28
CHAPTER TWENTY-EIGHT | SHARING OF OBLIGATION
Lauren
"I AM OKAY, Ritter. Jaypee told me squatting is good for those giving birth for the first time. I've read articles online, and many have testified its benefit to shorten the pushing stage - the second stage of labour."
Mahabang paliwanag ko kay Ritter pero hindi noon siya natigil sa pagsunod sa akin pagpigil na mag-squat nang mag-squat. Naiirita na ako pero sinabihan ako ni Mommy na hayaan at pagbigyan dahil hindi lang naman sa akin ang baby na aking dinadala.
"I know you're excited, but it's too early for that. You're still in your seventh month. Lauren, remember that what works for one person might not work for everyone."
I controlled my eyes to roll. Kapag mahaba ang paliwanag ko, mahaba din iyong sa kanya. Ayaw niya talaga magpatalo kahit sa akin. Ganito na kaming dalawa simula noong tatlong buwan pa lamang aking tiyan. Ang bilis lumipas ng mga buwan pero heto kami parang mga aso't-pusa pa rin.
"Can you please stop fighting? My brother will hear you both bickering with one another." Iona said, then took a sip of her Mango smoothie.
Nakalimutan ko na may kasama pala kaming bata ngayon. Another thing I hate is Iona being so mature and trying her best to look after me, the baby and her father. Minsan mas matured pa si Iona kaysa kay Ritter at sa akin na kailan ko lang napansin. She's so responsible and whenever they visit me here at Oak Island. Iona massage my legs every night before going to bed. She's offering me a hug whenever I'm feeling sad all of a sudden. Sa kanya ko nailalabas ang ibang emosyon kahit alam ko na bata pa lang siya.
Magkahiwalay pa rin kami ni Ritter ng bahay at matagal-tagal na rin siya sa lodging house na nasa malapit. Iona stays with me everytime she come over either with my parents or Summer.
Speaking of Summer, that witch is nowhere to be found again. Ang huling balita ko ay dumalo siya ng isang formal event at doon naman nagkalat. Wala akong ideya kung anong formal event ang sinasabi niya kaya sinusubukan ko siya tawagan. Kasama na yata sa aking pagbubuntis ang pagiging tsismosa o mas tamang sabihin wala lang ako magawang iba.
"Honey, we're not fighting. I'm just concerned with your Tita Lauren and kinda afraid she ends up dealing with premature birthing."
Nakita ko na kumunot noo ni Iona marahil ay hindi maintindihan ang sinasabi ng tatay niya. Ang mahalaga lang naman kay Iona ay komportable kaming dalawa ng kapatid niya. I cannot explain her happiness when she knew that what I'm carrying is a baby boy. Ritter cried that time. Ako din naiyak kasi nakakadala silang lahat.
Above all, I thanked God because He gave me a normal and healthy baby boy.
Wala pa akong pangalan at hindi ko naman matanong si Ritter dahil lagi ganito na nagtatalo kami kahit simpleng usapan.
"Mama..." Pareho kami nagulat nang tawagin ako ni Iona na mama.
"What did you call me?" tanong ko agad sa bata.
"Mama. Why? You don't want me to call you that? I'm sorry..."
I waved my hand and gently pulled Iona near me. "It's fine with me, but why?" Is it right to ask a kid like Iona? It's not like I'm killing her hope that one day her father and I will rekindle something I don't want to think about for now. Nasa baby boy ko ang aking buong atensyon, hindi love life ko.
"My brother might be confused if I call you Lauren or Tita Lauren."
May point pero hindi ko sigurado kung susugal ako ulit kay Ritter. I've been seeing Ms. Julia coming in and out of their lodging house. Kaso iyong pakay niya lagi nakasabit sa akin. Lagi sa bahay si Iona sa tuwing pupunta dito sa Oak Island. Minsan inaaya niya ako maglakad sa beach at mamulot ng seashells gaya ngayon kaso killjoy si Ritter.
Ngumiti ako saka hinaplos ang pisngi ni Iona. "You're such a good sister, Iona," sambit ko at marahang hinaplos ang kanyang mukha.
"I'm existing here. Hello?" Pukaw ni Ritter sa amin dahilan para tapunan ko siya ng masamang tingin bago binalingan uli si Iona. Masyado rin talagang papansin itong tatay ng anak ko. Umirap ako at muling binalingan si Iona.
"Let's bake brownies at home," I said.
"Sure!" Excited na inaya ako ni Iona na bumalik na sa bahay para magbake ng brownies.
Inalalayan niya ako dahil medyo nahihirapan na ako lumakad. Malaki na kasi ang aking tiyan. If I didn't undergone CAS recently, I would think I'm carrying a twins. Mabuti at hindi ako naniwala sa guts ko dahil pabili na ako ng mga gamit na para sa kambal. Ritter bought baby's things too such us crib, baby carrier, bags, feeding bottle and toys.
Nagkakasya lang kaming dalawa sa paghahati ng mga gastusin. I mean sila pala ni Daddy dahil wala naman akong trabaho. Iyong ipon ko ay nilagay ko na sa time deposit para sa pag-aaral nitong aking anak.
"Do you have a name to suggest to me, Iona?" tanong ko habang hinahanda ang mga gagamitin namin.
"Josef." Mabilis na suhestyon ni Iona.
That is Ritter's second name. Iniisip ko na rin iyon pero undecided pa rin ako talaga. Gusto ko nga Ricaforte ang apelyido na possible naman kung papayag si Ritter.
That's the big question. Will he let me have a Ricaforte baby?
"Mama? Mama!" Bahagya akong nagitla nang marinig ang sigaw ni Iona. "Are you all right? Should I be the one to bake brownies, not you?"
"Can you do it? I'm a bit tired because of fighting with your Dad."
"I know. Please don't fight again, hmm?"
Ngumiti ako saka hinaplos ang pisngi niya. Saktong pumasok si Ritter sa beach house at kinatulong siya ni Iona sa pagbe-bake. Habang ako ay nanonood lang sa kanila at hindi maiwasang bumuntong-hininga.
"Are you okay?" tanong ni Ritter sa akin.
"Yeah," I answered calmly. "I'm tired and sleepy."
"Go on and sleep there. I'll wake you when we are done." Wala akong nagawa kung 'di dahan-dahan na tumayo at tumungo sa couch upang magpahinga.
Akala ko sandali lang itong nararamdaman ko na pagod kahit kaunting kilos lang. Kaso hanggang ngayon na pitong buwang buntis na ako, dala-dala ko pa rin. Kahit nga makipagtalo kay Ritter ay dahilan na rin ng pagod ko. Back and forth sila ni Iona dito pero dahil may dalawang buwang bakasyon, dito muna sa beach town si Ritter hanggang sa makapanganak ako at makabawi ng lakas. Iona can go back to New York with my parents to attend school.
Pagkaupo ko sa couch, hindi naman ako natulog agad kaya naghanap muna ako ng pangalan online. Hiniram ko ang laptop ni Ritter at doon nakita ko na nakikipag-deal siya sa may-ari ng lodging house.
Did he buy it?
Tinapunan ko nang tingin si Ritter na abalang nakikipag-usap kay Iona.
Is this another impulsive move of his?
MALALIM AKONG HUMINGA nang marating namin ni Summer ang isang book shop sa plaza. I heard her chuckling, which I tried to ignore but failed.
"What?" tanong ko sa kanya.
"Ang lalim ng buntong-hininga mo. Pinaglihi mo na sa kasungitan at problema ang anak mo, Lauren." Inirapan ko si Summer at tinuloy na ang paghahanap ng libro na maraming pangalan ng baby. "You still don't have a name for our little bean?"
"I'm torn between naming this little bean after Dad and getting Ritter's second name."
"Sus madali lang iyan, pagsamahin mo para walang magtampo sayo. Minsan kasi nakakatampo ka kaya. Make it Christian Josef." Tuloy-tuloy na salita ni Summer na kinagalak ko naman. "Now what? I told you, Lauren, you're a creep when smiling like that."
"I have a name now!" Tuwang-tuwa kong sabi sa kanya. Hindi pa ako nakuntento at niyakap siya saka inaya nang umalis. Pinili namin na pumunta sa isang ice cream parlor at bumili ng maraming flavors pang-stock ko rin dahil nagigising ako sa madaling araw para kumain.
"So, what's the score between you and your baby's father?"
"Ritter?"
"Meron pa bang iba?" Umirap ako ulit at tinuloy ang pagkain. "So, ano na nga meron sa inyong dalawa?"
"Nothing. We're nothing more than an enemy day and night. Including the afternoon dahil lagi niya ako sinisita na huwag matulog ng matulog."
"Nothing more?"
"There's nothing more, Summer."
"What about steamy things?"
"We're not in a relationship. Hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa co-parenting thing when CJ is old enough."
"Co-parenting thing ka diyan. Iona called you Mama a while ago when she asked your permission to play with Coleen and Zack."
"She doesn't want to confuse CJ by calling Lauren or Tita Lauren. Pumayag ako at hindi ko nga ma-resists ang batang iyon."
"Agree, but you have to acknowledge Ritter's effort too. He's trying, Lauren. I can see that he deserved a second chance. Also, you have to ask him how he is the past months. You know, I heard some gossip circulating in the office."
"Gossips? Wait, you're working again?"
"Of course I am!"
Pauli-uli lang siya sa RJM Corporation. Mas tamang sabihin yata na kung kailan niya gusto pumasok doon lang siya pupunta ng office. She's still an intern and everyone knew who I am. Kung babalik -kung may pagkakataon pa pero malabo dahil sabi ni Summer I will a one of a hell hands-on-mom.
A hands-on-mother.
That's me.
"Ano'ng gossip iyan, Summer?" Nabanaag ko sa mga mata ni Summer ang pag-aalangan na mag-kwento tungkol sa mga narinig. Marahil ay ayaw niya ako na ma-stress na maaaring makasama kay CJ at sa akin. Pero gusto ko malaman kung ano na naman iyong umiikot sa kumpanya. Halata naman naman kasi kay Ritter na stress na stress siya kahit nakangiti siya sa tuwing titingin sa akin. Parang 90% na ng katawang lupa niya ang salitang stress at si Iona ang kanyang pahinga. At ako. I heard him whispered that I am his rest and that touches something in my heart but there's fear still.
"Ask him na lang, Lauren. Baka mas maganda kung sa kanya galing kaysa sa tsismosa na gaya ko."
"Pabitin ka naman masyado!" Summer showed me her peace sign and smiled mischievously. Napailing na lang ako tuloy.
KUMUNOT ang noo nang makita si Daddy at Ritter na magkasama. May lubid na nakasukbit sa balikat ni Ritter at may dalang maliit na box si Daddy habang hawak niya sa kamay si Iona.
"Hey Dad! Where are you three going?" tanong ko nang makalapit kami ni Summer sa kanila.
"Sailing," sagot ni Daddy saka hinalikan ako sa noo. "Your mom is sleeping so we will bring Iona."
"To sailing?! That will not happen. Iona, we have ice cream here so stay here with me and Summer." Nakita ko kinuha ni Summer si Iona saka inaya na pumasok ulit sa bahay. "Must you two sail? Look at the sky."
Tinuro ko ang langit partikular sa madilim na parte noon na papunta dito sa kinaroroonan namin.
"I think we cannot argue with her," belong ni Daddy kay Ritter.
"I'm hearing you, Dad," sabi ko saka humalukipkip sa harap nilang dalawa.
Agad silang umatras sa balak gawin at kasabay ko na bumalik sa loob ng bahay. Si Daddy lang pala dahil humiwalay si Ritter at bumalik sa lodging house niya. Nagulat ang Mommy nang makita na kasama ko si Daddy pumasok sa bahay. Tumawawa siya nang sabihin ni Summer na ako ang dahilan kaya hindi sila natuloy ni Ritter.
Nagpaalam ako saglit sa kanila para magpalit ng damit ngunit nahinto ako paglakad nang may marinig akong nag-aaway sa labas.
Mas lumapit ako sa bintana para marinig ulit at tama ako na galing iyon sa lodging house ni Ritter. Tuluyan kong hinawi ang bintana at nakita na nagsasagutan sila ni Ms. Julia.
What happened to them?
Hanggang sa paghiga ko sa kama ay iyon ang iniisip ko. Tahimik lang at napansin iyon ni Summer habang pinapatulog si Iona.
"What's wrong with you again? You have a name now. Christian Josef."
"Only if Ritter will allow it,"
"So you're considering his feelings now. After five months, you're now the Lauren in love with your baby's father. You lost it after the accusations made by his mother, which is an enemy to him now."
"What happened?"
"Ask him, Lauren. Kahit baliktarin mo ang mundo, hindi mo mababago ang katotohanan na mahal mo pa rin si Ritter. CJ connects you two and Iona tried her best to make you closer to him. You two have to talk about sharing of obligations."
Kailangan ko na talaga siya kausapin. Kaya naman agad ko kinuha ang cardigan at sinuot iyon.
"I'll be right back," I said, wrapping myself with a thick cardigan I bought months ago.
"You don't need to go back tonight, sweetie!"
"Whatever, Summer!"
"Enjoy!"
Hindi ko na pinansin ang hiyaw na iyon ni Summer. Lumabas ako sa kwarto at dahan-dahan na bumaba ng hagdan. Nakita ko si Mommy at Daddy na magkatabing natutulog sa couch. Nilapitan ko sila at inayos ang kumot nilang dalawa. That move woke up Daddy.
"Where will you go, honey?" tanong ni Daddy.
"Ritter. I need to talk to him about... obligation thing." Hindi sumagot si Daddy at natulog ulit. That's my cue to leave the house and go to Ritter.
Malamig na hangin ang sumalubong sa akin paglabas panaka-naka na ang pag-ambon. Binilisan ko ang lakad para hindi abutan ng ulan sa labas. Nang marating ko ang lodging house ni Ritter, huminga muna ako nang malalim bago kumatok. Nakadalawang katok ako bago iyon bumukas at niluwa ang half naked looks ni Ritter.
I instructed him to wear his shirt to have some decency in our conversation. Sinunod niya ako saka maayos na tumayo sa harapan ko.
"What's up?" he said.
"We need to talk, Ritter," I answered.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro