Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

07

CHAPTER SEVEN | AVOIDING YOU

Lauren

KANINA ko pa sinisilip kung ilan pa iyong nakapila sa counter kung nasaan ako. Binibilang ko lahat nang tahimik ang mga nakapila bago si Ritter. Maraming tao ngayon sa restaurant kaya pati si Summer ay nag-se-serve na ng mga orders. Ako dapat ang gagawa noon kaya lang mas kabisado ko raw sa counter kaya nagpalit kami. May partner naman ako dito - si Dakota - at marami rin nakapila sa lane niya. Malayo pa siya. Magiliw ko kinuha ang order ng mga sumunod na customer at hinanda iyon. Nagkasabay kami ni Dakota sa paghahanda kaya nagkaroon ng pagkakataon na kausapin siya.

"Dakota, can we switch lanes just for the next customer?" Hindi iyon tanong kung 'di utos din. Bago lang siya dito at tine-train ni Summer ngunit napasabak agad sa gyera. Hindi ko alam kung ano meron ngayon at maraming tao dito. Wala naman holiday at sigurado ako dahil karamihan ng mga bumili pati na kumakain ay nagta-trabaho o nag-uusap tungkol sa trabaho.Mas ahead ako sa kanya kaya at ngayon ko lang naman gagawin ito.

Just this one so I won't have a chance to talk to him. Masama pa rin loob ko na hindi 'man niya sinagot ang chats ko tapos ngayon, sige ulit siya sa pangungulit. Gusto ko na nga siya i-block kaso ang childish naman nitong tampo ko. Hindi bagay sa akin lalo't dahil sa aking naranasan ay mas naging matured ako. I told Summer about it and she has no comment. First time ko kasi maranasan kaya siguro ganito ako mag-react ngayon.

"Are we allowed to do that?" tanong sa akin ni Dakota.

"Yes," pagsisinungaling ko. Busy si Summer at hindi niya mapapansin na nakipagpalit ako saglit.

"Okay."

"Yey, thanks!" I gratefully say, then get her customer's order after handing my counter. Pagkapalit namin ng counter, agad ko inasikaso iyong customer niya at hinanda ang order na frappe saka croissants.

Habang ginagawa iyong order, iniisip ko pa rin iyong nangyari kahapon. I wished Ritter didn't let Dashiel win yesterday. Magkaibigan naman talaga kami at wala akong ginawang masama sa kanya. Those dates we had were wholesome. Nakakasama lang ng loob na isang sabi lang na lumayo siya sa akin ay ginawa naman niya. Does Dashiel command him to do that? Hindi ko na kasi inalam ang pinag-usapan nila. What more if he know my past? Baka kapag nalaman niya'y maging kagaya na siya nina Carly at Lily. Those bullies are getting on my nerves.

"Good day, sir. May I take your order now?" Infairness mabilis matuto si Dakota. Siniglahan ko rin ang bati sa customer na nasa lane niya at kinuha na ang order saka bayad. "May I repeat your order, sir? You ordered one café Americano with two espresso shots, one venti cup of choco hazelnut frappe, one honey-glazed doughnut, and one tuna pie. Would that be all, sir?"

"Yes please," narinig ko na sagot ni Ritter sa tanong ni Dakota.

Ano ba, Lauren? May customer ka rin kaya na kailangan asikasuhin.

"Uhm, can you write this on the venti cup?" Napatingin ako ulit sa gawi ni Dakota. Bakit ba curious na curious ako? Eh, 'di sana hindi na ako nakipagpalit kung ganito lang rin pala.

"Lauren, it over flowing now!" sigaw ni Summer na nagpabalik sa akin sa realidad. "Are you okay? Hindi ka 'man lang nasaktan? Gaano kakapal balat mo, ha?"

"I'm fine, Sum," sabi ko at aktong papalitan na iyong baso ng customer ko.

"Hep! Leave it to me and wash your hands at the back. May first aid kit din doon," tinulak ako ni Summer palayo sa counter pagkakuha sa baso na hawak ko.

Ano ba kasing nangyayari sa akin? Alam ko na mainit iyong kape. Ramdam ko pero nakalimutan ko mag-react agad. Huminga ako nang malalim saka binukas iyong faucet at tinapat iyong kamay ko sa tubig. The cold water from the faucet lessen the burn pain a bit. Ang manhid ko na yata at late pati reaksyon ko. Agad ko kinuha sa ibabang drawer ang first aid kit at kinuha iyong burn ointment sa loob. Tinuyo ko ang kamay ko bago nilagyan ng gamot na sobrang hapdi pero may soothing effect din naman malaon. Hindi naman ito ang unang beses na napaso ako. In fact madalas lalo kapag nagmamadali at marami na peklat ang kamay ko.

"Lauren..." tawag na pumukaw sa akin. Paglingon ko ay agad ko nakita si Dakota. "This is yours. The customer a while ago said it's yours."

Sinong customer?

Don't tell me.

Si Ritter?!

Tinanggap ko ang inumin na pinaabot kay Dakota at binasa ang nakasulat doon.

Bonnie,

Stop avoiding me, and please be careful. I'm sorry.

RJ *smiley face*

Inirapan ko iyong inumin na para bang si Ritter ang tingin ko doon. Manigas ka dyan. Hindi mo ako madadaan sa ganito!

Hindi naman ako si Summer na pwedeng i-bribe ng pagkain. No one tried to bribe me even before. Mahirap daw ako suyuin sabi ni Dad na namana ko kay Mommy. Masyadong seryoso pero brat dahil na-spoiled nila.

I'm not the old Lauren now. Hindi ako mananawang ulit-ulitin iyon hanggang sa masanay na ang mga tao sa aking paligid sa pagbabago na pilit ko ginagawa. I need their support but if they dared to stop me, I'd rather cut ties than please them. Hindi ako pinanganak para i-impress ang kahit na sino. Pero minsan nakakalimutan ko lang ang paniniwala ko na wala akong kailangan patunayan sa kahit sino. Ang dami ko na kasi narinig na panghuhusga mula sa kung sino-sino nitong nakaraan. Dumagdag pa iyong ginawa ni Ritter na si Dashiel ang dahilan. Huminga ako nang malalim saka niligpit ko na ang mga ginamit ko at nilinis ang mga kalat. Lumabas ako sa back door dala iyong inumin na bigay ni Ritter.

Infairness, hindi niya nakalimutan ang favorite ko. But what's the reason for all of this? Hindi kasi ito ang unang beses na binigyan niya ako at lagi na siya sa restaurant nakain.

There's a reason why I am avoiding you, Ritter Josef MacDowell.

Gusto ko lang protektahan ang sarili ko sa mga hindi sinsero sa pakikipaglapit nila sa akin. I want to avoid creating another mistake that will make me miserable once again. Tapos na ako doon at kailangan ko na lang gawin ay mag-focus sa mga plano ko sa aking buhay.

"WATCH WHERE YOU GOING!" sigaw ng nabangga ko matapos na lumakad pa-atras at hindi siya mapansin. Agad akong humarap at tinulungan siya na pulutin ang mga paper bag na nagkalat sa lapag. "Ugh, you ruined my bag!" Marahas niya kinuha sa akin ang mga paper bag at sinilip ang mga laman noon. I remember myself before. Katulad niya rin ako na maarte noon pero ngayon ay nag-iba na.

"I'm sorry. I didn't notice -"

"Lauren?" Nag-angat ako agad nang tingin pagkarinig sa sinabi ng nabangga ko. "Oh my God, don't tell me you shopped at the thrift store now?" It was Cady - one of my colleagues. Sabay kami naka-graduate at rival ko siya school mula college hanggang grad school.

"Hi Cady!" Umirap lang siya pero papatalo ba ako. Hindi ako porke't nagbabago ay magpapakasanta na. Hindi ko naman siya ka-close at naiirita ako sa kaartehang taglay niya.

"What happened to your black card?"

"I returned it, and there's nothing wrong with going thrifty. I saved a lot, and these clothes were hardly used."

Totoo naman ang sinabi ko at lalabhan lang iyon ng maayos ay okay na ulit iyong mga damit.

"So the rumours were true after all. That your Dad threw you away, and you're working at a café nearby,"

Saan galing iyong tsismis na iyon? Iyong pagta-trabaho ko lang ang tumama. Kailan pa ako tinapon ni Daddy? Mukhang malabong mangyari iyon dahil simula ng bumalik ako dito sa Brooklyn ay handa na naman ako i-spoiled ni Daddy. Si Mommy kahit paano ay naiintindihan ako pero ang Daddy malabo pa dahil hindi siya sanay na kumikilos ako mag-isa ngayon.

"Fact-checking is necessary, Cady. You cannot just believe the hearsay everywhere. You might get sued in court because of that,"

"I'm stating the facts!"

"I'm sorry to burst your bubble, but Daddy still loves me and never threw me away. If I were you, I'd check all the facts before spreading rumours."

Muli akong inirapan ni Cady saka iniwan na. Ang lakas ng loob niya na aryahan ako eh tumatangkilik naman pala ng fake news. Sabi ko naman kasi sa mga katulad ni Cady, hindi ako nag-aapply maging santo. Lalaban ako kapag nasa katwiran pero kung minsan, lalo kapag below the belt na, mas pinipili ko na tumahimik na lang. Sarado na kasi utak ng mga nambubuska kaya kahit paliwanagan ay wala rin saysay lahat kung sakali. Hindi ko kontrolado isip nila kaya bahala na sila sa kani-kanilang mga buhay at huwag nila akong pakialeman.

Sa plaza ako dumiretso pagka-withdraw ko sa banko at namili ako ng damit pati na mga stocks sa bahay. Malakas kumain iyong infromal settler ko sa apartment at nagdadala pa ng labahin para makigamit ng washing machine. High tech daw masyado iyong meron siya sa penthouse - nangangain ng tanga in short. Mabango din daw mga sabon panlaba ko at fab con kaya nakikilaba siya sa bahay.

It's a typical Wednesday night for me. Marami pa ring tao sa labas at hindi naman ito mawawala. Habang lumalalim ang gabi, lalo dumarami ang mga tao sa kalye. Katatapos lang ng twelve hour shift ko at siningit ko itong pamimili ngayon dahil kung ipagpapaliban ko pa ay masasaid na stocks ko sa bahay.

"Lauren..." tawag na pumukaw sa akin at nagpahinto sa paglakad. Lumingon ako at agad namataan ng mga mata ko si Ritter na nakatayo pasandal sa poste ilang dipa ang layo sa aking apartment. "Can we talk?"

"I'm busy, Ritter. Go away now."

"Why are you avoiding me?"

"You didn't know why?"

Ayoko na mag-explain. He doesn't deserved it. Alam ko na alam niya kung bakit ko siya nilalayuan. Mas pinili lang niya magbulag-bulagan hanggang ngayon. Malinaw na hindi niya kayang manindigan para sa isang kaibigan sa harap ng malapit na tao sa akin.

Si Dashiel palang iyon. Paano kung si Dad na? Why am I even thinking that we will reached that level? Dito palang nga ay palpak na kaya anong sense ng pag-iisip ng gano'n? Hindi na ako kumibo at tumalikod na lang.

"If this is about my talk with your brother, let me explain first."

Hinarap ko siyang muli. "He's not my brother. We're not blood-related, but he's important to me." Akto akong tatalikod ulit pero humarap ako sa kanya. "Can you at least be true to your words? If you like me, show it instead of sending mixed signals."

"I know, but please hear me out first, Lauren."

Pagbibigyan ko ba siya? Ano naman mapapala ako? Sigurado akong nonsense lang lahat kaya muli akong tumalikod at tuluyan na pumasok sa loob ng apartment ko. Ayoko na talaga alamin iyong pinag-usapan nila ni Dashiel. Gusto ko na lang kalimutan na nakilala ko siya. That's why it's better to avoid him continuously.

Nasira ang momentum ko nang biglang bumukas ang pintuan at humampas ang dahon noon sa aking likod. "Bakit ka pasok ng pasok agad?!" sigaw ko.

"Sorry. Hindi ko naman alam na nag-e-emote ka dyan. Binigyan mo ako ng susi kaya malamang hindi na ako nag-hesitate na pumasok. I live here, you know?" Summer answered in her most apologetic voice. Hinaplos ko ang parte ng ulo ko na tinamaan ng pintuan saka inunat iyong likod na mas nakasalo ng tama.

"Did I give you a key?"

"Hehe, hindi pala. Kinuha ko iyong nasa ilalim ng basahan sa labas." Akma ko siyang hahampasin at agad naman niya sasalagin sana kaso hindi ko na tinuloy. Hindi na lang tuloy kamay ko ang nanakit kung pati na likod. Panira talaga ng moment itong si Summer. "Napulot ko pala sa labas. Buksan mo na dali!"

"Masyadong atat! Isara mo muna iyong pinto."

Ang sakit talaga mahampas sa likod ng pintuan.

"Ibili kita pain reliever, you want?"

"Huwag na. Meron pa ako sa medicine cabinet."

Inusisa na lang ni Summer iyong paper bag na napulot niya raw sa labas.

"Alam ko na kung kanino galing ito." Alam ko na rin naman dahil halatang-halatang na. "Mga kapatid niya ito eh. Hershey, Cadburry, Mars, Kit Kat... uy may note!"

"Akin na iyan. Respect my privacy." Inabot ko sa kanya iyong mga pinamili ko at inutusan na iayos iyon. May dala din siyang grocery kaya magiging busy siya sa pag-aayos ng mga iyon. Dahan-dahan ako naupo sa sofa bed ko pagkahubad ng jacket at binasa na iyong note na galing kay Ritter.

Dear Lauren,

I'm sorry for what happened before. Please believe I'm not avoiding you because I talked with your brother. I stopped communicating with you because I got overwhelmed by my feelings. I felt uncertain, and it ate me whole. Suddenly I wasn't sure if I was going to pursue you or not. I don't want to hurt you; I chose what's best for us. I'm sorry, Lauren. I'm sorry.

Agad ko nilakumos iyong sulat at basta na lang tinapon kung saan.

He is an asshole.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro