II. Violet and Blue
13th Day of August
"Zoe, do you really need to go to that hoe's party? Hindi naman yun kaespesyal, diba?" sabi ni Slyvia.
"Oh c'mon sis. It's just a party, tsaka bukas pa naman ang birthday niya." Ano bang meron sa party ni Vayne? Hindi ba pwede magsaya?
"Ate, eto ha, tatawagin na kitang 'ate', because I AM SERIOUS, I REALLY AM, alam mo naman na masma siyang tao--"
"How can you say that, huh?" I need proof, like the fckng hell, hindi naman si Vayne nanamatay tao eh.
"She's been threatening me since I got here."
Threatening you? Seriously? Since when? Pinagttripan ka lang nun ni Vayne eh, lahat yun biro. Alam mo naman kung gaano kapasaway si Vayne, even though hindi iyong nakakasira sa itsura niya, her popularity's state will remain.
'I know, pero hindi naman yun seryoso, Vayne is a nice girl, ayaw niya lang sayo dahil naging kayo ni Johnford, which is crush ni Vayne since gradeschool at pinapangarap niya na maging sila ng boyfriend mo' gusto ko sana sabihin yan sakanya, kaso mag-aaway lang naman kami.
"Since I trasferred here at Hermanitch Academy, nagsimula na siya lokohin ako, d'you remember last year, nahuli ako magbihis ng P.E uniform para sa next class at nakalimutan ko yung sapatos ko sa locker room, nang binuksan ko yung locker, alam mo naman kung ano yung lumabas, diba?" I doubted that na si Vayne ang gumawa. Kasi late siya dumating nun.
"DAGA, MGA DAGA, you know I have phobia of rats!"
"Keep Quiet!" sinigawan kami ng librarian.
But, it's impossible naman na makakuha siya ng ganun kadami na daga at meron pang duplicate key sa locker niya, right? Tengeneng librarian, kala mo naman may alam siya dito sa pinaguusapan namin ni Sylvia.
Hindi naman siya ganun katalino, kasi nasa huling section siya last year. At nakiusap lang siya sa Principal na makasama sa first section this year, dahil balak ng kanyang magulang na ilipat siya sa ibang paralan, dahil sa mga mababang marka na binibigay niya. Lahat niya dinadaan sa pera, pero mayaman naman itong Academy, kaya hindi niyo iyon magagawa dito.
Sobrang strikto ng magulang ni Vayne, isang problema na alam ko na pinagdadaan niya ngayon ay yung pagbagsk ng kumpanya ng kanyang tatay at tinanggal ang kanyang nanay sa pwesto bilang CEO sa Bangko ng Pilipinas.
Grabe talaga ang mayroong problema kay Vayne ngayon, pero hindi naman sakanya halata. Nagpakatatag siya at pinakita at patuloy ipinapakita sa amin na lahat kaya niya. Kahit ano pang mangyari, kakayanin niya.
Sabi sa akin ni Vayne, na ang dahilan sa pagkakaroon niya ng mga mababang marka ay dahil sa hindi siya makafocus sa pag-aaral at iba ang environment ng classroom niya noon, na-iinpluwensiya ng iba niyang kaklase na gumawa ng mga bagay na hindi kanais nais.
Mabuti nalang napagdesisyon ni Vayne na lumipat nalang sa section namin, ang Apollo, dahil gusto niya ipakita sa magulang niya na kaya niya, na mapapasaya niya sila lalo na ang kanyang nanay niya.
Pero realtalk, bobo talaga si Vayne, pero at least nagbago siya, mabuti nalang nagbago siya.
"Last year's Acquintance party, hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa bahay natin, pero nung umupo ako, bigla napunit yung suot ko. TUBE PA NAMAN SUOT KO NUN."
Okay, that was humiliating indeed.
But I'm sure hindi yun si Vayne, kasi nga BOBO yun.
Very impossible. Si Vayne, pumasok sa bahay namin? Shet lamang. Hindi nga niya alam kung saan kami nakatira, we have two houses, actually. Yung isa, kung saan kami lumaki, kung saan umuuwi sina mommy. At yung isang bahay naman namin, malapit lang dito sa school.
Nagpatayo pa naman si daddy for our sake, pero hindi lang pala namin magagamit, kasi may dorm na.
"Alam mo ate, sa sobrang dami na ginawa niya sa akin, hindi ko tuloy maisa-isa," sabi niya at kumagat sa kinakain kong sandwich.
"Uh, miss," isang babae tumapik sa kaliwa kong balikat, hindi naman siya estudyante, nakikita naman sa suot niya, siguro working student 'to.
"Bakit?"
"Sorry po, p-pero hindi puwede magdala ng p-pagkain dito" Ay? Hindi ba? Syempre, library ito eh. Hindi ko makita ang mukha niya dahi sa pagyuko niyo at naharangan pa ng kanyang suot na antipara. Parang wala akong kausap eh.
"Nahihiya ka pang humingi sakin. Oh, sayo nalang," inabot ko sakanya yung sandwich ko na puros laway ni Slyvia.
Sa kanyang pagsasalita, para bang natatakot lumapit sakin, at nung kinakausap niya ako, nangingig pa.
Okay, balik naman ako sa topic namin ni bunso.
"Okay, tama na. Baka magbago pa ang isip ko," nang masabi ko 'yan, nakita ko ang ngiti niya ay umabot hanggang tenga.
"Sana magbago talaga," sabi niya at hinawakan ang kaliwang kamay ko na nakapatong sa lamesa, habang ang kanang kamay ko naman ay patagong nagte-text kay Vayne sa ilalim na talagang pupunta ako no matter what. Ngumiti si Sylvia sa akin so I smiled her back, yung ngiting plastik.
Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko.
"Mauuna na ako, Zoe," habang inaayos ang mga gamit niya sa loob ng pulang shoulder bag niya. Zoe lang? Asan ang 'ate' doon?
"Goobye," at tuluyan na siyang umalis sa Library, na para bang iniwan ako sa ere.
Sa kanyang pag-alis, doon ko naman napindot ang 'Send' button.
Nabablanko ang isip ko ngayon.
Dapat ba ako makonsensiya?
Dahil ba sa mas pinili ko ang hindi ko malapit na kaibigan kaysa sa kapatid ko?
Eh? Bakit naman ako makonsensiya? Once in a lifetime lang naman na imbitahan ako ni Vayne sa birthday party niya, ano ba ang masama doon?
Wala naman mangyayari diba?
Wala ba?
"YO! ZOE!" nagulat ako nang meron tumawag sa akin, nabitawan ko pa ang cellphone ko. Sa pagpulot ko nito sa ilalim ng lamesa, bigla ako napatingin sa paa ng mga taong 'to.
Akala ko si Shaylin at Lalaine ang tumawag, pero sobrang shiny ng mga sapatos na parang handa na sila magtrabaho bilang security guard sa mall.
"UY! Bakit ang tagal mo? Tumayo ka nga diyan!" Si Johnford pala.
"Pwede bang manahimik kayo?" sabi ng librarian habang nag-aayos ng mga libro sa katabi kong shelf.
"Tara?" yaya ni Vayne sa akin at sumunod naman ako kasama ang grupo.
Pababa sa ramp, may tumapik sa kaliwang balikat ko, kaya napatigil ako at tumingin sa likod.
Si Lalaine.
Kumindat siya sa akin at nginitian ko naman.
Bestfriend ko pala yun, dapat sasama ako sakanya ngayon kaso ililibre kami ni Vayne ngayon eh hahaha. Pero hindi naman libre ang habol ko, kundi ay hindi siya magdadalawang isip na isama ako. Wala naman siyang sinasabi na galit siya sa kapatid ko, but I have this feeling na oo.
"Ang pangit mo kasi, wooooy"
"Ang kutis mo parang libag sa puwet"
"Sagmaw pa naman ang kinakain mo araw-araw," at nagtawanan ang isang grupo na dinaanan namin. Walong lalake at isang nigga na babae, pinalibutan siya ng mga lalake at pinagtripan.
Seryoso, mapapamura ka sa kapangitan niya, hindi naman sa binu-bully ko siya ah, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Tatalikod na sana ako para tulungan ito, nakakaawa siya, sobra. Kaso nga lang bigla hinawakan ni Johnford ang kanang braso ko at sabi,
"Pabayaan mo na sila," inalis ko ang hawak niya.
Nakakadiri, hindi ko alam kung bakit nagkagusto pa si Sylvia dito.
"Napakamanyak mo talaga," sabi ko na may pagkahalong inis at ngumiti naman siya. Ay aba? Ngumiti ang putangina. Batuhin ko 'to ng hollow blocks sa mukha eh.
"Nakakalito rin minsan kung sino talaga sainyo ni Sylvia, si Zoe. If wasn't because of your eyes, I can easily identify you."
"Really now?" Totoo naman yung sinasabi niya.
"Uh-huh, if I were you, hindi ko ibibigay ang mata ko at any cost"
"Bakit ko naman ibibigay? Ulol"
"Baka sakali lang"
"Hahaha. I don't get you, bastard"
Very unique ang mata namin ni Sylvia.
I'm Sylvia's Blue and She is my Violet.
~*~
Habang kumakain sa canteen, lunch break na kasi. Kumpleto ang grupo, yung pupunta sa party ni Vayne bukas except kay Heath, ex ni bff Shaylin at ang boyfriend niya na si Damien Maslin. Well, speaking of Shaylin, nakita ko silang dalawa ni Lalaine kumakain sa pinakaunang table na good for 4 persons, yung saamin kasi pang sampu. Malapit sila sa may counter at kami naman ay malapit sa wide glass window pero open (hindi ko alam tawag doon hahaha).
Tiningnan ko lang sila habang nakikipag-usap kay Vayne, acutally, kaharap ko lang siya.
"So, ano gusto niyong inumin bukas?" tanong ni Vayne sa amin.
"Kahit ano," ani ni Blake, seryoso ampota.
"I prefer Lambanog or Alfonso I," sabi ni Shaureen.
Magkaklase sina Shaureen at Blake, section II - Hecate. Palagi nalang sila seryoso, kahit nakakatawa o masaya ang pinaguusapan, seryoso pa rin. Ganyan ba talaga ang mga second section? Mga seryoso ampota.
"Tequila nalang! Haha," napalingon ako kay Johnford sa sinabi niya. Tequila? Tngnamo.
"Ulol, magrootbeer ka nalang," pang-asar naman ni Stark sa manyak. Kilala niya naman kung sino si manyak.
Ang root beer naman, hindi talaga siya nakakalasing, depende naman siguro sa brand. Pwede ito maging alcoholic or non-alcoholic, masarap naman siya, ang lasa kasi nito ay nagmumula sa tree Sassafras albidum o sa vine ng Smilax ornata, ito ang gingamit as the primary flavor. Pero ang tinutukot ni Stark na rootbeer ay yung non-alcoholic.
"Mag iced tea nalang kayo, sus! May nalalaman pang painom-inom." Napatahimik sila sa sinabi ko. Kasi naman, seriously? Bawal mag-dala ng alak or beer sa loob ng dorm. Dapat dinugtungan ko ng 'Hahaha' para hindi sumama ang tingin nila sa akin. Ano ba yan, sineryoso nila yung sinabi ko.
Uy! Wag ganyan.
"Kayo? Hindi ka ba sasama?" Bitch mode: On nanaman si Vayne. Baka may magaganap na gulo dahil sa akin. Sumulyap naman ako sa dalawang chismosa, na nakatingin rin sa direksyon ko na para bang nag-aalala at handa na makigera.
Sige, maganda 'to.
"Ha! Bakit?"painsulto kong sabi at tinaasan ko ito ng kilay, wala ka sa kilay ko. Ang kilay ko maganda, eh yung sayo parang nasunog ng kandila sa kaka-aral, siguro siya yung isang babae dun sa video na nakita ko, yung
"Kami ang pabebe girls, at walang makakapigil sa amin." Ay aba.
Sa tingin ko na alam niya kung ano ang pinapahiwatig ko. And that is, hindi na ako sasama sa party niya. Narealize ko na, ano naman ang magagawa ko doon? Bakit kasi may alcoholic drinks pang kasama, parang may balak siya eh.
Basta may alak, may balak.
Tumingin ako muli sa dalawa kung nakathumbs up sila sa akin pero hindi, nakaform ang kamay nila na parang ekis.
Abort mission?
And they mouthed
'ABORT!'
Ano ba naman ito.
Bumubwelo si Vayne sa pagsabanot/sampal/o-ano-man-ang-puwedeng-o-posibleng-mangyari-sa-akin-by-her, umusog siya palikod at, "Ano ba ang gusto mong mangya!---" "JOKE LANG, HAHAHAHAHA"
Tangina niyo talaga Lalaine. Pasubok sa buhay.
Tumawa ako ng malakas na parang ewan, maghanda kayo sa akin mga talkshit.
"Ay hahahaha"at tumawa rin si Vayne, hindi kumibo sina Johnford sa nangyari, sa tingin ko alam rin nila. "T-Ice nalang sakin, yung blue ha, hahaha" sabi ko. Tawa lang ako ng tawa, nagmumukha na akong tanga.
So, ano na, Zoe?
Sasama ka pa ba?
For the sake of her birthday ba itong pagsama ko?
May gusto na sana akong malaman, kung totoo ba.
"Sure," sabi niya. Hindi ko ugaling mag-inom pero what the hell, just go with the flow at tsaka may ipapaamin ako sa kanya.
Sana sabihin niya yung totoo.
~*~
Nang matapos ko kainin ang pasta ko, bigla nalang ako tumayo, "Una na ako, guys" masyadong boring na dito. Puros alohol ang topic, mga pa-cool ang mga pota, halata naman sakanila na gusto maging peymus katulad ni Vayne, ang papalastik.
"Sige, babye Zoe" at nakibeso sakin si Vayne at ngumiti ako sakanya pagkatapos.
Lalapit na sana ako sa table nina Lalaine, nang bigla akong hinarang ni Sylvia, hindi yung harang talaga, parang dumaan lang sa harap ko which made me stop from walking, mabibitawan ko na sana ang hawak kong frappe.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, na para bang gusto ko nang mawala si Sylvia, maybe because I envy her that much. Mas marami siyang kaibigan, mas maganda DAW siya sa akin.
I dunno why pero magkamukha lang naman kami eh, wala namang difference. Na parang mas mahalaga siya sa paaralang ito kaysa sakin.
Wala naman akong kwenta dito eh. Simula nagtransfer siya dito sa Hermanitch Academy, mas mataas na ang tingin nila sakanya kaysa sakin, mas umaangat siya kahit nasa star section ako, palagi nalang kami pinagkukumpara.
Siya pa ang napapansin ng lahat.
Lahat na ginawa kong effort at sakripisyo ay balewala lang sakanila, mas napapansin pa nila ang mga nagawa kong mali.
Parang wala na nga nakakaintindi sa akin eh, hindi nila alam na may 'Zoe ' pala na nage-exist.
Ano ba ang pwede kong gawin? Dapat hindi ako nagseselos sakanya kasi parehas lang kami.
Slyvia at Zoe, nag-iisa lang.
Pero nagbago ang lahat na iyon. Simula nakilala ko sila.
Silang dalawang babaknita.
"OY GAGA! Dito!" sigaw ni Shaylin with halika-dito gesture. Dahil sa sigaw niya, napalingon naman ang mga kasama nina Vayne sakanila. Jusko ang mga pota. Hinila ko sila paalis sa kinakaupuan nila, si Lalaine sa kaliwa at si Shay naman sa kanan, dinala ko sila sa classroom, hindi dahil kina Vayne, kundi kay Sylvia.
Walang tao sa classroom namin, kasi lunch break, sinarado ko ang pintuan at linock ito.
Umupo si Lalaine at tinaas ang kanyang paa sa armchair habang si Shay naman nasa tabi nito at linagay ang kamay niya sa batok na naka de quatro. Umupo naman ako sa teacher's table, sir Luigi's table.
"Ano'ng problema, girl?" nagtataka si Lalaine.
"It's Sylvia" sabi ko.
"Ano sakanya?" halatang walang pakialam si Shay sakin, kasi naglabas siya ng bubble gum at binigyan si Lalaine ng menthol flavor, inaalis sa plastic wrapper at kinain yung natirang dalawa. Hindi lamang ako binigyan.
Tsk.
"Kinakabahan ako sakanya."
Napatigil ang dalawa sa pagngunguya at nabitawan pa ni Shay yung basura niya.
"Oy, ang basura mo," tiningnan ko lang si Shay baka sakaling narinig niya ang sinabi ko pero nakatulala pa rin.
Hinagis ko yung makapal na libro, na nasa tabi ko, sa gitna nilang dalawa. Syempre, ayoko sila masaktan hahaha.
Napakamot nalang si Lalaine, dahil may mangayayari kay Sylvia.
Pag ako kasi ang kinakabahan, iba eh. Iba talaga. Once, kinabahan ako, may posibleng mangyari, pero hindi ko sure kung kay Sylvia talaga kasi mahina lang naman ang kaba ko sakanya, pero ngayon iba na.
Last year kasi, ilang days before mag-recognition, nag sleep over kaming tatlo sa bahay namin noon, (yung hindi pa nagagawa ang dorm) habang kumakain sa kwarto ko, nabasag ko yung baso sa harap ni Lalaine, nang pinulot ko yung mga bubog bigla nalang lumakas ang kutob ko, parang mawawala na ang puso ko mula sa dibdib ko.
Nangyari rin ito noong 5 years old palang ako, nakita ko si uncle Joe sa park naglalakad habang nagbi-bike naman ako, nang lumingon siya sakin wala na siyang mata at namumutla ang kanyang katawan, the day after nalaman ko na na-hit and run siya at binaril ang kanyang dalawang mata.
Noong 7 years old naman ako, yung aso ko namatay ganun rin noong grade 3 at 6 ako, nakita ko sila nakaharap sakin ngunit patay na, that was just only a blink of an eye, pero nung nakita ko sila, tumigil ang mundo ko, paunti-unting lumalapit sila sa akin kung hindi ako pumikit agad, siguradong matatakot ka, eh nakakatakot naman talaga eh.
Pero ito ang gusto kong malaman.
Bakit yung time na nakita kong patay na si Lalaine, nasagasaan siya at na-comatose ng ilang buwan ay hindi namatay?
Nang tumayo ako nun para itapon ang nabasag na baso, bigla nalang bumangad si Lalaine sa harap ko, natakpan ang kanyang mukha ng dugo mula sa noo niya, maitim ang balat, maraming gasgas sa kamay at paa.
Sa masamang palad, hindi ako pumikit agad, kaya nakita ko ang paunti-unti niyang paglapit sa akin. Bigla siyang sumigaw, napapikit naman ako sa lakas ng sigaw, talagang mabibingi ka at nang mabuklat ko mga mata ko, nakita ko siya nakaupo habang tinutulungan ako magpulot ng mga bubog.
The next day, naaksidente siya ng truck dala -dala ang mga malalaking bato na yun ang sanhi sa nakita ko, natakpan ang kanyang mukha ng dugo.
Hindi siya nakapag-attend sa Recognition namin, kasama kasi si Lalaine sa top 10 at siya pa ang may pinakamaraming Award nun.
Nagulat nalang kaming Apollo na section nung pumasok siya sa klase namin, maraming nagtataka, nagsayahan at yung iba naman natakot. Hindi namin alam ni Shaylin kung ano dapat ang mararamdaman.
Syempre, masaya kami kasi bumalik ang bestfriend namin. At natatakot at the same dahil na'Raise of the Dead' siya,
Pero bakit ganun?
Siya lang ang hindi namatay, sa lahat ng vision ko, siya lang yung hindi.
Akala ng lahat wala na siya.
Akala namin patay na si Lalaine.
Wala nang pag-asa mabuhay muli ang isang tao na nadurog sa mga bato, na nasa peligro.
Bakit si Lalaine hindi?
~*~
A/N: Yes po, si sir Luigi rin ang kanilang adviser.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro