.
[Not really. I'll be studying for my 12th Grade here.]
I replied.
[Oh, okay.]
[Yeah]
Is our conversation dying now?
[Welcome to Zamboanga, then?]
Napangisi ako at muling nag-type nang makita kong may reply pa siya sa akin.
[Thanks!]
Kaya kinabukasan ay nahuli pa ako sa pagbangon. Napasarap yata ang tulog ko. Pupunta pa naman kami ngayon sa island. Buti nahanda ko na ang mga gamit ko kagabi pa. Nagmadali lang akong magbihis at nag-ayos.
"Napuyat ka ba kagabi?" tanong sa 'kin ni Sheri.
"Hindi naman. Bakit? May eyebags ba ako?"
Umiling ang pinsan ko. "Wala naman. Maganda ka pa rin." Sheri Sa in.
Ngumisi ako. "Thanks! Ang ganda mo rin!" puri ko sa kaniya at nagmadali na rin kaming sumunod kanila auntie at uncle na nasa baba na.
Pumasok ang sasakyan ni Uncle at nag-parked sa loob ng Paseo del Mar. Isa itong park na kaharap ang dagat. Galing sa Paseo ay sumakay naman kami ng motorized boat para marating ang magandang Santa Cruz Island.
I immediately appreciate the beauty of the island. Kumain muna kami saka naghubad na ng shorts at cover up at tinira na lang ang swimsuit para makalusong na sa dagat. Medyo matagal na rin 'yong huli kong nakapunta sa beach. It's so relaxing now.
Nag-picture rin kami ni Sheri at nina Auntie Shirley at uncle. Auntie said that she will also send it to my mom sa messenger para makita rin nina Mommy ang mga pictures namin ngayon.
Nagpapahinga ako mula sa paglangoy nang tingnan ko ang phone ko. May reply si Luke sa IG story ko! Agad ko 'yong tiningnan. Nag-story kasi ako ng ilang segundong video ng lugar pagkarating namin kanina.
[Santa Cruz Island?]
Mabilis akong nagtipa ng reply.
[Yes! You've been here. Nakita ko sa isang IG post mo.]
Huli na dahil na-sent ko na at na-seen na rin niya. Para ko na rin binuko ang sarili ko sa kaniya na nag-check nga ako ng social media accounts niya. You stalker!
Binitiwan ko nalang ang phone ko at tinatawag na rin ako ni Sheri.
Nakita ko ang same spot kung saan may picture rin na dito kinunan noon si Luke. Gaya ng nakita ko nga sa post niya. Lumapit ako roon at sinabihan si Sheri na kunan ako ng picture. Sumunod naman ang pinsan ko at mukhang masaya pa nang kunan ako ng litrato.
"Thanks, Sheri!" sabi ko pagkatapos at tinitingnan na ang magagandang kuha niya sa akin.
Nagsisikap din akong ma-picture-an siya nang maayos. Parang nakakahiya naman kung maganda ang pag-picture niya sa akin at 'yung akin sa kaniya ay pangit.
Nag-post na ako ng isang picture ko sa IG. Nagkaroon iyon ng likes at comments mostly galing lang sa mga naging kaklase o schoolmates ko sa Manila. Hindi ko na lang muna pinansin.
Napangiti lang ako nang na-notify na ni-like na rin ni Luke ang IG post ko. May reply rin siya sa akin.
[Yeah. Been there for couple of times.]
Nag-type muli ako ng message.
[Ang ganda dito.]
Naging abala muli ako kasama ang pinsan sa paglilibot sa isla. Ilang pictures na rin ang kuha ni auntie na magkasama kami ni Sheri. Mag-p-post din ako no'n mamaya. Masaya ako na may pinsan na ako ngayon at nagkakasundo rin kami. We're like sisters or best friends now. And I'm happy.
Kaya napagod din kami pagkauwi sa bahay. Nagtitingin lang ako sa phone ko habang nasa loob ng kwarto. Nakita kong may comment din si Mommy sa FB post ni Auntie Shirley na pictures namin kanina sa island. Masaya sila ni Daddy na mukhang nag-e-enjoy din ako rito.
Tumawag din si Mommy para kumustahin ako.
Nasa bahay lang kami madalas ni Sheri at wala pa rin pasok sa school. Minsan lumalabas kami at pumupunta sa malapit lang na Shoppers' Center. Kumakain lang kami ng meryenda sa maliit na food court ng Gateway minsan. Nakapagsimba na rin ako kasama sila nina uncle. Hindi ako na-b-bore dahil kasama ko rin naman lagi ang pinsan ko.
Nang dumating ang May ay birthmonth ko rin. Pinaghanda pa ako nila ni Auntie Shirley. Sabi ko kahit sa bahay na lang. Kaya pinagluto pa tuloy ako ni auntie. Dapat pala sinabi ko na lang na kumain at mag-celebrate na lang kami ng birthday ko sa labas para hindi na ako nakaabala pa kay auntie na pinagluto pa ako. Nagpasalamat naman ako sa kaniya. Bukod sa amin ay pina-imbita ko na rin kay Sheri ang mga friends niyang sina Kyla at Aira.
I also tried to invite Luke and gladly he came! May dala pa siyang gift para sa akin. Wow!
"Ako na!" Nagmamadali akong makababa para pagbuksan si Luke na nasa labas na raw siya ng gate namin.
Bumungad sa akin ang mabango at gwapong si Lucas Falcasantos pagkabukas ko ng gate. I immediately greeted him with a smile.
Nagpaganda talaga ako lalo ngayon. Ito pa lang ang masasabi kong parang unang pagkikita talaga namin. Hindi tulad noong una na kumunot lang ang noo niya sa 'kin ngayon ay may ngiti na rin siya para sa akin.
"Pasok ka." sabi ko at pinatuloy siya.
Pumasok kami at umakyat sa hagdanan. Naroon na sa taas ang mga kaibigan ng pinsan ko. Kami kami lang din naman.
"Attorney," Luke greeted my Uncle Marvin.
Binati rin ni uncle ang bisita ko at saglit silang nag-usap. Magkakilala na talaga sina Luke at ang pamilya ni uncle. Syempre at client din ng law office ni Uncle Marvin ang dad niya or family nila.
"Ready na ang pagkain." Tinawag na kami ni Auntie Shirley pagkatapos.
Lumapit na kaming lahat sa mesa. Pinangunahan pa ni Sheri ang pagkanta ng happy birthday para sa 'kin. Ngumisi na lang ako. Sumabay din si Luke sa tabi ko sa pagkanta.
Hinipan ko na rin ang candles sa cake ko pagkatapos.
"Nagkakilala na pala kayo nitong pamangkin ko?" baling ni Uncle kay Luke makaraan.
"Nagkita na sila noong bago pa lang po dito si Erich, Papa. Diyan sa baba." sagot naman ng pinsan ko.
Saglit napaisip si Uncle Marvin. "Oh, that same day you were here with your father? Kakasundo ko nga lang din noon kay Erich sa airport."
Tumango naman si Luke. Nagkatinginan kami. Ngumiti ako sa kaniya.
"Thank you sa pagpunta." sabi ko kay Luke nang matapos na ang maliit na party or celebration namin sa bahay. I'm now officially 17 years old.
"Thanks for inviting, too." He said.
Ngumiti ako at nagpasalamat pa sa regalo niya na isang bracelet. I really appreciate it. Hinatid ko rin siya sa baba at may driver na rin nila na sumundo sa kaniya doon.
Today I'm very happy on my birthday. Parang gusto ko tuloy magkaroon ng diary bigla at i-record ang magandang pangyayari na 'to sa buhay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro