21
CHAPTER TWENTY-ONE | WHEN IT FEELS RIGHT
Lauren
"DAD!" sigaw ni Iona nang tumayo si Ritter at itulak palapit sa cab iyong mga gamit namin. Tumayo din ako at kinuha iyong personal bag ni Ritter at ipinasok ko iyon sa shotgun seat ng cab. It is my place whenever we're travelling with Iona. Whenever the kid is around, I have to stay on my lane and never cross Ritter's.
And that's life.
"Go to your Tita Lauren now. I'll be quick here, hmm?" Narinig ko na sinabi ni Ritter pero hindi nakinig si Iona. Sinubukan ko na tawagin siya pero walang epekto. Gusto niya laging nakasabit kay Ritter lalo na kapag ganitong hindi pamilyar ang lugar. "Come on, honey." Binuhat ni Ritter si Iona saka masuyong pinisil ang tungki ng ilong nito. "Be nice to Tita Lauren, okay? You said you like her before."
"I take it back now," sambit ni Iona.
"She's a nice woman, honey. She's fixing your hair since Daddy can't do it." Hindi na kumibo si Iona at yumakap na lang kay Ritter. He mouthed the words I'm sorry upon facing me. Ngumiti lang ako at akmang sasakay na sa shotgun seat. "Seat with Iona at the back. I'll take this spot."
"I'm okay sitting here, and it will be more comfortable if you stay beside her."
May isang oras na biyahe pa ang kailangan namin bunuin bago marating ang rest house ng pamilya ni Summer. Doon kasi gaganapin ang birthday celebration ni Tito at invited kami. Sinama ko si Ritter at Iona para makapagbakasyon naman kami na matagal na naming hindi nagagawa. Since Iona loves to stay in, we don't have any choice but to accompany her always.
Hindi naman sa nag-de-demand ako ng time kay Ritter. Ayokong mahati iyong atensyon niya sa aming dalawa. But I guess it's bound to happen whether we like or not. Wala ng prepare for the worst scheme dahil araw-araw gano'n na ang tema.
"Okay," he said, opening the shotgun seat door for me.
Hinintay ni Ritter na maka-settle ako bago sila pumasok ni Iona sa passenger seat. Nag-umpisa nang bumiyahe iyong cab at sinubukan ko na matulog pero dahil hindi talaga ako sanay, tahimik ko na lang pinagmasdan ang bawat daanan namin. Summer said they're already there with my parents. Sumabay sila Dad kay Ninang Bea sa pag-alis dahil surprise birthday celebration ang mangyayari. Iyong birthday celebrant naman ay papunta pa lang dahil sa mga nagkasabay-sabay na meetings nito sa New York.
"Lauren," mahinang tawag sa aking pangalan. Lumingon at iyong mukha agad ni Ritter ang akin nakita. "Are you okay there?"
"Yeah," maikli ko na sagot.
"I'll pick up our gifts after this cab drops us off at the resthouse."
"Do you want me to accompany you?"
Umiling siya at alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "Stay with Iona instead."
As expected but it's all right because I'll try to get close to her again. Hindi ako mananawa hanggang sa 'di kami nagkakasundong dalawa. Hindi ko naman kailangang madaliin ngunit minsan, naagad ko kaya ang resulta ay 'di ko masyadong na-ma-manage ng maayos ang inis ko. I have to go back in attending some sessions to improve my anger management issues. I'm seeing my younger self on her too.
Pasaway.
Spoiled brat.
"Don't forget the receipts, okay?" Paalala ko at pinakita naman niya sa akin na hawak na niya iyong mga resibo. Ritter kissed my bare shoulder which he always do aside from kissing my forehead.
Nag-order lang kami online ng pang regalo at ipipick up na lang since loaded ang delivery ng shop na pinagbilhan namin. Hindi naman materialistic si Tito Max. And the first plan is to host a fundraising event but Ninang change her mind, making Summer gets frustrated while Brooklyn reacted neutral. Si Summer lang talaga ang OA sa pamilya nila pero masarap siya kasama kahit gano'n ang mindset na meron siya.
When we arrived at the Lewis' rest house, we were welcomed by their maids and brought our luggage inside. Nasa pintuan palang ako rinig ko na ang boses ni Summer na humahangos pa pababa.
"Lauren - ay may excess baggage ka ulit?"
Tukoy niya kay Iona na abalang nililibot ang mga mata sa paligid. Nagtago sa likod ko si Iona nang dumapo kay Summer ang mga mata niya. Pasaway kasi itong babae na ito na laging kinokontra itong bata. Hinawakan ko ang kamay ni Iona at inaya na siyang pumasok sa loob. Nauna si Summer bilang guest nila kami.
Maganda dito sa lugar na ito at marami siyang pwedeng puwestuhan para laruin ang kanyang mga manika. Presko pa ang hangin at malapit lang siya sa malawak na grapevines at winery nila.
"Where is Ritter?"
"He picked up our gifts for Tito Max. Pabalik na rin iyon." Luminga ako sa paligid at sinipat ko kung nasa paligid na ba ang aming mga magulang. "Saan silang lahat?"
"At the back. There's a last minute preparations pa. Ang gulo-gulo kasi ni Mommy."
"Gusto niya lang maging perfect lahat." Lumapit sa akin si Summer at umabrisete sa isa kong braso. "What is it, Sum?"
"Okay na kayo ng future-step-daugter mo?"
"We're okay kapag ganyan na namamangha siya sa paligid at wala si Ritter. Pero kapag nandyan iyong isa, lagi siya nakasabit kaya bihira na kami lumabas ngayon. Wala kasi mapag-iwanan."
"After the rejection you gave to him, and I didn't expect this to happen, Lauren."
"It's not an intentional rejection. I explained everything to Ritter, and we must focus on something more important."
"Like nursing and understanding his family?" Hindi ako sumagot bagkus ay nagkibit-balikat lamang. Tingin ko na sapat na iyon na sagot sa tanong ni Summer. "Ano'ng sabi nina Tito at Tita?"
"Hindi ko sinabi sa kanila kaya huwag ka maingay."
"Come on, Lauren. You can't hide it from your parents. Inaapi ka na tapos hindi mo pa sasabihin?"
"I'll try to solve this one by myself. Hindi pwedeng tiga-salo ko lagi ang mga magulang ko. As long as I can, I'll keep everything all by myself for now. I hope you'll get my back, Sum."
Hindi makapaniwalang napahinga nang malalim si Summer. She rolled her eyes on me too before talking.
"Fine. You know that I got you always." Ngumiti ako at niyakap siya.
"Why she dressed different from us, Lauren?" Napatingin kami kay Iona at kay Summer nakatuon ang kanyang mga mata. Tinakpan ko ang mga mata ni Iona at agad siyang iniwas kay Summer.
"I like kids, but not her!" Summer rants.
"I don't like you either, heft!" Iona rebutted. She even stuck out her tongue at Summer, which I did not prevent.
Oh God, I need patience. More of it, please!
THE SURPRISE PARTY went well and Tito Max didn't expected all of us here. Ang sabi lang daw sa kanya ay may gustong bumili ng wine at tingnan ang process ng pag-gawa. Good alibi coming from its master, Summer Lewis. Madali lang niya nakumbinsi si Tito Max na magpunta dito dahil kilala sa pagiging workaholic. Common denominator nila ni Daddy at ni Ritter.
"Hey Lauren," bati sa akin ni Ninang Bea. "Your mom sleeps early tonight. Hindi talaga siya makasabay na ngayon."
"Migraine sucks, Ninang," I said.
Tiningnan ko si Iona na natutulog sa kandungan ko. I was combing her hair using my fingers so she could sleep comfortably. Pampatulog niya iyon na kamakailan lamang ay na-discover ko.
"Your mom told me about this. About your frustrations on being a mother to a kid that's not related to you,"
"Ah... yes, that's true, po. I'm still trying to get close to her. It's just I'm dealing with my younger self, Ninang."
"The brat and pasaway version of yourself, you mean?" Tumango ako saka patuloy na sinuklay ang buhok ni Iona. "She's quite bearable than you before."
"Ninang!" My ninang laughed at me and that wakes up Iona. Lumipat siya ng pwesto at ngayon ay nakahiga na siya sa aking dibdib. I continually combs her hair just like what I'm doing before Ninang Bea approached me.
"You're getting used to it, Lauren. Imagine how caring you were to her a while ago. Hindi kaya kami makapaniwala ng mama mo. It's like we were watching a different version of you a while ago."
All my life after what I've been through back in the Philippines, I continuously received compliments from these people, my people. Sila ang higit na nakaka-appreciate sa ginagawa ko na pagbabago ng aking sarili. Gayumpaman, may iba pa rin na ayaw maniwalang nagbago na ako.
Just like Ritter's mom.
Ang hirap niya i-convince talaga kahit na ano'ng gawin ko na pagpapatunay. Maraming beses na sinabi sa akin ni Ritter na huwag ko na masyadong pilitin ang sarili ko na i-impress ang nanay niya pero ginagawa ko pa rin. Malapit kasi sa kanya iyon at tumatak sa isip ko na kahit masama ang pakitungo sa akin ay pakitaan ko pa rin ng kabaitan.
Kahit mahirap gagawin ko pa rin. Para kay Ritter at Iona, lahat gagawin ko. And that's how selfless I am when it comes to love.
"How did you know that Tito Max is the right one?"
"It feels right. After everything that happened, having him beside me still feels right, Lauren. Kahit wala siyang ibigay basta kasama ko siya, mahal ko pa rin siya. If isn't love, I don't think we're still together for fifty years. Kahit ang mga magulang mo iyan din ang magiging sagot."
Kumunot ang noo. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Ninang. Ang hirap i-proseso ng mga sinabi niya ngayon.
"How is that?"
Ngumiti si Ninang Bea at tinapik-tapik ang kamay ko.
"You have to discover it yourself."
Paano?
Ang labo naman kausap ni Ninang. Sinundan ko lang siya nang tingin at hindi namalayang nakalapit na pala sa akin si Ritter.
"Let me carry her to our room," aniya saka marahan na kinuha sa akin si Iona na tulog na tulog na.
"Thanks!" Nag-inat-inat ako para maalis iyong ngalay na dulot ng pagbuhat ko kay Iona. "Are you done talking to them?"
"Yes. Your Dad retired early, as well as Max. Brooklyn said he'll meet someone downtown."
"At this time?"
Gabing gabi na at duda ako na may bukas pa na mga establishment ngayon. Saka nakainom na rin sila at halatang-halata iyon sa mukha ni Ritter. Mukhang napasubo siya sa pakikipag-inuman kay Dad at Tito Max. No one can beat them really. No one including me, Summer and Brooklyn even if they drink occasionally.
"Yeah, and I think it's important."
"Hmm.."
Inalalayan ako tumayo ni Ritter at magkahawak kamay kaming lumakad papasok sa loob. Nahahati sa dalawa itong rest house. Doon sa kabila ang mga magulang namin habang narito naman kami nina sa Summer sa kabilang side. We occupied two rooms since I'll sleep separately to Ritter. Alam ko na nakatira kami sa bansang liberated pero gusto ko lang ng ganito. I think Ritter understand the limit that I set between us not until married and he respect it.
Bihira na ang katulad niya na nagpatanto ko na sagot sa aking tanong kay Ninang Bea. Pero pwede ring hindi. Baka nadadala lang ako at hindi pa talaga sigurado.
Ugh FML.
THE NEXT DAY, Ritter and I spend our day walking on the grapevines with Iona who's busy picking up grapes. Nasa unahan namin ang parents ko na kasabay maglakad nina Tito Max at Ninang. They were talking about business again and they're planning to expand these place once again. Sobrang dami ng property at hindi na yata titigil pa sila sa pagbili dito at sa Pilipinas.
"I want to build a house like the one where we stayed," planong sinambit ni Ritter habang naglalakad kami, "the city tires me, and I want to retire in this kind of place."
"That's good, and I agree with you about the city."
Nakakapagod talaga doon at kung ako ang papipiliin gusto ko rin sa ganitong lugar. Presko ang hangin, maraming puno at itong grapevines. If Dad will have a property here, I would get it immediately. Pwede ring sarili kong income pero matatagalan pa. But it's better I'll spend my own money.
"When you're ready, let's plan for it, Lauren."
Ngumiti ako at tinuro sa kanya iyong grapes na inaabot ni Iona. "How do you know that I'm the one you're looking for, Ritter?"
"Everything feels right. I cannot live a day without seeing your face, your smile though it's still creepy. Hearing your laughter and watching you spend time with my little one. Everything you did and shown to me feels right to me. Even if you give nothing, it feels right still. Like I regret having second thoughts before I finally court you."
Parang nalunok ang aking dila dahil sa sinabi ni Ritter. Hindi ko sukat akalain na iyon ang maririnig ko mula sa kanya. I am expecting that he would said he doesn't believe with that.
When it feels right.
Umulit sa isipan ko ang sinabi ni Ninang sa akin kagabi. For Ritter, I am the right one for him. For me, I'm still in the midst of looking for answers to my question. Parang hangga't hindi natatapos ang isyu sa pagitan namin ng pamilya niya'y hindi ko masasabing siya na talaga ang para sa akin. I badly want to fix everything and pleases his family so we could have a peaceful life together.
Normal pa bang pakiramdam ito?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro