Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

26

CHAPTER TWENTY-SIX | HANDS-ON BOYFRIEND

Lauren

HINDI madaling maging buntis lalo na pagdating sa mga cravings na hindi ko mabili. Hindi dahil wala ako pambili, kung 'di dahil walang bibili. I am all alone here in my parents' summer house, crying because I want to eat a whole roasted chicken, vanilla ice cream with soy sauce and custard apple. Kaya ko naman palampasin iyong iba pero itong kagustuhan ko na kumain ng roasted chicken hindi na talaga. Hindi lang ito simpleng pag-iyak at kung may kapitbahay ako, baka naririnig na nila ang aking paghagulgol.

I had a video call with Summer a while ago and I told her I badly wanted that roasted chicken from Elixir Restaurant. But there's no way she'll travel here from New York. Life is not fair and suddenly I became weak because of pregnancy. Hindi ko sinisisi ang anak ko pero wala na akong magawa na hindi umiiyak kapag 'di ko nakuha ang gusto kong kainin. Sumasabay pa sa bigat ng nararamdaman ko ang lakas ng ulan sa labas.

Binitiwan ko ang aking cellphone at niyakap nang mahigpit iyong body hugging pillow na regalo ni Daddy sa akin. I texted Dad too about this crazy craving in the middle of the night. Sinama ko na pati ang vanilla ice cream at atis na alam kong sa supermarket lang mabibili. Pati si Brooklyn ay inabala ko dahil ayaw magreply ng kapatid niya sa akin.

Nabaling ang tingin ko sa pintuan at sa sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Sino naman kaya ang bibisita sa akin ng ganitong oras? Nag-aalangan pa ako tumayo at buksan iyon dahil baka killer ang mapagbuksan ko. Another cons of this pregnancy is I overthink over and over again.

"Lauren, it's me, Ritter." Totoo ba ang naririnig ko?

"Ritter?" tanong ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala.

Na-mimiss ko siya pero hindi naman ako aabot sa ganito na nagha-hallucinate na. Saka naniniwala ako na hindi pupunta ang Ritter na kilala ko na mas naniniwala sa nanay niya.

"Yes, this is me. Can you open the door? It's raining hard here outside." Tumayo ako at sumilip muna sa bintana upang masiguro na hindi ako dinadaya ng pandinig ko. Bukas ang ilaw sa front porch kaya nakita ko agad ang mukha ni Ritter. Basang-basa na siya ng ulan at hindi ko maiwasang maawa. It's the baby, not me. "Please, Lauren, let me in."

Mabilis nagbago ang mood ko mula sa namimiss ko siya na pakiramdam hanggang sa naiinis ako sa kanya na klase ng damdamin. Binukas ko ang pintuan at una niya pinakita sa akin ang isang pack ng roasted chicken, vanilla ice cream tub at atis. Literal na nagliwanag ang mga mata ko at agad iyon kinuha sa kanya saka dinala sa kusina.

"Really? That's all I can get after traveling all the way here to bring you that?" Nahimigan ko ang reklamo sa tinig niya. Pero anong karapatan niyang magreklamo sa akin?

Binukas ko ang ice cream tub saka kinuha iyong toyo sa condiments rack. Sinunod ilabas ang manok saka pumiraso ng kakainin ko lang talaga. I tasted it's residue on my finger. Para akong nasa langit nang matikman ko na ang mga pagkain na hinahanap ko.

"I didn't ask you to come here, Ritter. I didn't know you'll visit me after a month. I was busy thinking about my late-night cravings." Masungit ko na sabi sa kanya.

Lakas magreklamo samantalang ang pagtupad lang naman sa cravings ko ang ginawa niya. Akala ba niya rurupok ako sa kanya.

Never!

Naalala ko pa rin ang fake accusation nilang mag-ina sa akin. They judge me because a mere one-sided photo taken without my consent circulated online and in the office. Sarado na agad ang isip niya at mas pinakinggan pa ang kanyang nanay.

Damn this Mama's boy!

But he's hot...

Nakiling ko agad ang ulo ko. Ang hirap maging buntis tapos horny pa. I also craved for physical touch too!

"Do you have a towel and clothes dryer here?" I almost forgot that he got drenched in the rain. Basa ang kalahati ng suot niyang damit pati na ang luggage bag na dala.

Nilagay ko iyong piniraso ko na manok sa ibabaw ng ice cream matapos lagyan ng toyo at kumuha ako ng isang pirasong atis mula sa plastik. Binitbit ko ang mga iyon saka binukas ang towel cabinet gamit ang paa.

"Help yourself, McDowell. I'm not your girlfriend and cannot serve you," I said, leaving the cabinet door open. "Close the door when you leave!"

"Lauren..."

Napabalik ako nang marinig na tinawag niya ako. "What?"

Nakakainis siya talaga. Malapit ko na siyang mabulyawan dahil nabibitin ang pagkain ko.

"Can I stay here for tonight?" Ang dami naman hiling, kain na kain na ako nitong mga hinahanap ko!

"Fine. Sleep on the couch. You're not allowed to go upstairs," I said, then descended upstairs.

"Where's the clothes dryer?" Pa-sigaw na tanong ni Ritter.

"Laundry room!" I shouted back, then slammed the door to let Ritter know I was not happy to see him. Slight lang pero hindi counted iyon. Kanino niya kaya nalaman kung nasaan ako?

MAY GUMUHIT NA NGITI sa labi ko nang magising kinabukasan. In all fairness to my pregnancy, I don't have a drastic morning sickness - except only when I smell unpleasant smell whether it's food or perfume. Kahit fabric conditioner hindi pinapalampas ng pagiging picky ng pang-amoy ko at panlasa.

Dahan-dahan ako bumangon saka nag-inat. Pagkatapos ay hinaplos ko ang aking tiyan saka luminga sa bintana. Maganda talaga dito sa Oak Island at nakaka-relax ang tunog ng alon na humahampas sa dalampasigan. Agad ako bumangon at nagpalit ng damit nang maisipan ko na maglakad sa beach.

"Good morning!" Bati ni Ritter nang bumaba ako. He's smiling from ear to ear. Inabutan niya ako ng isang baso ng gatas na hindi gaano mainit. Hindi ba siya aalis? Damn, he smell so good! "Are you going out?"

"Why are you still here?" tanong ko matapos tanggapin ang gatas na tinimpla niya.

"To cook breakfast for you."

"Milk is fine. Don't stretch and go away now, McDowell." Nilagpasan ko siya at tiningnan ko ang mga sobre na nasa center table. McDowell nga pala ang baby ko. Pinalis ko iyon sa isipan ko agad. This is a Ricaforte baby.

"I found a lodging house nearby and already transferred my things there."

"Good for you," I said, removing my slippers and then going out.

"Wait for me," sambit pa ni Ritter pero hindi ko siya pinansin.

Bakit kasi ayaw pa niya umalis? Okay na ako at nadala naman niya ang gusto ko kainin kagabi. Heto nga't medyo mugto pa ang mga mata ko dahil sa pag-iyak. Hindi ko na kasi natiis at gusto ko na talaga ng roasted chicken, vanilla ice cream na may toyo at atis.

"Go away. I don't need you here,"

"I need you. You and the baby, Lauren."

Natigilan ako sandali at nag-isip ng maaaring sabihin sa kanya. Masyado pang maaga para mag-isip at ang gusto ko lang naman ay abangan na sumilay ang araw. Medyo maaliwalas na ang panahon pero malamig pa rin ang simoy ng hangin. Mabuti na lang naisipan ko magsuot ng cardigan sa ibabaw ng suot ko na sa summer dress.

"I don't want you to need me, Ritter." I want you to want me. Magkaiba ang kailangan mo ako sa gusto mo ako, ga*o.

"I will do everything for you and the baby." Sinubukan niya ako hawakan ngunit ako na ang umiwas. Hindi ko naman siya kailangan dito siguro dahil naiinis pa rin ako. Hindi nga siya naniwala na wala akong ginawa dito sa anak niya na dinadala ko tapos ngayon sasabihin niya na kailangan niya ako at gagawin ang lahat para sa aming mag-ina.

Am I a joke to him? Biro lang ba itong pagbubuntis ko sa kanya?

Palibhasa hindi niya alam ang hirap nang mag-isa sa ganitong lugar at walang ibang maasahan kung 'di ang sarili ko. Pinili ko ito kahit sinabi ni Daddy na huwag akong umalis sa poder nila kasi ito ang alam ko na tama. Kailangan ko harapin ang lahat ng ito. Mag-isa lang naman ako ngayon physically kasi nasa malayo sila pero emotionally, mentally and financially, my parents is there to support me as always.

"Lauren!" sigaw na pumukaw sa amin.

Napangiti ako nang makita si Coleen na tumatakbo palapit sa akin. She's still on her pajamas. Nasa likod niya at nakasunod ang nanay niyang si Alex bitbit ang nine months old nitong anak.

"Hello, Coleen! Good morning!" She smiled and then greeted me back.

"Good morning! She's excited to bring these to you." Inabot ko kay Ritter ang baso na hawak saka tiningnan ang paper bag na inabot ni Alex. "Those were my son's baby clothes. I know you're a Ricaforte and have money, but using old clothes won't hurt the baby."

"I am a Ricaforte, but the money belongs to my parents alone." Iyon ang lagi ko sinasabi sa kahit na sino. Alex chuckled, and her eyes went to Ritter. I saw a shock in her eyes, followed by a beam of happiness. "Thank you for these! My baby and I will treasure these clothes."

"You're not alone this time, Lauren." Tukoy ni Alex kay Ritter. "Boyfriend?"

"Yes," Ritter claimed against my will.

"No!" I answered against Ritter's claim. "He's one of my father's men. He came to deliver food that I craved last night."

"He's one of the hotter than hell cravings," nanlaki ang mata ko matapos marinig ang binulong ni Alex. It's normal because she already has two kids. Parating palang iyong akin kaya awkward pa ang ganitong usapan. "We'll go ahead now and good luck with her pregnancy mood swings boyfriend!"

"Bye Lauren! Bye boyfriend!" sigaw din Coleen saka kumapit na kay Alex.

Nakasibangot ako na humarap kay Ritter.

"Let me carry that for you,"

"I can manage this. Go away now. I don't want to see you." I scowled at him.

"That's far different from Summer's screenshot the other day,"

Maang akong tumingin sa kanya. "Who send you here?"

"Your Dad..." Umarko ang isa kong kilay. Galit si Daddy sa kanya at iyon ang sinabi sa akin ni Mommy. "Summer and Brooklyn. They asked me to go here together with your weird cravings. Roasted chicken, ice cream with soy sauce, and custard apple." Napalunok ako. "Do you want me to prepare those for you?" tanong pa niya sa akin.

"I want you to go away," I said straight to his face. Tinalikuran ko siya at dire-diretso akong pumasok sa loob ng bahay. I slammed the door and locked it so he cannot come in. Nasa loob na ako ng maalala iyong baso at mga damit na bigay ni Alex. Binukas ko uli iyon at agad na kinuha kay Ritter ang paper at baso saka pinagsaraduhan siya ng pintuan. "Ayoko siya rito pero may parte sa puso ko na gusto kong nasa malapit lang siya..."

Pilit ko iyon winaksi sa aking isipan at tinawagan si Summer. I waited for a minute before our call connected.

"Good morning my beautiful kinakapatid na buntis!" Iyon agad ang bungad ni Summer nag mabuhay na ang mga camera namin. "Nakasimangot ka na naman. Sinasabi ko sayo simang na iyang anak mo kasi lagi nakakunot noo mo."

"Is that Lauren?" tanong sa likod ni Summer. "Hi Lau, did you get the custard apple? I bought it online just for you. Delivered especially onto your doorstep."

"It's not funny, Brook." Narinig ko na tumawa ang kambal kong kinakapatid.

"Easy, okay? Chill ka lang at huwag ka paka-stress. It's my brilliant sister's idea and we persuade Tito Chris to let him bring it to you." Paliwanag ni Brooklyn bago nagpaalam at binalik na kay Summer ang cellphone.

"Ang daldal ng kapatid ko pero ayon na nga ideya ko na in-approve naman ni Tito Chris. You said you miss him -" I frowned. "I mean the baby miss him pala. He won't stay there for long because he has work and a daughter which he left at your parents' house."

"Iona is at my parents' house?"

"Yes, girl. I'm on my way there to bring her to school. Sa amin binilin ng estranged boyfriend mo."

"Why?"

"Hindi ko alam. Why not ask Ritter himself? Nandiyan naman siya at next month pa uuwi. He told Tito Chris he wanted to be your hands on boyfriend while they're busy here."

"Pinalayas ko na,"

"You what? Come on, Lauren. Why did you do that?"

"After what he did? Gusto mo na tanggapin ko siya na parang walang nangyari? He believed his mom when she told him that this child was not his!"

I am frustrated and I can feel my whole body shaking. Nagpapanic ako at nahihirapan na huminga.

"Lauren, chill. Remember what your therapist told you. Breathe in from your nose for seven seconds, then out on eight through your mouth," utos ni Summer sa akin.

Walang tumalab sa mga sinabi ni Summer at bigla ako nakaramdam ng pananakit ng balakang. And everything turns black when I sight blood running on my legs.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro