VIII. A Prey of Disclosures
29th of August
Lalaine Neferet
This Caleb is getting into my nerves, I want to kill him as soon as I laid my hands on him. "If you really want to talk to me, badly. Meet me up at Sakura/Cherry Blossom Tree, behind the school guards. I have so much to tell you, Lalaine", sabi ni Caleb sa likod ko, nagkunwari nalang ako na hindi ko siya naririnig. Kung kausapin ako nito parang ang close namin, akala niya madadala ako sa way of pananalita niya. But I have this tremendous feeling that Caleb and I used to be friends, I just really can't remember, or is it only just a thought? Kung ganun, edi sana naalala ko siya simula nung pumasok siya sa classroom.
Ang susunod na subject namin ay English. Hindi kami kagaya sa ibang section na pag walang teacher, magulo. Nakaupo lang kami sa aming upuan at tila naguusap lamang na hindi maingay. Pumasok na rin ang aming English teacher at inayos namin ang pag-upo at ang sarili. "Goodmorning class", sabi nito. Tumayo kami at "Goodmorning teacher", "Okay, you may now sit down", ganito kami tuwing may papasok na teacher.
"Since I'm already done lecturing your lessons for this second grading. Let's have a recap!", sabi ng teacher namin, habang inaayos ang projector niya at laptop, as always.
"Who invented the Vigenère cipher?", tanong ng teacher namin habang isa-isa kaming tinitingnan. "You! Answer my question and introduce yourself as well", turo nito kay Caleb. Paano naman 'yan masasagot ni Caleb eh kakatrasnfer lang? Loka loka talaga 'tong teacher namin. Ako nalang ang sasagot sa tanong niya. I was about to raise my hand--"Blaise de Vigenère", napalingon ako sakanya. Alam niya?
"Very good, but who originally described this method?", dugtong na tanong ni teacher. M
"Giovan Battista Bellaso, that's why Vigenere developed a stronger autokey cipher, also known as autoclave. And the tabula recta you're holding is only used for autokey cipher", lahat kami ng kaklase ko napanganga sa sagot niya, pati na rin ang aming guro. Hindi kami tinuruan ni teacher ng 'autokey cipher' , masyadong siyang advance para sa esson namin.
Siguro hindi na namin siya kailangang turuan pa. He can handle his self.
"Caleb Gabriel Sebastian from State University", ngumiti ito sakanya at umupo na.
Natapos ang morning class namin, isang grupo na lalake lumapit sa kanya at gusto gawing kaibigan, marami rin na babae nakatitig kay Caleb. "Time for lunch", sabi ni Zoe palapit sa akin, mukhang wala itong paki sa transferee student. "Let's go", yaya ni Shay, even Shaylin doesn't give a shit.
After lunch, we start our afternoon classes at the library. Subject? History. We're doing a book report. And of course, kaming tatlo ang magkasama sa isang lamesa, napalibutan kami ng mga enclosed book shelves, kaya parang nasa tagong lugar kami. Si Zoe ang nakahanap nito dahil ito lang daw ang may bakanteng lamesa. I don't know why kung bakit itong lamesa lang ang may ganito, at ang area nito ay parang pentagon. Secured and noise-free.
"Hey, guys!", ang hindi inaasahang paglapit ni Connor sa amin. Of all places, dito pa talaga sa pentagon-area? "Diba, may sariling library kayo?", masungit na sabi ni Zoe ni hindi lamang tiningnan si Connor dahil busy ito mag-sulat. "Yeah, pero ang hinahanap namin na libro ay nandito", naglakad pa sila papunta dito para sa libro na 'yan? Kada classroom kasi ng mga Grade 10 may sariling library, canteen, social area. Napakaespesyal talaga lalo na kung Hephaestus ka.
"Anyway, nakuha ko na ang hinahanap kong libro. Bye, girls", paalis na siya at inangat niya ang hawak niyang wooden book na may embossed gold logo
"Nakita mo na si Caleb?", napatigil ito sa kanyang paglalakad ni hindi lamang ako nilingunan. Seryoso ata 'to.
"Si Sebastian? Kaka-transfer lang, sikat na agad, eh", at umalis na siya. May pinapahiwatig ba siya sa sinasabi niya? Bakit ibang Caleb ang nakikita ko ngayon?
Tumayo ako at lumabas,nagiging malikot ang mata ko kakahanap sakanya bawat sulok ng library. Hindi ko na nakita si Connor dahil crowded ang library. Grabe, apat na section ang nandidito. Apollo, Hephaestus, Hermes (Grade 7) at Tyche (Grade 8).
Bago ako pumasok sa pentagon-area, nakita ko si Caleb, napalibutan nina Ethan at Erin Bates. Tama si Caleb, sikat nga, sa sobrang sikat nakaabot na sa ibang section. "Oh, ano namanang nangyari sa'yo?", sabi in Shaylin habang nakatingin ito sa akin papasok sa pentagon-area.
"That was weird", sabi ko sa sarili ko, "Weird? Ang alin? Baka ikaw, you're acting weird, Lalaine", ani ni Shay. May naapakan akong bagay na muntik na ako mapadulas, dumikit ito sa sole ng sapatos ko at kinuha ko.
Shit.
"As long as you don't yearn for hope. You'll never fall victim to despair".
Ano nanaman ito?!
Bakit dito pa?!
Hindi ako makagalaw sa takot.
Ang mga clues na hinahanap namin ay kusang binigay sa amin!
Paano nalaman ng killer na nasa sa amin ang mga clues niya? Lahat ng pinapahiwatig niya!
"Lalaine!", nagalit si Zoe sa weird actions ko, dahil hanggan ngayon nakatulala pa rin ako. Lumapit si Shay sa akin at kinuha ang papel na hawak ko. "Ano ba kasi ito? Book report mo?", sabi ni Shaylin na hindi pa binabasa ang clue.
Nang basahin na ito, na-crumpled niya ito sa sobrang galit. "Who the hell is doing this to us? Bakit sa atin mismo binigay?", galit na galit si Shay habang si Zoe naman ay naguguluhan sa pangyayari. Oo nga pala, hindi niya ito alam, simula nung umalis siya sa school para sa libing ni Sylvia.
"What the hell is going on, guys? Why are you all freaking out?", tanong ni Zoe. Napahawak si Shaylin sa kanyang noo at napaupo, "Ganito kasi 'yun, napansin namin na may iniiwang clues ang killer sa mga namamatay na estudyante dito sa Hermanitch Academy", explain ni Shay kay Zoe, "So ang clue na nasa katawan ng kapatid ko ay nasa sainyo?", tanong ni Zoe sa aming dalawa. "Uh-huh", sagot ni Shaylin.
"Pero, bakit andyan sainyo ang clue? Diba dapat nasa corpse 'yan?", tanong ulit ni Zoe, hay. Hindi niya kami nagegets.
"Zoe, this is not the clue na nakuha namin. Bago 'to! Bago itong clue!", pinagmukha pa ni Shaylin ang hawak niyang crumples paper sa harap ni Zoe.
"Eh bakit nasa sainyo na agad? Or maybe?", napatingin kaming dalawa ni Shay kay Zoe, para sa susunond niyang sasabihin,
"Kayo na ang masusunod mamamatay".
~*~
Kami na ba ang susunod? Ang susunod na mamamatay?
"Paano na 'to? Ano gagawin natin?", sabi ko habang nagla-lakag lakad sa loob ng pentagon, natataranata.
"Uh? Natin?", talaga lang Zoe?
"Syempre, alam mo na ang mga clues at ang pangyayari. Damay-damay tayo", sabi naman ni Shaylin. Hindi kami makapag-isip ng mabuti.
"Ano na ang gagawin natin?"
"Wag na muna natin 'yan isipin. Dapat malaman natin kung paano ito nakapunta sa atin", iniisip ko kung si Connor ba, dahil siya lang ang pumunta dito sa pentagon. O baka may nauna sa amin dito? Baka para sakanila ang clue na ito at hindi para sa amin? Imposible naman na mahula ng killer na pupunta kami dito dahil biglaan lang naman, diba?
Ewan. Naguguluhan ako.
We sudden felt despondency. Paano namin ito matatakasan? Araw-araw ay binabantayam kami nito parang CCTV.
"Dapat tayo ang makakalapit sakanila bago sila makalapit sa atin", sabi ni Shaylin, nawala ang nerbyos nito, habang ako, hindi na makapagisip ng matino. "Paano tayo makakalapit sakanila? Eh, hindi nga natin kilala?", sabi ni Zoe, kahit kailan Zoe, nakakatulong ka talaga. "We'll just have to wait-" "Wait? Nababaliw ka na ba, Shaylin?", nagtaas ang boses in Zoe. God, sana hindi sila mag-away dito dahil nakakahiya naman sa labas, naririnig ang boses nila.
"Uh, guys. Pinapabalik na tayo sa classroom", sabi ng isa kong kaklase. Mabuti nalang at dumating ito kundi magsasabunutan na ang dalawa. You're a life savior. Umalis na kaming tatlo sa Library, dala ang aming gamit, kasama ang mga kaklase ko.
"Lalaine, excuse ka daw ngayong hapon. May ipapagawa sa'yo ang Supreme Government, let me escort you", pagbungad sa akin ng Assistant Head Chief, na si Alexcia, bago pa ako makapasok sa classroom. "Para saan?", tanong ko sakanya. "I don't know either. Head Chief duties, I think?", naalala ko tuloy yung oras na dapat si Alexcia ang maging Head Chief, hindi ako. Sinamahan niya ako sa Supreme Government's Office.
Andito ang mga namumuno ng activities sa Hermanitch Academy. Mga estudyante rin sila, pero mas mataas ang posisyon nila kaysa sa amin. Let's say, kung may Head Chief ng Apollo, may Head Chief rin ang Hermanitch Academy.
"Hanggan dito nalang ako. As an assistant, it's also my job to keep you safe", naguluhan ako sa sinabi ni Alexcia, kaya ko naman dito pumunta mag-isa, eh. "Uh, thanks. Babalik ka na sa classroom?", tanong ko sakanya, bago ko buksan ang pintuan nito, "Hindi, hihintayin kita dito sa labas, hihintayin kita matapos", ganyan rin ba ang trabaho ng mga assistant? Bodyguard ng mga Head Chiefs?
This is getting weirder.
"Sige. I'll make it quick", sabi ko sakanya at binuksan ang pinto. ayaw ko may naghihintay para sa akin, nakakakonsensya.
"Hello?", akala ko ba office? Bakit may corridor at hall dito? Parang nakapasok ako sa isang building. "May tao ba?", sigaw ko sa loob. Grabe, ang laki talaga dito. First time ko makapunta. Well, only restricted persons lang ang puwedeng pumasok.
"Are you Lalaine Neferet? Apollo's Head Chief?", isang estudyanteng babae, nakasuot na bright navy blue na blazer na may golden pin sa collar. "Opo", sagot ko sakanya. "Then, follow me. First time mo ata makapunta dito. I'm Emma Madelyn, the Supreme Government's Secretary, lahat ng officers ng Supreme Government ay hindi naman obligado pumasok sa classroom nila, dahil ito ang bagong classroom namin", ah. That's why, hindi ko kilala kung sino ang mga officers nito dahil andito lang pala sila araw-araw
"Kain, tulog, aral, trabaho, asikaso at meeting. Ganyan ang everyday cycle namin dito. Dorm at office lang ang pinupuntahan namin. Period", parang hindi 'estudyante' ang buhay nila dito, para sila nasa isang company, pwede na magtrabaho.
"Lima ang kwarto dito. Yun ay, meeting hall, room for officers, where we do our 'work', a room where all documents are kept, we call it the 'chamber', a canteen, and the Head Chief's office", I didn't expect that this would be huge! Why is it called 'office', kung may canteen sa loob? Sosyal pala ang buhay nila dito.
"Tinawag ka ng Head Chief dahil may ipapagawa sa'yo. What Ava usually does", sabi ng Secretary. "We're here", at kumatok siya sa pintuan nito, pinapasok niya ako sa office ng Head Chief , sabi niya hindi siya pwede pumasok unless sabi nito.
"Welcome to my office, Lalaine", familiar ang boses. First time ko makilala ang Head Chief ng Hermanitch Academy. Kilalang kilala ko ung sino ito!
"Missed me?", at inikot ang office chair sa harap ko.
I knew it!
It's AVA!
~*~
"I want you to compile all the files about Caleb Gabriel Sebastian at the chamber and bring it to me", she's still calm as always. That's why she left Apollo, because she has more potential than just a normal Head Chief. She has the right to be in this position. She deserves it.
"How did you-? I have so many questions in my mind", sabi ko sakanya. Amazed.
"Mamaya, ikuwento ko sa'yo lahat. But first, gawin mo muna ang pinapagawa ko. Only you have the authority to hold those files of Apollo", at may inabot siya sa akin na isang makintab na susi, na may embossed logo na hindi ko matandaan kung saan ko 'to huling nakita.
"Here's the key. Sa chamber at sa cabinet", iisa lang ang susian nito? "Kung may intensyon ka man mag-bukas ng ibang cabinets, sadly to say, hindi mo mabubuksan. Dahil once nabuksan mo ang chamber gamit ang susi na 'yan, ang Apollo's cabinet lang ang automatically mag-bubukas. Because that key is exclusively for Apollo. If you use other keys, such as the Poseidon's, ang cabinet lang ng Poseidon ang mabubuksan mo. Unless you have all the keys with you", hindi ko alam na may ganyan pala dito. Napakahigh-tech ng iskwelahan na ito.
"Sige. Salamat sa info, Ava or should I call you, the SSG Head Chief" and I winked at her and left. Syempre, alam ko kung nasaan ang chamber, nadaanan namin 'yun ni Emma sa corridor.
And here we are, I wonder kung may mga sikreto ang mga kaklase ko dito. Binuksan ko na ang pintuan ng chamber, binuksan ko ang ilaw, sunud-sunuran nagbukas ito hanggan sa dulo, nasa harapan ko ang corridor at habang nasa gilid naman ang mga 'cabinets', you called this cabinets? Para silang kwarto!
Nahanap ko rin ang 'cabinet' ng Apollo, at binuksan ito gamit ang hawak kong susi. All 10 drawer packs are lined up horizontally on the left side of this room, with our names each. There's a long table and a computer on the right corner.
And of course, I want to look at my files first, just a peek. Our names were arrange alphabetically, A-Z. Kaya nahanap ko agad ang drawer ko.
"Neferet, Lalaine Etherious"
I didn't recognize that I have "Etherious" in my name, oh well.
Nagbungad ang sandamakmak na papel sa akin nang buksan ko ang drawer ko. Ganito rin kaya kadami sa mga kaklase ko? Kinuha ko ang papel na nakauslot. Ang application ko sa pagpasok sa Hermanitch Academy, sumunod dito ang birth certificate ko.
Teka!
Bakit mali?
"Lalaine Etherious Neferet, S-class Zodiac. Skill and Weapon: Quinque. Went undergo private tuition, Genesis Training, under the age of 13 to 15 years old", binasa ko ang summary vitae ko sa application. Puro kasinungalingan ang andito! There's no way I went on training these past few years, pero I can't seem to remember anything. Ang pagkakaalam ko, simula Grade 7 ako, andito na ako sa Academy, nag-aaral, with Shaylin and Zoe.
And what the hell is Quinque?
May nakita akong "Confidential" folder. Kinuha ko ito, at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Is this really me?
I have a miniature set of red threads that appeared to be two x's are stitched on below my right eye. One below on my bottom lip and a line of several stitching threads from my upper neck downward, and several more around my right arm and hand. My attire consisted of a white suit with sleeves rolled up to the elbows, left halfway buttoned and polka-dotted red suspenders that supported my black pants and a pair of red slippers. It shows that frequently wore a black suit above all this, with rolled up sleeves. I look pale in this frame-sized picture and have pure shoulder-length white hair.
Hindi ko maalala na marami akong tahi sa katawan ko, at puti pala ang buhok ko. Ayaw ko sana maniwala na ako ito, pero suot rin nito ang red hairpin na may Roman Numeral na XIII, which is suot ko pa rin itong hair pin na 'to.
Sa sobrang galit ko, ibinalik ko lahat ng papeles sa loob ng drawer at tinulak ko ito upang masara, wala naman akong balak sirain 'to, eh.
Hinanap ko ang pangalan ni Caleb. Ayun!
"Sebastian, Caleb Gabriel"
Ang bilin lang sa akin ni Ava ay idala lang sakanya itong compiled files ni Caleb sakanya, pero hindi naman niya malalaman na pinakielaman ko, diba?
Anyway, binuksan ko agad ang 'Confidential' folder niya at binasa ang application form niya.
"Caleb Gabriel Sebastian, S-class Zodiac. Skill and Weapon: Unknown. Went undergo private tuition, Genesis Training, under the age of 7 to 16 years old".
Akala ko ba galing siya sa State University? Wala ako nahanap ni isang file tungkol sa dating paaralan na pinasukan niya!
And what shocks me more.
Magkaklase na pala kami dati?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro