Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

13

CHAPTER THIRTEEN | COFFEE

Lauren

NAGULAT ako nang iusod ni Ritter ang isang cup na in-order matapos niyang sulatan iyon ng kung ano. Tiningnan ko iyon at nakuha agad ng aking atensyon ang puso na ginuhit niya. Inikot ko iyon at may iba pang naka-sulat sa pinaka-katawan ng baso.

Have a nice day!!

Hindi ko maiwasang numiti at iyon mismo ang naabutan ni Summer na ekspresyon sa aking mukha.

“Hopia, mani, popcorn, cough expectorant ka na naman diyan, Lauren.” Sinamaan ko nang tingin si Summer matapos marinig ang banta niyang siguradong narinig niya sa movie na pinanood. “Not because he has no intention of using you to get Dad's investments, you'll dive na agad-agad. May isa ka pang problema baka nakakalimutan mo at ipapaalala ko lang rin naman sa 'yo na si Ritter iyong lalaki na hindi sure sa feelings niya for you,”

Sumimangot ako. Pero hindi ko naman nakalimutang kinausap ako ni Daddy na balak niya ako i-train sa mga hotel at office works. Bagay na sigurado akong boring para sa akin. Alam naman ni Daddy na mas nag-e-enjoy ako dito sa Elixir Café and Restaurant. When he talked to me, my parents are sure enought that I can handle the job at their company. Hindi naman ako agad naniniwala kasi siyempre, ilang buwan pa lang naman ako nagta-trabaho na wala ang tulong nila.

“Hindi ko nalimutan at ayoko muna isipin,” sagot ko at dinampot na ang bigay na kape ni Ritter. “Ikaw din naman kinausap na ni Tito Max, right?”

“Don't remind me of that. Akala ko okay na sila sa ganito lang tayo.” Pareho kaming napabuntong-hininga ni Summer. Wala naman talaga kaso sa mga magulang namin na pa-ganito-ganito lang kaming dalawa. At some point naiintindihan ko rin lalo na si Daddy na tumatanda na sila ni Mommy at dahil solong anak ako, wala silang ibang malilipatan ng lahat.

“In my case, I have no choice because I am an only child, Summer. Suwerte ka pa at may kakambal ka na puwede sumalo in case na ayaw mo talaga.”

“Brooklyn built his own world, Lauren. Pareho na tayo kasi walang direksyon ang buhay nating dalawa.”

“Ikaw lang iyon, Summer,” kontra ko agad dahil alam ko na may direksyon naman itong sa akin. Hindi ko pa nga lang alam saan papunta.

“Ay laglagan pala. Akala ko ba partners in crime tayo?” Naiiling lang akong uminom ng kape. “I have a better idea, Lauren.”

“Ano naman yon?”

“Mag-i-internship tayo!” Kumunot ang noo ko. Internship? Ano na naman ang pumasok sa isip ng babae ito? “Since hindi natin mapipigilan ang mga magulang natin. Then, let's just go with the flow. Binebenta kay Daddy iyong company ni Ritter kaya puwedeng doon tayo mag-intern.”

“Sandali lang, Summer... What do you mean by binebenta? Hindi ba't sabi mo mayaman sila?”

“I don’t know. I heard when Ritter’s Dad visited my dear father two days ago. Akala ko din investments lang pero mas malalim pa pala.”

Hindi ako nakapagsalita agad. Iyong pangiti-ngiti na Ritter ay may pinagdadaanan pala. Una iyong kapatid niya na problematic tapos ngayon ang company naman nila. Tapos ako pa ang lagi niya binibigyan ng kape at chocolates! Siya pala iyong kailangan ng kausap at tiga-aliw.

“So, go ba tayo?”

“Kakausapin ko muna si Daddy. Baka ipa-ampon na ako noon kay Tito Max.”

“Much better! Wala akong kapatid na babae at tagal mag-asawa ni Brooklyn. Tumatanda na siya, torpe pa rin.”

“Pareho lang kayo ng edad, Sum.”

“He's the eldest kaya!” giit niya sa akin na nagpatawa sa akin.

Parang walang nangyari na 'di maganda noon sa charity na pinuntahan namin. Ang bilis niya naka-recover kahit may paiyak-iyak pa noong dalawin ko siya at dalhan ng chocolate na galing kay Ritter. Ayaw na nga lang niya pag-usapan at naiimbyerna lamang kapag nababanggit ko iyon. Kinulang lang naman sa pagkilala kay Summer ang lalaking iyon sa charity. Mas nauuna kasi ang judgement bago ang pagkilala.

This is what the real world looks like. It’s cruel and unfair.

Isa sa mga kinakatakot ko ay baka ma-husgahan ako dahil sa nakaraang matagal ko nang pinagsisihan. Isang dahilan kaya ayoko pasukin ang mundo ni Daddy kahit pa mabilis lang burahin ang anumang isyu na ipupukol sa akin. And I don't want my father to be like that forever, cleaning up the mess I made. Kailangan ako mismo ang aayos sa gusot na papasukin ko dahil buhay ko naman ito. Their only job is too guide me, not to clean up my mess.

“Are you sure you want to be an intern, Summer?” Tanong ko.

“Uhm yeah?”

“I hope I have you for the long run.”

“I got you, Lauren. Don’t worry, okay?” Lalo akong mag-aalala nito. I doubt Summer’s perseverance and willingness to take the challenges in front of us seriously.

Bahala na lang ulit talaga!

I PLACED a cup of refresher to get Ritter's attention. Masyado siyang tutok sa kung ano ang ginagawa niya sa kanyang laptop. Nasa kanyang harapan din ang tablet na nakikita ko namang stocks ang kanyang binabantayan. Malapit na magsara itong Elixir kaya konti na lang ang din ang customer sa loob. Nakahinga na kami nang maluwag ni Summer matapos sumabak sa dagsang mga tao ulit kanina. Inokupa ko ang upuan sa tapat ni Ritter saka sinilip kung ano ang ginagawa niya sa kanyang laptop. Nang wala ako maintindihan, isinandal ko na lang ang likod sa sandalan ng kinauupuan ko.

“Do I have to go now? Are you going to close the café now?” Sunod-sunod na tanong sa akin ni Ritter.

“Uhm no, not yet. Take your time there.” I said, and it made him straight up from his a bit. Kinuha niya ang bigay ko na refresher at ininom iyon. “I heard about your company...” Nag-aalangan ako talaga na simulan ang usapan na ito. Hindi naman kasi siya nag-she-share pero para ano pa at naging magkaibigan kaming dalawa. Ang totoo marami siya hindi sinasabi sa akin kaya valid ang sinabi ni Summer na siya pa rin iyong Ritter na hindi sigurado sa nararamdaman niya para sa akin.

“From Summer, right?” Napakamot ako sa aking batok. “It’s okay. What you heard was true. I’m selling off my company now, and Max Lewis is one of the potential buyers.”

Nagulat ako sa narinig. “You mean there's another buyer?”

“Hm, yes.” Gano'n ka in demand ang company ni Ritter? Maraming gusto bumili at mag-invest. Sobrang galing naman niyang businessman kung gano'n. Ritter is like Daddy. But he never sells out his business. Hinahayaan lang niya tas ibibigay sa akin bilang ako lang naman ang anak niya. “Your Dad, Christian Ricaforte placed an amount too. Now, I'm torn.”

Si Daddy?

“Are you sure it’s my Dad?”

“New York City has only one Christian Ricaforte, Lauren. Unless your Dad wants to clone himself.” Ano kayang plano ni Dad? “I discovered that Summer’s Dad is your Dad’s best friend. Maybe I can divide the company into two instead of choosing between them.”

“Are you okay with it? You will sell the company that has been your bread and butter for a long time?”

“Not, but my father decides to sell it out. He needs money to provide for his addiction.” Huminga nang malalim si Ritter. “I’m not perfect, Lauren. I have flaws too. Selling out the company opens another opportunity for me to do what I want in my life.” I told Ritter before that he doesn’t need to choose. But if destiny opens up a door like what will happen when he sells out their company, then who am I to stop that opportunity? “If you still feel bad, you may invite me to your apartment, and let’s have coffee there.”

“What’s so special about my coffee at home?”

“You mix it all by yourself.” Ngumiti siya at inubos na ang bigay ko na refresher. “Shall we?”

May magagawa pa ba ako?

Syempre wala.

“Fine. I’ll finish up my shift, and then we’ll go.”

“Aye, aye, captain!”

I smiled when Ritter said that. Parang bata at ayos talaga sa kanya na mabenta ang negosyo na pinaghirapan niya. I wish I can be as delightful like Ritter. Sa ngayon 'di ko pa magawa kahit na ilang ulit ko sabihin na ayos lang sa akin ang ganitong set up. May hinahanap pa rin ako na hinding-hindi ko mahanap-hanap kahit saan.

Hindi ko rin alam kung ano.

WHEN the clock strikes at ten o'clock, I immediately close the café and started cleaning. Tinulungan ako ni Dakota na panay ang tanong sa akin tungkol kay Ritter. Pakiramdam daw niya kasi ay something sa aming dalawa pero ang totoo ay wala naman talaga. Niloloko lang sila ng mga mata nila dahil kami ni Ritter ay magkaibigan lang. Hindi na ako aasa at mahilig naman ang kanong ito sa mixed signals.

“Is Summer not going with us?” tanong sa akin ni Ritter.

“She needs to go home. Tito Max asked her,”

“How about you? When was the last time you went home?”

Napa-isip ako bigla. Kailan nga ba ako umuwi sa bahay?

Laging ang mga magulang ko ang nadalaw sa akin sa apartment. Hindi pa sila napasok agad dahil hinihintay pa nila akong dumating. Dad said, they wanted respect my privacy. Matanda na daw ako pero lagi pa rin niya ako tinuturing na baby, silang dalawa ni Mommy. And I'm one hundred percent sure that they will be shock when I tell them my plan.

“I don't remember now.” Tumingin ako sasakyan namin pareho. Pareho kaming may sasakyan kaya iniisip ko paano kami uuwing dalawa.

“I'll follow you home, Lauren.” Tinapik niya ang balikat ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok sa sarili niyang sasakyan. Agad naman akong sumunod dahil malamang apartment ko yung pupuntahan namin. He is my guest, not a housemate.

I started my car's engine to heat it up for few minutes before driving away. Hindi pa 'man kami nakakalayo ay tumunog na ang cellphone ko. Nangunot ang noo nang mabasa sa screen ang pangalan ni Ritter. Agad ko iyon sinagot upang alamin ang gusto niyang sabihin sa akin.

“Hello?”

“Stop swerving and stay on one lane, Lauren. It's dangerous.” Sinunod ko si Ritter. Hindi ko namalayan na iyon pala ang ginagawa ko. Gusto ko na kasing makauwi kaya papalit-palit ako ng lane. Ang tagal pa nang nasa unahan namin magpatakbo ng sasakyan.

“You called me because I swerved?”

“I called you because I'm concern, Lauren.” Hindi ako agad kumibo at bumalik sa isipan ko iyong tagline ni Summer kanina. Ma-ho-hopia na naman ako kapag umasa sa lalaking ito. I really have to stay on my lane or else I'll be devastated. “Are you still there?”

“Uhm yeah,” mabilis ko na sagot sa kanya.

“Did you forget to breathe again?”

“Nope.” Pagsisinungaling ko para pagtakpan na nakalimutan ko ngang huminga kanina. Mahilig kasi manggulat tapos as a friend lang naman lahat. Sabi ni Summer diretsahin ko na raw na hindi ko naman magawa. Nakalimutan ng kinakapatid ko na bigyan ako ng tapang na meron siya. “I was thinking of something else.”

“That concerns me?”

“Dream on, Ritter. I'm almost over you,” pag-amin ko ngunit parang hindi iyon ang sinasabi ng aking puso.

“That’s bad because I need my girlfriend this coming weekend. I have a school reunion to attend.”

“What?” Mariin akong napapikit nang maalala ko iyong mga kaklase niya na nakilala namin sa kasal ni Serene.

“You cannot move on, not until I tell you...”

I’m doomed!

PAGDATING namin sa apartment ko, pinaghintay ko muna sa labas saglit si Ritter dahil alam ko na magulo sa loob. Naghanap kasi ako ng masusuot at sa kakahanap ko'y nagulo ko ang aking closet. Parang ninakawan ang ang itsura ng apartment ko kaya naman nilinis ko iyon ng maigi. Inalis ko rin ang mga nakasabit na underwear ni Summer sa banyo. Nakakahiya at lalaki pa naman si Ritter. Nang matapos, binuksan ko na ang pintuan para kay Ritter.

“I’m sorry. Summer and I always made a mess here," sabi ko pero alam ko na pareho lang naman kami makalat ni Summer. But on my defense, Summer is messier than me.

“It's okay. It's your apartment, Lauren. Your rules, not mine.” Nakahinga ako nang maluwang matapos marinig ang sinabi niya. Pumasok siya sa loob at basta nilagay sa sofa bed ko ang kanyang laptop bag. Sinundan ko siya saka inaya sa maliit kong kusina. “Are you going to take your father's business?”

“I haven’t decided yet whether I’ll accept it.” Alam niya? Paano kaya? Nevertheless, hindi pa rin naman ako nakakapag-decide saka babanggitin ko pa itong tungkol sa plano namin ni Summer na mag-intern sa RJM Corporation. "May internship ba sa company mo?"

"Your father's company now, Lauren, and yes, we're still hiring. Why?"

Pinakita niya sa akin ang katibayan na tuluyan na nabenta ng tatay niya ang kumpanyang pinaghirapan mula pa noong umpisa. Ritter told he wasn't like this before. Happy go lucky siya at pulos pakikipag-barkada lang ang alam. Something that we have in common. And handling RJM Corporation mold him a lot as a responsible guy but still not enough for his parents. Gaya ng sabi niya kanina habang naglilinis kami, nalulong sa bisyo ang tatay niya na ginugulo pa rin sila hanggang ngayon. Ayaw na tanggapin ng nanay ni Cady ang tatay nila at gano'n rin naman ang nanay ni Ritter.

"I just asked." Ngumiti siya at gano'n rin ako.

“I’m going to build my restaurant using my own money.” Itutuloy niya ang pagpapalit ng career. “But Max Lewis and your Dad asked me to oversee the business on their behalf. Only the owner will change, and the management will remain.”

“Accept it! With your on board, there will be fewer expectations and hassle because you already know what to do in the company. I know Tito Max and my Dad so well. He’s not the kind of man who will expect more than how much his people can give. Same with Dad. They value their employees well.”

“I think I will learn a lot from them.”

“For sure.” My Dad is the best in his expertise. Hindi naman siya babansagan bilang successful na businessman kung hindi totoo. Marahan ko nilapag sa harap ni Ritter ang kape na ginawa ko. “I discovered that your chocolate can bring my coffee to the next level. After brewing, I added one and one-half scoops of your melted unsweetened chocolate bar.”

Tiningnan ko si Ritter nang dahan-dahan niya iyon tikman. “This is good, Lauren! I didn't expect this will be a good combo. It's not just a simple mocha coffee.” Napangiti ako matapos marinig ang review ni Ritter. “I think I need to drop by to taste this everyday.”

“It’s not for free, Ritter.”

“You are Christian Ricaforte's daughter indeed.” Nagkibit-balikat lang ako at gumawa din ng kape para sa akin. Malakas din ang trip namin pareho at nagkakape sa kalagitnaan ng gabi. “Did you ever suspect me of using you before?”

“Once.” Maang na napatingin sa akin si Ritter. “But it change since you seem a real nice guy.” Except when you get my hopes high. Kasalanan ko din naman masyado akong na-fall kaya ngayon, never again.

“You’re still the mysterious lady I met on a yacht in the middle of the Hudson River.”

“Mysterious?”

Tumingin si Ritter diretso sa mga mata ko na sinalubong ko naman. Ritter’s jet-black eyes say something that I cannot interpret. It delves into my soul and drags me into a world exclusive to us. “Yes, you are, Lauren. It made me want to know you more and more."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro