XI. Revelations under Sakura Tree
29th of August
Lalaine Neferet
What the hell was that? Napakalakas na explosion from second floor! Hindi na namin tiningnan pa ni Alexcia, dahil, anytime, magiging crowded ang ramp dahil sa evacuation.
Nakabalik na rin kami sa classroom, kalahati ng klase ay wala dito sa loob, nasaan sila? Ayun, hinanap na kung saan galing ang explosion. Hay, hanggan ngayon ba naman, hindi pa rin tapos ang peligro? Kung kailan malapit na ang Festival! Panigurado, lahat ng booth na nasa corridor na 'yun ay nasira, naging abo, nasayang ang kanilang pagod at oras.
"Ano nangyari Lalaine?", tanong ni Shaylin sa akin bago pa ako umupo sa aking arm chair, "may sumabog sa second floor, syemore, darating agad ang ambulansya, we don't need to panic, dahil hindi naman tayo ang nasabugan", hindi naman kasi iisang place ang classroom namin, dahil magkatapat lang naman ang corridor namin sa corridor ng nasabugan na classroom. "How can you be so calm? Di natin alam na kakagawan pala 'yon ng killer!", ani ni Zoe.
Hay grabe ang bobo ko, oo nga no?
Nagmadali kaming tatlo umalis sa classroom katulad sa ibang estudyante sa labas, pero bago pa ako tuluyan makaalis, pinigilan ako ni Alexcia,
"Bakit?", tanong ko sakanya, baka may kailangan sa akin, "Mag-ingat ka lang, Lalaine", at binitawan ni Alexcia ang kamay ko, basta kasama ko si Shaylin, seguridad ang buhay ko, hahahaha. Talagang mag-iingat ako, kaming tatlo I mean, lalo na't kilala na kami ng killer. Baka ang susunod na clue ay nasa classroom na 'yon!
Bago kami pumunta sa corridor, may humarang sa amin na teachers, "Sorry, girls, pero pinagbabawal na ang lahat ng estudyante dumaan dito", ani nito.
"Pero naiwan ang kaibigan namin doon! Hindi namin siya puwedeng pabayaan! Ano klaseng teacher kayo na walang pakiealam sa buhay ng mga estudyante?!", pagkukunwari ni Zoe, hahaha nice one Zo.
"Kung ganoon, then tell me your friend's name, para maligtas namin agad sa classroom na 'yon", magaling naman na guro na ito, alam nilang nagsisinungaling lang kami.
"Uh, Nathalie?", ayun! Sa sagot mo palang Zoe, halatang gawa-gawa lang. Paano na kami makakalapit sa classroom na 'yon? Alam ko na delikado, pero imposible naman na walang tao sa corridor?
"That classroom was empty, lahat ng estudyante ng Hera ay nasa gym", ang pangalan pala ng section na 'yon ay Hera, kung ganoon naman pala, paano ito sumabog? Depende naman kung may nag-paiwan, diba? Siguro hihintayin nalang namin dumating ang mga firemen, at once nawala ang apoy, doon kaming tatlo aaksyon.
Pero, ano naman 'to?
Ang lalakeng nakaitim na hood, kung saan ko palagi nakikita sa mga crime scenes, ay pumasok sa nasusunog na classroom! What the fucking hell? Ano naman ang gagawin niya diyan sa loob?
Hanggan sa may hinila siyang lalake palabas sa classroom, pero walang ulo?!
Mapapasuka ka talaga pag nakita mo 'to, dahil nakakadiri ng sobra na makita mo ang nakaitim na hood ay may hinihilang lalake na pugot ang ulo!
Sinubukan kong pumiglas sa harang ng mga teachers, but they're too damn strong!
What shocks me more is that this guy in a hood smiled at me! Fucking creepy, but I didn't clearly see his face though, then he went back tugging that poor guy.
Naiinis ako ng sobra.
Naiinis ako sa nakaitim na hood, is he mocking me or what?
Naiinis ako sa mga pangyayari, maraming namamatay sa walang kwentang dahilan.
Naiinis ako kung bakit wala akong nagawa, ni hindi ko lamang kaya mag ligtas ng buhay.
Clues lang ba talaga ang habol ko? Sa tingin ko wala namang mapupuntahan 'tong ginagawa namin, eh. I'm so eager to find that killer's identity, while I'm blinded seeing the reality. Am I being selfish?
Supposed to be, our plan all along was to avenge Sylvia's death ONLY, but everything seems to be connected, that this killer only kill people specifically. I'm so damn confused right now.
"Tabi dyan!", tinulak ko ang teacher na nasa harapan ko, titingnan ko lang kung may clue bang iniwan o wala. "Ms. Neferet! Come back here, if you don't want to get suspended!", like the hell I care. Sumunod naman ang dalawa sa akin, mabuti naman at hindi sila nakinig sa babaeng 'yon, tinatakot lang kami para hindi kami mapahamak, pero it's worth the risk naman.
Nasa harap ako ngayon ang nasusunog na classroom, may isang papel na nakadaikit sa pader at agad naman kinuha ni Shaylin, inagaw ko ito sakanya at binasa:
"Why are trying hard to find more clues, if you already have them all?"
I crumpled the paper at binato sa apoy, "FUCK THIS SHIT!", napamura ako sa galit. Ano ba ang gusto ng killer at parang gusto niya makipaglaro sa akin? Gusto niya ng laro pala, ha? Sige, I'm going to play with your fucking games, and let's see kung sino ang matatalo sa ating dalawa.
Hindi ako natatakot sa'yo, mister.
"Girls! We need to evacuate now! There's no reason for you to stay here any longer! Baka may sumabog nalang diyan na hindi natin alam!", sabi ng teacher na tinulak ko kanina para makapunta dito, "Tsk", inis kong sabi.
Naiirita ako ng sobra, dahil wala akong nagawa ngayon.
Sumama kaming tatlo sa crowd na kung saan pababa sila sa ramp papuntang soccer field, makakabalik kami sa aming classroom after maayos ang lahat. Papunta kami ngayon sa soccer field na nakalinya by section at bibilangin kami ng aming advisers per head kung may kulang. Nahalata ko na maraming wala sa section ko, mga kinse, to be exact, lalo na sina Vayne at Caleb.
Speaking of Caleb, sabi niya na after classes ay kakausapin niya ako sa Sakura Tree o tinatawag naming Cheery Blossom Tree. Ang malas naman ng first day ni Caleb, may hindi magandang nangyari sa pagpasok niya sa eskwelahan na ito.
"Alexcia, ikaw na muna ang bahala dito, make sure walang aalis sa linya natin, may kailangan akong puntahan", utos ko sa Assistant Head Chief. "We're are you going, Lalaine?", tanong ni Shaylin sa akin bago pa ako umalis, "Gotta find our other classmates", sabi ko sakanya, "Samahan ka na namin-", pinutol ko ang sasabihin ni Shaylin, "Hindi, hindi puwede, delikadong bumalik sa building, ayoko may mangyari sainyong dalawa. Pangako ko sainyo na babalik ako buong-buo", at nginitian ko siya para hindi naman sila mag-alala sa akin. Bumalik si Shaylin sa linya at tumakbo na ako paalis sakanila.
I need to be independent, ayoko na umasa sakanilang dalawa. If they're going to protect me for my sake, then who's going to protect them?
Tsaka hindi ko naman talaga hahanapin ang mga kaklase ko, mga importanteng tao lang such as Vayne at Caleb, ako na ang pinakapabayang Head Chief.
Pero, nakakapagtaka, diba doon galing si Vayne sa classroom na 'yon? Doon siya nakapuwesto na kung saan tinawag niya ang pangalan ko, puwede kaya si Vayne ang may kakagawan nun?
Kaso imposible naman, bobo 'yon eh, hindi naman niya kayang gawin 'yon.
Nakaabot rin ako sa likod ng school guards, kung saan mo makikita ang mga malalaking sakura tree, asan si Caleb? Linoloko niya lang ba ako? Kala ko ba gusto niya magkipagkita sa akin dito, tapos siya yung wala?
Oh well, aalis nalang ako dito.
"Lalaine", saan galing ang boses na 'yun? Si Caleb ba 'yon? Nasaan ba kasi siya?
"Caleb, hindi ako nakikipaglaro, ah. May gagawin pa ako pagkatapos nito kaya make it quick, Sebastian", seyoso kong sabi habang nakacrossed arms ako, siya dapat ang magpakita sa akin.
"Can't you remember me?", at last, nagpakita rin siya, tsaka what's with that weird question? Remember? I can't recall na naging parte siya sa buhay ko, is he mocking me or what?
"Really Caleb? Pinapunta mo lang ako dito para sabihin 'yan? You're just wasting my time", at tumalikod na ako sakanya para umalis na. Kung alam ko lang na nakikipaglokohan lang ito sa akin, edi sana hindi na ako nagpunta pa.
"Of course, hindi mo pa maalala, dahil hindi pa siya nare-restore. Oh, silly me", he kept talking while I'm walking away from him, wala akong pakielam sa pinagsasabi niya.
"Tinawag kita dito para umiwas sa Felo-de-se", napatigil ako sa paglalakad nanag sabihin niya 'yan.
How come alam niya ang Felo-de-se?!
Nilapitan ko siya agad at hinugot ko ang collar niya palapit sa akin dahil sa sobrang galit nanaman na nararamdaman ko, "Ako? Ako ang umiwas ? Baka ikaw", it's not like I'm threatening him or what, pero sinabihan na rin akon'yan nina Ethan at Connor.
What's with these guys, nowadays? Bakit napakamisteryoso niyong tatlo?
"I'm serious, Lalaine. Kilala ka nila, at ikaw ang pinaka-target nila, that's why I transferred here to protect you. Believe me or not, we used to be classmates at S-Zodiac class, together with Ava", paano niya nakilala agad si Ava, eh kakatransfer niya lang?
O baka lahat ng sinasabi niya ay totoo? Pero bakit ganoon? WALA AKONG MAALALA! SHIT!
Binitawan ko ang kuwelyo niya at hinayaan ko siya mag-salita, to convince me that's he's really telling the truth.
"I know it's not the right time for you to know all of this, pero kahit papano, kailangan mo rin maging aware sa mga pangyayari, be observant, Lalaine. At least may alam ka na rin tungkol sakanila, sa mga Felo-de-se. Hindi mo kilala kung sino ang mga kaibigan mo at ang mga taonakapalibot sa'yo, hindi ko sa'yo puwedeng sabihin kung sinu-sino sila dahil ang mga aksyon mo ay napakasuspicious", naiinis ako sa sarili ko dahil baka totoo nga lahat ang sinasabi niya. Naguguluhan pa rin ako, bakit may Felo-de-se? Magkaklase na pala kami dati, pero paano? At ano ba 'yan na S-Zodiac na pinagsasabi niya?!
"Lalaine, alam ko na naguguluhan ka ngayon, kaya mag-relax ka na muna, kalimutan mo muna lahat ng sinabi ko at protektahan mo muna ang sarili mo. Maalala mo rin ang lahat sa September 12, huwag ka magmadali, dahil naplano itong lahat", should I trust this guy? Tsaka sino ba ako para sundin lahat ng sinasabi niya? Tsaka gusto ko malaman kung ano ang ginagawa niya sa soccer field kahapon, na kung saan na-ambushed kami ni Connor ng dalawang lalake na nakaitim na mask.
"How can I believe you? To see is to believe nga, diba? Siguro ikaw yung lalakeng nakasuot na itim na mask kahapon, no? Kasabwat mo sila? Stalker na nga, isang killer pa", pilosopo kong sabi, ngayon lang ako magiging bad-ass bitch, ayoko ipakita sakanya na apektado ako sa sinabi niya. Dahil hindi natin alam, na baka isang TRAP lang 'to at balak niya talagang akitin ako.
"Lalaine, dahil kahapon lang ako nag-enroll, at hindi ko naman sinasadya na makita ko lahat na 'yon, you used to be like that, diba? You used to be a killer, Lalaine, 'yon ang talent mo kaya ka naging scholar ng Hermanitch Academy, dahil ikaw ang Ultimate Killer, ikaw pa nga ang nag-wipe out ng army sa Mindanao, napagkamalan kang Abu Sayaf", ano nanaman ang pinagsasabi nito? Wag mo sabihin na ako ang pumatay sa Fallen 44? Ni hindi nga ako marunong mag-hawak ng kutsilyo!
"Tsaka kailangan mong maniwala sa akin because I'm the one who saved you from the accident, 4 years ago. Ako ang nag-alaga sa'yo pagkatapos ng aksidente", bigla nag-flash back ang lahat sa isip ko. Naalala ko na naaksidente ako noong 12 years old ako, akala ko nga patay na ako, eh. Pero dapat mamatay ako that time, until a miracle arrived.
Si Caleb ba ang miracle na 'yon?
"Caleb, you're confusing me-", "I know, I know, sinasabi ko lang ito sa'yo, dahil ayokong iwasan mo ako, dapat hindi ka mawala sa tabi ko, at kung alam mo lang", napataas ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya.
Kung alam ko lang na ano?
"Spill it out, Caleb", utos ko sakanya na nakacrossed arms pa rin.
"Kung alam mo lang na we used to be a couple before"
Eto? Maging boyfriend ko? Sino ba ang magkakagusto sakanya? Saang parte ba ako nagkagusto sakanya? Sa puti niyang buhok?
That's it! Inuuto na ako nitong Caleb, below the belt na ang sinabi niya, pagtatawanan ko nalang siya pagkatapos nito.
"'Yon lang ba ang gusto mong sabihin?", sabi ko sakanya at napabuntong hininga naman siya.\, dahil lahat ng sinabi niya ay hindi tumalab sa akin.
"Hay, Lalaine. Hindi pa rin ba naniniwala sa akin? Sa tingin mo ba walang dahilan ang pag-transfer ko dito at kausapin ka sa likod ng School Guards?", still, hindi pa rin ako makumbinsi.
"Paano kaya kung sabihin ko sayo?", nagulat ako na mas naging seryoso ang mukha niya pagkatapos niya 'yan sabihin, nag-glow ang pula niyang mata at ngumisi sa akin. Sobrang nakakatakot ang tingin niya, parang balak niya akong patayin. Naramdaman ko na bumaliktad ang mood ng atmosphere, na siya naman ang bad-ass bitch ngayon.
"Sabihin ang alin, Caleb?", pabitin talaga 'to! Puwede naman kasi sabihin na direstyuhan! What's the catch, Caleb? Ano ang sasabihin mo?
"Paano kaya kung sabihin ko sayo na isa sa mga kaibigan mo ay isang Felo-de-se?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro