Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Bumangon ang kuryosidad sa dibdib ko kaya namalayan ko na lang na nire-reply-an ko na ang nag-text.

Yup. Who u po?


Linx.

Ahh okay.

Hindi na ako nagtangka pang magpakilala. Siguradong alam naman niyang si pink angel ako kasi narinig niyang ako ang nag-request noon sa radyo.

Hindi siya sumagot sa sinabi ko, which I find unusual dahil lahat ng nagiging ka-text ko ay nagre-reply sa akin gaano man kawalang kuwenta ang message ko.

Oo, gusto ko ang Love Story. Maganda kasi. Kaw ba?

Sakto lang. Mas gusto ko kasing genre ng music e 'yong metal o mellow rock

Ahh, ako rin. Gustong-gusto ko iyan lalo na 'yung mga pang-emo!

Nang malaman kong may pagkakapareha kami ng hilig sa musika ay mas lalo akong ginanahang makipag-text. Napansin ko na lang na alas dos na pala ng madaling-araw. Napilitan akong magpaalam na kahit sa kabilang banda ay gusto ko pang makipag-text sa kaniya.

•••


Several months had passed. It’s February 2009. Halos apat na buwan na rin kaming magka-text. We never know each other's names. We never know how each other's faces look like. Ang tangi ko lang alam ay nag-e-enjoy ako at hindi ko namamalayan ang oras kapag ka-text ko siya. We never talked about romances. Casual talks lang.

Hanggang isang gabi, ka-text ko siya. Sinabi niyang naggigitara siya sa oras na iyon.

All of a sudden, sinabi niyang tatawag daw siya sa akin. Tutugtugan niya ako!

Hindi ako mapakali. Eto ang unang pagkakataon na tatawagan niya ako sa tagal naming magka-text.

Ganoon na nga ang nangyari. Tahimik kong idinikit ang cellphone ko sa aking tainga. Wala kasi akong earphones dahil nginatngat ng tuta.

Nang sagutin ko ang tawag niya ay nagkaroon ng isang minutong katahimikan. Kapwa yata kami naghihintayan kung sino ang magsasalita.

"Sige, tugtog ka na," sabi ko habang pilit itinatago ang kaba sa aking boses.

Nahihiya siyang tumawa. "Okay, sige."

Ang una niyang pag-strum sa gitara ay mistula bang katumbas ng pag-awit ng ilanlibong anghel. Mga anghel na tila ba dumami lalo na nang sinabayan niya ang kaniyang pagtugtog.

Here Without You ng 3 Doors Down ang inawit niya.

Nagustuhan ko. Salamat. :)


Salamat din. Hehe.

•••

"Matagal na kayong magka-text hindi ba? Bakit hindi mo yayaing makipag-eye ball?" saad ni Mary Grace.

Napalunok ako nang makailang beses. "E-Eyeball?"

Magana siyang tumango. "Yup. Kami nga ng mga nakaka-text ko, nagmi-meet agad dalawang araw pagkatapos naming magkakilala, eh. Kayo pa kayang lampas apat na buwan na?"

Pinamaywangan ko siya. "Hoy, Gracia. Bakit hindi ko alam 'yan, ha? Nakikipag-meet ka nang hindi ako kasama? Paano kung saan ka dalhin ng ka-meet mo?"

Pinamilugan niya ako ng mga mata. "Duhh? Masyado kang busy sa Linx mo. Nagpapasama kaya ako last month. Hindi mo yata ako narinig kasi ka-text mo siya no'n."

"Ha?" Pilit kong inaalala kung kailan iyon pero hindi ko matandaan. Siguro nga ay busy nga lang talaga ako sa pakikipag-text kay Linx.

Inignora ako ni Mary Grace. Nakita ko na lang na hawak na niya ang phone kong inagaw niya mula sa kamay ko.

"Ako na nga ang magte-text kay Linx." Nagsimula siyang tumipa sa keypad ng cellphone ko. "Meet up tayo sa seaside mamay—"

"Wui!" Sinubukan kong agawin sa kaniya ang phone pero hindi siya nagpatalo.

Halos gumuho ang mundo ko nang makita kong nasa sent items na ang it-in-ext niya.

Patay.

Nagulantang ang lahat ng kalamnan ko nang makatanggap agad ako ng reply mula kay Linx.

Sure. Will be there.

Habang pinapanawan ako ng dugo sa mukha ay sige lang sa paghampas sa braso ko ang bestfriend kong kilig na kilig sa sagot ni Linx.

Hindi ko akalaing magkikita na kami. Kailangan kong paghandaan iyon.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro