Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

18

CHAPTER EIGHTEEN | HE HAS A DAUGHTER

Lauren

MATAMA kong pinanood si Ritter habang nagluluto siya sa kusina ng aking apartment. At home na talaga siya dito at kulang na lang ay dito ko na siya patirahin.

May perks naman dahil siya na ang tiga-luto ko araw-araw ng almusal, tanghalian at pati sa hapunan. Sa iba, hindi normal ang ganitong set-up kasi babae dapat ang nagawa ng mga ginagawa ni Ritter. But the world for us turned upside down, I guess?

“Are you satisfied with the view?” Napukaw ako nang marinig ang sinabi na iyon ni Ritter. Sinubukan ko na ibaling sa iba ang aking tingin kahit nahuli na niya ako. Makatitig naman kasi ako parang wala nang bukas. He chuckled, and damn, it’s so sexy! Naramdaman ko na lang kamay niya na sinapo ang aking magkabilang pisngi saka pinagsalubong ang aming tingin. “It's alright to stare, Lauren. I don't mind it.”

“Ritter.”

“Lauren.”

Sumimangot ako nang tawagin niya rin ako sa pangalan ko. Ang landi talaga at walang paawat simula noong nag-umpisa siya manligaw.

But we're not always like this. Dito lang sa apartment o 'di kaya sa bahay pero bantay sarado kami ni Daddy. Sa opisina naman, we acted normal at si Summer lang nakaka-alam na may something sa amin. I thanked God everyday because He kept on guiding Summer not to open her mouth and spill about us.

“Are you done cooking? I’m hungry.” I said, removing his hands from my face.

“Yes, ma’am.” I frowned and then stood up to get us a plate and utensils. “What are we going today? Do you want to travel downtown or stay in and watch a TV series?”

I glanced at Ritter and watched him as he served the casserole dish which he cooked. Masarap na iyon kahit tinitingnan ko palang kaya naman hindi ko maiwasang matakam kahit kanina'y wala akong gana kumain. Masyado kasi akong napagod sa dalawang linggo ko na pagta-trabaho sa RJM Corporation.

Hindi ako makapaniwala na tumagal ako ng dalawang linggo na nagta-trabaho sa isang kumpanya na may ka-trabaho na iba-iba ang ugali. Mas nakakapagod pala ng literal kapag office works at kung minsan ay nagsisi na kami ni Summer sa pinasok na gulo. Kaso hindi pwedeng umatras na at tuluyan na kaming napasubong dalawa sa hamon ng mga tatay namin.

“I have charity work today.”

“Oh, I see. What about in the evening?”

“I’ll be back then. Will you wait for me?”

“I always will, Lauren.” Mali na tinanong ko iyon dahil i-a-associate niya sa panliligaw na ginagawa. “On second thought, I think it's better if I work with you today. Then, by evening, we'll go out, and I will introduce you to someone important to me.”

Mama niya ba iyong importanteng tao na tinutukoy? I met her several times already. Madalas nga ay kasama pa si Iona na medyo hindi ko na nagagamay ang ugali. Sa edad niya, nasa kakulitan na siya kaya hindi ko rin naman magawang masisi. “Don’t you have prior engagements?”

Umiling siya. “My weekends, mornings, and evenings are dedicated to you.” Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi. Grabe, kapag si Ritter ang kasama ko, ang hirap magpigil ng kilig talaga!

“Whatever! Let’s eat now before it gets cold.”

A sheepish smile curved his lips which I'm trying to ignore but I couldn't did it. Paano ba naman kasing hindi eh panakaw niya ako kung halikan sa aking noo lagi. Tingin ko'y iyong noo ko na ang pinaka-paborito niyang parte ng aking mukha.

Pwede ring wala siyang choice kasi bawal pa sa labi. Tradisyonal nga siyang lalaki ngayon na kung ikukumpara noo'y makikita ang malaking pag-iiba niya simula nang makilala ako.

Many have testified, and I think I will believe what I see.

DUMATING KAMI sa The Good Shepered ni Ritter pasado alas diyes na ng umaga. Mataas na ang sikat ng araw at lahat ng bata at nasa covered playground liban kay Jewel na isa sa mga alaga ko. Patakbo niya akong sinalubong saka niyakap bitbit ang regalo ko na coloring book noong birthday niya.

“Why are you with Mr. McDowell today, Ms. Lauren?” Mabilis akong napatingin kay Ritter. Paano ba mag-a-alibi sa batang ito na kilala ko sa pagiging matalino? “Are you two in a relationship?”

“Uhm no! We... met outside.” Palusot at tanggi ko kahit iisang sasakyan lang ginamit naming dalawa. Siniko ako ni Ritter na para bang nasaktan siya sa patanggi na ginawa ko.

“Hmm, Mr. McDowell won’t like you because you’re too cold.” Ritter snort which makes me frown at him. Ang lakas ng loob maniko tapos malakas na tatawa dahil sinang-ayunan ang sinabi ni Jewel.

And here this kid goes again. Kung pwede lang manakal ng bata ay ginawa ko na kaso baka makasuhan ako. I try to keep my cool then smil instead of scowling at Jewel.

Nakita ko mula rito sa kinatatayuan namin ang nanay ni Ritter na may inaasikasong mga buntis na babae at iba pang kasapi nitong charity home. I think she sees us but only Ritter received a nod and smile from her. May problema ba kami?

Iwinaksi ko iyon sa aking isipan saka binalingan ulit si Jewel. “Why are you here again? Where are your parents?”

“They’re at work and promised to attend my school performance today.”

I doubt it.

Ilang beses na ba sinabi ng mga magulang ni Jewel na dadalo? Ang ending lagi ay na-di-disappoint lang bata at umiiyak dahil walang nakaway o napalakpak sa kanya sa tuwing matatapos magperform.

Jewel is studying in an international school nearby. Since both of her parents are working, the charity let them leave Jewel there. Ihahatid na lang ang bata kapag gabi na pero kung minsan ay sa charity home na natutulog si Jewel.

Weekend ngayon kaya nagtaka ako kung bakit siya narito. Hindi mapigilan ang sarili ko na mag-isip kung alam pa ba ng mga magulang ng batang ito ang salitang pahinga.

“What does your performance all about?” Yumukod ako kapantay ni Jewel.

“I'll be singing a song I rehearsed until now.” Pinakita niya sa akin ang lyrics ng kanta na kakantahin mamaya. “I'm nervous, Ms. Lauren.”

“Don’t be because you can do it, hmm?”

Ngumiti siya saka nagpaalam na sa akin na magpa-practice. Tumayo ako at sinundan lang siya ng tingin habang palayo.

“She’s sassy,” ani Ritter sa akin. Binalingan ko si Ritter pero sinimangutan ko lang siya. Which make him drop his had on my shoulder. Ang hilig niya talaga sa PDA! “Jewel is right about you being cold, but I still like you, Lauren.” Pinalis ko agad ang kamay niya lumayo sa kanya tatlong hakbang.

“Let’s get inside now.” Nauna akong lumakad at sinundan naman ako ni Ritter saka sinabayan sa paglakad.

“Do you want to watch Jewel sing? I know her school, and I doubt her parents will come.”

“You think so?” Hindi ako makapaniwala na pareho kami ng iniisip ni Ritter. Kilala na rin niya ang mga magulang ni Ritter at sa loob ng ilang beses namin nakasama ni Ritter ang bata, mabibilang sa kamay iyong tumupad ang mga ito sa kanilang pangako.

Bagay na hindi ko gagawin kapag nagka-anak ako. I'm not saying I want a child now. Masyado pa maaga kahit nasa marrying stage naman na ako.

“I know so.” Inaya niya na akong pumasok sa loob at sinimulan namin na magkatulong ang lahat ng gawain sa charity.

Last weekend, I met Ritter's mom and had a talk with her. Nalaman ko na matapos malulong ng tatay ni Ritter sa kung ano-anong bisyo ay sa isang shelter na sila tumira. Iyon yung shelter na sinasabi ni Ritter na nasunog kasama ng mga memories niya at ng ibang bata pa.

Nagkaroon din ako nang pagkakataon na makalaro si Iona na sobrang sweet at affectionate din pero ayun nga hindi na siya gano'n nitong mga nakaraang araw. Ang laki ng pagkakahawig nila ni Ritter at pareho nilang nakuha iyong mga mata ni Ms. Julia na ngumingiti rin sa tuwing tatawa.

Isa pang napansin ko ay kapag magkasama si Ritter at Iona dahil ang cute nila pagmasdan. Para ba na higit sa magkapatid ang totoo nilang relasyong dalawa.

Hindi ko alam kung ako lang ba nakakapansin na ayoko naman i-discuss kay Ritter. Hihintayin ko na lang siyang magsabi sa akin kasi baka mamaya ay mali ang hinala ko. Pwede rin naman na tama ako.

Ah basta, bahala na at hahayaan ko na kusa siyang magsabi sa akin.

“Lauren...”

“Hmm?”

“I think you have to know another thing about me...”

NAGMAMADALI kami ni Ritter na lumakad papasok sa school ni Jewel. Dahil sa matinding traffic, ngayon lang kami nakarating at wala ni-isa sa amin ang may idea kung nakapag-perform na ba si Jewel.

Gaya ng pareho naming inaasahan ni Ritter, hindi nga makakarating ang mga magulang ni Jewel na nasa isang business trip pala sa Hawaii. Sa susunod na linggo pa uuwi ang mga ito kaya binilin sa shelter ang bata. Hindi na nga namin napag-usapan ni Ritter iyong tungkol sa isa pa niyang sasabihin na dapat ko raw malaman.

Mamaya na lamang siguro kapag nakauwi na kaming dalawa. Kapag wala na kaming ginagawa o kailangang tapusin.

“Thanks God we didn't miss it!” Bulalas ni Ritter matapos naming huminto sa tapat ng auditorium entrance.

“May I know who is your child, ma'am, sir?” tanong ng receptionist sa amin. Nagkatinginan kami ni Ritter bigla at parehong napangiti.

“We're here as Jewel Gilbert's proxy parents,” ani ko saka pumirma na sa bond paper attendance sheet. Sinuotan kaming dalawa ni Ritter ng wrist band saka pinapasok na sa loob. Ang sabi'y kami na lang hinihintay kaya na-move ang umpisa ng show.

Agad kami nilapitan ng teacher ni Jewel at maging ito'y dismayado dahil hindi na naman dumalo ang mga magulang nito. Hinanap ko agad si Jewel at nang makita ko siya agad ako kumaway sa kanya. Nagliwanag ang malungkot niyang mga mata at patakbong lumapit sa amin ni Ritter.

“Whoa! Thank you for attending, Ms. Lauren, Mr. McDowell. My parents didn't show up... again.” Muling lumungkot ang mga mata niya nang maalala ang 'di pagsipot ng mga magulang niya.

Yumukod ako at inangat ang kanyang baba. “Chin up, young lady. We’re here now, and we will cheer for you, okay?”

“Okay!” Yumakap siya sa akin nang mahigpit bago bumalik sa mga kasama niya nang tawagin ng teacher.

“This is my first time doing this,” sambit ko kay Ritter matapos naming makahanap ng mauupuan.

Ni-sahinagap ay hindi ko akalain na magagawa kong maging proxy parent ng isang bata. Hindi ko pa kasi na-i-imagine ang sarili ko na maging nanay at naka-focus lang ako sa pagbabago.

Though I love being surrounded by kids but raising one will be another story. When the time is right, I think I can do it. Hindi pa siguro ngayon at may nakapagsabi sa akin na may tamang panahon para sa lahat.

“Have you imagined yourself raising a kid or your kids?”

Umiling ako. “I haven't.” Mabilis kong tanong. “How about you?”

“I already have a child.” Maang akong napatingin kay Ritter. "That is what I want you to know, Lauren."

HANGGANG SA MGA ORAS na ito ay hindi pa rin ako makapaniwala sa rebelasyon ni Ritter. He already have a child and that is Iona. Tama nga ang hinala ko na higit pa sa magkapatid ang relasyon na meron sila.

Buong linggo ko na itong iniisip at hanggang dito sa trabaho ay iyon pa rin ang laman ng akin isipan. Busy ako ngayon pero nagagawa pa rin ng utak ko na i-angat ang isyu tungkol sa pagkakaroon ng anak ni Ritter.

“Ms. Lauren, Ms. Summer, let's have lunch outside.” Pag-aya sa aming dalawa ni Ms. Solaire.

“I'm in! Let's try the newly opened steak house nearby. I've been craving for steak,” wika ni Summer na ginatungan naman ng ibang kasama namin.

Papayag na dapat ako kaso biglang may pumasok na text message sa aking cell phone na galing sa nanay ni Ritter. Ms. Julia is inviting me out for lunch today. Isang dahilan kaya agad akong napatingin kay Summer.

“You’re not coming with us again?” Ms. Xyza asked.

Dahan-dahan akong tumango saka humingi ng paumanhin sa kanila na malugod naman nilang tinanggap. Sabay-sabay silang umalis at nagpahuli si Summer.

“Are you okay? May trouble in paradise ba?” tanong niya.

“Medyo at ipapaliwanag ko sayo soon. I’m going to meet someone outside. Can you cover for me when I can't return before 1 pm?”

“Fine basta ibibili mo ako ng isang bote ng Chardonnay,”

“I’ll make it two, promise. I love you!” I waved my hands after giving Summer flying kisses.

Sinabi ng nanay ni Ritter na maghihintay siya sa malapit na coffee shop na at doon ko siya agad pinuntahan. Hindi ko alam kung tama ang ideya sa pag-uusapan namin ngayon.

Medyo nag-lie low muna kasi ang lahat sa amin ni Ritter dahil nga sa rebelasyon niya sa akin. Naisip ko na baka kaya nag-lie low ay dahil iniisip ni Ritter na hindi kami talaga puwede. Gaya noong una niyang ginawa at bumalik na naman siya sa confusing stage.

Kasalanan ko rin kasi hindi ako nakasagot agad matapos niya ibunyag na may anak siya. Nagulat ako at valid naman iyon sa tingin ko. Saka nasabi ko na hindi ko pa nakikita ang sarili ko na nagpapalaki ng bata sa ngayon. But I have to commend Ritter's honesty and being open to me. Ako lang sa aming dalawa ang hindi masyadong open.

Kailan ko kaya magagawa iyong ginagawa niya na i-open ang sarili sa iba?

Mukhang malabo pa yata ngayon.

Pagpasok ko sa coffee shop, agad ko nilibot ang aking mata hanggang sa dumapo iyon sa puwesto kung nasaan si Ms. Julia. I smiled then walked immediately towards her spot.

“Good afternoon, Ms. Julia.” Bati ko sa ginang.

“Lauren!” Masigla niyang sambit sa aking pangalan. “Have a seat. I already order drinks and dessert for us while waiting.”

“I’m sorry. I got swarmed up by a lot of paper works.”

“It’s okay. I made a short notice also.” Naupo ako at inabangan na ma-serve iyong pagkain namin. “Ritter doesn’t know that you and I will meet today. I decided not to tell him.”

“Don’t worry. I didn’t tell him also.”

Tumango-tango siya saka matipid na ngumiti. “I'll go straight to the point, hija and I hope you won't mind it.”

“Not at all, ma’am. Go on.”

Prepared naman na ako at tingin ko kung ano 'man ang pag-uusapan namin ngayon ay may kinalaman sa amin ni Ritter. Minabuti ko pa rin na huwag sabihin na magkikita kami nang biglaan ng nanay niya. Ritter is busy entertaining some investors at RJM Factory today. Kasama niya si Daddy at Tito Max na siyang nag-invite sa mga investors.

“I think your relationship - if there’s any - with my son will never work out. Despite your bad records, you’re still a daughter of a well-known man living at Billionaires’ Row.”

Huminga nang malalim si Ms. Julia bago muling nagsalita. And it's all about my bad record. Mukhang pina-imbestigahan niya ako.

“And Ritter is trying his best to provide for us, for Iona, which I think you already know now that she’s his daughter. You both have flaws, but I’m still against whatever you have with my son. We’re all tired of your kind, Lauren. So, please stay away from my son. I cannot accept someone with a criminal record as my granddaughter’s stepmother."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro