III. Renzoku Satsujin-han
13th day of August
Shaylin's Point of View
Eto nanaman tayo, kinakabahan nanaman si Zoe.
Hindi kikibo si Lalaine kung hindi kami binatuhan ng libro. "So, ano ang gusto mong mangyari?" hindi naman sa wala akong pakialam sa nangyyari ngayon, dahil kung meron man, madadamay ako dito.
"Gusto ko sanang bantayan siya and wait for the next day to come. Siguro my vision can only last for a day. Ano sa tingin niyo?"
"Vision is seeing the future. And what you had saw is your sister being-Ano ang nakita mo sakanya?"
"Uh. . . B-being bathe in a. . . a . . .a p-pool of blood"
That's odd.
Ang likot ng mata niya, kung saan-saan siya tumitingin.
"P-pool? As in a p-pool?" I mimicked her. Wow, nag-isip ka pa.
"Why are you stuttering? Not sure about it? Imbento mo lang?" napansin rin pala ni Lalaine
"Because I'm nervous, okay?"palusto naman ni Zoe.
"Talaga lang, ha" sabi ko.
Sa tingin ko, grabe ang mangyayari bukas, Bukas? Pwede naman next week o sa mga sumusunod na araw. Ayoko nang madamay. At hindi ko na hahayaan ang sarili ko mapunta sa peligro.
Ulit.
"Ano ang plano mo?" I asked her and she didn't answered back. Wala ba akong kausap?
I took her 20 seconds, yes, 20 seconds, bilang na bilang ko talaga, na sagutin ako.
"I-I don't know" sabi ni Zoe.
"Yun lang" at napakamot si Lalaine sa batok niya.
"Ganito, ano kaya kung isa satin magseat-in na muna sa klase niya for the whole afternoon, ngayon ha? Ngayon. And the next day, iba naman ang magbabantay sakanya"
Okay naman yung plano ni Lalaine pero "Seat in? Papayagan ba tayo niyan mag seat-in?" sabi ko
"Pwede naman, in a way of magoobserba kuno sa klase ni madam ganito ganyan. Easy bro"
"Paano naman kung gabi?" kasi hindi natin alam, diba? Baka wala si Zoe sa dorm nila mamaya.
"Dork, si Zoe na ang bahala niyan, magka-dorm lang naman sila, eh"
"Wala naman siguro pupuntahan si Zoe mamaya, diba, Zoe?" as I faced her. She looks nervous, alright.
"Uh, yeah . . . right"
Then I faced Lalaine "See?" sabi niya sa harap ko. "Sige" sabi ko naman.
"So, sino ang magbabantay kay Sylvia mamaya?" tanong ko
"Pwede naman siguro na daan daanan nalang natin ang classroom nila. Because we might be suspicious by her classmates" sabi ni Zoe
"Suspicious? Hindi naman tayo magpapatay ng tao diba? God, Zoe" and Lalaine chuckled.
"Pero tama naman yun, yun na muna siguro ng gawin natin. Nakakatamad rin minsan magstay sa isang classroom na walang ginagawa" sabi ko.
"Pwede rin" sabi ni Lalaine.
"Diba?" and Zoe just smirked at us.
"Unlock the doors, baka kasi mapagkamalan pa tayong magnanakaw" Lalaine said and laughed.
"Next subject?"
"English po"
Hinintay namin mag-ring ang bell at pumasok ang mga kaklase namin, bumalik na kami sa aming proper seat, pinaghiwalay kami ni sir Luigi kasi ang ingay DAW namin, mas maingay pa sa lalake. Oo ba? Hahaha. Hindi naman sila nagtaka kung bakit kaming tatlo ang nauna pumasok. Paki nila.
At pumasok na rin si madam Ruth pagkatapos.
"Good afternoon, madam"
"Be seated. Let's start our lesson about Blaise de Vigenère" In-on ang projector at pina-off yung mga ilaw.
"The Vigenère cipher is named for Blaise de Vigenère. Although Giovan Battista Bellaso had invented the cipher earlier, Vigenère did invent a stronger autokey cipher. The Vigenère cipher is a method of text by using a series of different based on the letters of a keyword."
Cipher, huh? I thought it would be another boring lesson. At himala na lahat sila nakikinig, parang wala silang balak mag-ingay. And first section 'to, marami silang expectations samin, kahit mukhang imposible naman. Lahat mga kaklase ko, pati sina Shaylin at Lalaine nagkokopya, ako lang siguro ang hindi. Mabuting estudyante, no?
"In a , each letter of the alphabet is shifted along some number of places; for example, in a Caesar cipher of shift 3, A would become D, B would become E, Y would become B and so on."
Hanu daw? Yung A magiging D, tapos B magiging E? Bakit magiging D yung A? Minsan, hindi ko maintindihan ang lesson sa English, kahit wala naman sa libro, tinuturo samin. Ang gulo naman ng cipher o baka ako lang yung magulo hahaha.
"The Vigenère cipher consists of several Caesar ciphers in sequence with different shift values. To encrypt, a table of alphabets can be used, termed a tabula recta , Vigenère square, or Vigenère table. The method of encryption known as the "Vigenère cipher" was misattributed to Blaise de Vigenère in the 19th century ".
At pinakita samin ni madam yung tubul recta? Tubul ba?
Hawak niya yung recta mismo. Ay, wow. Meron pala siyang ganun, at balik nanaman sa topic. Habang tumatagal ang lesson, mas inaantok ako. Sa umpisa lang ako nakinig, kasi akala ko maganda yung topic.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
~*~
"Shaylin is coming!"
"I can't believe that she killed her friend"
"Gosh, she's looking at me" Wag kang feeler.
"That's Shaylin? Omg. She looks like a Demon" Am I? Ha.
"Bakit siya may dalang katana? Diba bawal yan dito?" Paki niyo ba kung may dala akong katana? Edi magdala rin kayo ng sarili niyong katana, para masaya.
"Demonyo" "Hindi siya nararapat sa Academy"
"Hermanitch doesn't need her" Talaga lang ha?
"Nabalitaan ko na pinatay niya si---"
"Renzoku satsujin-han" Well, that caught my attention. Tiningnan ko ng masama yung nagsabi sa akin nun. Ayos lang kung ano pa ang gusto nilang tawagin sa akin. But a serial killer?
"Do I look like a Renzoku satsujin-han to you?!" as I said to that girl while holding her neck and after I pinned her at the wall. Anytime, mamatay rin to, dahil sa force ng paghawak ko sakanyang leeg. Hinawak ng babae ang kamay ko at doon ko mas lalong hinigpitan, namumutla at naghahanap ng way para makahinga pa. I can hear footsteps, running towards my direction.
Mga dalawa o tatlong teachers, pati yung Guidance Counselor andito.
Shit. Sino ba ang tumawag sakanila? Nakita ko isang babae sa kanan ko nanginginig dahil ba sinasakal ko ang kaibigan niya? O dahil ba natatakot siya sakin?
Tingnan ko rin siya ng masama, sa tingin ko kasi ito ang tumawag sa mga teachers, mas lalo siyang nanginig sa takot dahil pinagsabihan ko siya ng: "Ikaw ang susunod"
"Ms. Lynberg! Tumigil ka na!"
"O tatawagin namin ang mga magulang mo!" sabi naman ni sir Guidance Counselor.
Ha! Magulang? Meron pa ba ako niyan? Hahahaha, nakakatawa kayo.
"Or you will be expelled, Shaylin" binitawan ko yung babae nang may nagsalita mula sa likod ko,
"False Alarm. Chill lang kayo, guys" I said. I faced him with my smile, he seems calm and relax. "Hindi ka ba sir natatakot sakin? " sabi ko "Sir . . .Sir Luigi?"at tiningnan ang name tag sa suot niyang lab coat. Luigi? Mario and Luigi? Joke lang. Sorry kung corny.
"Malapit na matapos ang semester, baka hindi ka umabot sa Sophomore level"
"Ano ba ang mali sa ginagawa ko? Did I stabbed her? Poisoned? Wrecked? Hindi man, diba? Then from now on, I'm not going to lay my hands on her. Sounds good?"
"And every student of Hermanitch Academy" dugtong ni Sir Luigi.
"Even teachers?" I said while preparing to hold my katana, before he could say another word, I must kill him first. To shut him up, of course.
"Even teach---"I was about to raise my katana and aim at the top of his head when
"Wag" some boy barged in front of me while holding my both hands.
I can't move.
Shit.
Fck you
"Umalis ka nga dyan!" Hindi kita kilala pero malalagot ka sakin mamaya!
"Itigil mo na yan kung ayaw mo mapatalsik dito, baka ikaw ang mapatay ko eh"
"Natakot ako, ha"
"You should be" at tinulak niya ako. Sa sobrang lakas, nabitawan ko ang aking katana at napaupo sa sahig, so magkatabi na kami ni girl-nasakal-ko, tumama ang ulo ko sa pader and heard a long *toooot* sound. Hindi ko marinig ang mga sinasabi nila sakin, nagsimula na rin ako mahilo at naging blurry ang paningin ko.
Okay, I'm done.
Nawalan ako ng malay.
<A/N: Try niyo guys na basahin 'to habang nakikinig sa kanta na "The Call by: Regina", yung sa Narnia yan. Thank you>
-
As I slowly opened my eyes, yung lalaki na tumulak sakin ang bumungad sa paningin ko. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "Get off, jerk" at sabay tulak sakanya, pero hindi ko siya totally matulak kasi nanghihina ako. "Where am I?"
"Clinic, dummy. You passed out, remember?"
"I passed out because you pushed me hard and my head was hit on the wall"
"No, because you haven't eaten since last week"
"Alam mo?"
"Alam ko kasi sabi ng nurse, ulol"
"Tss" yan nalang ang nasabi ko, ayoko na makipagtalo sakany, mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.
"Be right back. Wait here"
"Sa tingin mo makakatakas ako sa kalagayan na ito?"
"Hahahaha. Nice joke, on the way na pala si Professor Luigi" Professor? Ah! Yung sir kanina? Ano naman ang gagawin niya dito?
"Saan ka pupunta?"
"Canteen"
Hindi ko alam kung anong posibilidad mangyari sakin. Either ma-expell talaga ako o may ipapagawa sakin na hindi ko kagusto-gusto. At tsaka ang sakit pala sa feeling yung mga pinagsasabi ng mga tao kanina. Ako? Demonyo? Hindi ako pwede sa Academy? Siguro papatalsikin na nila ako dito. Geez.
*knock knock* "It's Sir Luigi" at pumasok siya sa loob.
"Feeling better?"
"Medyo, nakakahinga pa rin" at ngumiti siya sa sinabi ko. "Good" sabi niya. Umupo siya sa tabi ko na may dalang video tape.
"Itong tape, nakarecord dito lahat ang mga ginawa mo. Yung kanina, yung pagpatay mo kay Everdeen, cutting class, pagtatambay mo sa rooftop, lahat"
"And your point is?"
"Kung hindi mo itigil yan ngayon, talagang matatanggal ka dito. Sayang yung scholarship na binigay ni madam Principal at pag-aaral niya sayo. Tinutulungan kita kasi sayang, sayang lang naman kung hindi mo maabutan ang Senior Level, yung festival, allowance, at iba pa. Hermanitch Academy is your home. Wala ka na mapuntahan at wala ka na maasahan. If you stop now, then I'll burn this tape at kakalimutan natin ang mga nangyari, makikiusap ako sa ibang teachers who witnessed your doings even the counselor and madam Principal" Whoah, that's too much.
"Okay, papayag na ako"
"And lastly, wag ka nang manakit or gumawa ng any violent actions sa ibang tao starting today" Kahit suntok? o ano? WHAAAT?
"Seriously?!"
"Seryoso ako"
"This is hard"
"Believe me, malalampasan mo rin yan" Yeah, right. Easy for you to say.
"Kailangan ko nang umalis, better not be late for my next class . . . And oh, I'm going to burn this now" tumayo na si sir sa kanyang kinauupan bago niya yan sabihin. Linagay niya yung video tape sa bulsa ng kanyang lab coat.
"See you at Apollo" at umalis na siya. Apollo? Yung first section sa Junior? There is no way na magiging first section ako, hindi naman ako matalino o masipag para maging first section.
Nagjojoke ka lang sir.
At sakto ng pagalis ni sir Luigi, pumasok naman si---hindi ko alam ang pangalan niya, basta yung lalake na tumulak sakin kanina, na may dalang maraming pagkain. So sobrang dami, natatakpan na yung mukha niya.
"Eto sakin, at eto naman sayo" Kinuha lang niya yung sandwich at piatto kasama yung solo c2 at yung natirang pagkain sa akin?
Tinaasan ko siya ng kilay. "What? Diba wala ka pang kinakain? So kumain ka"
"Why do you care?"
"Kasi tinulak kita ng malakas, which cause you to be like that. Kaya kumain ka na, para meron ka mabugbog ulit, hindi ko ma-imagine na ang lakas mo pala. Freshmen palang tayo, at ang lakas ng loob mo gumawa ng eksena"
"Freshmen? 1st year ka palang? Paano mo ako nakilala?"
"Everyone knows you, dummy" He keeps calling me dummy. Close tayo?
"ALMOST everyone"
"Almost. . . yeah, whatever. Kumain ka lang dyan"
"Pera mo?"
"Isn't obvious?"
"Edi pera mo nga" We keep talking for almost an hour, mukhang close na kami, sige naming talo, tapos minsan nags-share siya about sakanya, and maybe it's a good thing also na sabihin ko sakanya ang mga pinagdaanan ko. Thanks to him, paunti-unting bumabalik ang energy ko, konti nalang yung sakit ng ulo ko. Akala ko kasi may lagnat na ako, gutom lang pala.
Bigla nalang merong pumasok sa clinic, kaya napalingon kaming dalawa sa direksyon ng pintuan.
Akala ko babalik pa si Sir Luigi, baka may nakalimutan o ano. Yung nurse lang pala.
"Hindi ka pa bumabalik sa classroom niyo? You already missed your lesson, humabol ka nalang sa susunod niyong subject, ako na ang bahala sakanya"
"Nagcutting ka?"
"I excused myself, hindi cutting"
"Bumalik ka na nga sainyo"
"Okay ka na talaga?"
"Oo"
"Sure?"
"Oo nga, ang kulit"
Ay teka, kailangan ko magpasalamat sakanya bago siya umalis. Ang bait niya rin pala.
"Oy ano, thank you dito ha"
"It's Geeno and you are welcome" Aba malay ko ba na Geeno pala ang pangalan niya.
"Geeno? Haha"
"Geeno Heath Lampson, walang nakakatawa sa pangalan ko, dummy"
"Pangit ng Geeno"
"Edi Heath nalang . Alis na ako, sige paalam. Oy nurse, alagaan mo yan ng maigi, ha?"
"Malamang" sabi naman ni Nurse-hindi ko rin alam ang pangalan niya.
"Bye dummy, see you around"
Pagkaalis ni Heath, lumapit yung Nurse sakin at sabay sabi ng:
"HOY! IKAW NA ANG SUSUNOD! IKAW NAMAN!"
"GUMISING KA!"
"Gumising ka!"
"Itulak kita diyan eh"
What? Itutulak mo ako? Sige, try mo.
~*~
"GISING NA SHAYLIN! IT'S YOUR TURN!" Ha? Ano? Panaginip lang pala, akala ko bumalik nanaman ako sa past. Kasi kung bumalik talaga ako, aayusin ko lahat ng mga ginawa kong mali, kaso mukhang imposible na iyon gawin.
Hay.
"Shaaaaay" I can't clearly see her face, kasi bagong gising ako. I blink for about five times, para maging klaro ang paningin ko.
"Mag se-second subject na. It's your turn, dummy" said Zoe.
Dummy? Bakit 'dummy' na rin ang tawag niya sakin? As if naman na alam niya kung ano ang napanaginipan ko, which is true naman. "Stop calling me 'dummy', parang dumbass na rin ang gusto mong tawagin sakin" sabi ko kay Zoe pagkatapos ko tumayo at naglakad palayo sakanya.
"I'm just kidding, Shay"
"It matters" at umalis na ako sa classroom, Math ang susunod na subject and I totally hate Math. Good thing at ako naman yung magbabantay.
Malapit lang naman ang classroom nina Sylvia samin. Hmm, paano ko 'to gawin? Magtatambay lang ako sa labas ng classroom nila? Tapos magkukunwari na I have peeing issues? Kasi pabalik-balik ako sa CR. Hahahaha, mukha akong sira nito.
Bahala na.
10 minutes had passed at nakatayo lang ako sa harap ng room nila na parang guard. With my matching shoes at sa sobrang shine, talagang magmumukhang lady guard ako nito.
I look dumb.
Dummy as hell.
Dummy . . . .
HAY JUSKO! ETO NANAMAN TAYO! Nababaliw ako dito sa kakaisip (overthinking), marami na akong pinproblema, kahit ayaw ko magkaroon ng gulo, mas lalo akong nai-involved. Pero talaga, nakakainis! Nakakabwiset!
"Nakakainis naman, sa lahat na pwede pang mapanaginipan, yun pa!" napasuntok ako sa katabi kong pader (Pero mukha siyang poste, kasi open ang corridor namin)
"Bwiset! Bwiset! Bwiset!" para bang ginagawa kong punching bag ang pader na ito. Nagsisimula nang mamula at mamaga ang kamay ko. Pero hindi ko pa nararamadaman ang sakit, siguro dahil nasanay na ako.
*crack*
Napansin ko na may nag-crack.
Shet.
Baka mapaguidance ako nito.
"BWISET KA TALAGA . . . . . ."
Binigay ko lahat ng lakas ko sa huling suntok, mas lalong dumami yung mga crack (I dunno what is called). 'Bwiset ka talaga?', kanino ba ako nab-bwiset?
Syempre, wala iba kundi si
". . . . . . Heath"
Tangina, napagod ako. Bakit ng bilis ko nang mapagod? Hindi na ako tulad ng dati, na tumatagal ang energy ng katawan ko almost a month na walang kinakain, pero ngayon, nag-suntok lang ako ng mga 40 minutes , pagod na ako agad. 1 month sa 30 minutes, BIG difference.
Hay nako, Shaylin.
-
Hinintay ko magbell ring para makapahinga na ako. Sakto pagkalabas ni Sir Math namin, nakita niya ako, halatang papasok palang.
"Where have you been Ms. Lynberg?" he asked while holding his books and a pencil case
"Uh, clinic?"
"You're not sure?"
"Masakit pa rin kasi ulo ko" at hinawakan ko ang ulo ko with 'Ow' sounds, para maniwala siya, pero dinaanan lang ako ng pota.
Geez, nakapaghinga rin ako ng maluwag. Linapitan ko si Lalaine at tinapik ang kanyang balikat "Your turn" at pumunta sa aking upuan.
Bakit hanggan ngayon naiinis pa rin ako kay Heath? 5 months had already passed, and I should moved on. But I have this feeling na ang sobrang sakit, na gusto ko makaganti, pero I promised him na magbabago ako.
I promised him, nung kami pa.
Pero nagyon hindi na
So?
Pwede ko na hindi tuparin yung promise namin? Its kinda useless now.
Maybe
I can be a Renzoku satsujin-han again.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro