17
CHAPTER SEVENTEEN | ONLY YOU
Lauren
KULANG ang mga salitang napagod ako para ilarawan ang naramdaman ko ngayong araw. Lunes palang pero parang gusto ko na hilahin ang Biyernes at nang makapahinga na. Sino ba naman ang hindi mapapagod kapag may boss na malakas ang trip?
Porke’t hindi ako sumama ngayong gabi ay sa akin lahat iniwan mga trabaho dito sa opisina na hindi ko naman matanggihan. Hindi pa doon natapos dahil pinapasok pa ako nang maaga bukas. May tiga-IT daw na magpo-program ng computer naming mga intern bukas at kailangan bantayan.
Suddenly, I became an apple of the eye of the man I'm trying to avoid. Kung alam ko lang na ganito siya gumanti, eh 'di sana hinarap ko na iyong pag-amin niya sa akin.
Parang gusto ko na bawiin at hindi ituloy ang pagbabago dahil bawat minuto kanina ay sinusubok ang aking pasensya. Imbis na si Summer ang bantayan ko ay ako ang lagi niya tinatanong kung ayos lang ba ako.
Nakikita niya kasi na parang ako lang intern sa RJM Corporation kanina. Kung ‘di ko pa sinabi na uuwi ako dito sa bahay ng mga magulang ko’y hindi rin siya dadalo sa team dinner ngayon.
“How was your day, darling?” tanong sa akin ni Mommy nang pumunta ako sa kusina. Kasama niya si Daddy doon na kakauwi lang rin galing sa office.
“Good.” Matipid ko na sagot. Nakita ko na nagkatinginan ang mga magulang ko. Ayokong balikan ni Daddy si Ritter kapag sinabi ko na pinahirapan ako ng lalaking iyong maghapon. “May natutunan naman po ako kahit paano at na-exercise ang mga binti ko.”
“I think it’s my fault,” pag-amin ni Daddy bigla. “I told Ritter not to be an easy boss.”
Bigla akong napa-upo nang marinig iyon. Huminga ako nang malalim at inisip ang benefits na kapalit ng mga ginawa ko kanina. “It’s okay, Dad. Mas okay na iyong CEO lang nakaka-alam na anak mo po ako. And he's quite a challenging boss.” Dapat sa kanya maging farmer imbis na businessman.
“How about Summer? How is she?” tanong ni Mommy.
“She’s not allowed to use her phone during work hours.” Habang sinasabi iyon ng TL namin kanina, hindi na ma-ipinta ang mukha ni Summer. Siya pa na hindi nabubuhay na walang cell phone ang binawalang gumamit. Pakiramdam ko’y pa-quit na siya kanina at binalaan ko na rin naman siya tungkol doon. “But she and I won’t quit.” Alam naman ng mga magulang ko iyon at nagmana ako sa kanila na hindi mga quitter.
Nag paalam ako na magpapalit ng damit muna na pinayagan naman nila. Dali-dali akong tumungo sa kwarto ko at kinuha ang malaking bag ko. Kailangan ko kumuha ng mga bagong damit na gagamitin papasok bukas.
Sa apartment na ako uuwi bukas na nasabi ko na rin sa mga magulang ko kahapon. Gusto lang talaga nila ako makasama ngayon kaya dito ako nauwi.
Natigil ako sa ginagawang pag-aayos ng mga gamit nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko dapat papansinin ngunit ang tawag na iyon ay mula kay Ritter na agad ko namang sinagot.
“Hello?”
“Where are you?” tanong niya sa akin. Inalis ko sa tainga ko ang cellphone at pinagmasdan sandali ang screen noon. Bakit ba lagi niya tinatanong kung nasaan ako?
“At my parents’ house,” sagot ko nang ibalik sa tainga ko ang cellphone. “Why?”
“When will you go back to your apartment? Ah, no, don’t answer that. I’ll go there instead.”
“What?” Hindi na narinig ni Ritter iyon dahil natapos na ang tawag agad. “What’s with him exactly?”
AKALA ko’y nagbibiro lang si Mommy nang sabihin niya sa aking nasa ibaba si Ritter. Pero hindi ako niloloko ng mga mata ko at totoo ngang narito siya sa bahay namin.
Mommy invited him to join us in dinner. Wala akong nagawa kung ‘di sumabay na lang sa agos ng mga nangyayari na mahirap para sa akin na intindihin. Hindi naman sila nag-usap ni Daddy tungkol sa negosyo at pulos tungkol sa sports na pareho nilang hilig panoorin at medyo nakaka-relate ako.
“How was your father a day after he sold the company?” Singit na tanong ni Mommy. Hindi lingid sa kaalaman naming lahat na makasarili ang tatay ni Ritter kaya nga binenta nito ang RJM.
“I won’t lie to all of you. He’s already in the Philippines, spending the money he got from you and Max Lewis.” Hindi pala sapat na sabihin lang na makasarili dahil ibang level na pala ang pagka-ganid ng tatay ni Ritter. “One day he’ll comeback and ask for money again.”
“I know you won’t let that happen.” Makahulugang sambit ni Daddy na tinugon ni Ritter ng tango. “So, why are you here again?”
Sigurado akong si Daddy na talaga itong nagtatanong ngayon. Seryoso na ang aura niya habang si Mommy ay neutral lang ang reaksyon nababakas sa mukha. At ako naman ay ine-enjoy lang ang mga pagkain sa harap ko.
“I’m here to ask your permission to court your daughter, sir.”
Napa-ubo ako at muntik ko pa mabuga ang laman ng aking bibig matapos marinig ang sinabi ni Ritter.
Ako? Liligawan niya?
I didn’t expect Ritter to be a traditional type of guy living in the busiest borough of the United States of America.
Seryoso ba talaga siya?
Matama kong inabot ang isang baso ng tubig at nilagok ang laman niyon. Wala pa nagsasalita miski sino sa mga magulang ko. Parang hindi na rin sila nagulat. Expected ba nila na mangyayari ito? Bakit parang ako lang ang clueless?
“The decision with that will be on our daughter and I think you two should talk first.” Iyon ang sinabi ni Mommy saka tinapik niya ang balikat ko nang marahan.
Ano ang sasabihin ko?
After dinner, Ritter and I went outside. Tahimik lang kaming dalawa at ayoko na ako ang unang mag-salita. Sigurado naman ako na hindi mali ang dinig ko sa plano niyang pinaalam kay Daddy at Mommy. Paano ko ba siya kakausapin? Bigla naging awkward ang lahat gaya noong sinabi niyang hindi niya kaya i-pursue ako.
“I know you want to ask why, Lauren.”
Napatingin ako sa kanya agad. “How did you know that I will ask you that?”
Ngumiti siya. “It’s written all over your face.” Napapiksi ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko. “It’s okay to take your time to think, Lauren. I’m willing to wait for you. I’ll see you in the office tomorrow. Sleep well, and don’t dream.” Hindi lang iyong simpleng hawak ang ginawa niya sa aking kamay. Hinalikan pa niya iyon na dahilan ng pagkatameme ko. Ano na ang nangyari?
KINABUKASAN, maaga ako pumasok gaya ng utos sa akin kahit wala pa talaga akong tulog. Kasalanan din nang nag-utos sa akin dahil binigyan ako nang malaking problema. Hindi naman siya talaga problema pero ito kasi ang unang beses na may personal na pumunta sa bahay para ipaalam kay Daddy at Mommy na liligawan ako. Si Ritter lang din ang nakilala nila at nagkataon pa na nagta-trabaho siya sa ilalim ni Daddy.
Mamaya ko na lang iisipin ang lahat. Kailangan ko muna magtrabaho ng maayos ngayon.
“Good morning! Are you the one that will program our computers?” tanong ko sa lalaking naka-upo sa dulo. Nakapatay pa kasi ang ilaw na nakalimutan ko buksan nang pumasok ako. Binaba ko ang aking bag at tinungo ang switch ng ilaw saka pinindot iyon. “I’m one of the interns here.”
“I know.” Natigilan ako nang mahimigan ang pamilyar na boses.
“Ritter – I mean, Sir?”
“Yes.” Tumayo siya bitbit ang laptop niya. Dalawang oras pa bago magdatingan ang ibang empleyado at pumasok lang ako nang maaga dahil iyon ang sinabi niya sa akin. “I already programmed the computers. I’m sorry, I forgot to tell you last night.” Ang lakas talaga niya mang trip!
“If you’re done, can I go outside to buy coffee?”
“Sure, let’s go.” Maang akong napatingin sa kanya. Hindi ko naman siya inaaya at masyado lang siyang pala-desisyon. “I actually didn’t notify you because of two things.”
“What is it?”
A sheepish smile curved his lips. “To see you first thing in the morning and have a date with you before our working hours.”
“Ritter.”
“Lauren.”
“Can you not?”
“Can’t I what?” Huminga ako nang malalim bago nagsalita ngunit minabuti ko na huwag na lang sabihin ang laman ng utak ko. Kinuha ko ang bag ko at tinalikuran siya. Kailangan ko simulan ang araw ko na maganda para matapos din nang maganda. “Wait up, Lauren.” Pigil ni Ritter sa akin saka inabot ang ID ko na naiwan ko pala. “Always wear that because our doors has ID operated system. You cannot go in without it. Plus it’ll record what time you clocked in and out.”
“That’s cool, but do I have to come to the office earlier than my time?”
“Hm, I’ll fix our dates so you won’t come here earlier. I know how precious sleep is to you.”
“It’s not what I’m trying to say!”
Ngumiti lang siya at pinindot na ang elevator button. Nang bumukas iyon at magkasunod kaming pumasok sa loob. Agad na hinawakan ni Ritter ang kamay ko at mukhang wala siyang balak na pakawalan iyon. Hindi naman ito ang unang beses na hinawakan niya aking kamay. Third time na ito pero hindi naman kailangang magpanggap na mag-jowa ngayon.
“You cannot charge me starting today when I need you to be my girlfriend because I’m already courting you.” Tinaasan ko lang siya nang kilay. Iyon ba ang dahilan? Mababa na nga ang singil ko sa kanya! “But it’s not the main reason why I’m courting you. It's because I want you. Only you, Lauren.”
SA ISANG coffee shop hindi kalayuan sa RJM Corporation kami nagpunta ni Ritter. Siya na ang nag-order ng mga pagkain namin dahil date daw ito. Sobrang aga para sa isang date na hindi ko naman inasahan. Hindi naman ako gano’ng kabato para ‘di kiligin sa mga banat niya. Lalo na nang sabihin niya na hindi dahil nag-charge ako kaya siya nanligaw.
Ako daw ang gusto niya. Ako lang.
Ito ba ang dahilan kaya sinabi niyang hindi ako pwedeng mag-move on hangga’t hindi niya sinasabi? Bakit ba hindi ko naitanong sa kanya iyon? Itatanong ko ba?
Tila pelikulang bumalik sa isipan ko ang mga sinabi niya noon.
You cannot move on, not until I tell you.
“Stop thinking about me, Lauren.” Sinimangutan ko siya at agad na kinuha ang in-order niyang ice coffee para sa akin. “Eat this first so your tummy won’t be hurt.”
“I’m not thinking about you.”
“Do you need to be blunt?” tanong niya sa akin. Natahimik ako at hinati na ang honey glazed doughnut sa aking harap. “I know I told you about my uncertainty, but the past months were enough to know you, so I am now declaring my love for you.”
“How about my past? I told you, I’m completely different from before.”
“As I always say, your past doesn’t matter to me, Lauren. I’m not perfect either, and I admit how greedy my father was. There’s one more thing that I want you to know. I want you to come with me this weekend; I’ll introduce you to my mom.” I had to commend his honesty last night. Mahirap aminin iyon sa harap ng mga magulang ko na sobrang nakaka-intimidate pa naman. “I’m not always traditional, but for you, I did it.”
Hindi ba pwedeng sumigaw ng time out? Masyado na siyang nagiging cheesy at gaya ng mga oras na ito’y hindi ko na kinakaya ang iba. Mahirap pati magtago ng kilig.
I need some saving, and God, please hear me out.
“Sali ako sa inyo.” Pukaw sa amin ni Summer na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan. Umupo siya sa gitna namin ni Ritter at nilapag ang ng order niya. “I saw the two interns taking photos a while ago and I have to stop them. Stop making this hard for me, okay? Keep everything in lowkey mode.”
“Saan ka nanggaling?” tanong ko kay Summer. Tinuro niya ang pila at may nakita ako na pamilyar na mga mukha doon.
“I’m going to learn your language to understand you both.” Singit naman ni Ritter bigla saka hinayaan si Summer na kainin na ang order niya.
“Stop eating his food, Sum.” Saway ko kay Summer.
“Mas masarap pala iyong order niya,” ani Summer sa pinagpalit na ang plato nila ni Ritter. “Eat now, Lauren and do not stare at him too much. I’m jealous!”
Pinili namin ni Ritter na huwag na lang siya patulan at pinakain na lang. I did ask for saving but He sent me a crazy one. Hindi na nga masyadong halata na date ito dahil sa presence si Summer bigla na naka-upo sa gitna naming dalawa ni Ritter.
Matalino rin pero siya din ang nahihirapan dahil sa pagtatakip na ginagawa niya para sa amin. Maasahan si Summer lalo na kapag walang sumpong kaya nga gusto ko na lagi siyang nasa tabi ko.
Napukaw ang malalim kong pag-iisip nang marinig na tumunog ang aking cellphone. I received a text message from Ritter which I immediately read.
From: Ritter
I’m starting to hate Summer.
I tried my best to conceal a smile.
From: Ritter
Let’s have a dinner date later. I’ll cook for you.
To: Ritter
Okay.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro