IX. The Gambler's Story
29th of August
Ava Grace Peyton
"Sinabi ko bang galawin mo?", sabi ko kay Lalaine, habang inaayos ko ang compiled files ni Caleb in order, dapat palaging nasa itaas ang application form before anything else. Well, of course, gagalawin ni Lalaine dahil curious siya. And because of that curiosity, may nalaman na siya na hindi pa dapat puwedeng malaman.
"Sorry, hindi ko na sinasadya", sabi nito, pero makikita mo sakanya sa mata niya, matinding galit. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sakanya pero alam ko may koneksyon ito dito.
"Sige, you may go now. Mag-usap nalang tayo next time", at umalis na rin siya.
Nakapaghinga rin ako ng maluwag, "Mabuti nalang at 'yun lang ang nalaman mo, the minor ones", sabi ko sa aking sarili. Wala sa kalahati ang alam ni Lalaine tungkol dito. Thank goodness, dahil hindi pa ngayon ang oras na dapat malaman mo ang lahat, Lalaine.
Kinuha ko ang itim na notebook ko, at binuklat sa page 4, "Oh shit, today's August 29, the Third's restoration!", kailangan ko na pumunta sa lab, lalo na't ang hirap asikasuhin itong babaeng 'to, baka isipin niya may gagawin kaming masama sakanya, that's why we need to be careful this time.
The ultimate popular one, sana maintindihan mo ang sitwasyon at hindi puro kaartehan ang ipapakita mo sa amin o baka gusto mo masapul kita d'yan.
Hay, Vayne Racosa.
~*~
Vayne Racosa
"Pinapapunta ka ni sir Luigi sa lab, Ms. Racosa", isang babae na nakaantipara lumapit sa akin, hinarangan ang daan ko papunta sa classroom. Paano niya nalaman ako si Racosa? Well, of course, sino ba ang hindi makakakilala sa akin dito? Ang pinakapopular na babae sa eskwalahan na ito.
Paano na kaya kung kinuha pa 'to ng Racosa sa kamay ng mga prime ministers ng Hermanitch Academy?
Our family is very noble, yet the most powerful descendant in Asia.
Maraming tao nainggit sa akin at kinakaibigan lang ako para sumikat rin sila, wala namang permanenteng kaibigan sa mundo, lalapitan ka lang pag may kailangan. May mali ba akong nagawa kaya ayaw nila sa akin?
I'm just playing with their lives, not ruining it.
Nakarating rin kami sa lab ni ate na naka-antipara, puti ang buhok nito at palaging seryoso ang mukha. "What does sir Luigi want from me? Fame? Money? Power?", naartehan si ate sa pananalita ko. Hindi niya sinagot ang tanong ko, kaya tinarayan ko nalang ito. "Oo talaga, may kausap ako. Duh", sabi ko.
"Sana bumalik na ang dating Vayne, dahil mapapatay ko na 'to", did she just fucking smirked? Napatingin ako kay ate na marinig ko ang sinabi niya. I don't care kung naasar man kita, pero ako? Mapapatay niya? Tingnan lang natin kung sino ang mauuna sa ating dalawa.
Binuksan niya ang pintuan, as soon as I went inside the lab, agad niya naman ito sinarado, sabay lock pa. Is she trying to kidnap me? Kung ano man ang binabalak niyang masama, hindi ako natatakot.
"Right on time, Erin. Let's now proceed to restoration while waiting for the others", biglang lumabas si sir Luigi sa isang madilim na lugar. So, Erin pala ang pangalan nito?
"Vayne, halika at may pag-uusapan tayo", sir Luigi said ina serious way, as he turned around while holding the end of his labcoat.
At dito nalaman ko na may gagawin sila sa akin.
Very awful.
~*~
Sumakit ang ulo ko pagkatapos akong tusukin ng syringe sa ulo at sa kaliwang kamay ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Para akong mahihilo at matutumba, sinubukan kong tumayo sa higaan, napa "ARAY!" ako sa sakit, napapikit at napahawak sa ulo, para bang gusto kong sabunutan ang sarili at i-umpog ang ulo sa pader. "Erin! Make her stop!", utos ni sir Luigi kay ate na nakanerd glass, dahil kumuha ako ng walang laman na syringe at balak ko tusukin sa ulo ko, dahil hindi ko na talaga kaya ang sakit, gusto ko an tapusin ang buhay ko.
Maarte kung maarte.
"Vayne! Stop from what you're doing! Pagkatapos nitong lahat, everything's gonna be worth it. Sana please, hintayin mo muna makabalik ang mga memories mo bago mo 'yan gawin", nabitawan ko ang syringe nang sabihin 'yan ni Erin habang pinipigilan niya akong patayin ang sarili ko.
"Please, can someone please explain?", hingal na hingal ako sa pangyayari, wala na akong natitirang lakas. Inalalayan ako ni Erin sa upuan na kung saan andoon si sir Luigi.
"Bago ko sabihin ang main objective natin, you need to remember first your past. Vayne Racosa, isa sa magaling na gambler sa buong mundo, kinuha ka ng Hermanitch Academy dahil sa talento mo, nanalo ka ng 30 million pesos sa edad na dose. Sa totoo Vayne, hindi naging successful ang business ng pamilya mo", ano ang pinagsasabi ni sir Luigi? Pagkakaalam ko na hanggan ngayon, malakas pa rin ang kompanya namin at patuloy lumalakas!
"Namatay ang magulang mo dahil sa maraming naiinggit sa Racosa Corp. Kinuha kita sa nasusunog niyong mansion at inakala ng lahat ay patay ka na. Sa Hermanitch Academy nakuha mo ang talento mo. Isang Outstanding Gambler", hindi! Hindi 'yan totoo! Matagal na palang patay sina mommy at daddy? Nasunog ang aming mansion? Bakit ngayon lang sa akin pinaalala? Bakit tinanggal ito sa memorya ko?
"Sa una, hindi natin afford ang tuition ng Hermanitch Academy, magiging scholarship ka lang o let say, magiging Zodiac student ka, kung may talento ka na pwede ibahagi sa mundo. Unang-una, tumakas ka sa lab ko at pumunta sa isang casino na hindi ko alam. On your very first trial, napanalunan mo ang Jackpot sa isang table game, ang swerte ay palaging nasa sa'yo all this time, that's why you're the Aquarius, the chosen Aquarius.", I get it now. Unting-unti bumabalik ang naburang memorya ko, pero hindi ko maalala kung bakit nga ba binura ito.
"Pagkatapos nun, you started playing poker all by yourself, then you start gambling with the millionaires in the city hanggan sa napagdesisyunan mo magsuot ng Gothic-Lolita style outfit, dahil doon ka makikilala ng mga tao, 'The Dreadful Gambler'. Gabi-gabi, tumatakas ka sa lab ko para makalaro lang sa casino, hindi mo sa akin pinaalam dahil alam ko hindi 'yon nakakabuti sa'yo", napatulala nalang ako at wala akong sinabi, ni isang salita, dahil totoo lahat ang mga sinasabi niya."
"Once you sense someone was going to stab you anytime, itatapon mo ang cards mo sa taas at saka ka mawawala na parang bang bula. Uuwi ka ng umaga at saka ka matutulog, hanggan sa nalaman ko lahat ng pinaggagawa mo, kaso wala naman akong magagawa dahil ginawa mo 'yon para makapagipon ka para sa tuition fee mo dito sa Academy, hanggan sa natuklaasan ng Principal ang taglay ng galing mo kaya ka nagkaroon ka ng scholarship sa edad na 13, at naging parte ng S-Zodiac class", naalala ko na. Magkaklase pala kami ng mga kapwa-Zodiacs ko, black was my favorite color, I always have a weird smile and kindness, but in reality I'm a very dangerous person.
"Hindi ka maarte Vayne, hindi ka mahilig sa pink, hindi mo gusto magpa-rebond ng buhok. Ang kilala kong Vayne ay sumusuot ng itim na damit, kulot ang buhok at palag niyang hawak ang deck of cards niya. An experienced gambler, you appears collected, cold and cunning by nature. You possesses the ability to manipulate others into your bidding and can lie with a straight face. You are shown to be fairly intelligent. You're a very ambitious person, as declared that you will do anything it takes to win, and is ready to go as far as murdering someone or manipulating others in cold blood. Extremely selfish and value your life over the lives of others. Also has a lot of pride, refusing to surrender no matter how far into the corner you've pushed, as long as the chance for victory remains."
"You don't have to hide yourself anymore, Vayne. Be congruent and authentic. Be your true self", ngumiti si sir Luigi sa akin, hindi ito plastik o ano man. Sa buong buhay ko, siya ang tumayong tatay sa akin-sa amin, inalagaan niya kami at pinahalagaan ang buhay namin. Tinuran kami maging independent, tumayo sariling paa at lumabas sa kung ano man ang magiging sagabal sa amin.
Napaiyak ako, hindi dahil sa nangyari, kundi dahil bumalik na ako sa dati kong sarili.
I missed my old self, it;s time to reveal my true colors, kung sino talaga si Vayne Racosa.
Ngumiti sina sir Luigi at Erin Bates.
"Vayne Racosa, we pronounce you as the THIRD Inspirit"
~*~
Lalaine Neferet
"Alexcia, may kinalaman ka ba doon?", tanong ko sa Assistant Head Chief ko habang naglalakad kami pabalik sa classroom, "Alin pong 'doon'?", sa tanong niya palang mapapansin mo na inosente siya. "Tungkol sa iskuwelahang ito?", yet, all the innocent ones have the most hidden secrets.
"As far as I know, Lalaine, ayaw nila matuklasan ng mga tao ang pinaggagawa nila, dahil unang-una - Ang Hermanitch Academy ang isa sa pinakamagandang paaralan sa buong Pilipinas, tumatanggap lang sila dati ng mga estudyante na may kakaibang talento na kaya ibahagi sa mundo, hanggan sa napagisipian ng Head nito na gumawa ng dalawang building", napapamangha ako sa mga sinasabi ni Alexcia, pero bakit hindi ko naman 'yan alam?
"Talaga? Hindi ko alam na may estudyante dito na may mga talento rin", tumango siya sa sinabi ko, para akong tuta dito, walang kamalay-malay at walang alam
"Hindi pa ako tapos, hahaha. So, ang unang building ay kung saan andoon lahat ang mga talentong estudyante nag-aaral at libre ang kanilang tuition, ay kailangan lang nila ay ipalago ang kanilang talento, habang ang pangalawang building naman na kung saan babayad ang mga estudyante ng milyones para makapag-aral sa Hermanitch Academy, ang mga estudyanteng ito ay masasabi natin na wala silang talento, ang education system lang ang habol nila, dahil mas advance ang school natin, lalo na;t isang branch to ng Europe", napatulala ako sa sinabi ni Alexcia, matagal na ako dito nag-aaral bakit ngayon ko lang 'yan nalaman?! Ako lang ba ang ignorante dito?
"Kaso may nangyari, kaya nawala ang pangalawang building at pinag-sama ang dalawang klase na estudyante, mga Zodiacs at Hermans", napatanto ako sa sinabi niya. Pamilyar sa akin ang salitang 'Zodiac', nakalimutan ko na kung saan ko 'yan huling narinig.
"Totoo ba 'yan? Parang nasa isang anime show naman ang paaralan na 'to. Hindi ako makapaniwala na may ganyan pala dito", lahat ng sinasabi ko kay Alexcia totoo, napakainosenteng tao ko naman.
"Imposible naman Lalaine na wala kang alam dito. Hindi mo ba maalala? Lalo na't isa ka sa mga Zodi--", "LALAINE!", naputol ang sasabihin ni Alexcia na may tumawag sa akin, mula sa second floor, bago pa kami pumunta sa ramp ni Alexcia. Maririnig mo talaga ang boses niya dahil hindi pa naman uwian at wala naman gaanong ingay sa building.
Kaso, bakit naman niya ako tatawagin? Eversince na naging kaklase ko siya, hindi niya ako kinakausap o ano pa man, pinapansin niya lang ang mga taong 'cool' at 'popular' para sakanya. Bakit niya ako tatawagin?
"Lalaine! Hoy!", tinawag niya ako ulit. Hindi ko siya pinansin, baka ibang 'Lalaine', ang tinatawag niya. Pero kung maka-'Hoy!' naman siya, parang hindi siya ang kilala kong classmate, Where's the manners? Where's her grace and pride?
"Huwag na natin 'yan pansinin, pumunta nalang tayo sa classroom", yaya ko kay Alexcia.
~*~
Vayne Racosa
"Lalaine! Hoy!", imposible naman kung hindi niya ako marinig, pero napahinto ito sa paglalakad at lumingon ito sa direksiyon ko at bumalik sa paglalakad niya.
Bakit hindi niya ako maalala?
"Vayne, hindi pa nakabalik ang memory niya, syempre 'who you' ka sakanya", sabi ni Erin habang lumalapit ito sa akin, "Bakit hindi pa binabalik ang memories niya? Ano ba ang plano ni sir Luigi?", tanong ko sakanya. Hay, dati ang arte kong magsalita, may paenglish-english pa akong nalalaman, nakakadiri pala. Mabuti nalang at bumalik ako sa dati.
"Maghintay nalang tayo, kahit ako naatat na rin, eh. Gusto ko na siya makasama ulit, kagaya nung dati, kung saan masaya tayong pito sa klase, wala tayong iniisip kundi pahalagahaan lang ang talento at skills natin", malungkot na sabi ni Erin, ngayon ko lang naalala na may tinatago pala ang paaralan sa amin, kaya andito kami para tuklasan ito.
"Kung ako sa'yo Vayne, magiging awkward kung babalik ka sa Gothic-Lolita style mo, dahil ang kilala nilang Vayne ay ang ruler ng popularity, mas maganda kung magpanggap ka na muna, itago ang iyong any, for your sake and sir Luigi's, kung ayaw mo masira ang plano at maagang mamatay", I don;t get her. I thought this school is safe?
"I know what you're thinking, the school was safe before the Felo-de-se stoop in", mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya.
"What's with Felo-de-se, by the way?", I'm so damn confused and curious right now.
"Mas maganda kung huwag mong banggitin ang pangalan na 'yan, sila ang kalaban natin ngayon, iiwasan na muna natin ang grupong 'yan bago tayo umaksyon. Tumatago rin sila katulad natin, dahil iisa ang goal nila, yun ay patayin lahat ng Zodiacs", nagulat ako sa sinabi ni Erin. What the fuck? Uubusin nila ang mga Zodiacs? Ano ba ang nagawa namin kaya nila ito ginagawa? Sino ba sila para patayin kami?!
"For now, tatlo palang ang napapatay nila, sina Sylvia, Josh at Angelie", si Angelie? Ang kaklase ko sa Apollo? Bakit sila pa? Bakit hindi kami harapin?! Kawawa ang mga C-Class Zodiac, oo mgaa C-Class sila habang kami naman ay ang S-Class, dose kami magkaklase dahil hawak namin ang totoong Zodiac.
Nabuhusan ako ng galit at inis! Pag nakita ko sila, agad ko silang papatayin! Mga walang hiya! Mga walang puso!
Hinawakan ni Erin ang kamay ko dahil nakafist ito sa sobrang galit ko.
"Huwag ka muna gagawa ng gulo, it's not our time to show up yet, kailangan natin sumunod sa plano ni sir. Oo, alam ko ang hirap tanggapin na may namatay na batch mates natin, pero iniiwasan rin ni sir Luigi na mapunta ang buhay natin sa peligro", sige, naiintindihan ko naman ang poitn ni Erin, sa ngayon, titiisin ko muna lahat ng ginagawa nila, kailangan ko lang naman ay maghintay, maghintay kung kailan ko talaga silang papatayin.
"Tsaka Vayne, huwag na huwag mo babanggitin at ang pangalan na 'yan, baka anytime, patayin ka nalang nila, hindi natin sila kialal, kung sino sila, kung ano ang kanilang identity, tumatago sila bilang estudyante ng Hermanitch, kaya mag-ingat ka. Alam ko may kaklase kayo na isang Felo-de-se, hindi ko na babanggitin ang pangalan niya, dahila alm ko may gagawin ka sakanya at doon masisira ang plano, kahit sa section ko, mas marami", at tumawa si Erin na parang timang.
Ano naman ang nakakatawa doon? Tsaka bakit ang chill niya? Hindi niya ba alam na nasa peligro rin ang buhay niya?!
"Hindi natin alam kung nasaan sila, dahil magaling sila tumago. At hindi natin alam na inoobserbahan na nila tayo, kagaya ngayon, may nakikinig sa usapan natin", nagulat ako sa sinabi Erin at nang may itapon siyang matulis na bagay sa isang pintuan.
Paano niya na-sense na may nakikinig sa usapan namin? Kahit kailan, aktibo pa rin ang Sixth Sense ni Erin, ito pala ang kanyang talento, nakakapag-sense siya agad kung may palapit sa amin na kalaban o may papatay like the last time, 20 meters away, malalaman na niya kung sino at saang direksyon ang papatay sa amin.
That's why kinuha siya ng Hermanitch Academy.
Binuksan ni Erin ang pintuan na kung saan nakatusok ang matulis niyang kutsilyo. Section 'to ng Grade 8 level, sino ba naman na Grade 8 ang interesado sa topic namin?
Pagbukas ni Erin ng pintuan, ang tenga nito ay nakatusok sa kutsilyo.
Patay na ata 'to, I think. Naging itim ang balat nitong lalake habang nakabuklat ang mata, makikita mo sa expression niya na nakikinig siya.
Magaling talaga si Erin, kahit kailan.
"Namatay siya dahil ang kutsilyo na nakatusok sa tenga niya ay may halong vernom. 1ml of my venom can kill a blue whale", explain ni Erin sa akin habang pumasok ako sa classroom nitong lalake at sinirado ang pintuan. Bakit sya lang ang tao dito? May P.E activity ba ang mga kaklase niya? O baka may lab activity? O nasa Library lang? Kaso bakit naman siya naiwan dito? Nakakapagtaka.
Napansin ko na may tattoo ito sa batok.
Parang puso?
"Erin, tingnan mo 'to", utos ko sakanya, nang lumapit siya sa akin, at pinakita ko sakanya ang tattoo sa batok, napatanto siya.
"What's that? A crest? Insignia or something?", sabi ni Erin. From the looks of it, mukha nga siyang insignia.
Wait!
Is this the "Felo-de-se's insignia?!", aba at sabay pa talaga kami Erin!
So ganito ang itsura ng logo nila, huh? At least may alam na rin kami tungkol sakanila.
MWAHAHAHAHAHA! That was supposed to be my evil laugh, but nevermind.
"Kawawa naman 'tong bata, he died in vain", ani ni Erin, pero kahit na, isa siyang Felo-de-se! Walang nakakaawa sa mga Felo-de-se! They deserve to die! To died in vain! MWAHAHAHAHA!
When you're trying to be a hero here, but it doesn't suits to your character.
"I wonder kung totoong tattoo ba 'to o parang henna lang", sabi ni Erin habang hinahawakan niya ang batok nito (para siyang 'himas' pero hindi ko alam kung ano ang tawag doon), pagkatapos nitong hawakin, ang pulang tattoo ay nangitim.
What the hell? Nagcocolor coding ba 'to?
"Shit", napalingon ako sa sinabi ni Erin na bigla nalang ito napaatras.
"Bakit?! Ano nangyari?", why did she stepped back? What's with the black tattoo, anyway?
Kinuha ni Erin ang kaliwang kamay ko at hinila ako palabas ng bintana.
We just jumped out of the window! From a 2 story-building!
At sakto sumabog ang classrooom which cause my ear to hear a cringe sound, at parang natulak kaming dalawa dahil sa explosion at napabagsak sa mabatong damo.
Hiningal ako sa pangyayari, kinakausap ako ni Erin pero hindi ko siya naririnig dahil parang nabibingi pa rin ako.
Lumipas ng tatlong minuto, nakatayo lang si Erin at nakatitig sa nasusunog na classroom.
"We need to report this to sir Luigi, immediately", ani ni Erin, calm as ever. Hindi niya ba nakikita 'tong kalagayan ko?! Sa tingin niya okay na ako pagkatapos yun mangyari?
"S-saan galing 'yong bomba? Wala naman tayong nakitang implanted bomb sa classroom, diba?", nauutal kong sabi habang pinupunasan ko ang mga pawis ko gamit ang kamay ko dahil sa init.
Nang sabihin ito ni Erin, hindi ko ako makapaniwala sa sinabi niya.
"There wasn't an implanted bomb. It was the tattoo".
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro