09
CHAPTER NINE | FRAMED
Lauren
HINDI ko na mabilang kung ilang beses ako nag-praktis na ngumiti sa harap ng aking whole body mirror sa apartment. Simula nang sabihin ni Ritter na creepy ako ngumiti ay ginugol ko na ang tirang oras ko sa pag-praktis na ngumiti. I rarely smile and because of Ritter I realized that it is really creepy. Gusto ko na tigilan pero kapag nag-praktis daw eventually magiging perfect naman sa huli.
Pero bakit sa mga picture na kasama ko si Dashiel at parents ko normal naman ako ngumiti?
That man's comments affect me. Ugh!Ayoko na nga ito gawin!
Sinabit ko ang tuwalya ko sa whole body mirror para takpan iyon at hindi na ma-tempt pa na tumingin. Apektadong-apektado talaga ako gayong sinabihan ko na ang sarili ko na huwag ibaba ang harang na tinayo ko palibot sa aking puso. What we did a week ago was something different and I've became a little in the mood after our quick travel. Kailangan ko lang pala na umalis para hindi lagi ma-stress at sa susunod susubukan ko na ako lang. Hindi ko naman inasahan na naroon si Ritter kaya sa susunod ipa-plano ko para iwasan din ang mga biglaang gawain.
"Good morning, Lauren!" Bati sa akin ng isa sa mga bagong tenant sa katabing apartment ng tinitirhan ko.
"Good morning!" Bati ko saka ngumiti pero pinalis ko rin kasi baka sabihin niya rin ang creepy ko.
"You seemed to be in good mood today. Any progress with your lover boy?" Napakamot ako sa aking ulo. Ilang beses ko na sinabi na hindi ko boyfriend si Ritter pero pinipilit pa rin niya. Itong si Tamika ay kasing level ng ugali ni Summer at tingin ko iyong babae na iyon ang ng pi-feed ng kung ano-ano sa isip niya. "Anyway, I have a house warming party tonight. Bring Summer with you and that lover boy of yours. I won't take no for an answer, Lauren. See you!"
Tatanggi palang ako pero wala na, tumalikod na siya at kinausap iyong ibang tenant na kapwa ko nakatira din dito. Party na naman, ibig sabihin may alak at may aalagaan na naman akong maligalig na babae. For sure itetext ni Tamika si Summer para sure na pupunta kasi kapag ako lang nag-relay pihado walang makakarating. I met Tamika when I went out to buy groceries. Hirap na hirap siya iurong ang sofa niya papasok sa loob kaya nagmagandang loob ako tinulungan siya.
That's the start and every night, Tamika always knocked on my door and gave me something to eat. Mostly home cooked meals na siyang kinakain namin ni Summer. Nakakatipid ako nang konti kasi nga may mabait akong kapitbahay na nagbibigay lagi ng ulam. Itong si Summer lang ang feeling close at kinuha ang number ni Tamika para tanungin ang ulam lagi. Parang 'di anak ng sikat na businessman sa New York City.
At parang pareho lang kaming dalawa ni Summer.
I chose this path at nakikisama lang si Summer para mapansin siya ng mga magulang niya. She's claiming that no one cares about her at home. Bagay na ayokong paniwalaan kasi sa ingay palang niya, pansin na pansin talaga kahit malayo pa lang. Naiiling ako na nagpatuloy sa paglakad papunta sa open carpark kung nasaan ang sasakyan ko. I have to get to work now before I run late again.
Dalawang beses kasi ako na-late sa shift ko pero hindi naman ako sinita ni Summer. Proud na proud pa nga dahil hindi napaninindigan ang pagiging maaga pumasok. May pustahan kasi kami at babayaran ko siya sa tuwing male-late ako. Business minded na abusado minsan si Summer. But I cannot cut her off. She's the only reliable friend I have in my life and I'm keeping her no matter what happen. I'm willing to be a ride or die friend for her.
THE DAY WENT on and I didn't notice the time already. Malapit na pala akong mag-out at kanina pa nangungulit si Summer na umuwi na kami para maka-inom na siya sa bahay ni Tamika. Sinabihan ko siya na mauna na pero nagmamatigas at hihintayin daw ako kahit may balak pa ako na tapusin ang aking shift. Marami pa kaming dapat gawin pero heto at ako lamang ang nakilos sa aming dalawa ngayon. I cannot blame Summer, she's my boss and even if we're friends, I'm still working under her supervision.
"Did you call Ritter?" tanong ni Summer sa akin.
"No, why would I?" Balik-tanong ko naman.
"Invited siya ni Tamika kaya dapat tawagan mo din siya, duh?"
"Eh? Ayoko nga. Ikaw na lang tumawag at p'wede ba, mauna ka na umuwi. May dadaanan pa ako sa convenience store. House warming iyon, nakakahiya kung wala tayong regalo."
"Sagot ko naman ang entertainment nila, okay na 'yon!"
"Ewan ko sa' yo!"
Pilit ko siyang pinauna na at matapos ang ilang pagdidiskusyon, umuna na rin siya sa wakas. Tahimik na ang shift ko ngayon at matatapos ko na itong mga gawain na walang asungot. Ginawa ko na lahat kasama ang closing inventory pag-alis ni Summer na siya dapat ang nagawa. Bukas may aasahan kaming delivery ng mga kape kaya kailangan mabilang ko itong tira. Monthly ang submission ng report at tinutulungan ko si Summer na mahilig mag-cramming kaya lagi napapagalitan ni Tito Max.
I guess I am born to be Summer's life savior. Something that's quite unbelievable yet I'm embracing it. Sila iyong mga taong alam ko na hindi ako iiwan incase na maipit ulit ako sa sitwasyon na ayokong idamay ang mga magulang ko.
I will never get them involved again. Not again this time. I have to redeem myself fully. I have to.
AFTER ng shift ko, bumiyahe na ako papunta sa pinaka-malapit na convenience store sa apartment. Desidido talaga ako na bumili nh regalo kahit sinabi pa ni Summer na huwag na lang at sagot naman na daw niya ang entertainment. Alam ko na kuwela siya pero ayoko na isama niya ako sa mga skit na gagawin kaya bibili na lang ako ng regalo. I cannot do that especially when Ritter's around. Kilala ko si Summer, masunurin iyon kaya nasisiguro ko na na-text niya na si Ritter agad-agad.
Pagkapark ko, agad ako bumaba at pumasok sa loob ng convenience store. Sinuyod ko iyong aisle ng mga wine saka champagne at doon namili. Tamika is a Latina that's why she and Summer get along well. May one-fourth sa dugo ni Summer ang pagiging Latina habang ako'y halo-halo rin.
Huminto ako sa paglakad at aktong kukuhain na iyong wine ngunit naagaw ng pamilyar na babae ang aking atensyon.
Cady? What is she doing here?
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na may kinuha siya na sinilid diretso sa bag. Seryoso ba ang babaeng ito? Cady has everything in her life yet she steal. Hindi kinaya ng konsensya ko at agad ko siya nilapitan para sitahin.
"Hey, stealing is a crime punishable by law. You can be detained if you get caught," sabi ko kay Cady. Bumakas ang gulat sa kanyang mukha nang makilala ako. Hindi kami close pero ayoko naman na danasin niya iyong dinanas ko noon. "Give it back, Cady," utos ko pa.
"What are you saying? I don't take advice from someone who came out of jail. You're not qualified to be a saint, Lauren."
"I'm not running to be a saint, Cady. What I'm trying to say is stealing is a crime. I've learned a lot, so do not be too sassy with me, Cady."
"Okay, fine! Here, I gave it back. Happy now?"
Hindi ako kumibo at bahagya ako lumayo sa kanya matapos niya ibalik iyong kinuha na chocolate bars. Pwede naman niya bilhin bakit nanakawin pa? Lihim ko kiniling ang aking ulo saka dahan-dahan ako na bumalik sa puwesto ng mga wine. Pinagkumpara ko iyong mga wine at nang makapili ako ay agad ko dinala iyon sa cashier para bayaran.
Nakita ko pa si Cady at nang makasalubong kami ay binangga niya ako na parang sinadya pa. Inignora ko na lang siya at tuloy-tuloy ako tumungo sa cashier. Ginamit ko iyong isang card ko na para sa luho bilang pambayad. Out of budget itong regalo kaya iyon ang ginamit ko. Ngumiti ako matapos iabot sa akin ang wine pati na card na agad ko naman sinilid sa aking bag.
Niyakap ko iyong wine para ma-protektahan na hindi malaglag at aktong lalabas na ngunit 'di pa 'man ako nakaka-alpas ay tumunog na ang alarm.
What's happening?
Luminga ako at may dalawang staff na lumapit sa akin. Ang isa ay hawak si Cady na pilit nagpupumiglas.
"Our CCTV operator caught you both stealing from this store," sambit ng lalaking nakasuot ng checkered na damit.
"What?" I cannot believed this. Pinigilan ko nga si Cady tapos ako pa ang magnanakaw? "Are you sure it's me who steal something from this store?"
"Hand us your bag, and we will check it," anang kausap ko.
"W-wait! I didn't steal anything. I bought this wine using my money."
"Hand us your bag so we can check. We already caught your apprentice, and she admits you made her do it."
"Did she what? Cady, what you told them is a lie!" Baling ko kay Cady. Why this girl is framing me for a crime I didn't do? Nakakagalit naman talaga itong babae na ito na dapat ay hindi ko na nilapitan saka pinigilan. Nadamay pa tuloy ako sa mga kalokohan niya!
"You knew her? Then, she's really your apprentice and we have evidence here." Pinakita sa akin ng lalaki iyong mamahalin na chocolates na nakuha sa aking bag. "We'll call the police now to handle your case."
"Wait! I didn't how it get there. I swear and you can check it to the camera," giit ko pa saka tumingin kay Cady na nahuli kong nakangiti.
Damn, kung alam ko lang na aabot sa ganito ang paninita ko, hindi ko nasa ginawa!
I beg them many times to review their CCTV for me but no one listen until the police came in and they turn over us. Ang hirap sa mga tao, ang dali nila mag-judge ng basta-basta. They easily believed Cady who pinned me for a crime she'd done. Dahil nalaman ng mga pulis na may criminal record ako, mas nadikdik ako at na-detained kasama ni Cady. Light lang kaso niya kasi umamin siya habang ako nama'y nagmamatigas pa.
"You must call someone from your family to bail you out here. Your apprentice already called her brother, and he'll be here in a minute." Mahabang sabi sa akin ng pulis na nagdala sa amin sa 99th Street, Brooklyn.
Sino naman ang tatawagan ko?
Malabo akong sagutin ni Summer dahil baka lasing na iyon. Ayokong idamay sa gusot na ito ang mga magulang ko saka malinaw na wala akong kasalanan. Na-judge lang nila ako dahil sa background na meron ako. Ni-hindi nga nila mapakita sa akin iyong CCTV footage dahil handa akong ipagtanggol ang sarili ko. I have no choice but to call someone I can easily ask to come here.
"Can I use my phone to call?" Nagtinginan iyong mga pulis sa harapan ko bago pumayag at sila pa ang kumuha ng cell phone ko at pumindot ng numero para sa akin. I waited until someone pick up my call. "Hello, Tito Max..."
LAHAT SA PRESINTO ay tumiklop dahil napagalitan ng nakatataas sa kanila matapos kausapin ni Tito Max. He's well-known in every corner of Brooklyn and has a lot connections everywhere. Pati iyong store owner ay tumiklop din at napilitan na ipakita iyong footage na luminis sa pangalan ko. Parehong footage na nag diin kay Cady kasi malinaw na malinaw na siya iyong kumuha saka naglagay sa aking bag. Money and connections talks even in a place I least expected that's why being smart is a must.
Hindi nila sukat akalain na kilala ko si Max Lewis na sandaling nagpagising sa kani-kanilang kamalayan dito sa presinto. Mas nauna pa si Tito Max kaysa sa kapatid ni Cady na kararating lamang. Literal akong napanganga nang makilala iyong sinasabi na kapatid ni Cady.
"Ritter?" I said,
"Lauren..." Kitang-kita ko ang matalim na pagtitig niya kay Cady. "This isn't the first time Cadburry Rose. I'm fed up so I'll let you sleep here in jail." Ma-awtoridad na sabi ni Ritter sa kapatid.
"Lauren let's go now. We're done here already," wika ni Tito Max sa akin. Hindi ako nakakibo at pinakinggan lang na sabihin ng mga pulis kay Ritter ang nangyari. Suwerte ako na nasa malapit lang si Tito Max kaya nakarating siya para tulungan ako. Siyempre hindi siya pumayag na idiin ako sa kasong 'di ko ginawa. Sumunod ako kay Tito Max palabas at iniwan iyong magkapatid sa loob. "I'm quite shocked that you called me instead of your Ninang Bea."
"Maghihisterikal po si Ninang at sasabihin niya agad kay Mommy kaya ikaw po ang tinawagan ko."
"Quite true, but you know that I'm chatty too,"
"You can keep a secret naman po from Dad." Mahinang tumawa si Tito Max. "Pasensya na po sa abala talaga, Tito."
"It's fine. Treat that as my payment for letting Summer pester your daily life." I smiled. "But in this situation, calling your Dad is better. The more you cleave from his care, the more he gets frustrated. You're his only child, so accept his protection, Lauren."
Kaso ang gusto kasi ni Dad dumipende ako sa kanya.
"Lauren! Mr. Lewis!" Tawag na parehong nagpalingon sa amin ni Tito Max. Nakita ko si Ritter na malalaki ang hakbang na lumapit sa amin. "I want to apologize for the inconvenience tonight, Mr. Lewis. I hope this won't changed your mind in investing to our company."
"I have to think about that, Mr McDowell. You see, Lauren is very dear to my family and to me. I know her more than anyone else. I treated her as my daughter already, and I know she won't do such thing as stealing." Tumingin sa akin si Tito Max. "This girl won't steal anything, and I trust her with all my heart and mind."
"Tito Max," sambit ko.
"I'll have my secretary call you, Mr. McDowell and you, I will wait you in the car." Iyon lang saka lumakad na si Tito Max palayo matapos marahang tapikin ang aking balikat.
"I didn't know that she's your sister," Simula ko.
"Half-sister. We have different mothers." Hindi ako agad nakakibo. "I'm sorry, Lauren. My sister Cady needs to be disciplined, and I will have her apologize to you personally."
"It's okay, Ritter, and I didn't expect you to say those to your sister for a while. Teaching her to be accountable is the right thing to do."
"That's what my birth mom taught me, being accountable,"
"She's a great mother and did well in raising you."
"Thanks, Lauren. I promise to make it with you," aniya at magsasalita pa sana ngunit tumunog ang cellphone niya at basta na lang ako tinalikuran.
"You don't have to..." Hindi ko alam kung narinig niya pero bahala na nga siya!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro