Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

Chapter Four

"Dito tayo." Hila-hila ako sa kamay ni Jazel habang naghahanap kami ng mauupuan sa loob ng gymnasium ng Ateneo de Zamboanga University.

Weekend iyon at nakapagpaalam naman ako kanila auntie at uncle sa bahay.

"Parang practice game lang nila ito pero supportive talaga akong girlfriend kaya nandito ako ngayon!" sabi sa akin ni Jazel.

Ngumisi lang ako sa kaniya.

Nakita naming naroon na rin sa court sina Gale at Luke. Nag-angat ng tingin si Luke sa bleachers kaya nakita niya kami. Sinalubong ko siya ng ngiti ko nang makita ko namang napunta at lipat sa akin ang tingin niya, at bahagya ko pa siyang kinawayan. I acted cute when I waved my little hand at him. And he smiled handsomely at me after that so I think worth it din ang pagpapa-cute ko sa kaniya.

And the game started.

That was the first time I saw him play ball. And he actually play well. Parang naging proud pa ako sa kaniya habang nakikita ko siyang naglalaro roon. Ang sabi pa sa akin ni Jazel sa tabi ko ay magaling din si Luke sa acads niya. Mukha nga naman kahit tingnan mo pa lang siya. Parang ang perfect niya, kahit wala naman talagang ganoon.

"Kahit minsan troublemaker din 'yan pero okay naman talaga siya." Jazel said beside me.

Napabaling naman ako sa kaniya. "He caused trouble?" I asked.

Jazel nodded. "Minsan. Medyo nagrerebelde rin kasi 'yan minsan sa parents niya. Busy kasi sila ni tito at tita sa hospital, parehong doctors. Kaya minsan siguro hindi na rin nila napagtutuunan ng pansin si Lucas."

Nabalik ang tingin ko kay Luke sa baba ng court na naka-shoot na naman ng bola. I clapped my hands mindlessly. Naisip ko pa rin 'yong sinabi lang ni Jazel.

Kung ganoon pareho pala siguro kami ni Luke. Busy din sina Mommy at Daddy sa work nila. I also want their attention kaya minsan sinasadya ko na nga siguro talagang gumawa ng paraan para magpapansin din sa kanila. Minsan may ginagawa rin ako sa school kaya napapatawag din sila roon. Pagsasabihan ako ni Mommy pero pagkatapos noon ay lalabas kaming pamilya minsan, or they would spend more time with me.

Bumaba na kami ni Jazel mula sa bleachers nang natapos ang practice game para salubungin sina Luke at Gale. May towel at Gatorade si Jazel para kay Gale. May extra'ng Gatorade pa kaya kinuha ko na iyon at dinala palapit kay Luke na lumapit naman sa dala niyang gym bag.

Naramdaman ko ang mga mata ng ibang players na nakatuon sa akin pero hindi ko na pinansin iyon. Diretso lang ako kay Luke.

"Hey," bati niya.

I greeted him, too, and with a smile. "Here," inabot ko sa kaniya ang dalang Gatorade.

"Thanks," aniya.

"That was a nice game. Ang galing mo!" I complimented.

He looked at me. "Really?"

I nodded my head. "Yes."

"Lunch," tawag ni Gale.

Lumapit na rin sila ni Jazel sa amin. "Parang gusto ko ng barbeque. Tetuan tayo? Sa may Kogi-Q na lang." ani Jazel.

Luke looked at me. I shrugged. "Okay lang. Kayo?" I said.

So we agreed to eat out at a barbeque restaurant Jazel just mentioned. Sumakay pa kami sa sasakyan patungo roon. We used Gale's car. Walang dalang driver at sasakyan si Luke at nagpasundo lang siya kanina kay Gale sa bahay nila.

"Saan tayo after lunch?" Gale asked Luke.

Gale and Luke are best friends since freshmen year, according to Jazel. Naging sila naman ni Gale simula noong Grade 8 daw. Nagkakilala sila sa chat 'tapos nag-meet hanggang naging sila na nga. Medyo madaldal din talaga si Jazel. But I kinda like it. Hindi siya boring kasama at kausap.

Luke just shrugged his shoulders to Gale's question. Mukhang wala pa silang plano after this.

"Manood kaya tayo ng movie? Ngayon showing 'yung gusto kong panoorin, babe!" ani Jazel sa boyfriend niya.

Bumaling naman si Gale sa girlfriend niya. "Oh, ngayon ba 'yon?"

"Uu." si Jazel na mukhang nagpapa-cute pa.

Agad naman sumang-ayon si Gale sa gusto ng girlfriend. "Kayo?" tanong nito sa 'min naman ni Luke.

Nagkatinginan kami ni Luke. "Okay lang sa 'kin. Wala pa rin naman akong gagawin sa bahay." And I just shrugged my shoulders, too.

So we agreed once again to go to a cinema. Sumakay muli kami sa sasakyan nila ni Gale patungong KCC Mall after having lunch. Nakapaligo na rin kanina sila ni Luke sa Gym bathroom ng school nila pagkatapos din ng laro. So ready na rin sa sumunod na lakad.

"Wait, may titingnan lang ako." Hinila pa ako ni Jazel papasok sa isang boutique.

"Girls." Narinig na lang namin ang sinabi ni Gale na naiwan naman sa labas kasama si Luke.

Hindi rin naman kami nagtagal ni Jazel doon sa loob dahil ayaw niya rin mahuli sa gustong panoorin. Nagtingin lang kami ng ilang damit pagkatapos ay lumabas na rin dahil wala namang nakakuha sa atensiyon namin.

Umakyat na kami sa higher floor ng mall pagkatapos kung nasaan ang cinema. We bought tickets and snacks before we went in. Saktong movie trailers pa lang naman ang pinapakita sa malaking screen pagkapasok namin. Pumunta na rin kami sa uupuan naming apat at naupo na roon. Unang pumasok sa row si Gale kasunod si Jazel pagkatapos ay ako. At saka naman sumunod at naupo si Luke sa tabi ko na malapit lang sa aisle.

"You're wearing it." ani Luke nang napuna niya sa wrist ko ang suot ko rin ngayon na bracelet na regalo niya sa akin noong birthday ko.

I smiled to him. "Yes. I like it. Thank you pala ulit." sabi ko sa kaniya.

"Shh," saway naman sa amin ni Jazel sa tabi ko dahil nagsisimula na rin pala 'yong movie.

Nagkatinginan pa kami ni Luke at napangiti na lang sa isa't isa bago tumuon na rin sa screen.

It was a good movie. I enjoyed it. Lalo pa at katabi ko si Luke. And he's holding the large bucket of popcorn for us. And our arms and hands would touch.

"Papupuntahin ko na si Manong dito para masundo niya tayo 'tapos ihahatid ka na namin sa inyo." Luke said when the movie we were watching came to an end.

I nodded. "Okay, thanks." I told him and I smiled.

He only nodded.

Dumiretso na sila nina Jazel sa parking ng mall pagkatapos bumeso sa akin bilang paalam na rin. Magkikita na lang kami ulit sa school sa Monday.

"Ingat!" bilin ko sa kanila ni Gale.

Tumango sa akin si Jazel at nauna na sila ni Gale.

Hindi rin naman nagtagal at dumating na ang sasakyan at driver nila ni Luke. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at pumasok na ako roon kasunod siya.

Traffic kaya medyo nagtagal din ang biyahe. It gave me and Luke more time to be with each other inside their car and talk about just some random things about school and the likes. Sayang nga at gusto ko pa siyang kausapin tungkol pa sa ibang bagay, but the ride home still seems quite fast.

"Thank you." sabi ko na lang nang nakarating na kami sa bahay nina uncle.

Hindi ko alam kung iimbitahan ko pa ba siya sa loob o ano, pero sa susunod na lang siguro. Late na rin kasi at baka gabihin pa sila ni Manong sa pag-uwi at sa daan.

"Good night, Erica Chanel." Luke said.

I slightly chuckled at his mention of my full name. "Good night, Lucas." I got even.

He only smiled and waited for me to get in our gates before I heard their car leaving. Halos hindi na mabura ang ngiti sa mga labi ko.

[Who's this William Bautista?]

It was a chat from Luke that night.

I just finished brushing my teeth at kakasampa lang din sa kama nang binuksan ko ang phone ko at nakita ang message niya.

I checked my other notifications at nakita ko nga na may comment si Will sa isang post ko. "Miss you, babe". Iyan ang nakalagay sa comment niya sa isang picture ko na bago lang na-upload.

[Stop commenting on my posts or I'll block you.]

I sent that to William immediately.

[Probably your boyfriend left in Manila?]

Agad na akong nag-reply kay Luke.

[No, no. Just a schoolmate sa dati kong school. Don't mind him. He's just joking, you know. Hehe.]

Napapikit pa ako nang mariin matapos kong sinend 'yong message ko kay Luke. I panicked a bit na baka ma turn off pa siya sa akin...

Hindi ko naman talaga naging boyfriend itong si Will.

Jazel Bejerano just tagged me and 2 others in a post. Gale Cabayacruz, Lucas Falcasantos and 291 others liked and reacted to the post. Mga pictures namin iyon kanina na kumakain kami sa Kogi-Q nitong lunch at sa KCC Cinema. At ang caption ni Jazel ay "Weekend date".

I automatically reacted "heart" to it. Maraming comments. May mga nagtatanong o nagugulat. Hindi ko na binasa ang mga 'yon. Hindi ko rin naman mga kilala. It doesn't matter.

Inisa-isa kong tingnan ang mga photos at s-in-ave ko pa ang mga 'yon sa phone ko. Pagkatapos ay nagpunta akong gallery at c-in-rop ko pa kaming dalawa lang ni Luke. Pinanatili ko pa rin namang naka-save sa phone ko 'yung original image. And then I sent one photo of us that I just cropped to Luke on Messenger. Iyong nasa loob kami ng medyo madilim na cinema, nakaupo nang magkatabi sa mga upuan doon at nakangiti sa camera. Kahit medyo madilim ay maganda pa rin naman ang kuha.

[We look cute here.]

I sent that to him.

He's typing a reply. And I waited patiently.

[Did you cropped Gale and Jazel's faces here?]

Napa-ikot na lang ako ng mga mata ngunit nangingiti na rin.

[Yup. Don't tell haha]

Tumawa na lang din siya. He sent me a laughing emoji.

[I saved it. I think it's our first selfie together?]

[Nearly selfie because you just cropped it.]

I laughed a bit.

[Yeah. We can have more selfies next time, though...]

[Next time... I will wish for more next times.]

[You don't have to wish for it. We will have more next timesss.] I assured.

[I'll still wish. I'll hope for it. Thanks for today, Erica.]

Nangingiti ako.

Si Mommy lang ang madalas tumawag sa akin sa pangalan na 'yan.

[Thanks for today, too, Lucas. I really had fun!]

[Good to hear.]

[Next time ulit!]

[Yeah]

Hindi na yata nawala ang ngiti ko at napatong ko na sa dibdib ko ang phone ko at pinaglaruan sa kamay habang nakataas ang tingin sa kulay cream na kisame ng kuwarto ko rito sa bahay nina Uncle Marvin.

I'm so glad I came here in Zamboanga city. And I met Lucas Falcasantos...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro