CHAPTER FOUR | FLIRT BACK
Lauren
MY FOREHEAD slightly creased when I read a text message from an unknown number. Sunod-sunod iyon pumasok at pulos pare-pareho lang naman ang laman. It's from an unknown number. I believed these spam messages came from the survey forms I filled out several times before. Inignora ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Papunta na ako ngayon sa Trinity Church Cemetery and Mausoleum bitbit ang isang miniature violets bouquet para kay Abby. Violets were Abby's favorite and I make sure not to forget to bring a bouquet today. Ito ang unang beses na dadalawin ko siya makalipas ang halos dalawang taon. Today marks as her second year death anniversary. Kaya kahit naglalakad palang ako ay hindi ko na maiwasang maging emosyonal.
Miss na miss ko na ang kaibigan ko at kung pwede ko lang araw-arawin ang pagdalaw ay ginawa ko. But I know Abby, she doesn't want to hassle everyone even now. Mas gusto niya na magpatuloy kami sa buhay at laging piliing maging masaya araw-araw.
Huminga ako nang malalim. I hope you're happy wherever you are right now, Abby.
Malakas na umihip ang hangin at isinayaw noon ang takas na mga hibla ng aking buhok. Huminto ako sa paglakad at pinagmasdan ko ang mga puno sa palagid. The air danced all of the branches as if someone is happy to see me. I smiled as I collect my hair and tucked at back of my ears.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa loob ng Mausoleum matapos ko mag tirik ng kandila sa labas. I immediately walk towards the glass niche where Abby's urn is placed. I smiled when I saw my best friend's smiling face picture inside beside our picture together. It was taken in middle school fieldtrip in Baguio. Background namin iyong pine trees at pareho kami ng suot na jacket dalawa.
"Hi, Abby!" Masigla kong bati sa kaibigan ko at dinikit ko na sa gilid iyong miniature bouquet na aking binili kanina. "I'm sorry if I'm late. I went through a lot since you die. I'm happy to say that I'm getting there. You taught me how to be brave so I faced all the consequences of the deed I'd done before." Huminga ako nang mamalim saka kinuha iyong malinis na basahan. I wiped Abby's glass niche using the clean cloth. Sa kabilang side ng urn ni Abby nakatayo iyong name tablet niya katabi ng family picture nila. "I'm working in a café and restaurant near Brooklyn Heights. Lagi mo sinasabi na gusto mo ang view ng Brooklyn Bridge at kapag tumitingin ako roon ikaw ang naalala ko. The owner is a dear friend of my father. Do you remember Summer? She's the only friend I have right now. I still have Dashiel as a friend, and he continues to communicate with me. Gano'n din iyong asawa niya - si Dreya. She has your eyes, and it's well taken care of. They have three beautiful kids now."
Naipon iyong mga kwento ko para kay Abby. Since then, Abby was a good listener. Lagi akong excited kapag uuwi sa Pilipinas dahil bukod sa kikitain ko Dashiel, pupuntahan ko rin si Abby. My late friend and me will talk nonstop until morning. Kahit video chat gano'n kaming dalawa ni Abby pati na ni Dashiel.
But things changes as the season did. May mga priority na si Dashiel at hindi na ako kasama doon. I have no hard feelings now unlike before because I grew maturely in jail. Masyado kasi ako natakot na maiwang mag-isa kaya noong malaman ko na may gustong iba si Dashiel, napuno ng galit ang puso ko at nagawa ko manakit. I learned my lesson now and I can proudly say that my attitude is continuously improving.
But I am a work in progress.
"I'm still attending an anger management counselling group in Downtown Manhattan, Abby. I do it as part of my plan to be a better version of myself. Ayoko na bigyan ng sakit ng ulo si Mommy at Daddy. I did yoga and tried attending parties with Summer, but it bore me now."
Pinaglapat ko ang mga labi saka matipid na ngumiti. Marami pa ako na-kwento kay Abby at pakiramdam ko na pinakikinggan niya ang mga iyon kung nasaan 'man siya naroon. I stayed in the mausoleum for another hour then decided to live when I noticed the cloud's darkening nearby. Kailangan ko mabalik bago pa bumuhos ang ulan. Mas ma-traffic kapag naabutan ako ng ulan sa daan. Habang naglalakad hinahanap ko sa bag ko ang payong na alam ko naman na dala ko. Isang dahilan kaya hindi ako nakatingin sa aking dinaraanan at bumangga sa matikas na bulto na agad dumaing.
"I'm sorry," sabi ko habang nakayuko.
"Why are you always saying sorry whenever we meet, Bonnie?" Doon ako agad na nag-angat ng tingin at sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Ritter. "Are you visiting someone here too?" tanong niya sa akin.
"A friend. I'd visited a friend's niche." Nakita ko natumango-tango si Ritter. Aktong lalakad na ako ulit dahil gaya nga ng sabi ko, mahirap maabutan ng ulan sa daan. Kahit na day off ko ngayon, iniiwasan ko pa rin maipit sa hassle dahil isang araw lang pahinga ko.
"Are you free today?" tanong ni Ritter ulit sa akin na siyang dahilan nang paglingon ko uli.
"Maybe, I am, but save your invitation for others, Ritter."
"That's nice! You remember my name, Bonnie. Maybe I can now know your name, hm?" Umiling ako saka muling nag patuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa parking area kung nasaan ang aking sasakyan. Sumakay ako at matapos painitin ang sasakyan minaneobra ko na iyon pabalik Brooklyn. I was busy driving when my phone vibrated. I saw Summer's chat message which I opened using my free hand.
From: Noisy Summer
Take a day off din bukas
but can you drop by
sa resto ngayon? I have
some peace offering
para sa 'yo. Love you!
"Another day off? What's with this woman?" I continuously drive until I reached Elixir Café and Restaurant. And whe I reached my destination, I parked my black Innova outside and then go inside the establishment. Luminga ako sa paligid at partikular na hinanap si Summer na siyang kailangan ko upang i-klaro ang text niya sa akin kani-kanina lamang.
"Lauren, come up here!" Kumunot ang noo ko nang makita si Summer na nasa second floor ng restaurant. Kaunti lang ang tao ngayon dahil tuluyan na bumuhos ang ulan sa labas. Buti na lang nasa malapit na ako nang lumakas iyon. Hindi na nga ako nag-abala na mag payong at nanakbo na lang ako papasok dito. Pinagpagpag ko manggas ng suot na jacket habang naglalakad palapit sa pwesto ni Summer.
"Why did you ask me here, Summer?" tanong ko agad saka hinayon ang tingin sa kinakapatid ko. Literal akong napanganga nang makita iyong kasama niya. It was Ritter and didn't we just saw each other at the cemetery? Saan kaya siya dumaan at mas nauna pa sa akin makabalik dito sa Brooklyn? Ang dami niya siguro alam na shortcut kaya mabilis lang nakarating. Pero wala na doon ang atensyon ko. Agad ko hinila si Summer hanggang sa makalayo kami sa pwesto ni Ritter.
"Bakit ka ba nanghihila?" tanong ni Summer sa akin saka pinalis niya ang aking kamay.
"Bakit siya narito?" Balik tanong ko naman imbis na sagutin ang tanong niya sa akin.
"Ritter approached me in the gym yesterday and he asked for you. He referred you as my sister nga eh. Papasa pala tayo magkapatid kahit magkaiba ang kulay ng mga mata natin saka iyong buhok. Mine is reddish and yours is black..." Humalukipkip ako sa harapan ni Summer at mataray siyang tiningnan. "He seemed interested to you kaya pinapunta ko siya rito. He came from Manhattan as per him. Nagkita ba kayo doon?" Tumango ako at lalong lumawak ang ngiti sa labi ni Summer. "Peace offering ko siya para hindi ka na magalit sa akin. Ang sabi, mag-alay ng gwapo sa nangangalit na bulkan."
"Volcanoes? What do you mean?"
"Oh, hindi ka pwede mag outrage babagsak ka sa counseling exam mo,"
"You kept on testing my patience, Summer."
"Peace na tayo, hm? Mabait naman si Ritter saka mayaman saka gwapo, matangkad, matangos ilong... and he's not my type."
"Oh?"
"Oo nga!" sigaw niya. "I'm not into guy like him. Gusto ko bad boy, rawr!"
Hinila ko ang buhok niya saka pinuntahan na si Ritter. Minsan gusto ko talaga itanggi na kilala ko si Summer. Napakakalat niya at nakakarindi pa. When I saw Ritter doing a hand sign, I immediately glanced at Summer. Nag-finger heart sign pa siya bago tuluyang bumaba.
"I'm sorry about Summer." Simula kong sabi. I chose not to sitdown because I have no plan of making this a long chat. Napatingin ako sa laptop at tablet na nasa kanyang harapan. "You seem busy..."
"Ah...no! I'm just checking my stocks in the market. So you see, I'm not busy at all. I dedicated this day to finding you."
"Finding me? Why? I don't remember stealing something from you,"
"Yes, you do." Did I? Wala akong maalala. Was this another baseless accusation? Lagi ako na-i-involve sa mga gano'n lalo kapag alam na may criminal record ako. Kahit news blackout ang tungkol sa pag-aresto sa akin, marami pa rin naka-alam since maliit lang naman ang mundo. Lalo na sa mga katulad naming nabibilang mapanghusgang society.
"My heart. You steal my heart, Bonnie."
Hindi ko alam kung sisimangot ako o tatawa. I'm torn but I know in my mind that it wasn't a cheesy pick up lines. Walang epekto sa akin ang mga gano'n kahit noong spoiled brat pa ako. I had boyfriends but none of those guys uttered a pick up lines like what Ritter did. I find him interesting but it doesn't mean I like him suddenly. Hindi na ako gano'ng klase ng babae na kapag nilandi at lalandi rin pabalik. Pero infairness dito kay Ritter, hindi lang pala pangalan niya ang interesting kung 'di pati siya. From the way he introduce himself, smile and that image of him with a cigarette in between his lips, it stuck in my head.
Silly me.
"Nice try, but my name is Lauren, not Bonnie."
"Yeah, but you'll be forever Bonnie to your crazy Clyde." Tumingin ako sa baba at nakita ko ang pag sayaw ni Summer habang nag-se-serve ng order sa mga customer. "You're working for Summer and unrelated, right?"
"You can say that, but our parents are best friends aside from business partners." Humalukipkip ako. "Are you going to sell insurance to me? Why are you so interested in me?"
"I find you interesting, Lauren," he said. "Is it just Lauren?"
"Just Lauren." I firmly said. Wala akong balak na sabihing anak ako ni Christian Ricaforte dahil baka kung ano pa mangyari sa amin. Ritter is still a stranger to me even if we already seen each other for quite sometime.
"Aren't you going to sit?" Umiling ako. "Why it is hard to flirt with you? Can't you flirt back, Lauren?" Sumimangot ako pagkarinig sa sinabi niya.
"You're interesting, but I'm not going to fall with your charms." Mabilis ko na sagot. "Do you have anything to say to me? If there's none, I'll go ahead now." Akma akong tatalikod pero pinigil ako ni Ritter.
"At least reply to my chat in iMessage." Kumunot ang noo ko. Nag chat ba siya sa akin? Parang wala naman akong maalala na natanggap na mensahe bukod sa spam messages kanina. A message notification halted my thoughts from thinking. Agad ko dinukot sa bulsa ng suot na jacket ang cellphone saka sinilip kung kanino galing iyong message. "It's my number. Save it, Lauren, and I'll see you around." Ritter said and winked at me.
I swallowed the lump in my throat.
What was that for?
"CHOCOLATE MILKSHAKE FOR YOU and a creamy latte for me," Summer said, then took the seat beside me. Kasalukuyan kaming nasa apartment ko ngayon kung saan siya laging nakikigulo. "How's your conversation with Ritter, the chocolate factory owner? Did you like my peace offering?" Kunot-noo akong tumingin kay Summer. Nanunukso pa ang boses niya gaya sa mga napapanood ko na pelikula. Iyong bida na seryoso laging may ka-tandem na loka-lokang kaibigan, ganyan kami kung ilarawan ng mga nakakilala sa aming dalawa. I'm always the serious one, while Summer is the childish lady with red hair. Pero hindi ko inasahan iyong peace offering niya kanina na kasing kulit niya rin. Kanina pa iyon text ng text sa akin sa iMessage pero hindi naman sinasagot.
For others, Summer is a breath of a fresh air in my life. No one expected that our friendship will bloom as close as what we have right now. Sa sobrang kulit ni Summer, ewan ko na lang talaga kung hindi pa ako ma-aliw. May pangalan talaga siya miski na kanino. Gaya noong tsismosa nilang kapitbahay sa Connecticut na pinangalanan niyang Marites tapos yung asawa ay Tolits. Iyong delivery guy namin sa restaurant na pinangalanan niyang Horsey kasi naninipa ang lakas ng amoy. Tapos ngayon pati si Ritter may pangalan din sa kanya. Although rhyming naman kasi chocolate name talaga iyong pangalan na Ritter.
"Anong hiningi mong bribe sa kanya kapalit ng number ko?" Sa halip na tanong ko imbis na sumagot.
"Wala kaya!" Umarko ang isang kilay ko matapos marinig ang sinabi niya. "Supply ng chocolates lang naman hiningi ko sa kanya."
"Does he own a chocolate factory?"
"Yes, and you have his chocolate in the fridge, duh?"
"What brand?"
"Chocolatia." Marami ngang gano'n sa fridge ko dahil nagustuhan ko ang lasa. "Don't worry, I'll bring some here or simply ask Ritter to deliver stocks here too,"
"Don't do that!"
"Why? Mukhang type ka ni Ritter. Hay, pag-ibig. Partner talaga ng pagbabagong buhay iyong bagong pag-ibig, no?"
"New love, my ass." Love is the least of my priorities right now. Gusto mo mag-focus sa self improvement at kung ano-ano pa na makakatulong din naman sa akin sa ibang paraan. Marami akong plano at pati ako na-o-overwhelm na sa mga iyon kung minsan.
"Huy, big fish si Ritter saka business minded kaya magkakasundo sila ni Tito Chris. He's a sweet boy so I think Tita Thali will like him also."
"Don't push it, Summer. You said he's a big fish. Do you think his family will accept someone with a criminal record like me?"
"You're still the only daughter of Forbes Magazine's most successful business magnate and hotelier Christian Ricaforte." My life status hide away the criminal records that I have. But what if someone dig into my past? I know Dad will never let that happened. Bago pa ako makahingi ng tulong minsan sa kanya ay nagawan na niya ng paraan. Bagay na gusto ko na itigil. I want to live without him guarding all my moves.
Sinabihan ko na siya noon pagkauwi ko rito sa Brooklyn. It wasn't an easy talk because even if I turned the world upside down, they're still my parents. May pakialam sila sa bawat nangyayari sa akin o sa mga ginagawa ko. Binalik ko iyong black credit card na binigay niya sa akin. I sold my Montero and bought an old Innova to use as my service to work. Instead of living at his property, I chose this apartment downtown. Simpleng pamumuhay lang meron ako ngayon at iyong mga bag ko pati na mga branded na damit ay binenta ko na rin. Masaya na akong namimili ng damit sa thrift store at kumakain sa convenience store. Ibang-iba na talaga ako sa Lauren na kilala ng mga magulang ko at ng lahat.
"Did you bought this from the bakery nearby?" tanong ko bilang pag-iiba sa usapan.
"Yes, but hey, you're changing topics abruptly!" Kumuha ako ng isang pirasong donut at agad na kinagatan iyon. I chose not to answer Summer's rant. "Aren't you tired of pausing your life to be a better version of yourself? You already turned your back on everything, from Tito and Tita."
"I didn't turned my back on them. Anak pa rin nila ako pero ito ang gusto ko mangyari. I want simple life now, Summer. I got sick of the grandiose life I live before."
"Are you happy?"
"Yes."
"So, when will you hit the play button of life again?" Ang hirap naman sagutin ng tanong nitong si Summer. Kapag seryoso siya kausap, ganito lagi, ang hirap niya paliwanagan. Pakiramdam niya sinasara ko sa lahat ang pintuan kahit hindi naman talaga. She's still young and I know when she aged like me, Summer will do the same thing like what I'm doing.
"Kapag hindi na judgemental ang mga tao sa paligid natin?"
"Kailan mangyayari iyon? Kapag puti na ang uwak?" Summer groaned. "What about Ritter? He's a nice guy kaya!"
I shrugged. Wala rin akong ideya kung kailan mangyayari iyon. Basta ang mahalaga, masaya ako. And for Ritter, i don't know, bahala na!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro