Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

10

CHAPTER TEN | AN ANGEL

Lauren

"GOOD MORNING!" Masigla kong bati sa customer ngunit agad din napalis ang ngiti naka-guhit sa aking labi nang makilala ko ang mga nasa harapan ko.

It was Carly, Lily and Cady - the Brooklyn's pain-in-the-ass trio. Narito na naman ba sila para guluhin ang tahimik kong buhay? Sa dami ng coffee shop dito sa Brooklyn, bakit dito pa nila naisipang magpunta? Wala pa namang Summer na ba-back up sa akin ngayon. They're on a family outing in Napa County. Sinasama ako ni Summer kaso tumanggi ako kasi balak ko sulitin iyong trabaho na wala maingay at makulit. Ngayon, nagsisi na ako bakit hindi pa ako sumama sa babaeng iyon. I cleared my throat then I eyed them, all of them.

They laughter rings in my ears. Parang gusto ko lang takpan ang aking mga tainga para hindi iyon marinig.

"What can I get started for all of you?" tanong ko sa pilit na ngumiti sa kanila.

"Life hits you hard, Lauren. Who would've thought that the elite girl like you would end up working and earning like eight dollars a day?" Nakita ko na tumingin si Carly sa mga kasama niya at parang robot naman ang mga ito na tumawa.

Napatingin ako kay Cady at mabilis pa sa alas-kwatro siya nag-iwas ng tingin sa akin. I haven't received any apology from her. Si Ritter lang lagi ang nag-so-sorry at nililibre pa ako kung saan-saan nito mga nagdaan na araw. Hindi na rin naman namin napag-usapan ang mga nangyari noong nakaraan. Suwerte ko nga at hindi niya ako tinatanong paano ko nakilala si Tito Max. He's not suspecting at all... yet? Bahala na kapag nagtanong siya pero sa ngayon kalmahan ko muna.

"And she got in trouble again, Cady?" Dagdag ni Lily at kinumpirma pa kay Cady kung tama ba ang kwento nito sa kanila. Ano na namang kasinungalingan ang na-kwento niya? Hindi na nga nag-sorry, nagkakalat pa ng tsismis.

"I-I just heard through the vines." Napahalukipkip ako habang nakatingin kay Cady.

In where grapevines did she hear that? Pati sa mga tinuturing niyang kaibigan ay kailangan niya magsinungaling. This isn't good, and I know how this will end. I was like Cady before. Spreading rumours, telling a lie, and I did steal due to peer pressure back in high school.

Mali kasi ang mga sinamahan ko na kaibigan at bago ko palang nakilala si Abby. Even if I'm hanging out with Abby before, I still can't turn my back off to my so called 'true friends'. Kailan lang ako naitawid ni Abby at noong namatay pa siya. Malaki ang pagsisi ko kaya kahit wala na siya rito sa lupa, tinutuloy ko pa rin ang pagbabago na naipangako ko sa kanya. Pero hindi ako tatakbo na santo kaya kapag alam ko na naargabyado ako, lumalaban talaga ako kahit sino pa iyan.

"Anyway, give us three caramel macchiatos with two espresso each and three croissant pieces." I immediately key in Carly's order and sum it up.

"That would be nine dollars and fifty cents,"

"Here's twenty dollars." Imbis na iabot ay binato ni Carly sa akin iyong pera. Hindi na lang ako kumibo at pinasok iyong bayad sa cash register. "Can you serve that to us?"

"Yes, ma'am,"

"I love it! I can now command you, Lauren, the loser." Parang robot na tumawa ang mga kasama niya. Mas tama yata tawaging, Carly and her Marionettes kasi kailangan tumawa nina Lily at Cady kapag may banat na sa slita si Carly. "Let's go girls." Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maka-akyat sila sa second floor café.

Huminga ako nang malalim saka hinanda ang order nilang tatlo.

"Are you okay? Do you want me to serve their order instead of you?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Dakota.

Umiling ako. "I'm fine, Dakota, but thanks for the offer. Just sub me in the register while I prepare these."

Konti lang ang customer ngayon kaya nakakapag-kwentuhan pa kami ni Dakota. Marami siyang na-kwento sa akin gaya ng iyong sinasahod pala niya rito ay ginagamit pang bayad sa rent at kung ano-ano pang bills. Pareho kami pero may magulang ako na nagvo-volunteer na magbayad kapag kinakapos ako, si Dakota wala. Dahil PWD ang nanay niya, nakakakuha sila ng government assistance pero hindi pa rin iyon sapat. Living in a city like Brooklyn is really expensive.

Akala lang ng marami ay cool tumira dito. Sari-saring polusyon at kahirapan sa bawat sulok na 'di nalalayo sa Pilipinas. I witnessed everything ever since I cleaved from my parent's care. Naiintindihan ko na nag-aalala sila sa akin pero ito talaga ang gusto ko gawin ngayon.

When I completed Carly's order, I carefully lifted up the tray and went out the register area to serve it. Paakyat palang ako rinig ko na ang pagkukwentuhan nilang tatlo na ako ang topic.

"That's him, Lauren's sugar daddy," sambit ni Cady na nagpakunot sa aking noo.

"No way! Are you sure about this?" Gulat na gulat na sabi ni Carly. "This is Max Lewis, and he owned this place. He's the father of Brooklyn Lewis, the Broadway singer."

"I'm sure. That's the picture I received from my informant." Lies...

"I'm loving that informant of yours, Cady." Para silang mga tanga na kilig na kilig sa balitang hindi naman totoo.

I cleared my throat to get their attention. Pabagsak ko na nilapag sa lamesa nila ang tray at muntikan pa matapon iyong order nilang kape.

"Watch it, Loser!" sigaw ni Lily.

Mariin ko tinuon ang kamay ko sa lamesa nila saka matalim silang tiningnan.

"Max Lewis is my father's best friend, and he's not my sugar daddy. His wife is my mother's best friend and my godmother. Check the fact before spreading rumours. Cady's informant is herself."

Hanggang doon lang sinabi ko dahil mabait pa ako kung tutuusin. I know Carly and Lily, they will cancel Cady if they knew that she spent a night in jail. Sinabi sa akin ni Ritter na tinotoo niya iyon kahit magalit pa sa kanya ito. Para daw matuto ng leksyon na hindi lahat ng gawin ay tama at sasaklolohan. Puwede pa siya magbago kaso maling tao ang mga sinasamahan niya kaya maaaring maudlot.

"Does your older brother know you're telling lies and creating baseless rumours?" Hindi nakasagot si Cady at nakatitig lang sa kanya sina Carly at Lily. "Try putting yourself in other people's shoes and do not depend on your parent's money."

Tinalikuran ko sila pagkasabi noon at binalikan na ang trabaho ko. I don't owe an explanation to anyone but sometimes truth slapping is still the best revenge. Sometimes.

DUMIRETSO UWI ako pagkatapos ng shift ko ngunit may hindi ako inaasahan na bisita na naghihintay sa labas ng apartment ko. Awtomatiko akong ngumiti nang makita ang mga magulang ko sa labas na mukhang ako ang inaabangan na makauwi.

"Mom, Dad!" sigaw ko agad saka patakbong lumapit sa kanila. "Why are you both here?"

"Aren't we allowed to visit our daughter?" Balik-tanong sa akin ni Daddy. Hindi naman masama kaso baka may na-kwento si Tito Max na nangyari sa akin kaya napasugod sila rito. Pero may tiwala naman ako sa tatay ni Summer saka ang cool kayang tatay ni Tito Max. Parang si Daddy din sa akin.

"It's not that. Anyway, let's get inside now." Pag-aya ko sa kanila saka binuksan ko na ang pintuan. "You should asked the admin staff for a key. Kilala naman nila kayo,"

"It's your Dad's decision to wait for you outside," sagot ni Mommy. Ngumiti ako saka binukas ang pintuan at pinatuloy silang dalawa.

"How's work?" tanong ni Daddy sa akin nang makaupo sa couch. Si Mommy naman ay inusisa ang mga food storage ko pati na ang refrigerator. "We just got home from Napa County. I thought Summer could convince you to go with us,"

"In-enjoy ko lang po iyong trabaho na walang maingay at makulit." Dad chuckled. "How was vacation?"

"Your Tito Max's vacation place is huge. We had a stroll around their grapevines."

Harvest season ngayon kaya nag-aya si Tito Max na pumunta doon. Gumagawa na sila ng sariling wine nila na siyang sine-serve sa lahat ng Elixir branches. Nakapunta na ako doon minsan noong ayain ako ni Summer. Hindi pa harvest season noon kaya iyong pag gawa at pagtikim ng wine lang ginawa namin. Meron din gumagawa ng ibang alcohol beverages na tinikman din namin dalawa kaya halos gumagapang na kami umuwi sa main house.

"Bakit ang daming pagkain dito?" tanong ni Mommy.

"It's not mine, Mom. Kay Summer ang lahat ng 'yan."

"Is she living here with you?" tanong ni Dad.

"Ask her," tugon ko at inabangan na makapasok si Summer.

"Lauren, na-miss kita - Tito Chris, Tita Thali!" Natatawa akong nagkibit-balikat matapos makita ang reaksyon ni Summer nang makita ang mga magulang ko. Hindi siya makakapangulit dahil may bantay kami ngayon. "Sinasamahan ko po si Lauren kasi malungkot tumira mag-isa. Hindi siya gaano friendly."

"I'm only choosing the right people, Summer."

"Do I belong to the right people?"

"No. You're the pain in my ass."

Patuloy kami sa pagbabangayan hanggang sa awatin kami ni Mommy. Nagsabi si Mommy na magluluto siya at tuwang-tuwa naman si Summer dahil hindi kami kakain ng fast food ngayon. Kami ni Daddy ay nanatili sa maliit kong living room at pinili na manood ng soccer match.

"Don't you want to live at my penthouse? Paano kayo nakakatulog ni Summer dito?"

"Dad, believe me, ayaw ni Summer sa penthouse niya kaya nakikitira iyan dito. Sakto lang sa akin itong apartment. Kakaayos ko lang ng lababo noong nakaraan."

"You knew now how to fix a sink? Where did my daughter go?"

"Living all by myself taught me a lot of things. Aren't you proud of me?"

"You never failed me, Lauren. What you did in the past taught you a lesson, making you strive for a better version of yourself. You're not a failure to us, hmm?"

Hindi ako nakakibo at basta na lang ako yumakap sa kanya. Ang sarap pakinggan ng mga sinabi ni Daddy at parang gusto ko isampla iyon sa lahat. Kahit paano ay nakabawas sa mga iniisip ko na bunga ng pambubully na inaabot ko sa ibang tao.

Other people don't know the real story that I have. The story I kept away from the knowledge of everyone.

KINABUKASAN, naisipan ko na mag-commute mas inagahan ko ang alis ko kaysa normal na oras ng pag-alis kapag gamit ko ang sasakyan. Napadaan ako sa hangout place namin ni Ritter at medyo nagulat pa ako nang makita siya roon ng maaga. Tinanaw ko lang siya muna at matamang pinagmasdan. He is reading a broadsheet and a hot cup of coffee placed in front of him. Kahit sa work place ko ay gano'n ang gawain niya at nauuna lang talaga magbukas itong hangout place namin.

What am I doing? Bakit ko ba siya tinitingnan mula sa malayo?

Agad ko kiniling ang ulo ko saka nagpatuloy na paglalakad. Mali na mag-isip ako ng kung ano-ano at baka ma-hopia na naman ako. Na-hopia na ako noong unang beses at hindi na ako uulit pa.

"Serene is getting married today, Ritter." Napahinto ako paglalakad. Ilang dipa pa lamang ang layo ko sa hangout place namin kaya narinig ko pa ang usapan nila. "Aren't you going to greet your ex-girlfriend?"

Ex-girlfriend? Ikakasal na?

Nakakahawa talaga ang pagiging tsismosa ni Summer.

"I'm going there," sagot ni Ritter.

"Alone?"

"Yeah,"

Napatago ako sa gilid nang makita ko na tumayo si Ritter at tinupi nang maayos ang broad sheet na hawak bago umalis.

Seryoso ba siya na pupunta sa kasal ng ex niya na mag-isa? Ayokong mangialam pero magmumukha siyang kawawa doon. Agad akong nagpadala ng text kay Summer na hindi ako papasok ngayon. Mabait sa akin si Ritter simula pa noong una kahit na nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan. We managed to settle it with no hard feelings and this simple crush I have for him will surely fade away soon.

I have to help Ritter because he's my friend. Yes, I'll help him!

Agad ako bumalik sa bahay at nagpalit ng disenteng damit. Naglagay ako ng konting make up sa mukha at pinili ko iyong sapatos na regalo sa akin ni Mommy. Umikot-ikot ako sa salamin upang tingnan maigi ang aking ayos. I automatically smiled when I get satisfied with my looks. Pinasadahan ko ng ayos ang aking buhok na maikli saka hiniram iyong ipit ni Summer pandagdag style.

When I'm done, I immediately went out again and walked towards the open car park where Ritter is waiting. Mukhang nagdadalawang isip pa siya pero hindi na kailangan dahil tutulungan ko siya ngayon. Against sa motto ko na huwag maging pakialamera sa buhay ng may buhay. Binukas ko ang shotgun seat ng sasakyan niya saka hinubad ang suot ko na coat bago sumakay.

"Lauren?" Takang sambit ni Ritter sa aking pangalan.

"How do I look?" tanong ko sa kanya. Nakita ko na pinasadahan niya ako ng tingin. "I'm sure that I'm a lot prettier than the bride."

"How did you know?"

"I overheard your conversation a while ago. But it doesn't matter because I'm here to help you." Ngumiti ako at matamang nagsuot na ng seatbelt. "How do I look, Ritter?"

"You look like a vindictive virgin ghost,"

Sumimangot ako. Ano namang klaseng sagot iyon? "I look like an angel!" giit ko saka nag-demonstrate pa ako gamit aking kamay. For a second, I realized that I look stupid so I stopped and seriously look at him. "Let's go to that wedding now."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro