Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter One

Hi, Wattpadders! I will be posting this story completely here in Wattpad. But you can also read this on the TypeKita app! You can download the app on both android and iOS for free! Kindly check my writer profile there and follow for updates as well! Book 2 will be available there. Thank you!

Chapter One

Walking distance nga lang talaga ang mall na tinutukoy ni Sheri. Hindi ito ganoon kalaki o mas sanay lang siguro talaga ako sa mas malalaking malls sa Manila. Dumiretso kami sa ground floor o parang basement na ng mall kung saan ang malaki rin naman na grocery. Kumuha ng cart si Sheri at sumunod ako sa kaniya.

"Magkakilala kayo?" I asked her as we were getting the few things her mother asked her to buy. Naubusan yata sila ng stock sa bahay o wala talaga. And I kept on asking about the boy earlier because I was curious about him.

"Sino?"

"Luke..."

Tumango si Sheri. "Nakilala ko lang noong pinakilala kami ng parents namin. Nasa office rin kasi ako ni Papa no'n. And he was with his parents. Bakit?"

Umiling naman ako pagkatapos. "Nothing." I just smiled at my cousin.

Ngumiti rin siya at nagpatuloy sa pagtutulak ng cart. Tinulungan ko na rin siya pagkatapos ng mga tanong ko.

Hindi rin kami nagtagal. Nagbayad na rin sa cashier at bumalik sa bahay pagkatapos.

"Sinama mo pa talaga ang pinsan mo, Sheri. Alam mo namang kakarating lang niya. Dapat ay pinagpahinga mo muna. Hindi ka ba pagod, hija?"

Umiling ako kay auntie. "Okay lang, po."

Nasa kitchen siya at abala sa pagluluto. Nagpaalam na muli kami ni Sheri na sa living room lang. Paakyat na rin daw dito si uncle. Binuksan ni Sheri ang malaki nilang flat screen TV na parang kagaya rin sa bahay namin sa Manila.

"What's your favorite movie? Or are you following a series on Netflix?" Sheri asked me. And she seemed excited about it.

Nagsimula naman akong matuwa sa pinsan ko. Lumaki akong walang kapatid dahil only child. Hindi na rin ako ganoon kapalakaibigan. Well, after a friend betrayed me. She broke our friendship because of a boy in school who used to pursue me who I didn't even like. Sana ay sinabi niya sa akin. Lalayo pa ako nang husto doon. But she chose to ignore me instead and be mad at me for a reason I didn't even know at first. Dahil lang pala sa isang lalaking kaklase sa school. It was childish for me. I was hurt. She hurt me. And our friendship ended there.

"Have you watched Stranger Things?" Sheri asked me.

Umiling naman ako. Because I don't remember if I heard it before. Or baka rin narinig o nalaman ko na nga but I just wasn't paying that much attention to things like this.

Sobrang kumunot naman ang noo niya at parang hindi niya nagustuhan na hindi ko pa napapanood ang sinasabi niya.

"Uh, sorry, hindi kasi ako mahilig manood..." I tried to explain my side to her.

She sighed and nodded after. "Reading?"

Umiling ako. "Hindi rin masyado... pero minsan..." bawi ko.

"It's a nice series. I've been waiting for season 5 already!" she exclaimed.

I was just listening to her.

"We can watch it later after dinner. Nanonood kasi ng news si Papa kapag mga ganitong oras. We can have a marathon in my room later!" she excitedly told me her plan for later.

Napangiti na lang din ako and agreed on her plans.

Bumaling kami sa TV na nagpapakita na nga ng news.

The four of us ate dinner together at their oblong shaped dining table that evening. Walang ibang kasama sa bahay sina uncle kahit katulong. Si Auntie Shirley halos ang gumagawa ng mga gawain sa bahay. And I thought to myself that I should help. May alam din naman ako sa mga house chores. Masarap din ang luto ni auntie. Tumutulong nga rin siya pati pa sa mga gawain ni uncle sa office.

Pwede rin naman pala ang ganito. Naisip ko kung sana sa bahay na lang din si Mommy at si Daddy na lang ang nagtatrabaho. Pwede naman siguro 'yon. Para may kasama na ako at ibang nakakausap sa bahay bukod kay yaya.

Pagkatapos ko nga makapagpalit ng kumportableng pantulog ay kumatok na ako sa kwarto ni Sheri na katabi lang din ng akin. Para sa napag-usapan namin kaninang marathon. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinapasok. Our rooms are of the same size. May sarili siyang TV dito sa kwarto niya na nakabukas na sa Netflix. Her shelf are full of books. That's what I first noticed when I entered her room.

"Come here." Pinalapit niya ako at pinasampa sa kama niya.

Kinatok din kami ni Auntie Shirley na may dalang popcorn.

"Thank you, 'Ma!"

Ngumiti lang sa amin si auntie at nagpaalam na rin pagkatapos ng ilang bilin gaya ng 'wag daw kaming masyadong magpupuyat. She's actually nice. And I think I like her already. Ganoon din si Sheri.

"Okay lang ba kanila auntie na magpupuyat pa rin tayo ngayon?" I asked Sheri when her mom left.

Tumango siya habang sinisimulan ang papanoorin namin. "Bakasyon naman. Pero kapag may school siyempre hindi puwede." aniya.

I nodded. "Ano'ng grade ka na pala?"

"Mag-Grade 11. Ikaw naman Grade 12, 'di ba?"

Tumango ako. Mas bata pala siya sa 'kin ng mga isang taon. My cousin is actually pretty, too. Mas kamukha niya ang Auntie Shirley. Obvious talaga na mag-Nanay sila.

"There. That's Lucas, Dustin, Will and Mike." turo niya sa pinapanood namin. Kumuha na rin siya sa bowl ng popcorn.

Tuluyan na akong bumaling sa pinapanood namin. May apat na batang lalaki ang mukhang naglalaro. Horror din pala ito. Alam kong napanood na ito ni Sheri at pinapanood niya lang ulit para sa 'kin. And maybe nakailang ulit niya na rin siguro itong napanood.

"Look at Mike Wheeler. Magkamukha sila ni Luke, 'diba?"

Now that she mentioned, naalala ko ulit iyong lalaki kanina sa baba. I looked at the TV screen. "Hmm, medyo." I don't know. Ang bata pa nitong si Mike sa pinapanood namin, eh.

"Sa Season 3 mas magkamukha na sila." Sheri added.

Tumango na lang ako sa sinasabi ng pinsan ko.

"Are you two close?" I can't help but ask her again about Luke again.

"Hmm?" Bumaling siyang muli sa akin. Hindi pa makapag-focus sa tanong ko dahil sa pinapapanood.

"Luke..." sabi ko.

"Hindi naman. Nagkikita lang kami minsan." she just shrugged her shoulders again.

She doesn't seem so interested with Luke. But I still have to ask just to be sure, you know. Ayaw ko nang maulit pa iyong nangyari noon sa isang friend ko. I like my cousin now. At ayaw kong magkaroon pa kami ng conflict sa hinaharap just because of boy again. "Do you like him?" I asked Sheri.

Her brows furrowed and her forehead creased. "No. May crush na ako sa school, classmate ko." she smiled widely.

I smiled, too. She's also a teenager after all.

Sa kuwarto ni Sheri na rin ako nakatulog. Hindi rin kami sobrang nakapagpuyat dahil kagagaling ko pa rin sa biyahe ko papunta rito.

We also woke up just in time for breakfast the next day. Kinakausap kami ni auntie habang nag-aalmusal at minsang bahagyang napapatawa sa mga biro.

"Pa, magpapaalam po pala ako. Makikipagkita lang kanila Kyla. Sa KCC lang, po." baling ni Sheri sa Papa niya. "Isasama ko na rin po si Erich." Ngumiti sa akin ang pinsan ko na nginitian ko na rin.

Nasabi na rin niya kasi sa akin ang tungkol dito kagabi pa.

Pumayag naman si uncle na may ilang bilin lang. Ganoon din si auntie. Kaya pagkatapos ng almusal ay naghanda na rin kami ni Sheri para sa lakad namin ngayon. Aalis din sina uncle kasama si auntie at may lakad din silang dalawa.

I just wore a basic outfit for the mall. Girly naman si Sheri sa suot niya. Pumara kami ng taxi pagkalabas sa gate. Daanan na kasi agad at marami na rin nadadaan na mga sasakyan doon. My uncle's family lives near the heart of the city.

Traffic din pala. Mabuti nalang at naka-AC kami sa taxi at baka pinagpawisan na kami kung nag-tricycle pa. Baka hindi pa nakakarating sa mall ay pawisan na kaming mag-pinsan and it's a no.

Agad naming nakita ang mga kaibigan ni Sheri nang makapasok sa malaki ring mall. Pinakilala sa 'kin ng pinsan ko ang mga kaibigan niyang sina Kyla at Aira.

Nag-shopping lang kaming apat at kumain na rin ng lunch sa mall. Nakapamili na rin ako. I had fun with them. Mga classmates din ni Sheri ang dalawang kaibigan. I'm loving the bond that they have, actually just by watching them. I can see the genuine care they have for each other.

You're already lucky if you have even just one true friend who truly cares for you. Quality over quantity. Hindi rin madaling makahanap ng totoong mga kaibigan.

"Ano'ng Facebook mo, Erich? Tag ka namin sa pictures natin ngayon." si Kyla.

"Erica Chanel Gomez." I answered and I smiled.

Nang nag-hapon ay nagpaalam na rin kaming uuwi. Hindi kami puwedeng magpagabi. Baka mapagalitan pa kami nina Uncle Marvin. Pinayagan na nga kaming lumabas ngayon. Mukhang istrikto pa namang talaga si uncle. Sabi rin sa akin ni Sheri na ganoon nga raw.

"Pupunta tayong Santa Cruz Island bukas. Kaya maaga kayong matulog ngayon at early din tayong aalis bukas para sa island." Auntie Shirley announced while we were having dinner once again.

Pareho naman kaming natuwa ni Sheri. Miss ko na rin mag-beach.

Sa excitement ko pa ay hinanda ko na agad ang susuutin at kailangan para kinabukasan.

Humiga na rin ako sa kama pagkatapos. Kinuha ko muna ang phone ko para mag-check ng notifications. I accepted Kyla and Aira's friend requests. They also tagged me in a post. Tiningnan ko iyon.

Lucas Falcasantos and 89 others reacted and liked the post. Agad kong napansin ang naunang pangalan. I clicked the profile. Ito yung lalaki kahapon!

Naka-tagged din kay Sheri ang post. At FB friends sila ng pinsan ko. 

I clicked his profile picture. Ang guwapo ng ngiti niya sa picture. It shows his perfect teeth. Bahagyang magulo nga rin talaga ang buhok niyang medyo mahaba at medyo kulot. And his eyes were bright.

Napangiti ako.

I sent him a friend request.

Wala sa sariling nayakap ko pa sa dibdib ko ang phone ko matapos gawin iyon.

Nang tumunog iyon ay agad kong muling tiningnan. My eyes widened. Napabangon pa ako sa higaan ko.

Lucas Falcasantos just accepted my friend request! He's online. What to do next?

Ang landi ko talaga.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro